"Tatiana Ysabelleee! We are going to be late"
Nagising ako sa malakas na sigaw ni Angela. My bestfriend. Simula elementary, hindi na kami mapaghiwalay niyan. Hindi kami nag-umpisa sa pagkakaibigan. Dahil magka-away kami dati. Hindi ko nga rin alam kung paano ko napagtyagaan ugali niyan.
I ignored her and when I am about to close my eyes again, sinabunutan niya na 'ko. Argh. This is her way para lang magising ako. Effective naman. Masakit, e. Ganito siya. Araw-araw.
"Angela, ano ba? Let me sleep! Pagod ako! Parang ano naman, e!"
"Wow naman talaga. Anong pagod? Pagod saan? Kakainom? Ha? Kakainom?"
She's acting as if she is my Mom. Ganiyan siya every time. Mapapakilos ka talaga sa ingay ng bibig niya. Irita akong bumangon at agad akong napahawak sa ulo ko nang bigla itong kumirot.
"Freakin' hangover. Sige na. Mauna ka na pumasok! Susunod ako."
"Ayusin mo Tatiana Ysabelle, ha. Ayus-ayusin mo," sinabi niya 'yon habang dinuduro-duro pa ako. Hindi ko maintindihan kung bakit may pagtaray pa siyang nalalaman. Ito na nga kikilos na nga. Aabsent nga dapat ako kung hindi lang siya nangulit, e.
Pag-alis niya umiglip muna ako ng 5 minutes at saka nag-ayos papuntang school.
Pagdating ko sa school, pinagtitinginan na naman ako ng mga estudyante. Ano na naman kayang eksena nila? Main topic na naman kaya ako? Sanay na ako sa ganiyan. Ganiyan din schoolmates ko sa dati kong school. Mga chismosa.
"Look at her, oh. So trashy talaga. 'Yan ba yung transfer?"
"Oo, girl. Balita ko hooker 'yan. Kaya pala usapan ng mga boys kanina," taas baba pa ang tingin niya sa 'kin habang sinasabi ang chika niyang wala namang kwenta tulad niya.
Ako? Trashy? Paano naman kaya niya nasabi 'yun? Hindi niya nga alam ang pangalan ko pero ang dami niyang sinabi. Trashy, trashy, sus. Hampas ko bag kong Gucci sainyo, e. Tsaka anong hooker sinasabi nila? Nasilip na ba nila kaloob-looban ko? Babastos ng bibig, nakakairita.
Hindi ko na lamang sila pinansin at nagdiretso na lang ako sa paglalakad. Ang mga ganiyang low-class, hindi dapat pinapantayan.
Swerte ko at wala pa ang teacher namin. Umupo na agad ako sa pwesto ko katabi si Angela at nagpahinga. Agad ko ring inayos ang gamit ko at yumuko na sa desk ko upang matulog.
"Wow. Buti pumasok ka pa?" ang ingay ingay-ingay niya talaga. Bakit ko ba siya natagalan?
Dinedma ko nalang siya at natulog muna. For sure naman late ang mga teachers dahil bago pa lang ang klase.
"Ms. Vergara?"
"Ms. Vergara?"
"Uy, Tati! Tawag ka ni Ma'am!"
Nagising ako sa malakas na hampas ng katabi ko sa 'kin. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang aming Science teacher na masama ang tingin sa 'kin habang nakataas pa ang kilay. Patay. Award na naman.
"Ms. Vergara, ano ba ang ginagawa mo gabi-gabi at mukhang pagod na pagod ka lagi? Lagi ka na lang tulog sa lahat ng subjects! Aba, mahiya ka naman!"
Nagtawanan ang ibang kaklase ko sa sinabi ng teacher namin na 'to. Panong 'di ako matutulog sa klase niya, e, ang boring-boring niya magturo? Palit kaya kami ng sitwasyon?
"Honor student ka pa naman sa dati mong school tapos gaganiyan-ganiyan ka. Tsk. Nakakahiya sayo, Ms. Vergara," mapagmataas na sambit niya.
"Tsh."
Without having any second thoughts, lumabas ako ng classroom namin at dumiretso sa rooftop. Aga-aga nasisira araw ko. Grabe talaga 'yung negativity na dala ng mga Science teacher.
Umupo ako sa railings at pinagmasdan ang magandang kalangitan dahil maaga pa lamang. Sariwa at preskong hangin pa ang sumasalubong sa 'kin at patuloy na tumatama sa balat ko. Nakaka-relax.
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang biglang bumukas nang malakas ang pinto at niluwa ang isang bungangera.
"Tatiana! Baliw ka talaga. Yari ka! Galit na galit sayo si Ms. Corazon! Siraulo ka," panunumbong niya.
Ofcourse it is Angela. Sino pa ba? Itong kaibigan ko na 'to, sobrang talino nito. Pero syempre siraulo rin. Minsan oo. Minsan hindi. Depende sa kasama. Pero syempre matik na mas mabait kaysa sa 'kin.
"E, bakit ba? Masama ba na matulog sa klase? Diba sabi naman nila pangalawang bahay ang paaralan? Oh. Anong masama? E, sa inaantok ako, e. Ikaw ba hindi inaantok sa klase niya?" singhal ko kay Angela bago niya ako binatukan. Tangina, masakit.
"Bobo ka ba? Alam mong mainit mga mata ng teachers sayo, e. Siraulo ka kasi. Kay bago-bago pa lang natin dito nagkakalat ka na agad, tsk," stress na aniya.
"Pakihanap paki ko. Tsh. Tara, cutting na lang? First week of school palang naman, e. Masyado kang seryoso diyan. Wala pa naman gaanong gagawin for sure."
Bumaba ako mula sa railings na inuupuan ko at pinagpag ang palda ko.
"Baliw ka ba talaga? Tanga ka ata, e. History next class, girl! May assignment tayo 'don! Baka nakakalimutan mong kaya tayo pinayagan ng mga magulang natin na bumukod ay dahil nangako tayong magtitino na tayo? Tatak mo 'yan sa kukote mo kung ayaw mong mapauwi tayo ng de-oras."
Magkasama kami ni Angela sa iisang bahay. Bumukod kami. Ang sabi namin sa mga magulang namin, magtitino at magpapakabait na kami. Sukang-suka rin naman mga magulang namin sa 'min kaya pumayag din sila agad. Bawas pabigat nga daw. Charot. Gusto lang talaga namin bumukod. Okay kami sa mga magulang namin. Gusto lang namin maranasan ang mapag-isa at mamuhay mag-isa.
"Bobo ka rin. Kanina ka pa, ah. Kung ayaw mo sumama, e 'di 'wag! Mabulok ka sa history class ni Sir Jason the great. Ewan ko sa 'yo. Puro ka aral, tsk."
Umalis na ako sa rooftop at iniwan mag-isa si Angela. Ayaw niya naman sumama, e. Oh, e 'di fine. Ayos lang, kaya ko.
Nakayuko akong dumaan sa bawat classroom para walang makakita sa 'kin at sa pagtakas na ginagawa ko. Mahirap ma-guidance dito, sis. Auto sumbong daw sa mga magulang 'pag nagkataon. Ayoko naman mangyari 'yun dahil auto uwi ako sa Cavite kapag napuno na naman si Mama.
Nagpunta ako sa likod ng building namin at umupo. Nilabas ko ang earphones ko at nakinig ng mga music. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko habang dinadama ang hangin na tumatama sa balat ko. Hanggang sa hindi ko namamalayan, nakatulog ako.
"Ehem, ehem, ehem."
"Miss?"
Naramdaman ko na may tumatapik sa akin kaya naman agad akong nagising. Sino na naman ba 'to?
"Why are you here during class hours? Diba may klase ka? Are you cutting classes?"
I saw a guy standing in front of me with his head held high. He's wearing his uniform so neat. Well ironed, I must say. His brown messy hair. His perfect nose. His long eyelashes that I can saw from beneath here. Those hazel eyes, his jawline, and those veins in his arms. Damn. This guy is a freakin' hottie. Should I get his name?
"Miss? I am asking you. What are you doing here behind the school building during class hours? Masama ba ang pakiramdam mo? Do you need med---"
I can't even utter a single word. Why the hell? Natulala na ako at hindi alam ang gagawin. Kailan ba ang huling beses na nakakita ako ng gwapong lalaki?
"U-uhm, I'm just taking a breather h-here. Nahihilo kasi ako." why am I stuttering? Weird.
"Oh, so you're taking a breather 'cause you're dizzy? Then why don't you go to our infirmary? Why here? Taking a breather but you're asleep?"
"Why are you asking too many questions ba? Who are you ba?"
Hindi siya sumagot at hinatak niya na lamang ako. For Pete's sake ang lakas niya dahil natatangay niya ako papunta kung saan.
"Ano ba! Saan mo ba 'ko dadalhin?"
"Can you please stop shouting? Hindi kita nais kaya 'wag kang magalala, Miss." ang kapal ng mukha amp. Hambog. Binabawi ko na pala 'yung description ko sa kaniya kanina.
Nakita ko ang sarili ko sa tapat ng guidance office na para bang kanina pa hinihintay ang presensiya ko. Great. Nahuli pa nga. Should I put Angela's contact number? I guess I should really do that.
Bago pa kami tuluyang makapasok ay hinatak ko siya nang malakas.
"Ano bang problema mo? Sino ka ba?" pabulong ngunit may diin kong sambit.
"Doesn't matter."
Hanggang sa nagtagumpay siya at nahatak niya na 'ko papasok sa loob. Palipat-lipat ang tingin sa 'min ng guidance councilor namin dahil naghahatakan pa rin kami. Tangina. Wala pang dalawang linggo may record na agad ako. Ayos.
"Yes? What's the commotion all about?" masungit na tanong sa 'min ng GC.
"Ma'am Torrenza, I saw this girl cutting classes and sleeping at the back of the school building," mahinahong pagsusumbong niya. Hindi ko naman siya kilala kaya hindi ko alam kung bakit agad-agad niya akong dinala dito na para bang ang laki ng karapatan niya.
Nalipat ang tingin sa akin nung Ma'am Torrenza daw, GC ng school.
"Is that true, Ms. Vergara?" ay kilala ako? Sabagay, dalawang linggo pa lamang ang klase ay usap-usapan na ang ganda ko rito. Oh, well.
"No Ma'am. I just went to the back of the building to get some breather because I'm feeling dizzy," kunyaring nanghihinang pangangatwiran ko. Well, sana gumana. Kay Mama gumagana, e.
"We have our infirmary, Ms. Vergara. Bakit hindi ka doon pumunta?" bakit nga ba 'di nalang ako nagpanggap na may sakit at natulog sa infirmary? May kama pa dun, tsk. Bobo rin ako minsan, e.
"H-hindi ko po alam kung saan."
"Really? E, bago ka makalabas ng main building makikita mo ang malaking sign ng infirmary sa gilid." napaka-epal talaga ng lalakeng 'to. Ang sarap niyang ipasok sa sako tapos mamaho na lang sana siya. Masyado siyang papansin. Hindi naman inaano napaka sumbungero.
Sinamaan ko siya ng tingin at hindi na ako nagsalita pa. Olats men. May epal, e. Hindi naman ako makapalag dahil mariin na ang tingin sa 'kin ng gc namin.
"Go back to your class, Ms. Vergara. You, stay here," pagtutukoy niya sa epal na lalaking humila sa 'kin dito. Sa pagkakasabi niya ay parang stress na stress na siya. Araw-arawin ko kaya pagpunta rito sa opisina niya para mas ma-stress siya?
I slowly raised my middle finger to this fcking guy na sapat lamang upang siya lang ang makakita. He smirked when he saw my response.
He f*****g smirked at me.
Damn.
The first week of this school year and my blood is already boiling for someone that I really really want to strangle to death. Oh well.