Chapter 04

2181 Words
UMAGA na ng maalimpungatan si Justine. Ramdam agad niya ang p*******t ng kanyang buong katawan. Partikular na ang kanyang likod at mga kamay sanhi ng maghapong pag-gagamas ng nagdaang araw. Nang imulat niya ang mga mata ay medyo nagtaka pa siya ng tuluyang luminaw sa kanyang paningin ang silid na kinaroroonan. Mabilis niyang binalikan sa alaala ang huling nangyari sa kanya bago nakatulog. Right, sa may lanai ng bahay ni Priv siya nakatulog kahapon. Pinilit niyang maupo at muling inilibot ang tingin sa kabuuan ng silid. Hindi iyon ang silid na tinutuluyan niya sa bahay ng pinsan. "Ibig sabihin nasa bahay ako ni Priv?" Bulalas niya. Napatingin siya sa kanyang kamay. May ointment na nakalagay roon. Ibig lang niyong sabihin ay ginamot din siya nito. Napangiti tuloy siya. Bumaba na siya sa kama at tinungo ang banyo, na nasa loob din ng silid na iyon, para maghilamos at gawin ang morning retwals niya. Saktong paglabas niya sa banyo ay siya ring pagbukas ng main door ng silid. Tumambad sa kanya si Priv na may dalang tray na may umuusok na soup sa bowl at isang basong mango juice. "Buti naman at gising ka na," anito na tuluyan ng pumasok. Ipinatong nito sa may bedside table ang tray. Pagkuwan ay nilapitan siya at inalalayan pabalik sa may kama. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Medyo nag-stretch siya ng mga kamay bago naupo sa may gilid ng kama. "Masakit ang buong katawan." Naupo rin ito sa tabi niya. "I didn't know na gagawin mo talaga 'yung paggagamas kahapon. I was just making you back out that's why I told you to do it." "Sinabi ko rin naman sa iyo na gagawin ko lahat para lang mag-invest ka sa CL." He sigh. "Okay. I'm sorry about yesterday. Napahamak pa tuloy ang mga kamay mo." Napatingin siya sa kanyang mga kamay. "Wala ito. Gagaling din naman ito, eh," aniya. "Salamat nalang sa concern." "I'm not concern," kontra agad nito. "'Di ba nga sabi mo, you can be my slave. Paano pa mangyayari iyon kung injured ka?" Pinigilan niya ang sarili na maibato sa mukha nito ang umuusok pang soup. Okay na sana, eh, tunog concern na. Kaso umepal pa ng ganoon. "Ah, ganoon. Don't worry I can manage Mister Mondragon. Paltos lang ang mayroon ako sa kamay. Sus, maliit na bagay," binalingan niya ang tray at akmang kukunin ng pigilan siya nito. Napatingin tuloy siya rito. "Bakit?" "Ako na." Napaawang tuloy ang labi niya ng kunin nito ang tray. Ipinatong nito sa bedside table ang baso bago siya binalingan. "Hindi ka naman makakakain ng maayos dahil sigurado akong masakit pa iyang kamay mo." Sigurado ka ba Priv na hindi ka concern? Bakit ikaw pa ang magpapakain sa akin? aniya sa isip. Naiimposiblihan tuloy siya sa taong ito. Wala siyang nagawa kundi ang ngumanga ng iumang nito sa tapat ng labi niya ang kutsarang may soup. Lihim siyang natuwa dahil sa pag-aasikaso nito sa kanya. He's not that bad and harsh after all. "Saan ka tumutuloy rito sa Bachelors Estate? Hindi ka naman puwedeng labas pasok lang dahil mahigpit ang security rito." Sasabihin ba niya na pinsan niya si Eros at doon siya ngayon tumutuloy? Medyo napaisip siya sa bagay na iyon. "I'm asking." Napakurap tuloy siya. "Ah, sa bahay ng...ng boss ko." Pagsisinungaling niya. "Boss? Sino?" "Si, Sir Eros." Nagsalubong ang kilay nito. But, deym, ang guwapo nito lalo sa paningin niya. Focus sa pagkain Justine Mari! pipi niyang sabi sa isip. "Kay Eros?" May bahid ng disgusto sa boses nito. "B-Bakit?" "Nakakatiis kang tumira sa bahay niya? O may relasyon kayong dalawa?" "Relasyon?" Hindi na niya napigilan ang mapatawa sa sinabi nito. "Siya at ako, may relasyon? Naku, Mister Mondragon, kung ano man iyang iniisip mong makamunduhang relasyon, puwes wala kami noon. Narito ako para gawin ang task ko na mapapayag kang mag-invest sa CL. Nakasalalay rito ang future ko kaya nagtitiis ako." Inagaw na niya rito ang kutsara dahil hindi na nito iyon ginagalaw. Nagugutom pa naman siya. Susubo na sana siya ng muli itong magsalita. "Umalis ka na sa bahay ni Eros." Nasa bibig pa niya ang kutsara ng slow motion na tingnan ito. Agad niya iyong tinanggal. "Huh?" "You heard me right. Tutal slave kita kaya gagawin mo lahat ng sasabihin ko. Umalis ka sa bahay niya at lumipat dito. Ako 'yung dapat mong i-please kaya natural lang na dito ka sa bahay ko at hindi sa bahay niya." "Teka," uminom muna siya ng mango juice bago ito muling hinarap. "Dito ako sa bahay mo mag-stay? For real?" "Oo." Napailing siya. Tiyak na magagalit ang pinsan niya kung doon siya titira ng ilang araw. "Hindi puwede." "At bakit?" "Hindi papayag si Ku–Sir Eros," mabilis niyang pagtatama. "Then forget the contract. Hindi naman iyan kawalan sa negosyo ko. It's your lost and not mine." Kung puwede lang sipain ito nagawa na niya. Marahas siyang bumuntong-hininga. "Oo na. Lilipat na po rito sa kaharian niyo, Master." Pairap na nag-focus na siya sa soup. Kahit paano naman ay kaya niyang tiisin ang paghawak sa kutsara para makakain. Pero ang isipin na doon siya mananatili sa bahay nito......is another deym story. Nanatili pa rin si Priv sa tabi niya habang kumakain siya. Ipinatong na rin niya sa hita niya ang tray para mas komportable siya sa pagkain. Nang may maalala ay muli niyang sinulyapan si Priv na mukhang kanina pa siya pinagmamasdan. Dagli itong nag-iwas ng tingin. "Masarap itong soup mo. Salamat dito." Tumango lang ito. "'Di ba may pasok ka? Bakit narito ka pa?" Saka lang ito bumaling sa kanya."Hindi naman ako makakapasok sa trabaho gayong alam ko na may nangyari sa iyo." Bago pa siya mahirinan sa sinabi nito ay agad siyang uminom ng juice. Okay, maliwanag na hindi ka nga concern sa akin Mister Privado Mondragon. Pa-etok ka talaga kahit na kailan. "Ganyan pala ang hindi concern ano?" Pasimpleng tease niya habang pilit sinasalubong ang tingin nito. Tumayo na ito at kinuha ang tray sa kanya. Maging ang baso. "Tapos ka na namang kumain kaya magpahinga ka na muna." Iyon lang at umalis na ito. Naiiling na natatawa siya ng mapag-isa. Kapag masyadong sukol si Priv umiiwas na lang ito. "WHAT?!" "Tama ang narinig mo Kuya Eros. Kailangan kong mag-stay sa bahay niya. Parte ito ng plano ko para mapapayag siyang mag-invest ng tuluyan sa CL. Alam mo naman kung gaano siya ka-kailangan ng kumpanya ni lola. Bigating investor iyon kaya tiyak na makikilala lalo ang CL kapag nag-invest ang kagaya niya na maraming connection. Hindi man ako nagtatrabaho sa CL, naiintindihan ko naman kung bakit ito pinu-push ni Lola Corazon. Gagawin ko ito hindi lamang para sa CL. Para rin sa akin. Para mapabilib ko si lola. Alam mo naman ang tingin niya sa amin nina mama. A big failure." Malungkot siyang napangiti. Noon pa man ay iyon na ang tingin sa kanila ng lola niya. Kaya ang ina niya mismo ay mas pinili ang humiwalay rito. Nabuntis kasi ang mama niya ng ama niyang sobrang playboy. Hindi siya pinanagutan bilang anak nito. Iniwan pa ang kanyang ina na ikinagalit lalo rito ng kanyang abuela. Kaya hindi na siya magtataka kung marami man siyang kapatid dahil sa palikiro niyang ama. Isang guro ang kanyang ina. Napalaki naman siya nito ng maayos kahit na wala siyang kinikilalang ama simulat sapol. Nagkaroon din ng kinakasama ang ina niya ngunit hindi naging maayos dahil nananakit. Kaya naghiwalay rin. Iyon nga lang, palagi silang ginugulo lalo na ang kanyang ina. Pinagbabantaan pa ang buhay nila. Kaya sa pamamagitan ng task niya kay Priv, gusto niyang maging proud kahit paano ang kanyang lola sa kanya at tuluyan siyang matanggap bilang apo nito. Siya lang yata ang tinatawag nito sa pangalan niya. Samantalang ang iba niyang pinsan, apo ang tawag nito. Nakakainggit man ay wala siyang magagawa. Hindi rin naman siya paboritong apo lalo na at anak siya sa pagkadalaga. Isang failure. Nang ampunin pa ng kanyang ina si Jerico lalong nagalit ang lola niya sa mama niya. "Kahit terror siyang lola ever since, pangarap ko rin namang matanggap niya kami ni mama. Kahit si mama lang." Hindi naman siya naiinggit sa mga kamag anak niyang nakatira sa exclussive village. Masaya naman silang tatlo ng mama at kapatid niya sa kanilang bahay sa Tondo. Nakakakain naman sila ng maayos at nabibili pa rin ang gusto. Sapat na iyon sa kanya. Bunos na lang kapag naging maayos na ang samahan nila ng kanilang lola. "Kung hindi ka papapigil. Hindi kita pipigilan. Basta siguraduhin mo lang Justine na mag-iingat ka. Hindi mo pa rin kilala si Mondragon. Don't fall for him. Dahil ayokong masaktan ka lang sa huli." Napangiti siya. "Alam ko naman iyon." "Good. Kung may kailangan ka ay tawagan mo lang ako." "Salamat, Kuya Eros." Hindi na rin niya sinabi sa pinsan na nagkapaltos siya sa paggagamas. Dahil baka masugod lang nito si Priv. Kaya minabuti na lang niya na ilihim iyon bagama't ang alam nito ay naglinis siya sa bahay ni Priv kaya 'di siya nakauwi ng nagdaang gabi. Sa sobrang pagod kaya doon na siya nakatulog. Hindi na naman ito nag-usisa pa. Bitbit ang bag na bumalik siya sa bahay ni Priv. At ang damuho hindi pa maipinta ang pagmumukha ng pagbuksan siya ng pinto. Nag-cross arm pa ito habang nakaharang ang makisig na katawan sa may pintuan. She flash her best smile as she meet his gaze. "Bakit ngayon ka lang?" Tumabingi tuloy ang ngiti niya. Kanina pa ba siya nito hinihintay? She clear her throat first. "May ginawa lang." "Ginawa?" Kung ipagdiinan nito ang salitang iyon animo may kung ano pa siyang ginawang kabalbalan. "Grabe naman 'yung ginawa niyo. Inabot ng tatlong oras." Ngumiti pa rin siya kahit na nakaramdam ng inis sa sinabi nito. "Ano pong ibig ninyong sabihin, Master? Hay, naku, nag-iisip ka na naman ng kamunduhan. Papasukin mo na lang ako sa loob dahil nakakangalay rito sa labas." Hinablot nito ang bag sa kamay niya ngunit nanatili sa kinatatayuan nito. "Bakit ang tagal mo?" Hindi maka-move-on? Sa isip ay napairap na siya. "Para sa ikapapayapa ng isipan mo, Master. Hinintay ko pa si Sir Eros na dumating para personal na magpaalam. Alangan namang umalis na lang ako basta? Kabastusan naman iyon 'di ba? Kaya tigilan mo ako na pag-isipan ng kung ano-ano." "Don't call me Master," instead he hiss. "Privado–" "Dare again and I'm sure you gonna hate my punishment. Just Priv," anito na tinalikuran na siya at nagtuloy-tuloy na sa loob. Ito na rin ang nagdala ng bag niya sa ginamit niyang silid kanina. Nanatili siya sa may sala para hintayin ang pagbabalik nito. Homely ang bahay nito. White ang kulay ng wall at ceiling kaya maganda sa matang tingnan. Nang makabalik si Priv ay nag-usisa agad siya kung ano ang gagawin niya habang naroon. "Kapag magaling na iyang kamay mo saka ka magtanong," pagsusungit pa rin nito na pumunta na sa may kusina. "Sumunod ka na rito." Tumalima naman siya. Speechless pa siya ng makitang may nakahain na sa lamesa. He cooked again. Kaya ba siya nito hinihintay? Para tuloy hinaplos ang kanyang puso sa tagpong iyon. MAKALIPAS pa ang ilang araw ay back to normal na ang kamay ni Justine kaya inabala niya ang sarili sa paglilinis ng bahay ni Priv kahit na hindi nito inuutos. Busy ang binata sa ilang araw na trabaho. Minsan nga gabi na ito kung umuwi dahil marami raw kailangang gawin sa kumpanya nito, lalo na at end of the month na naman. Kinagabihan ay nakaisip magluto si Justine. Parating na rin naman si Priv kaya siya na ang bahala sa kakainin nila. Pagbukas niya ng fridge ay nakakita siya ng hotdog. Natakam siya bigla. "OMG! My favorite," bulalas niya. "Ang sarap namang tumira rito sa reef niya. Puro pagkain." Humagikhik pa siya bago isinarado ang fridge. Sabi naman ni Priv puwede siyang magluto at makialam sa kusina nito kapag nagugutom siya. "Ito na lang ang uulamin namin para maiba." Matapos magluto ay naghain na rin siya sa lamesa. Saktong katatapos lang niyang maghain ng marinig ang busina ng sasakyan ni Priv. Nagmamadaling pumunta siya sa may gate para pagbuksan ito. Nginitian pa niya ito ng makababa sa sasakyan nito. "Magandang gabi," bati pa niya. Tumango lang ito bago nagtuloy-tuloy sa loob. Mukhang pagod ito. Sumunod siya rito. "Nagluto na ako ng hapunan natin. Gutom ka na ba?" "Yeah," tipid nitong sagot. "What's your menu?" Nag-alangan siya na sabihin na puro hotdog lang ang niluto niya. Gusto tuloy tumabingi ng ngiti niya. "Ahm. Basta lamang tiyan din iyon." Nagmamadali na siyang pumunta sa dining area. Kita niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Priv ng makitang puro hotdog lang ang niluto niya. "Wala na bang iba?" Napakamot siya sa baba. "Ayaw mo ba?" Kung ayaw nito, kaya naman niya iyong ubusin. Napailing ito bago naupo na sa kabesera. "Umupo ka na at kumain. Okay na ito." Nakahinga siya ng maluwag. Pinanood niya ito sa paglalagay ng kanin sa plato nito habang umuupo sa katabi nitong silya. Lihim siyang napangiti ng kumuha ito ng hotdog at ilagay sa plato nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD