"Mga wala kayong kwentang kaibigan," garalral na tinig ang pinakawalan ni Kaiden nang prangkahin niya ang kanyang mga kaibigan sa ginawa ng mga ito na hindi sumipot sa kanilang usapan. "Talagang wala kayong sinayang na oras para ipagpalit na lang ako ng ganon sa ulam, hmm?" Nagsitawanan sina Oheb, Marco at Edward sa panenermon iyon ni Kaiden sa kanila. Sakto na sabay-sabay silang nagsidatingan sa parking lot ng ospital. Pagkapark ni Kaiden sa kanyang kotse ay mabilis siyang bumaba at nilapitan ang mga ito. Nagsikamot sila ng ulo dahil alam nila kaagad ang dahilan kung bakit salubong ang mga kilay ni Kaiden sa kanila. "Doc, kalma! Dapat nga magpasalamat ka pa sa'min kasi pumayag kami sa gusto niya e." Ani Oheb at ngumiti. "Oo nga," sang-ayon naman ni Edward, abala siyang kinukuha ang p