HINDI nagtangkang lumingon si Justine dahil ayaw niyang salubungin ang masamang tingin ni Priv. Guilty as charge. Ayaw nito na didikit siya kay Geo.
Tumayo na si Geo ng makita nito si Priv na palapit sa kinaroroonan nila. Nakangiti lang si Geo habang seryoso naman ang pinsan nito.
"Leave."
Isang salita na may bahid ng awtoridad. Ganoon si Priv. Intimidating.
Tumaas ang kamay ni Geo bago ito nagpaalam sa kanya na babalik na sa ancestral house. Kimi lang siyang tumango.
"Sinabihan na kita kanina, Justine."
Hindi niya napigilan ang sarili na hindi tumayo. Lakas loob din ng harapin niya si Priv. As usual seryoso ito. Pinilit niyang hindi magpatinag sa reaksiyon nitong iyon.
"Alam mo naman siguro kung ano ka ngayon sa buhay ko. Kaya kung ano'ng sabihin ko ay iyon ang gagawin mo. I told you na 'wag kang didikit kay Geo. Pero pasaway ka."
"Hindi naman kagaya ng iniisip mo, eh. At saka siya 'yung bigla na lang lumapit."
"Na in-enjoy mo naman? Itatanggi mo rin? Ni hindi ka nga lumayo ng kusa. Instead you enjoy him flirting you."
Isang hinga pa ng malalim para mapalis ang namumuong inis dito. Bakit ba ang hirap nitong pagpaliwanagan? Gusto nito ay ito palagi ang tama.
"Hindi niya ako pini-flirt," mariin niyang sawata. "Nakikipagkuwentuhan lang naman 'yung tao."
"Tss," he hiss. "Not flirting you, huh. Pero inaya ka niyang mag-date."
Kunti na lang at iikot na ang eye balls niya. "Tinanggihan ko iyon. Puwede ba Mister Mondragon tigilan mo na iyan? Kanina ka pa isip ng isip ng masama. Para matigil na iyang kaluluwa mo hindi ko na lalapitan ang pinsan mo. Kahit ang sulyapan." Napabuga siya ng hangin pagkasabi niyon. Tinalikuran na rin niya ito.
"Gawin mo. Hindi 'yung puro ka satsat."
Napaawang ang labi niya. Wow, huh. May genen? She inhale and exhale three times to ease the tention inside her. Buti na lang at hindi siya pasuweldo ng halimaw na ito dahil kung ganoon nga ay ngayon pa lang ay magre-resign na siya.
Itinikom na lang niya ang bibig at hindi na nagkomento pa. Narinig niya ang marahas na pagpapakawala ni Priv ng malalim na buntong-hininga.
"Samahan mo ako sa tapahan," anito pagkuwan.
"Ayoko."
"Don't start, Justine."
"Ikaw ang nagsimula, Priv."
"You're the slave here kaya ako ang masusunod. Sumunod ka na."
Napairap pa siya bago sumunod dito. Iyon naman ang papel niya rito. Slave. Kung hindi lang din niya kailangan ng perma nito ay kanina pa siya wala sa harapan nito. Pasalamat talaga ito.
Tahimik at walang imik na sumunod siya rito. Nilakad lang nila ang lugar na punterya ni Priv. Puro puno ng niyog ang nakikita ng mga mata niya. Hanggang sa makarating sila sa isang lugar na may malawak na parang bahay na walang dingding. Open iyon. Tanging yero at haligi lang ang bumubuo sa naturang silungan. Sa gitna niyon ay isang malawak ding parang swimming pool na sa wari niya ay aabot hanggang sa hita niya ang lalim na ang pinakasahig ay kawayan na tila hinabi na parang banig. May silong din iyon sa ilalim na hindi naman kalaliman.
Nang tuluyang makalapit sa mga tauhan ng mga ito ay agad itong binati ng mga iyon. Mga nagtatapas ng niyog na panandalian munang inihinto para harapin si Priv.
"Kamusta, Señorito?" Magalang na bati rito ng isang may edad na.
"Mabuti naman ho. Mukhang maraming nakawit ngayong niyog," anito na bahagya pang inilibot ang paningin sa halos gabundok na patas ng mga niyog.
"Opo, Señorito. Maganda ang ani ng mga niyog ngayon. Malalaki pa."
Medyo lumayo muna siya kay Priv at sa mga tauhan nito para tingnang muli ang parang swimming pool na estrakturang naghatid ng kuryusidad sa kanya ng madaanan nila kanina ni Priv.
"Justine," tawag ni Priv sa kanya.
"Bakit?" aniya na hindi ito nililingon.
"Kapag tinawag kita, matuto kang lumapit. Hindi 'yung ako pa ang lalapit sa iyo."
Napairap muna siya sa kawalan bago binalingan si Priv na nuknukan ngayon ng demanding. "Pasensiya po." Itinuro niya ang parang swimming pool. "Ano iyan?" Hindi naman siguro swimming pool dahil walang tubig at hindi tiles.
"Tapahan ng niyog."
Kumunot ang noo niya. Wala siyang ideya sa sinabi nito. Ngayon nga lang niya narinig iyong tapahan ng niyog. Napatawa siya kapag kuwan. "Paanong tapahan ng niyog? Ginagawang tapa 'yung niyog?"
Napasulyap siya sa mga tauhang naroon ng mapatawa rin ang mga ito. Mali yata ang pakiwari niya? Akala nga niya kanina 'yung tapahan na tinutukoy ni Priv ay gawaan ng mga tinapang isda.
"Mang Ading, kayo na ho ang magpaliwanag sa kasama ko." Naupo si Priv sa papag na naroon. Pahingahan siguro ng mga tauhan.
Umiwas siya ng tingin ng masulyapan si Priv na pinagmamasdan siya.
"Kapag talaga taga siyudad ka ay mangmang ka pagdating sa buhay linang," simula ni Mang Ading. Lahat natuon ang tingin dito. "Matapos naming matapas o matanggal sa bunot ang niyog at mabiyak ay diyan namin isinasalansan. Patong-patong hanggang sa magkasya sa isang salang. Sa kabilang bahagi," itinuro pa nito sa kanya ang kinaroroonan ng salangan ng apoy. Malalim iyon na hukay na konektado sa ilalim ng tapahan na parang pool. "Diyan naman namin inilalagay ang mga bunot na siyang magsisilbing gatong sa pagtatapa ng niyog. Para maluto."
Napatango-tango siya. "Tapos po? Ibig ko hong sabihin ano pong kasunod na gagawin matapos maluto ang niyog? At bakit kailangan pong lutuin?"
"Kailangan kasing tigkalin sa pinaka-bao 'yung niyog, hija. Mas madaling matanggal sa bao ang niyog kapag niluto muna. Kapag tapos na ay isasako na namin at ready ng i-deliver."
Ngayon ay nagkaroon na siya ng ideya sa tapahan ng niyog. Napangiti pa siya. Another knowledge. Matapos magpasalamat kay Mang Ading ay nilapitan na niyang muli si Priv na nakaupo pa rin sa papag.
"Akala ko 'yung tapahan na tinutukoy mo kanina ay tapahan ng isda. 'Yung smoke fish. Kaya nagtataka ako dahil walang isda rito." Naupo siya sa karatig nito.
"Kita mo namang walang dagat dito at puro niyog ang nasa paligid mo."
Napalabi siya. "Akala ko lang naman, eh."
"Maraming namamatay sa maling akala."
"Tse! Makalayo nga muna sa iyo. Kanina ka pa." Lukot ang mukha na tumayo na uli siya at nakinood sa mga nagtatapas ng niyog. Sa bandang kaliwa naman niya ay may taga-biyak ng niyog. Diretso lang sa parang kanal ang siyang sabaw ng niyog. Napalunok siya. Parang masarap uminom ng sabaw niyon. "Kuya," agaw niya sa pansin ng isang binatilyo na wala namang ginagawa.
Agad naman itong lumapit sa kanya. Napalunok pa ng mapagmasdan siya sa malapitan. "B-Bakit po, Ma'am?" Tila na star srruck pa ang isang ito sa kanya.
"Maaari ho ba akong makisuyo? Papakuha lang po sana ng buko sa puno ng niyog. Kung okay lang?"
"Buko po? Sigurado po ba kayong buko 'yung kukunin ko?"
Tumango siya. "Opo." Nginitian pa niya ito.
"Ah, sige po. Ikukuha ko lang po kayo sa puno." Tumalima na ito at kumuha pa ng napakahabang kawayan na siyang pangawit sa niyog.
Habang hinihintay ang binatilyo ay muli niyang pinagmasdan ang mga nagtatapas. Mabibilis kumilos ang mga iyon. Tila hindi iniinda ang nakakapagod na gawaing iyon. Siya kasi na nanonood lang ay parang nakakaramdam ng pagod sa ginagawa ng mga ito.
"Sigurado ka bang buko 'yung gusto mo?"
Hindi niya pinansin si Priv na nakalapit na sa kanya. "Oo. Gusto kong uminom ng sabaw," sagot pa rin niya. Hindi nakalampas sa kanya ang bahagya nitong pagtawa. Napatingin siya rito na agad na nagseryoso. "May nakakatawa ba?"
"You'll see," tanging sagot nito na nanood din sa mga tauhang nagtatapas ng niyog.
"Ma'am, heto na po ang buko niyo."
Mabilis na nilingon niya ang binatilyong pinakisuyuan niyang kumuha ng buko. Naumid ang dila niya sa akma sanang pagpapasalamat ng bumungad sa kanyang paningin ang hawak nito sa kamay.
"Bakit sobrang liit?" Taka niyang tanong. Ang inaasahan niya ay 'yung pang buko juice na niyog.
Napabunghalit na ng tawa si Priv. Sa unang pagkakataon yata ay tumawa ito. "Paano kasi buko 'yung pinapakuha mo. Syempre buko talaga ng niyog ang kukunin niyan."
Napakamot sa batok ang binatilyo. "Baka po mura ang tinutukoy niya, Señorito."
"Magkaiba ba iyon?" aniya na pinaglipat-lipat ang tingin sa buko ng niyog na kasing laki lang ng kamao niya at kay Priv na natatawa pa rin.
"Yeah. Dito, kapag sinabi mong buko, buko talaga ng niyog ang tinutukoy. Hindi kagaya ng buko juice na nakikita mo sa Manila. Mura ang tawag nila sa tinutukoy mo."
Naihilamos niya ang kamay sa mukha. Okay, siya na ang mangmang sa buhay ng taga linang.
"Pakikuha na lang siya ng bago. 'Yung mura pa," utos ni Priv sa binatilyo na agad na tumalima.
"I know nakakahiya," agap niya ng balingan siya ni Priv. Pero infairness ang guwapo nito. Lalo na ng makita niya itong tumawa kanina. Kahit ngayon na maaliwalas ang mukha nito dahil sa ngiting mababanaag sa mata nito. Sana palagi itong ganito para hindi mukhang dragon na nakakatakot.
"Okay lang para sa baguhan na kagaya mo. Lesson learned."
MARAMI ring bisita ang dumalo sa kaarawan ng kapatid ni Priv, na si Jazel, ng gabing iyon. Mga halatang socialite at kakilala ng pamilya ng mga ito ang mga tao. At dahil wala naman siyang kakilala sa mga ito kaya wapakels siya sa mga tao sa paligid.
Nakasuot siya ng dark blue na dress, pina-deliver ni Priv ng nalaman nitong wala siyang dalang dress na puwedeng isuot sa party ng kapatid nito. Tama lang iyon sa katawan niya na lalong nagpatingkad sa ganda niya kahit na simple lang ang ayos niya sa mukha at buhok.
"Mag-enjoy ka lang dito Justine," sabi pa ng pinsan nina Priv ng madaanan siya sa kinaroroonang table.
"Sure," nakangiti niyang tugon kay Keziah na nakilala niya kanina. Nang maglakad ito palayo ay sinundan pa niya ito ng tingin.
Si Keziah, if she's not mistaken, ay ito 'yung tumawag noon kay Priv. Dahil sa pagkakatanda niya ay pangalan nito ang binulalas ng binata ng makatanggap ito ng tawag habang minumulistiya nito ang walang laban niyang labi. Ito ang siyang dahilan kaya maling suite ang sinugod ng binata. Hindi niya alam kung dapat pa ba niyang ipagpasalamat ang bagay na iyon dahil nakilala niya si Priv o hindi.
Bahagya siyang napangiti sa alalahaning iyon. Hindi pa naman ganoon katagal mula ng mangyari ang insidenteng iyon at heto nga at muli niyang nakasama ang pangahas na lalaking humalik na lang ng walang babala sa kanya, kasama ang mismong pamilya nito. Ang mga magulang ni Priv ay dumating din kaninang after lunch galing sa New York. Mababait din ang mga iyon na magiliw siyang tinanggap.
Napatingin siya sa platong bigla na lang sumulpot sa harapan niya. Puno iyon ng pagkain. Pag-angat niya ng tingin ay bumungad sa kanya ang guwapong-gwapong si Priv na masyadong pormal sa suot nitong coat and tie. Bahagya pa siyang natulala dahil sa angkin nitong kaguwapuhan ng mga sandaling iyon. Ito 'yung lalaking aakalain mong prinsipe sa sobrang kakisigan.
Tumikhim ito kaya napakurap siya. Agad siyang nagbaba ng tingin sa pagkaing inilagay nito sa harapan niya.
"A-Ang dami naman nito?"
"Kainin mo lang 'yung kaya mo," anito na naupo sa katabi niyang bangko.
Mamaya pa sana siya kukuha ng makakain dahil marami pa ang nakapila sa magkabilang buffet table. Pero heto si Priv at nakakuha agad ng pagkain niya kahit na hindi naman niya pinakisuyuan.
"Ikaw? Hindi ka ba kakain?" aniya dahil wala itong pagkain para sa sarili nito.
"Busog pa ako. Kumain ka na."
Sinulyapan muna niya ito bago inatupag ang pagkain. Prente lang itong nakaupo sa tabi niya habang panaka-nakang inililibot ang tingin sa paligid.
"Okay lang naman akong mag-isa rito, Priv. Kung may gagawin ka puwede mo naman akong iwanan dito," suhistiyon niya sa pag-aakalang baka may gagawin pa ito.
"Don't mind me. Just eat."
Isang sulyap pa rito bago muling itinuon sa pagkain ang atensiyon. Hindi naman lingid sa kanya ang kanina pang pagsunod ng mga pares ng mata kay Priv. May ilan pa nga na lantaran kung kiligin sa prisensiya nito. Hindi naman iyon kataka-taka. Bukod sa sobrang yaman ng pamilya nito at kaguwapuhang taglay nito, alam ng lahat na single ito kaya lalong dumami ang nagpapapansin dito. May ilan pa nga siya kaninang nakita na pini-flirt ito. Pero ang heroides parang walang nakikita at hindi pinapansin ang mga babae. Siya na lang ang naiiling sa pagka-snob nitong taglay.
Tapos na siyang kumain pero si Priv hindi talaga umalis sa tabi niya. Nagtataka man ay hinayaan na lang niya.
"Saan ka pupunta?" anito ng tumayo siya.
"Pupunta lang sa CR."
"I'll go with you." Tumayo na rin ito.
"Kaya ko na. Saka alam ko naman kung saan may CR na malapit," protesta niya.
"Hihintayin lang kita sa labas ng CR at hindi sasamahan sa loob."
Aangal pa sana siya, ang kaso ay hinawakan na nito ang kanyang kanang braso na naghatid ng kilabot sa kanyang buong katawan. Pagkuwan ay iginiya palayo sa bulwagan kung saan dinaraos ang birthday party ni Jazel.
"Kanina ko pa napapansin na palagi kang nakadikit sa akin. Don't tell me na ginu-guwardiyahan mo ako sa pinsan mong si Geo?" Hindi na niya natiis na isatinig. Kanina pa kasi ito. Nakakailang na palagi niya itong kalapit. "Alam kong maganda ako ngayon sa mata ng lahat, pero 'wag kang mag-alala kasi kaya ko naman ang sarili ko."
"Hindi ko alam na malakas din pala ang bilib mo sa sarili mo," sarkastiko nitong wika.
"Eh, di lubayan mo na muna ako mamaya pagbalik sa party ng kapatid mo. Para naman makakilala ako ng guwapong mayaman na bisita niyo." Hindi siya nagtankang tingnan ito. Diretso lang ang tingin niya sa daan.
Bahagyang tumiim ang bagang ni Priv. "As if naman may magkakamaling pumatol sa iyo?"
Saka lang siya napatingin dito. Para kasing galit ito. O baka naman guni-guni lang niya? Ipinilig niya ang ulo. Ayaw niyang mag-assume.
"Malay mo lang naman," sagot na lang niya.
"Tss. Bilisan mo ng mag-CR. Bumalik ka rin agad doon sa table na kinainan mo. Hihintayin kita roon."
Napanganga siya ng bitiwan na siya nito at iwanan sa bungad ng mansiyon. Akala ba niya ay sasamahan siya nito? Pero heto at nag-walk out ang binata.
"Ang g**o niya. Sobrang gulo." Napapailing na lang na nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Hindi rin naman siya nagtagal sa CR. Pagbalik niya sa party ay hindi agad siya makalapit sa table na kinaroroonan ni Priv dahil napapalibutan ito ng mga babae na pilit pa ring kinukuha ang atensiyon nito.
"Chick magnet talaga," anas niya. Minabuti na muna niyang lapitan si Jazel para muling batiin. Sa sobrang aligaga kasi nito kanina ay hindi rin niya magawang maabala. "Happy birthday Jazel," bati niya rito ng makalapit dito.
"Thank you, Ate Justine," magiliw nitong wika na bineso-beso pa siya. "Pa-picture muna tayo." Kinawayan nito ang photographer nito na agad namang lumapit. "Picture-an mo kami Kuya," ani Jazel na agad na ipinulupot ang kamay sa braso niya.
Wala siyang nagawa kundi ang ngumiti sa harap ng camera. Ilang shot lang naman iyon.
"Thank you, Ate Justine."
"You're welcome, Jazel."
"Jazel tawag ka ng Daddy mo," anang pinsan nito na kalalapit lang.
Tinanguan niya si Jazel ng magpaalam ito sa kanya. She sigh. Nang maalala si Priv ay nagmamadali na niyang binalikan ito. Seryoso ang mukha nito ng makita siya.
"Ang tagal mo," tumayo na ito at hinila siya palayo sa table kung saan nakapalibot pa rin ang mga babae kanina.
"Binati ko lang naman 'yung kapatid mo." Tumikhim siya. "Ang dami mong chicks sa table," nakangisi niyang biro.
"Shut up, Justine. Kanina ko pa gustong umalis doon. Kung bakit kasi ang tagal mo."
"Nasagot ko na kung bakit. Saka puwede ka namang umalis doon pero hindi mo ginawa. Ikaw 'yung nagtiis sa presensiya nila," katwiran niya.
"I told you that I will wait for you there," he hiss.
Medyo naumid ang dila niya sa sinabi nito. May punto ito, pero ang mag-effort ito na hintayin siya kahit na naalibadbaran na ito sa mga babaeng naroon ay isang matatawag na himala. Puwedeng-pwede naman kasi itong umalis, but he didn't. Instead, he wait for her to come back.
Humantong sila sa table na nasa unahan at walang nakaupo. Naupo ito roon kaya naupo na rin siya sa tabi nito. Senenyasan pa nito ang isang waiter na may dalang cocktail drinks. Kumuha ito ng dalawa. Kukunin sana niya ang isang drinking glass na ipinatong nito sa tapat nito ng bahagya nitong paluin ang kamay niya.
"Tigisa naman tayo riyan 'di ba?" apila niya.
"Sa akin iyan parehas. Mag-juice ka lang. No hard drinks for you." Muli nitong binalingan ang waiter. "Magdala ka rito ng juice."
"Okay, Sir."
Napalabi siya ng isandal ang likod sa back rest ng mono block. "Marunong din naman akong uminom ng alcoholic beverage 'no."
"Kapag ako ang kasama mo, hindi puwede."
"Hindi ka lang masungit ngayon, nuknukan pa ng KJ," anas niya na hindi naman nakaligtas sa pandinig nito. Pero wala itong sinabi, sumimsim lang ito ng alak.
Napabuntong hininga siya mayamaya. Ilang araw na lang at matatapos na ang taning na ibinigay sa kanya ng kanyang Lola Corazon, pero hanggang ngayon ay wala pa yatang balak pumerma si Priv sa kontratang hawak nito.
Dumako ang tingin niya sa unahan ng mag-dim ang ilaw sa paligid.
"Magsasayawan na siguro sa dance floor," wala sa sariling bulalas niya dahil sa pagbabago ng atmosphere sa paligid.
Ngunit mayamaya pati ang malamyos na musikang pumapailanlang ay nawala. Imposibleng magsasayawan kung pati ang nagsisilbing tugtugin ay nawala. Tahimik siyang naghintay sa susunod na magaganap. Si Priv na prente lang sa tabi niya ay tila naghihintay lang din sa kung anong sunod na magaganap sa paligid.
"Tigilan mo nga ako sa katititig mo Justine," saway nito na bahagya siyang binalingan.
Napalunok siya. Gusto niyang iwasan ang pagkakasalubong ng mga tingin nila. Ngunit ang pasaway niyang mata ay tila kontra sa isip niya. Masarap pagmasdan ang kaguwapuhan ni Priv, masungit na snob ang dating pero naroon pa rin 'yung part na nakakaadik itong titigan.
"Justine."
Napakurap siya ng marinig muli ang tinig nito. "H-Ha?"
"Obvious ka masyado," kaswal nitong sagot. Ipinatong nito sa lamesa ang basong wala ng laman na alak. Iimik pa sana ito ng dumating naman ang juice na pinapakuha nito sa waiter kanina. Inilapag nito iyon sa tapat niya. "'Yung juice mo."
"Salamat," aniya na kinuha iyon at sumimsim. Nauhaw siya dahil dito.
"Baka bagong girlfriend ni Priv."
"I guess so. Kanina pa sila magkasama."
"Pero hindi naman sila sweet kagaya ng ibang may relasyon."
"Malay mo hindi lang sila into public."
"Don't mind them," agap ni Priv ng akmang lilingunin niya ang mga nag-uusap 'di kalayuan sa kanila.
She sigh. "Uso talaga ang mga ususera sa mga ganitong party. Wala ka man lang bang boses para sawatahin ang mga sinasabi nila? Ikaw 'yung topic nila."
"Alam naman natin ang totoo. Wala rin akong balak na mag-aksaya ng laway sa mga ganoong tao."
"Okay, Sir," pairap niyang bulong dito.
Natahimik lalo ang paligid ng makarinig sila ng strum na nanggagaling sa gitara. Inilibot niya ang tingin sa unahan hanggang sa mapadako iyon sa isang sulok. Bumukas ang ilaw sa side na iyon at tumambad sa kanya ang isang lalaki na may hawak ng gitara.
Rinig niya ang singhapan sa paligid ng mapagsino iyon. Nakita pa niya si Jazel kung paano matigilan habang nakatitig sa lalaking patuloy sa pagtipa sa gitara nito. Guwapo rin ang naturang lalaki. Tipong lilingunin rin ng kahit na sino.
Nagsimula itong kumanta. I'll Never Go ang kinanta nito. His gaze never leave Jazel. Doon lang iyon nakatutok.
"Siya ba 'yung ex ng kapatid mo?" Hindi na niya napigilan pang ibulalas kay Priv na matamang nanonood. Relax lang ito at tila alam na nito na mangyayari ang bagay na iyon. Samantalang ang lahat sa pagtitipong iyon ay nagulat sa pagsulpot ng naturang lalaki.
"Yeah, Lincon Sandoval."
"Bakit parang okay lang sa iyo na narito siya? Akala ko ba nanggagalaiti ka sa kanya dati?"
"Just watch."
Napataas tuloy ang isa niyang kilay. So, ibig sabihin ay alam na talaga nito na susulpot si Lincon. Baka naman nagkaayos na ang mga ito? Hindi malayong mangyari dahil sa pagiging relax nito.
"Anong ginagawa ng gagong iyon dito?" Tiim bagang na tanong ni Geo kay Priv na lumapit dito.
"Cleaning his own mess. Hayaan mo lang siya Geo at 'wag kang makikialam."
"Tss. Don't tell me nagkausap na kayo? Baka naman nakakalimutan mo 'yung nangyari kay Jazel ng dahil sa kanya? She almost die!"
"No more words Geo," kalmado pa ring sagot ni Priv.
"Tsk. Fine," inis na lumayo sa kanila si Geo. Ni hindi nga siya tinapunan ng tingin.
Imbis na mag-usisa pa ay itinuon na lang niya sa unahan ang atensiyon.