bc

The Bad Boy's Pursuit

book_age12+
247
FOLLOW
1K
READ
badboy
goodgirl
inspirational
student
drama
bxg
campus
city
illness
slice of life
like
intro-logo
Blurb

*All the Young Entry*

Dalawang tao, pagtatagpuin ng magkaibang pananaw. Isang kabataang tumatamasa ng magandang buhay at isang kabataang nalalasap ang huling sandali ng buhay. Kung may isang hiling ka sa buhay, ano 'yon? Para sa pansarili o mas pipiliin mo pa ring ibahagi iyon sa iba kahit kapalit noon ay ang iyong sariling buhay.

HERSHEY NATASHA DEL MUNDO, babaeng hindi magaling kumanta, hindi rin magaling sumayaw at hindi magaling sa ilang bagay. Mga bagay na gusto kong gawin sa aking buhay, sa edad kong seventeen, marami akong nais gawin, maraming humuhusga sa akin, maraming tumatawa sa aking likuran ngunit wala akong pakialam. Dahil hindi nila alam ang pinagdadaanan ko, hindi nila alam ang buhay ko at lalong-lalo na na hindi nila alam ang aking karamdaman.

DONETELLO RAFAEL CRUZ, laki sa layaw, may maayos na buhay, magandang pamilya at namamayagpag na karera. Isa siyang sikat na bokalista ng banda at minsan ay napapasama rin sa ilang teleserye. Sa ganda ng mga nangyayari sa buhay niya ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang mapakasaya kasama ang barkada.

Sa pagtatagpo ng landas nila ni Hershey mababago ang pananaw niya sa buhay. Handa na rin bang ibigay ang kaniyang nag-iisang lihing para sa kapakanan ng iba lalo sa sa babaeng pinakaiibig.

chap-preview
Free preview
Chapter 1:
Maingat na pumasok sa kanilang bahay si Raf, dahil may kadiliman ay dahan-dahan ang bawat galaw para hindi makalikha ng ingay. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo sa may pintuan ay biglang lumiwanag ang buong sala at nakitang matamang naghihintay ang kanyang ina. "Mabuti naman at nakauwi ka na?" seryoso at pasitang turan nito. "O, mama, bakit ka pa gising?" agad na tanong ni Raf sa ina nang makabawi. "Hinintay talaga kita para ipaalala sa 'yo iyong gaganaping pageant for a cause sa school," saad nito. Bumuntong hininga siya. "How many times that I told you, mom that I'm busy—" putol niyang wika nang mabilis na sumabad ang ina. "I asked your manager and he said you are free tomorrow, please naman anak, nag-aral ka rin naman sa eskuwelahang 'yon. Aside of that, isa ako sa mga administrator, I am asking you this as a favor," gilalas ng ina. "'Ma, pagod ako," aniya upang matapos na ang usapan nila ngunit imbes na tumigil ang ina ay mas lalo siyang senermunan nito. "Well, sa kalokohan mo hindi ka napapagod? If you didn't know may nakita ang papa mo sa silid mo at pinasuri na namin sa Tita Lorraine mo!" mapanuring wika ng ina sa kanya. Sa narinig ay nainis pa lalo si Raf sa ina, ayaw na ayaw pa naman niya ang pinapakialaman ang kanyang mga gamit. "Bakit ba kayo nakikialam sa gamit ko?" galit na sabat sa ina. "My God, Raf, kailan ka pa natutong gumamit ng dr*ga, liquid ecstacy ang nakuha ng papa mo sa gamit mo. Saan kami nagkulang?" tila sumbat ng ina sa kanya. Bumuntong hininga si Raf, nagiging madrama na naman ang kanyang mama. "Okay, fine, I'm going tomorrow, are you happy now. I need to sleep!" turan sa inang alam na galit na galit pa rin. "Ano'ng nangyayari dito?" dumadagundong na wika ng ama na kababa lang ng hagdan at suot pa nito ang pajama. "O, bakit ngayon ka lang Raf?" baling pa nito sa kanya. Inihanda na ang sarili dahil tiyak siyang kagaya ng ina ay sesermunan din siya nito. "Matutulog na po ako," aniya saka nagsimulang humakbang patungo sa hagdang binabaan ng ama. "Dito ka lang! Kinakausap ka pa namin!" maawtoridad na turan ng ama na kinagulat niya kaya agad siyang napahinto. Napatigil siya sabay tirik ng mga mata dahil batid niyang matagal-tagal na sermon ang aabutin dito. His dad is a preacher kaya hindi ito mauubusan ng sermon. "Rafael, ano bang nangyayari sa 'yo? You're nineteen, right?" bulalas ng ama. "I'm twenty, dad," mahinang tugon rito. Ngumisi ang ama sa kanyang pagsabad saka muling itinuloy ang nasimulang pagsermon sa kanya. "Exactly, old enough to know what is right, you drop college, for what? Para d'yan sa pagbabanda mo at pagbabarkada mo, ngayon ay katulad ka na rin ng mga kabataang naliligaw ng landas. Oh, God," bulalas ng ama sa prustrasyon nito sa kanya. "We did everything to direct you to a right path. Alam mo bang maraming kabataan ang gustong makapag-aral pero hindi nila magawa dahil hindi kaya ng mga magulang nilang pag-aralin sila. Maraming taong gustong mabuhay pero kahit ano'ng gawin nila ay mamamatay na sila dahil sa kanilang mga karamdaman, but you?!" gilalas nito sabay turo pa sa kanya. "Look at yourself? You have everything, you're healthy, good life and alive but you're killing yourself with those drugs!" nakapamaywang na sermon ng ama. Immune na si Raf kaya pinapakinggan na lamang niya ang ama dahil kung papatulan ito ay mas lalong manggagalaiti sa galit. Pasok sa isa, labas sa kabilang tainga na lamang. "That's enough, mahal, baka tumaas ang presyon mo," ang dinig na awat ng ina sa ama saka humarap sa kanya. "Kung hindi ka magtitino, ipapadala kita sa Tito Damian mo sa Cavite at doon ka sa kumbento tumira baka doon ay titino ka," maigting na wika ng ina. Doon ay natinag si Raf, ayaw niyang pumunta ng Cavite, ayaw niyang malayo sa buhay niya ngayon kaya nindi siya umimik ngunit matalim ang tinging binigay sa ina. "Matulog ka na at huwag mong kakalimutan bukas, alas-kuwatro ng hapon ang simula ng programa. You just going to serenade the candidate then judge ka na rin, pinagsabi na namin sa mga tao ang pagdalo mo para dumami ang pumunta at malaki-laki ang malilikom para sa out of school children," dagdag pang turan pa ng ina para putulin na ang mainit na usapan nilang pamilya. *** "Hershey!" tiling tawag ng kaibigang si Lea. Abala sila sa paghahanda ng isusuot niyang props sa kanilang pageant, frustrated beauty queen din kasi siya gaya ng pagiging frustrated singer at dancer kuno niya sa theater nila sa kanilang eskuwelahan kahit wala naman siyang galing sa mga larangang 'yon. "Sa tingin mo ayos kaya ang talent ko?" maang na tanong sa kaibigan dahil talagang kinakabahan siya sa gagawin niya, baka kasi pagtawanan siya ng mga tao o 'di kaya ay batuhin ng itlog at kamatis. Tumawa ang kaibigan. "Pasok na pasok sa banga, girl. Sasayaw ka na kakanta ka pa, pero ending magiging comedy pala," palatak na wika nito na tawang-tawa pa rin. "Hindi ko alam kong matatawa ako o maiinsulto?" ngiting wika kay Lea na agad na tumigil sa pagtawa. "Walang masamang tinapay, gaya ng sabi mo," mabilis at paingus nitong sabad. Lumamlam ang mga mata ni Hershey at tila naluluha nang maalala ang kanyang karamdaman. Ayon sa mga doktor ay rare ang sakit na meron siya, hanggang ngayon ay wala pa ring konkretong lunas upang magamot ito, may ilang paraan upang bumagal ang pag-deteriorate ng katawan niya pero hindi noon malulunasan ang kanyang karamdaman. "Sasayaw ako hanggang gusto ko at kakanta ako hanggang gusto ko, kahit pa pagtawanan nila ako," aniya saka naglaglagan ang mga luha niya. Lumapit si Lea at niyakap siya nito dahil tanging ito lamang ang nakakaalam ng kanyang sakit sa buong eskuwelahan nila. "Hanggat kaya ko pa," mahinang dagdag pa niya habang yakap-yakap siya ng kaibigan. "BFF, naiiyak ako," turan ni Lea. "Change topic na tayo baka 'di ko mapigilan ay bumaha ng luha rito," patawang wika nito saka inayos ang isusuot niya. Alam niyang pinapagaan lang nito ang kanyang loob. Ganap na pumatak ang alas-kuwatro ng hapon, punong-puno ang gymnasium ng Collegio de Santa Remedios. Kagaya ng inaasahan ng karamihan dumating ang banda ni Raf kung saan sila ang nag-opening number. Malakas ang hiyawan ng mga kababaihan, malakas na tugtog ang pumuno sa loob ng gymnasium. "Sometimes late at night. I lie awake and watch her sleeping. She's lost in peaceful dreams. So I turn out the lights and lay there in the dark," malamyos na kanta ni Raf sa awiting If Tomorrow Never Comes ni Ronan Keating. Mas lalong dumagundong ang buong gymnasium sa hiyaw ng kababaihan. "Rafael! Rafael! Rafael!" sigaw ng mga ito. Napatigil naman si Hershey nang marinig ang swabeng boses ng crush na vocalist ng bandang The Ninjas. "Grabe! Walang kupas talaga, ang guwapo, BFF. Na-sight ko siya kanina," kilig na kilig na wika ng kaibigang si Lea na halos tumalon sa kilig. "Ay! Grabe, BFF, sa kakiligan mo tabingi na lipstick ko. Bilis na dahil pagkatapos nila ay kami na," apura niya kay Lea. "Oo na po, madam. Heto na, heto na, heto naaa! Dobidobido bido bido wahaha!" kanta pa nito na kagaya niya ay hindi rin marunong kumanta. "Ang sagwa, BFF, promise!" bulalas niya sa kaibigan. "Wow! As if naman magaling kang kumanta, tingnan natin mamaya," anito saka sila nagtawanang dalawa dahil kapwa nila alam na hindi sila biniyayaan ng boses. Tuluyang natapos ang opening number at kabado na sila dahil nagsisimula na silang rumampa. "Liyad lang, BFF, boost you confidence! Aja!" pagtataas ni Lea ng kanyang kompiyansa sa sarili lalo na at siya na ang rarampa. Mabilis na sumampa sa entablado at saka inisa-isang tiningnan ang mga judges. "Beauty without a brain is useless but a brain without beauty is still a brain. Good day, everyone, I'm Hershey Natasha Del Mundo, seventeen from Grade 12-Rizal of Collegio de Santa Remedios, a place where you can find beautiful ladies with a brain," malakas na bigkas ni Heshey upang makuha agad ang pansin ng mga judges. Sumigabo hiyawan at palakpakan ng mga tao lalong-lalo na ang buong Grade 12 Rizal-section kung saan suportado nila ang kanilang pambato. Napapangiti na lamang si Raf sa narinig na sinabi ng kandidata, sa totoo lang ay bored na bored na siya sa kinauupuan. Maraming magagandang estudyante roon pero wala siyang natitipuan, maging ang mga kandidata wala rin naman itulak-kabigin kung ganda ang pag-uusapan. Kaya lang wala masyadong exciting sa mga ito hanggang sa marinig ang introduction ng kandidatang nasa entablado. "Hershey Natasha," ulit niya. "Nice name," bulong pa sa sarili habang nakangising nakatingin dito. Baklang-bakla lang kasi ang pagkakasabi nito ng kanyang introduction. Sa talent ay namangha siya, lahat yata gagawin ng mga ito para manalo. May nag-ala Stonewoman pa na halos lunukin buong apoy, may mga sumayaw, kumanta at nagdrama. Aliw na aliw ang lahat sa talent portion, ngunit mas naagaw ang pansin niya noong si Hershey na ang sasalang sa entablado. Hindi maipagkakailang maganda ito, para itong si Coleen Garcia, maganda ang katawan at mukhang maganda rin ang talent nito dahil halatang pinaghandaan nito. "Wow!" aniya ng mukhang kakanta at sasayaw ito, mukhang masyado siyang pinapahanga ng babae. Ngunit halos bumagsak ang panga sa disappointment nang marinig ang boses nito, maging ang sayaw nito. Marami ang tumawa na lamang, maging ang ilang judges ay nagpipigil ng tawa habang inaabot nito ang mataas na nota. Dinaig pa nito si Anne Curtis, ngunit buti naman at bumawi ito sa huling parte ng sayaw nito at ginulat sila sa nakakamatay nitong split.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
97.9K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
69.0K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
249.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook