Hiyang-hiya si Hershey sa ginawa pero wala na siyang pakialam, ang importante ay natapos niya ng maayos. Nakakatawa man siya at least may mga napatawa siya. Sa kanyang isipan, nagawa na rin ang mga bagay na gustong gawin sa buhay.
Matapos niyang tumayo ay mabilis na napatingin sa mga judges at nakita si Rafael na hawak nito ang baba at tila nagpipigil ang tawa sa kanya. Nang mapatingin ito sa kanya at nagtama ang paningin nila kaya mabilis na tumalikod at bumalik sa back stage.
Pumapalakpak pa ang kaibigan habang papalapit sa kanya.
"Grabe, 'di ko alam kung saan mo nahugot nag confident mo doon, BFF. In fairness, nakita ko reaksiyon ni Raf, disappointed na disappointed," tawang wika ng kaibigan na sapo pa ang tiyan na halatang kanina pa ito tawang-tawa sa kanya.
"A, ganoon?! Tawang-tawa ka na n'yan," kunwari ay naiinis na bara sa kaibigan.
"Pikon, oh! Dali na at mukhang top 5 na," excited na bawing wika ng kaibigan. Long gown na kasi at ayon sa naririnig sa emcee na kapag nakalabas na silang lahat ay magbibigay na sila ng minor award saka tatawagin na ang top five na mag-a-advance sa Q & A portion.
Napahugot siya ng malalim na buntong hininga. "Kaya mo 'yan, BFF. It's your dream, it's your time to shine, it's showtime!" biro ng kaibigan sabay suot sa kanya ang kanyang gown na pinatahi pa talaga ng napaka-supportive niyang mama.
Isang nude pink na may off-shoulder pero may mahabang manggas. Sexy pero very royal ang dating. Sabi nga nila, being sexy is not showing too much skin.
"Bongga!" tili ng kaibigan. "Bagay na bagay," puri pa nito. "Just do your best and God will do the rest!" masigla pang payo ni Lea sa kanya.
Mabilis na binatukan si Lea. "BFF naman, eh," maktol nito habang napapakamot sa ulo. Nang marinig ang pagtawag ng emcee ay halos ihatid siya nito palabas. "Okay, go! Own the stage, girl," anito at saka mabilis na nilugay ang buhok niya.
"Let's welcome candidate number 8, Miss Hershey Natasha Del Mundo. Miss Del Mundo is a top achiever in her class, she believes that God together with a family is a true source of happiness," turan ng emcee habang rumarampa siya sa entablado. Hindi maiwasang kabahan si Hershey dahil mula paglabas niya ay kakaiba ang nararamdaman sa titig ni Rafael Cruz sa kanya.
Namangha si Raf nang lumabas si Hershey, ito ang namumukod -tangi sa lahat ng kandidata. Kung ang ilan ay tila nabitin sa tela ang mga gown nila, kung hindi sa harap ay sa likod ang kinukulang ng tela pero ang babaeng nasa harapan. Medyo konserbatibo man ang suot nadala naman ito sa pagiging elegante at ganda nito.
Medyo napangisi lang siya noong marinig ang sinabi ng emcee habang rumarampa ito sa entablaso. 'She believe that God together with family is a true source of happiness.'
Very ironic kasi sa pamilya niya, ang ama niya ay isang preacher at ang ina naman ay may mataas na katungkulan sa eskuwelahang 'yon, ngunit hindi naman siya masaya, ang saya ay nahahanap niya sa kanyang barkada hindi sa pamilya.
Maya-maya ay nag-announce na ng mga emcee ng minor awards, napangiti si Raf ng makuha ni Hershey ang Miss Congeniality award.
'Not bad, she look so friendly, tila walang masamang tinapay rito,' aniya sa isipan.
Tuwang-tuwa na si Hershey kahit Miss Congeniality lang ang awards niya. Aasa pa ba siyang mabibingwit niya ang Best in Talent, nagdasal na lamang siya na sana ay mapasama siya sa top 5.
"Let's go to the final five," malakas na turan ng emcee matapos igawad ang lahat ng mga minor awards. "Let me begin with Miss Fontanilla of Grade 12-Mabini," anito na sinundan ng masigabong palakpakan. "Next will be Miss Quintana of Grade 12-Bonifacio!" muli ay umalingawngaw ang sigawan ng lahat sa loob ng gymnasium.
"Miss Bayola of Grade 11-Ilang-Ilang, take your third spot, and who will take the fourth place?" pambibitin pa ng emcee upang sabikin ang mga manunuod. "Okay, let's call on Miss Santos of Grade 11-Sampaguita," malakas na wika ng emcee. "Are you excited to know the last one who will be joining the top five?" sigaw nito upang pasiglahin ang mga manunuod.
Kanya-kanya ng mga estudyante sa kanilang mga isinisigaw, halos hindi magkarinigan sa loob ng gymnasium.
Namamawis na ang kamay ni Hershey, kinakabahan na baka wala na siyang pag-asa. "I think we have to see more of Miss Del Mundo of Grade 12-Rizal," malakas na sigaw ng emcee kasabay ng hiyawan ng buong gymnasium.
Halos mapatalon si Hershey sa kinatatayuan, top 5 pa lang 'yon pero parang waging-wagi na siya.
Hindi mapagilang mapangiti ni Raf nang makita ang reaksiyon ng babae. Akala mo ay in-announce na ito ang nanalo samantalang top 5 pa lamang sa nakitang saya sa mukha nito.
Halos hindi magkandamayaw ang mga estudyante sa lakas ng sigawan at tilihan matapos mapili ang top 5.
"Let's proceed to the Q & A portion, each candidate will pick a number from the bowl which corresponds to a judge. And the judges will be the ones to throw the question," paliwanag ng emcee sa mechanics saka na nila sinimulan ang tanungan.
Habang nasa kinatatayuan ni Hershey ay ramdam pa rin ang malalagkit at paminsang-minsang tingin ni Rafael sa kanya. Mas lalo tuloy siyang kinakabahan idagdag pang magaganda ang mga sagot ng ibang kandidata. Nang patapos na ang pang-apat ay humugot siya ng malalim na buntong-hininga saka humakbang sa tabi ng emcee.
"How are you, Miss Del Mundo?" bati nito.
"I'm good, hope you're good too. You're doing great anyways," ngiting puri niya sa emcee.
"Oh, thank you," anito saka inabot ang bowl na pagbubunutan niya. "And the judge number is—" anito.
"Six," turan naman ng kaxpartner nitong emcee.
"Mr. Donetello Rafael Cruz," halos sabayang turan ng mga emcee.
Tumikhim muna si Raf upang tanggalin ang bara sa lalamunan bago ibato ang tanong kay Hershey. "Miss Del Mundo, if you have only one wish in life what would be and why?" tanong niya sa babae.
"Thank you, sir," aniya saka tumango kunti bilang respeto, ngumiti kahit sa totoo lang ay nanginginig na siya. "I grow up with a middle-class family, we're not rich but my parents provided me everything as I was their only child," panimula ni Hershey.
Napangisi si Raf sa tugon ng babae. 'Too far,' aniya sa isipan habang nakatingin sa maganda at maamo nitong mukha.
"I was a spoilt brat but everything change when I was diagnosed with Ataxia Telangiectasia, a rare disease that connects to my brain that will deteriorate my motor movements such as my speech and body movement," medyo naiiyak na wika ni Hershey pero agad na bumawi, she needs to deliver her answer with confidence.
Napatingin si Raf sa babae, hindi siya pamilyar sa sakit na sinabi nito pero mukhang malubha ang pinagdadaanan. Ngayon niya lang napagtanto kung bakit sumayaw at kumanta ito kahit wala itong talento.
"If God grant me one wish, I wish that there will be peace on earth because I believe if there is peace we will avoid conflicts, if there's no conflict to every aspect, there's no war, no arguments. It's worth sacrificing my life through that one wish to save the world. Peace be upon us, thank you and mabuhay," puno ng kompiyansang wika saka bumalik sa pwesto.
"Wow! That's a selfless answer. You, Mr. Cruz if your given one wish what is it?" balik na tanong ng emcee sa kanya.
"I refuse to answer," seryosong sagot ni Raf, mabuti na lamang at hindi na siya kinulit pa ng babaeng host at natawa na lamang.
"Okay, malalaman na po natin kung sino ang mag-uuwi ng korona bilang Miss Collegio de Santa Remedios," malakas na sigaw pa ng host na lalaki na nagpasiglang muli sa mga manunuod at muling sumigabo ang hiyawan.
Mas lalong naging kapana-panabik ang mga susunod lalo pa at patindi nang patindi ang kompetisyon, painit nang painit rin ang mga kaganapan sa entablado ng Collegio de Santa Remedios.
Isang intermossion number ng kabataan ang napapanuod sa entablado bilang paghahanda sa announcement of winners. Muling napukaw ang isipan ni Raf at paulit-ulit nilaro sa isipan ang sakit na binanggit ni Hershey, nang puntahan siya ng ina upang maghanda para kantahan ang mga kandidata.
Walang nagawa si Raf kundi ihanda ang sarili, sa tabi ay nakangiting nakatingin sa kanya ang reigning CRS queen na si Selena Guttierez na panay ang sulyap sa kanya kahit ilang iwas dito.
"Be ready, after the intermission ay ikaw na," pormal na wika ng ina.
Hindi siya sumagot sa ina, hindi nga nagtagal ay natapos na ang intermission number.
"Wow, that's a great performance from the CSR Theatro Classical. Now, let's witness the 12 lovely candidates and to be serenade by the handsome vocalist of The Ninjas band, Mr. Donetello Rafael Cruz," malakas na sigaw ng babaeng emcee.
Rumampa pabalas ng entablado ang lahat ng kandidata suot ang kanilang gown, dinampot na rin ni Raf ang micropono at nang ganap na makarampa ang lahat ay nagsimula na siyang kumanta paakyat sa entablado.
Halos hindi magkandamayaw ang mga kababaihang nanunuod sa kilig sa kanyang pagkanta ng sikat na kanta ni Bruno Mars na Just the Way You Are. Unang liriko pa lang ay hiyawan na ang mga ito.
"Oh, her eyes, her eyes. Make the stars look like they're not shinin'. Her hair, her hair. Falls perfectly without her tryin'. She's so beautiful and I tell her everyday," malamyos na tinig ni Raf.
Nangangatog ang tuhod ni Hershey lalo pa at patungo sa kanyang direksyon si Raf. Gusto niyang maging fan girl at tumili pero nahihiya siya rito kaya umiwas na lamang siya ng tingin.
"When I see your face. There's not a thing that I would change. 'Cause you're amazing. Just the way you are," nakangiting kanta ni Raf nang makitang nahihiyang tumingin sa kanya si Hershey.
Dahil kay Hershey kahit papaano ay na-enjoy niya ang programang 'yon kaya nang matapos siyang kumanta ay nakangiti pa siyang nag-bow sa mga manunuod, marami pang kababaihan ang humirit ngunit inagaw na nang malakas na tinig ng emcee para sa announcement ng mga mananalo.