Chapter 06

2379 Words
MAAGANG nagising kinabukasan si Justine. Sinamantala niya iyon para maligo sa banyo ni Priv na ubod ng elegante. May jacuzzi rin doon. Halos isang oras yata siyang nagbabad bago ipinasyang maligo ng tuluyan. "Ang tagal mo." Natigil sa paglabas ng banyo si Justine ng makita sa Priv na nakasandal sa gilid ng pintuan ng banyo nito. Mukhang kanina pa ito roon naghihintay. Iimik sana siya ng pumasok na ito sa loob at bahagya pa siyang itinulak palabas. Ngali-ngali niya itong batukan ng sa pagharap niya ay pinto na lang ang bumungad sa mata niya. Napairap siya. "Malay ko ba na naghihintay siya sa labas," pabulong-bulong pa niyang wika. Prenteng nakaupo lang siya sa couch na naroon at hinihintay si Priv. Nahihiya siyang mauna sa labas gayong hindi naman niya kilala ang mga naroon na pamilya nito. Pipikit na sana siya ng lumabas naman ang kanina pang hinihintay niya. Dagli ang pag-iwas niya ng tingin ng makitang nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan ni Priv. Katatapos lang din nitong maligo. Nagsalubong naman ang mga kilay nito ng makita siya roon. "Bakit hindi ka pa lumalabas?" Tumikhim muna siya. "H-Hinihintay kita." "Lumabas ka na at susunod ako. Magbibihis lang ako." Isang sulyap pa sa katawan nitong nagbahid ng pagkabanas sa kanyang katawan, tumayo na siya at wala ng lingon likod pang lumabas siya ng silid nito. Hawak ang dibdib na napasandal siya sa pintuan niyon. Pikit matang natampal niya ang noo kapag kuwan. "Gulay! Bakit ganoon siya ka-perfect?" "Sino?" Natigil siya sa pag-i-emote ng marinig ang suwabeng boses na iyon. Nang imulat niya ang mga mata ay bahagya pa siyang napasinghap sa bumungad na tanawin sa kanyang harapan. A super-duper gorgeous guy is smirking infront of her. Napakurap siya at hindi naiwasan ang bahagyang pag-awang ng mga labi. "Hey, shut your mouth. Baka mahalikan kita." Naitikom niya ang bibig. Sino itong guwapong nilalang na nasa harapan niya ngayon? "S-Sino ka?" Biyaya rin ng Diyos kung maituturing ang isang ito. A playful one. "Geo," matipid nitong saad sa pangalan nito. "And you are?" "J-Justine. Kasama ko si–" napasinghap siya ng muntikan na siyang mawalan ng balanse ng bumukas ang sinasandalang pinto. Mabilis naman siyang nahigit sa braso ni Geo kaya halos mapasubsob siya sa matipuno nitong dibdib. Napalunok siya. "Easy," ani Geo na nakatingin sa nakabukas na pinto. Nang marinig ang pamilyar na tikhim na iyon ay agad siyang kumuwala kay Geo. Nalingunan niya si Priv na masama ang tinging ipinukol sa kanya. Ang bilis naman nitong magbihis. "Bakit narito ka pa?" Saglit na napasulyap siya kay Geo bago ibinalik ang tingin kay Priv. Napakamot siya sa kanyang baba. "K-Kasi..." "So you're with my cousin Priv. New girlfriend mo?" "None of your business, Geo." Hindi na siya nakapalag ng higitin siya ni Priv palayo sa natatawa nitong pinsan. Geo look so playful while this man beside her is look more dangerous and hella serious. "'Wag ka ngang dikit ng dikit kung kani-kanino," sita pa nito sa kanya habang pababa sila sa hagdanan. "Hinigit niya ako para hindi matumba ng bumukas ang pinto. Kaya napadikit ako sa kanya," katwriran niya. "Kung sinunod mo 'yung sinabi ko na mauna ka ng bumaba sa tingin mo ba mangyayari iyon? Ang sabihin mo nagpa-cute ka pa sa lalaking iyon." Sinubukan niyang bawiin ang braso niya na hawak nito ngunit mahigpit pa rin nito iyong hawak. "Mas lalong hindi ako nagpapa-cute. Tigilan mo nga ako Mister Privado Mondragon dahil hindi kagaya ng iniisip mo ang totoong nangyari kanina." Iimik pa sana si Priv ng umeksena na naman ang pinsan nito na nasa likuran nila. "Tigilan niyo na nga iyang bangayan ninyo. Agang-aga may LQ agad kayo." Nakatikim tuloy ng matalim na tingin si Geo mula kay Priv ng tuluyan silang makababa. "Just shut up." "Correction lang din," singit niya. "Wala kaming LQ at saka wala naman kaming re–" "You too Justine, just shut up." Itinikom na lang niya ang bibig dahil sa sinabing iyon ni Priv. Umagang-umaga ay ang init ng ulo nito. "Kuya!" Napatingin sila sa babaeng papalapit ngayon kay Priv. Maganda ito bagaman at may kaliitan na bagay lang dito. She must be Jazel, his younger step-sister. Ang kapatid nitong muntikan ng mag-suicide dati. Umatras siya ng sa wakas ay bitiwan na rin siya ni Priv. "At last you came. I miss you," anito na agad na niyakap si Priv ng tuluyan itong makalapit sa kapatid. "Same here." Sa isip ay napapalatak siya. Pati sa kapatid nito ay may pagka-pormal pa rin ito. Or maybe dala lang ng init ng ulo nito dahil sa kanya. She sigh. Abala siya sa pagtitig sa magkapatid ng tumikhim naman si Geo. "Handa na ba ang almusal Jazel?" Nakangiting bumaling sa dereksiyon nila si Jazel. "Oo, Kuya Geo, sa may garden tayo mag-aalmusal." Nang sumulyap sa kanya si Jazel ay may mapanuksong ngiti na sumilay sa labi nito. "Hi, new girlfriend ka siguro ni Kuya Priv. I'm Jazel and you are?" Umawang ang labi niya sa maling sapantaha nito. Mabilis siyang umiling ng ilahad nito ang kamay sa harapan niya. Napasulyap siya kay Priv na seryoso lang na nakatingin sa kanya. Parang wala pa yatang balak na pabulaanan ang sinabi ng kapatid nito. "Nagkakamali ka. Hindi ako g-girlfriend ng Kuya mo. Kaibigan lang ako." Tumawa si Jazel. "Kaibigan?" May laman ang pagkakasabi nitong iyon na tila hindi ito kumbinsido. "Hmmm, anyway what is your name?" "Justine," aniya na tinanggap na ang nakalahad nitong kamay. "Panglalaki 'yung name mo?" Hindi lang naman lalaki ang may ganitong pangalan 'no! anang isip niya. Nginitian niya ito. "Medyo." "Nice to meet you. Feel at home dito sa bahay namin. I'm glad na may kasamang kaibigan ang Kuya ko sa pag-uwi niya rito sa hacienda," ani Jazel na nginisian pa ang kapatid. Sumenyas si Priv na sumunod na siya rito. "Tara na sa labas," ani Priv na nagpatiuna na palabas ng malaking bahay. "Sigurado ka bang kaibigan ka lang ni Kuya?" Bulong ni Jazel sa kanya na sumabay pa sa kanyang paglalakad. Hindi ba talaga ito maka-get over? "Oo. Kaibigan lang. 'Wag mo ng haluan ng ibang kulay." Humagikhik ito. "Okay. Today is my birthday if you didn't know. Huwag kang mawawala, huh?" Tumango siya. Kaya siguro naroon din ang mga relatives ng mga ito. "Sure. Happy birthday." "Thank you." Pagdating nila sa may malawak na hardin, kung saan may mahabang mesa, ay agad natahimik ang maiingay na pinsan nina Priv ng makita sila. "Guys," agaw ni Jazel sa pansin ng mga ito. "Meet Justine, kaibigan daw ni Kuya Priv." Kagaya ng reaksiyon ni Jazel kanina ng sabihin niyang kaibigan lang niya si Priv ay mga nagtawanan din ang mga ito. Mukha ba siyang sinungaling? "Weh?" "Don't mind them," ani Priv sa kanya na pinaghila na siya ng mauupuan sa tabi nito. Napatingin siya rito. "Bakit ba ayaw nilang maniwala?" "Hindi kasi nakikipag-kaibigan si Priv sa babae. Kaya kung magsisinungaling ka rin lang naman ay 'yung medyo kapani-paniwala," paliwanag ni Geo na naupo sa kabilang side niya. May ganoon? Eh, ano pala ang dapat kong sabihin? Na slave ako ng Privado na ito? Sa isip ay napairap siya. Pinili na lang niya na manahimik kaysa ang mapag-fiesta-han lalo ng mga pinsan nito. Numero uno pa si Jazel. Sumasakit lang ang ulo niya sa pagpapaliwanag. Samantalang si Priv nga mismo ay wala man lang sinasabi kung ano ba siya sa buhay nito. PINUNO ni Justine ng sariwang hangin ang kanyang baga. Nakaupo siya ng mga sandaling iyon sa isang troso na nasa ilalim ng malilong na puno ng mangga na kalapit lang ng palayan. Katatapos lang nilang mag-agahan kaya minabuti niyang maglakad-lakad. Hanggang sa nakarating nga siya sa parteng iyon ng hacienda. Tanaw roon ang Bundok Banahaw. Sa ancestral house naman ay busy na ang mga tao sa pag-aayos ng paggaganapan ng birthday party ni Jazel para mamayang gabi. Napabuntong-hininga siya. Ilang araw na lang at dead line na ng task niya. Kailangan na niyang mapa-perma si Priv bago matapos ang buwan na iyon. "Kung bakit kasi ayaw pa niyang permahan." "Ang alin?" Napakislot siya ng marinig ang boses na iyon buhat sa kanyang likuran. Nakita niya si Geo na nakangisi habang nakasandal sa katawan ng punong mangga. Gusto sana niya itong irapan dahil sa bigla-bigla na lang nitong pagsulpot doon, ngunit isinaisip na lang niya dahil ayaw naman niyang magmukhang mataray. "Wala." Nagbawi na siya ng tingin at itinuon iyon sa Bundok Banahaw. Mukha yatang walang balak si Geo na tantanan siya dahil naupo pa ito sa kalapit niya. Tumanaw rin ito sa malayo. "Bakit isinama ka rito ni Priv?" Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Ewan ko. Itanong mo kaya sa kanya?" He laugh. As if she say something funny. "Hindi ko siya basta-basta mapapasagot, Justine." Ganoon ba talaga si Priv sa lahat? Kagaya ng sinabi ng kanyang pinsan na si Eros ay kasing pribado raw ng pangalan ni Priv ang pagkatao nito. "Sorry kung nakukulitan ka. I'm just wondering about my cousin. We all know na nag-propose na siya ng kasal sa ex-girlfriend niyang si Patricia months ago. Pero hanggang ngayon ay hindi namin alam kung bakit walang kasalang mangyayari. The worst thing is nag-break sila. Tahimik lang si Priv sa bagay na iyon at ni isa sa amin ay wala siyang sinagot. Even to his father and step-mom." Napalunok siya. Paano kaya kung sabihin niya na siya ang may kagagawan ng lahat? Kung bakit hindi natuloy ang engagement nina Priv at Patricia? Maniniwala kaya ito o pagtatawanan lang siya? "Sa tingin mo bakit hindi natuloy ang engagement nila?" Sa halip ay tanong na lang niya. "Siguro umayaw si Patricia dahil workaholic masyado si Priv. Masyado siyang seryoso sa pagpapatakbo ng company kaya hindi na ako magtataka kung pati si Patricia ay hindi niya maasikaso at mapaglaanan ng maraming oras." Kaya ba nasabi noon ni Patricia na may iba rin itong lalaki? Habang ito pa at si Priv ay humanap ito ng ibang atensiyon? Totoo nga kaya ang bagay na iyon? "Kilala mo ba si Patricia?" Umiling siya kahit na ang totoo ay minsan na niyang nakaharap ang naturang babae. "Hindi pa siya nadadala rito ni Priv," pagpapatuloy nito. "Na-meet lang namin siya sa ilang parties na dinadaluhan ni Priv na kasama si Patricia around Manila." Pagbalik-baliktarin man ang Bundok Banahaw na natatanaw niya ay malinaw pa rin na siya ang may kasalanan ng paghihiwalay nina Priv at ng dati nitong kasintahan. Kung hindi siya umeksena noon ay tiyak na tuloy ang naturang engagement na iyon. At hindi malayong ikasal ang mga ito. Napapikit siya ng maramdaman ang kakaibang kirot na iyon na naramdaman niya sa kanyang dibdib. Para saan iyon? Dahil ba sa ideyang may posibilidad na ikasal si Priv sa iba? Ipinilig niya ng bahagya ang ulo. Hindi siya puwedeng makaramdam ng ganoon para sa binata. Hindi maaari. "Malay mo magkabalikan uli sila. Dalawang taon din silang may relasyon kaya–" "Whoa. Teka lang. How did you know na two years din silang may relasyon?" Napamaang siya ng mapabaling kay Geo. "H-Ha? Sinabi mo kanina, ah," mabilis niyang alibi. Sa isip ay napukpok niya ang ulo. Ang alam nga pala nito ay hindi niya kilala si Patricia. "Sinabi ko ba?" Tumaas pa ang isa nitong kilay. "Oo. Sa haba ng kuwento mo kanina ay nakalimutan mo na yata." Tumawa ito. "Well," anito na binili na ang alibi niya. "Hindi naman malayong mangyari iyon na magkabalikan nga sila. Lalo na kung mahal pa rin ni Priv si Patricia. Sa dalawang taong relasyon nila ay imposible naman na mawala agad ang feeling niya para sa ex niya." May punto ito. Bakit ganoon? Parang kinukurot na naman ang puso niya sa ideyang iyon? Tumahimik na siya para hindi na humaba pa ang usapan tungkol kay Priv at Patricia. Hindi na siya komportable sa bagay na iyon. "By the way, ilang taon ka na Justine?" "Twenty four." "Matanda lang pala ako sa iyo ng apat na taon. So, saan kayo nagkakilala ni Priv?" Ilang sandali muna ang pinalipas niya bago ito sinagot. "Sa Lucena City." "Lucena? The last time na pumunta ako roon ay noong engagement sana ni Jazel sa ex niya." Bahagya itong napatawa. "Geez. Parehas silang magkapatid na hindi natuloy ang engagement. Pagkakataon nga naman. Masyadong epal." "Bakit hindi natuloy 'yung kay Jazel?" "May babae kasing sumulpot sa mismong engagement nina Jazel at ni Lincon. Sinira niya ang engagement by telling that she was pregnant. Si Lincon ang itinuturo niyang ama ng dinadala niya. She was yelling that time. Sinabi pa niya na magpapakamatay siya kapag hindi siya pinanagutan ni Lincon. That very night ay nagtankang mag-suicide si Jazel. After that day ay inilayo siya ng parents niya. Dinala si Jazel nina Tito sa America para makalayo sa eskandalong iyon. Kababalik lang ni Jazel four days ago para dito nga mag-celebrate ng twenty second birthday niya." So, wala palang pinagkaiba ang ginawa niyang eskandalo sa mismong proposal ni Priv? Sinira rin niya kagaya ng nangyari sa kapatid nito. Nakokonsensiya tuloy siya. Kung puwede lang ibalik 'yung nakaraan.... Kahit 'wag na! Kontra ng atribida niyang isipan. Napabuntong hininga siya. What a life. Parang ipinagkait sa magkapatid ang lumigaya sa piling ng mga mahal nito. O baka hindi pa talaga tamang panahon? Baka nga. "Last na ito Justine," muling agaw ni Geo sa kanyang atensiyon. Nang balingan niya ito ay muli itong nagpatuloy. "You sure na wala kayong relasyon ni Priv? Something romantic?" "Romantic?" ulit niya na ikinatawa niya. "Wala. Walang kami. Bakit ba big deal sa inyo?" "So, can I date you then?" Natigil siya sa pagtawa. Sobrang straight forward naman ng lalaking ito. "D-Date?" "Yeah. Tutal hindi naman kayo ni Priv. So, walang dahilan para magalit ang isang iyon." Hindi siya mahilig makipag-date sa hindi kakilala. At si Geo, oo nga at sobra rin ang kaguwapuhan nitong tinataglay. Ngunit nakikita niya ang kapilyuhan sa hilatsa ng pagmumukha nito. Tiyak niya na hindi lang basta date sa isang mamahaling restaurant ang ginagawa nito. Kinilabutan siya bigla. "Sorry pero hini kasi ako nak–" "Spare her Geo." Ang tinig na iyon na nagpatigas sa kanya sa kinauupuang troso. Out of nowhere din ay bigla-bigla ang pagsasal ng mabilis ng t***k ang kanyang puso. Anong nangyari sa puso niya? Bakit masyadong erotiko ang pagtibok niyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD