Chapter 05

1978 Words
ARAW ng Sabado kaya nagtataka si Justine dahil parang walang balak pumasok sa trabaho si Priv. Nilapitan niya ito sa may lanai para usisain. "'Di ba may pasok ka?" Binuklat nito ang hawak na diyaryo. "Tinatamad akong pumasok ngayon." Sa pagkakaalam niya workaholic ito. Bakit ngayon ay tinatamad itong pumasok? "Talaga? Bago iyon, huh." "Half day lang naman ngayon sa office kaya okay lang kahit hindi ako pumasok. And besides ako ang CEO Prisedent ng kumpanya." Naupo siya sa katapat nitong upuan. "Kailan mo ba pepermahan 'yung kontrata?" "Nagmamadali ka yata?" "Nagtatanong lang," mabilis niyang bawi. Naibigay na niya rito ang kontrata para permahan na lang nito. At hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nito binabalik sa kanya. Hindi pa rin nito napepermahan. Pasimple niyang pinagmasdan si Priv. Kahit saang angulong tingnan ay talagang guwapo ito. Walang tulak kabigin ikanga. Nagsisisi kaya ang ex mo dahil nagkahiwalay kayo? Kung magkakaroon siya ng ganito ka-guwapong boyfriend, hinding-hindi niya ito pakakawalan. Natawa siya sa naisip kaya napatingin sa kanya si Priv. "Ano'ng nakakatawa?" "Ang guwapo mo kasi." Naitikom niya ang bibig. Nasabi ba talaga niya iyon? Sa isip ay napukpok niya ang ulo. "Ah, i-ibig kong sabihin. Guwapo ka naman pero parang hindi nakontento sa iyo ang dati mong girlfriend." Palusot pa niya. Tumiim ang mga labi nito. 'Yung tipong nawala sa mood dahil ibinagsak na nito sa lameseta ang hawak na diyaryo. "Ayoko sa lahat 'yung uusisain pa 'yung nakaraan," mariin nitong saad bago siya iniwan doon. Nakapagat labi siya habang habol ng tingin si Priv. "Justine Mari bakit kasi ang daldal mo." Napabuntong-hininga siya. Dahil alam niyang wala sa mood si Priv dahil sa kanya kaya ipinasya niyang pumunta sa may grocery. Nilakad lang niya iyon tutal wala naman siyang masasakyan doon. Napangiti siya ng makitang kompleto ang bibilhin niyang sangkap sa paggawa ng carbonara. Isa sa mga matino niyang alam na lutuin. Bumalik din agad siya sa bahay ni Priv para magawa na ang carbonara. Hindi naman iyon ganoon katagal gawin. Naghanap pa siya ng magandang lalagyan para kay Priv. Doon niya inilagay ang ibibigay ritong carbonara. Ginandahan niya ang presentation para naman mawala ang pagka-bad shot nito ng dahil sa kanya. Nang matapos sa ginagawa ay nagsalin din siya ng juice sa tall glass at inilagay sa isang tray kasama ang pinggan na may lamang carbonara. Pinuntahan niya ito sa may kuwarto nito ngunit wala ito roon. Kaya naman sa may Study Room niya ito pinuntahan. Naroon nga ito. Nagsisilbi rin nito iyong opisina sa bahay na iyon. Hindi ito nag-abalang mag-angat ng tingin ng lapitan niya ito. Huminga muna siya ng malalim bago inilapag sa harapan nito ang tray. "Peace offering ko. Sorry kung masyado akong madaldal. Kainin mo, ha." Hindi na niya ito hinintay pang magsalita at nagmamadali na niyang nilisan ang lugar na iyon. NAHABOL ni Priv ng tingin si Justine na nagmamadaling lumabas ng Study Room. Pagkuwan ay napatingin sa dinala nitong pagkain. May sumilay na ngiti sa labi niya ng makita ang carbonara na ginawa nito. Isa iyon sa mga paborito niyang pagkain dahil ang namayapa niyang ina ay mahilig magluto niyon. "Peace offering ko. Sorry kung masyado akong madaldal....." Hindi naman talaga siya nagalit sa sinabi nito kanina tungkol sa ex niyang si Patricia. Ayaw na lang talaga niyang mapag-uusapan iyon. Kinuha na niya ang tinidor at tinikman ang carbonara. Napangiti siya. Kalasa lang ng luto ng mama niya. Bigla tuloy niyang na-miss ang ina. TULALA lang si Justine habang kumakain ng carbonara sa may lanai kaya hindi niya napansin ang paglapit ni Priv sa kanya. Tumikhim ito para makuha ang kanyang atensiyon. Nasamid pa siya ng makita ito. Agad naman siya nitong inabutan ng juice. "T-Tapos ka ng kumain?" Galit pa rin kaya ito? Tumango ito. "Mayroon pa ba?" Sigh of relief. "Oo nasa kusina. Teka ikukuha kita." "Ako na," pigil nito sa akma niyang pagtayo. Bumalik na ito sa loob ng bahay. Umabot yata sa mga tainga niya ang kanyang ngiti. Mukhang nagustuhan ni Priv ang ginawa niyang carbonara. Nang muling bumalik ang binata ay ang mismong pinaglalagyan ng carbonara ang dala nito. Nagsalubong tuloy ang mga kilay niya. "Kakainin mo lahat iyan?" "Why not? Sabi mo peace offering mo ito." Tiningnan niya ang kinakain. Kunti na lang iyon at gusto pa niya ng isang round pa ng kain. "Pahingi muna ng kaunti bago mo lantakan iyan." "Kaunti lang, ha," anito na ito pa ang naglagay sa pinggan niya. Napasimangot siya ng kaunti nga lang ang ilagay nito. "Grabe naman ito. Ako naman 'yung gumawa, eh, ako pa 'yung mauubusan." "Sino ba ang amo rito?" Ngumisi pa ito. "Slave lang kita kaya ako pa rin ang masusunod. Kaya sa akin lahat itong natira." Hindi na lang siya umimik at tahimik na lang na kumain. Mukha namang hindi na bad shot si Priv kaya hindi na masama. Thanks to her carbonara. Napangiti tuloy siya. Nang mapatingin ito sa kanya ay agad siyang nagbaba ng tingin at inabala ang sarili sa pagkain. NAKATUNGANGA si Justine sa may tabi ng swimming pool ng lapitan siya ni Priv. Tumikhim ito para agawin ang kanyang atensiyon. Napakurap tuloy siya. Napatayo siya ng makita ang binata. Nakatayo ito sa may likuran niya na animo isang aparisyon. "G-Gising ka pa?" Kandautal pa niyang bulalas. "Kita mo naman 'di ba?" Lumanghap ito ng hangin na animo pinupuno ang baga nito. "Bukas, after office hours, pupunta ako sa probinsiya." "Okay." Bakit naman kailangan pa nito iyong sabihin sa kanya? "Ingat." Tumaas ng bahagya ang isa nitong kilay. "Anong ingat? Kasama ka. Kaya dapat pag-uwi ko nakahanda ka na. Hanggang linggo tayo roon. Matulog ka na." Hindi na siya nito hinintay na makasagot dahil tinalikuran na siya nito at dere-deretso papasok sa loob ng bahay nito. "So, bawal akong komontra?" Sino naman kaya ang pupuntahan nito sa probinsiya? Saka bakit hanggang linggo sila roon? She sigh. "Sasakit lang ang ulo ko kaiisip. Makatulog na nga lang." Pumasok na rin siya at dumiretso sa kanyang gamit na silid. Kung ano man ang mayroon bukas at pupunta ito sa probinsiya ay wala siyang ideya. SAKTO namang katatapos lang niyang magluto ng hapunan ng dumating si Priv. "Kumain muna tayo bago umalis," salubong niya rito ng papasok ito sa front door. "Ano'ng niluto mo?" Tumaas pa ang isa nitong kilay. "Hotdog?" Umiling siya. "Hindi." "Hindi ako nagkakamali?" "Sumunod ka na nga lang," nagpatiuna na siya sa komedor. Adobong manok sa gata ang niluto niya. Natutunan niya sa kanyang tiyuhin. Nang makarating sa komedor ay pinaghila pa niya ito ng mauupuan bago siya naupo sa katabi ng kabesera. Si Priv naman ay napataas pa ang kilay ng makita ang niluto niya. Dinampot nito ang kutsara para tikman ang niluto niyang adobo sa gata na manok. Hindi niya inalis ang tingin dito para makita ang magiging reaksiyon nito. Walang nagbago sa seryoso bagama't guwapo nitong mukha ng balingan siya. "May silbi ka rin naman pala sa kusina," anito na umupo na at nagsandok na ng kanin sa plato nito. Napangiti siya. Ibig kasi niyong sabihin ay pasado sa panlasa nito ang niluto niya. Buti na lang at marunong siya niyon. Magana silang kumain ni Priv bago umalis ng Bachelors Estate patungo sa probinsiya ng pamilya nito. Hindi man dapat kabahan ay nakaramdam pa rin siya niyon. Makakaharap kasi niya ang pamilya nito. Hindi naman kalayuan sa Maynila ang probinsiya ng mga ito sa Quezon Province. Ang Tiaong, Quezon. Gusto man niyang mag-usisa tungkol sa pamilya nito ay pinigilan lang niya ang sarili. Hindi naman sila nito ganoon ka-close para magkuwento ito sa kanya. Matapos ang isang oras at kalahati ay narating din nila ang Hacienda Mondragon. Ang pinaka bungad niyon ay tabing highway lang na matatagpuan pagkapasok sa mismong probinsiya ng Quezon. Kasunod ng San Pablo, Laguna. Iniliko ni Priv ang kotse nito sa kaliwa kung saan naroon ang pinaka-gate ng Hacienda Mondragon. Gabi mang maituturing ngunit kita pa rin niya ang mga nararaanang mga puno ng niyog sa tigkabila ng kalsada ng tuluyan silang makapasok sa gate. "May hacienda pala kayo rito." "Yeah," tipid nitong saad habang nasa daan pa rin ang atensiyon. Napatango-tango siya. Napakalayo rin ng mismong mansiyon na mukha ng ancestral house sa kaantiguhan. Bagaman at may ilang parte pa rin ng bahay na may bahid ng modernong sebilisasyon. Lihim siyang humanga sa laki ng bahay na iyon. Akala niya kapag sobrang yaman ng isang pamilya ay mga nakatira sa exclussive village, ngunit wala ang marangyang pamilya na iyon sa ganoong lugar. Sa halip ay sa probinsiya naninirahan. "Baba na," ani Priv na pinagbuksan na pala siya ng pinto. Mabilis niyang kinalas ang seat belt at bumaba na rin. Sinalubong pa sila ng mga kawaksi. "Magandang gabi po," sabay-sabay pang bati ng mga ito. "Kami na po, Señorito." Hinayaan na lang ni Priv sa mga kawaksi ang gamit nila. "Kumain na ba kayo?" Tanong naman ng isa na mukhang mayordoma. Nagmano pa rito si Priv. "Tapos na po, Nana." Tumango ito. "Tulog na ang mga pinsan mo na mga nagsidatingan din kanina. Si Jazel, nasa silid niya at nagpapahinga. Ang papa mo naman ay bukas pa ang dating galing New York kasama ang step mother mo." "Okay po. Magpapahinga na rin kami, Nana," anito na wala yatang balak na ipakilala siya. "Let's get inside, Justine." Sumunod na lang siya rito matapos batiin ang matandang sumalubong sa kanila. Hindi nga siya nagkamali dahil mababakas pa rin ang karangyaan sa loob ng bahay na iyon. Bagaman at mas maraming antigong kagamitan ay mukhang mamahalin naman ang mga iyon at hindi basta-basta. "Pasensiya na po, Señorito. Wala na pong available na guest room para sa kasama ninyo." Napakurap si Justine at natigil sa pag-uusisa ng mga kagamitan ng marinig ang sinabing iyon ng isang kawaksi. Natuon tuloy roon ang kanyang tingin. "Kung wala na puwede naman ako sa servants quarter," aniya. Tiningnan siya ng masama ni Priv. "B-Bakit?" "Bakit naman doon ka tutulog?" Napakamot siya sa baba. "Eh, wala na raw available na guest room, ah." Binalingan na nito ang kawaksi na siyang may dala sa gamit niya. "Doon mo na iyan sa silid ko ilagay." Ano raw? Napalunok siya. Magsasama sila sa iisang silid ni Priv? Napailing siya. She hate the idea. "H-Hindi na," aniya na mabilis na kinuha sa kawaksi ang bag niya. Tumabi siya roon. "Doon na lang ako makikitulog sa inyo," kausap pa niya sa kawaksi. "Tumigil ka nga Justine. Don't start," may bahid ng inis na sabi ni Priv. Hinila na siya nito palayo sa mga kawaksi. Pagkabukas nito sa isang silid ay tuloy-tuloy lang sila sa pagpasok doon. Malawak ang naturang silid. Maging ang kama ay malaki rin kaya kahit maki-share siya roon ay siguradong hindi naman siya mapapatabi kay Priv, lalo na at hindi naman siya malikot matulog. "S-Sigurao ka bang makiki-share ako rito sa silid mo? You know, puwede kang tumanggi. Hindi rin naman ako choosy pagdating sa tutulugan," aniya habang kipit ang bag. "You hear me right," anito na binuksan ang isang pinto at pumasok roon. Paglabas nito ay may dala na itong makapal na comforter. Inilatag nito iyon sa gilid ng kama. Nilagyan pa nito ng dalawang unan. "Dito ka matutulog. Sabi mo nga hindi ka choosy," anito ng balingan siya. Pinigilan niya ang irapan ito ng nakamamatay. Kinalma niya ang sarili. Akala pa naman niya ay sa malambot na kamang iyon siya matutulog. Iyon pala ay hanggang pangarap na lang iyon. Dahil ang guwapong hudyo ay nag-effort pa na ipaglatag siya sa sahig. Tumango pa rin siya sa kabila ng lihim na pagsi-sinter. "Oo naman. Ang importante ay may matutulugan ako." Nilampasan na niya ito at wala ng imik na nahiga sa inilatag nito. Inilagay lang niya sa katabi ang bag. "Pakipatay ng ilaw," utos niya rito bago pumikit. Medyo inaantok na rin siya kaya bahala na ito. Akala naman nito na mag-iinarte siya? Puwes hindi niya iyon ipapakita rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD