"WHAT are you doing here?"
Napakislot si Justine ng marinig muli ang malamig na boses ni Privado Mondragon. Dalawang hakbang lang ang layo nito mula sa kanya. Pakiramdam niya katapusan na niya ng mga oras na iyon.
Umatras siya ngunit mabilis na nahawakan nito ang braso niya kaya hindi rin siya halos nakalayo rito.
"N-Napadaan lang." Sinubukan niyang hilahin ang braso niya mula rito ngunit mahigpit nito iyong hawak. Paano na niya ngayon magagawa ang pakay kung ito rin ang lalaking isinumpa niyang iiwasan? "Bitiwan mo ako."
"Why? As far as I know may kasalanan ka pa sa akin."
"A-Ako? Baka naman nagkakamali ka. Ngayon pa nga lang kita nakita," pagmamaang-maangan niya.
"Alam kong best actress ka kaya tigilan mo ako sa pagkakaila mo. You ruin everything in my life. Masaya ka ba sa ginawa mo, huh?" Bahagya pang naningkit ang magaganda nitong mata. Expressive eyes. Geez!
Napalunok siya. Hindi siya dapat magpahalatang natatakot dito. Pinatapang niya ang anyo. "Okay, fine. So what kung ako nga iyon? Quits na tayo dahil sa kapangahasang ginawa mo sa akin sa CheLaRy Tower. Baka nakakalimutan mo ang pinaggagawa mo noon? At saka dapat nga magpasalamat ka dahil hindi natuloy ang proposal mo. Dahil kung natuloy iyon, ibang anak ang aalagaan mo at hindi mo sariling anak. Masisikmura mo ba iyon? Saka 'yung girlfriend mo nang-cheat sa iyo. So, be thankful to me because I save your ass."
Nang medyo lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso niya ay sinamantala na niya iyon para makalayo rito. Dumistansiya siya rito. Habang pinagmamasdan niya ito ay parang gusto niyang tuktukan ang dati nitong girlfriend para lokohin lang ang isang guwapong kagaya nito. Hindi siya ipokreta para hindi makita ang katangian nito outside na tiyak na pinagkakaguluhan ng lahat ng babae.
He's a big fish, naalala niyang sabi ng kanyang Lola Corazon. A multi billionare.
"Okay. We're quits then."
Napamaang siya ng talikuran na siya nito at hayunin ang gate. Nagmamadaling sinundan niya ito.
"Sandali lang," pigil niya sa braso nito.
"Quits na tayo katulad ng gusto mo. Just leave me alone."
"Oo na quits na kung quits. Pero may sadya talaga ako kaya narito ako ngayon sa harap ng bahay mo. I need you–"
"You need me? Wait, huhulaan ko. Sasabihin mo na buntis ka talaga at ako ang ama ng pinagdadala mo? Kailan pa nakakabuntis ang halik lang ang nangyari?"
Dagli ang pag-iinit ng buong mukha ni Justine sa sinabing iyon ni Privado Mondragon. p*****t. She rolled her eyes.
"Hindi iyon. 'Di ba ikaw si Privado–"
"Don't dare to call me by my whole name," bigla ang pagseryoso ng boses nito.
"So ikaw nga?" Hindi niya pinansin ang reaksiyon nito. Hindi siya dapat magpadala sa galit nito. She have almost two weeks just to do her duty to make him sign on that contract. "Mister Mondragon?"
"What do you want? Ten second."
Naiimposiblihan man sa sinabi nito ay mabilis naman niyang inilahad sa harap nito ang itim na folder.
"Ito 'yung dahilan kung bakit ako narito ngayon. Nakalimutan mo kasing permahan itong investment contract sa CL Group of Company."
Nakahinga siya ng maluwag ng kunin nito iyon at buklatin. Inihanda na rin niya ang ballpen para sa nakatakda nitong pagperma.
Madali lang naman pala ang pinapagawa sa kanya ng kanyang lola. Bukas makakabalik na rin siya sa bahay nila. Nabitin sa ere ang pagninilay-nilay niya ng ibalik ni Privado sa kanya ang folder.
"T-Teka. Permahan mo muna."
"Ang totoo niyan ika-cancel ko na iyan. Nakalimutan ko lang tawagan ang CL."
Laglag ang panga niya sa sinabi nito. Narinig ba talaga niya iyon ng klaro? Ika-cancel na nito ang kontratang iyon?
"Hindi puwede!"
"And why not?"
"Bakit mo ika-cancel?" Bigla siyang binundol ng kaba. Ito lang 'yung chance niya para mapabilib ang abuela tapos mapopornada pa?
"Gusto ko," baliwala nitong sagot.
Ganito ba talaga ang ubod ng yaman? Parang baliwala lang kung magbago ng desisyon?
"Valid reason?"
"Look, pagod ako sa trabaho kaya gusto ko ng magpahinga."
Umiling siya. "Permahan mo muna itong kontrata para makapagpahinga ka na. Please?"
"My decision won't change. Umuwi ka na at gabi na. Hindi naman kawalan sa kumpanya ko kung hindi man matuloy ang pag-i-invest ko sa CL."
Biglang nanlambot ang pakiramdam niya. Papalpak pa siya sa una't huling pagkakataon. Ginawa na niya ang huling naisip. Lumuhod siya. Wala siyang pakialam kung lumuhod man siya sa harapan nito.
"Pero kailangan ka naman ng CL. Please, 'wag kang mag-backout," pakiusap niya. Para iyon sa abuela niya kaya niya iyon ginagawa. Wala na siyang pride at wala na siyang paki.
"Hey, tumayo ka nga riyan."
Tinabig lang niya ang kamay nitong akmang hahawak sa kanya. "No. 'Wag ka munang mag-backout. Puwede kong gawin lahat ng gusto mo basta ituloy mo lang iyong investment mo sa CL." Tiningala pa niya ito with her hopeless look. Pumayag ka, please.
He sigh. "Tumayo ka na riyan dahil hindi pa rin magbabago ang desisyon ko." Tinalikuran na siya nito at tuluyan ng binuksan ang gate.
Nakagat niya bigla ang ibabang labi ng mag-umpisang mag-init ang bawat sulok ng kanyang mga mata. Ngayon lang niya naranasan ang ganoong rejection. Sobrang sakit na nabigo niya ang kanyang lola. Paano na ngayon? Pinigil niyang mapahikbi ng makapasok na sa loob ang sasakyan ni Priv. Nanatili lang siyang nakaluhod doon. Hindi pa siya nakaka-move-on sa ginawa nito.
Nang tumunog ang kanyang cellphone ay agad niya iyong dinukot sa bulsa ng suot na jeans. Si Eros ang tumatawag. Kinalma niya ang sarili.
"Kuya Eros."
"Nakita ko kayong magkausap kanina ng dumaan ako. Okay na ba?"
Nakagat niya ang ibabang labi. Pigil ang pagiyak. "H-Hindi pa. Pero gagawin ko pa rin ang makakaya ko para pumerma siya."
He sigh. "Umuwi ka na rito sa bahay. Nagluluto na ako ng dinner."
"Sige, Kuya."
Isang sulyap pa sa bahay ni Priv at ipinasya na rin niyang tumayo. Hindi siya susuko. Umpisa pa lang iyon ng pakikibaka niya. Pasasaan ba at mapapaperma rin niya ito.
"Isinusumpa ko Privado Mondragon na peperma ka rin," anas pa niya bago umalis.
AWTOMATIKO ang pagsasalubong ng mga kilay ni Priv ng makita siya pagkabukas nito ng pintuan ng bahay nito. Mukhang ready na ito sa pagpasok sa trabaho.
Nakangiting kinawayan niya ito. "Good morning Privado. I mean Mister Mondragon," nag-peace sign pa siya. Inagahan talaga niya ang pagpunta roon para maabutan ito.
Hindi pa rin nababanat ang labi nito ng kahit tipid na ngiti. He's damn serious. Pinatatag niya ang sarili at nilabanan ang nag-uumpisang nerbiyos ng maglakad si Priv palapit sa gate para buksan.
"Nag-usap na tayo kahapon."
Nakangiti pa rin siya ng tumango. "Alam ko. Pero sabi ko rin na gagawin ko lahat para lang pumerma ka. Kung may gusto kang ipagawa, gagawin ko. I can be your slave."
"Are you serious?"
Hindi agad siya nakaimik. Mukhang kakagat pa ito sa sinabi niyang puwede siya nitong maging slave. Napagdesisyunan kasi niya kagabi na ituloy ang plano. Kahit ano gagawin niya para lang pumerma ito. Sukdulang magpakaalila siya rito. Tumikhim siya.
"Oo naman. Puwede mo akong maging utusan."
"Utusan lang?"
Abat! Iba pa yata ang gusto ng damuho na ito? "Oo. Utusan lang," mariin niyang wika.
Sandaling tila nag-isip si Priv. Again, hindi na naman niya maiwasan na matulala sa kaguwapuhan nito. He's damn gorgeous. Sana lang pagsisihan ng ex nito na pinakawalan nito si Priv.
"Okay. We'll see. Baka magbago pa ang isip ko." Muli itong pumasok sa loob ng bahay nito. Paglabas nito at may dala na itong cutter para sa mga d**o. Animo malaking gunting iyon. Itinuro nito ang munti nitong hardin na may kalaguan na ang d**o, ng makalapit muli sa kanya. "Paki-cutter ng mga d**o. Aasahan ko na pag-uwi ko mamayang hapon ay ayos na iyan. Walisin mo na rin. Hanapin mo nalang ang walis at dustpan sa likod. Hanggang sa may pool area ang gagamasin mo," anito bago ibinigay sa kanya ang cutter.
Wala siyang nagawa kundi ang kunin iyon dito. "Sure. No problem. Sisimulan ko na ngayon."
"Good luck then," he said then turn around. Nilapitan na nito ang kotse nitong Ferrari. Pero bago ito tuluyang sumakay ay binalingan pa siya. "You can't enter my house. Hanggang sa labas ka lang. May CCTV diyan kaya 'wag kang magkakamali." Sumakay na ito pagkuwan.
Napasimangot pa siya sa kasungitan nito. "As if naman pag-iinteresan ko ang bahay mo. Isaksak mo sa baga mo. O kaya dalhin mo na rin sa pupuntahan mo."
Bumusina muna ito bago tuluyang umalis. Isinara niya ang gate ng makapasok sa loob. Hindi pa rin maipinta ang mukha niya habang binabaybay ang gagamasin na aabot hanggang sa may pool area.
"Napakasama mo talaga Privado," gigil niyang bulalas ng makitang mas malawak ang gagamasan niya sa may pool area. "Buwisit! Ma-flat-an ka sanang damuho ka!"
Ito ang unang pagkakataon na magpapakaalila siya. Sanay naman siya sa gawaing bahay dahil wala naman silang katulong, ngunit ang maggamas ng ganito kalawak ay ngayon lang niya mararanasan sa buong buhay niya. She felt so hopeless.
"Kung hindi lang para sa lola ko hindi kita pagtitiisan Privado Mondragon. f*****g tape ka talaga!"
Mabibigat ang mga hakbang ng bumalik siya sa may harapan ng bahay para simulan ang panibagong task. Nahirapan pa siya sa una dahil hindi siya sanay.
"Kaya mo iyan Justine! 'Wag kang papatalo sa halimaw na iyon!" Cheer niya sa sarili habang naggagamas.
MAG-A-ALAS sinco na ng hapon ng matapos sa ginagawa si Justine. Malinis na ang hardin ni Priv, ganoon din ang sa may pool area. Naitapon na rin niya ang mga d**o.
Saka lang siya nakaramdam ng pagod ng mapahiga sa sofa na nasa may lanai sa tapat ng swimming pool.
"Done," pagod niyang anas. Mapait pa siyang napangiti ng makita ang nagkapaltos-paltos na mga kamay. Sugat-sugat iyon dahil sa ginawang paggagamas. Nang ipikit niya ang mga mata ay tuluyan na siyang nakatulog dala na rin ng sobrang pagod.
PAGKABABA ni Priv sa kanyang kotse ay agad niyang tiningnan ang pinagagawa kanina sa babaeng hanggang ngayon ay estranghera pa rin sa kanya.
Nakita niya na maayos na natabasan ang mga d**o. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa may pool area. Maayos na rin doon. Napailing siya.
"Talagang seneryoso niya?" Napapantastikuhan niyang bulalas. Ng ipagawa niya iyon dito kanina akala niya ay hindi nito gagawin dahil wala sa hitsura nito na magpapakapagod ito sa paggagamas ng d**o. But it happened na nagkamali siya ng akala. Talagang ginawa nito ang sinabi niya.
Akala niya umalis na rin ang babae dahil hindi niya ito nakitang naghihintay sa kanyang pagdating. Kaya ganoon na lang ang pagbilis ng paghakbang niya patungo sa may lanai ng matanawan ito roong nakahiga sa sofa.
Binundol ng awa ang kalooban niya ng mabakas sa maganda at maamo nitong mukha ang sobrang pagod.
"Damn you, Priv," sisi niya sa sarili. Iniluhod niya ang isang tuhod at mataman itong pinagmasdan. "You shouldn't do that. Hindi ko alam na seseryosohin mo talaga. I'm sorry," aniya na marahang hinaplos ang pisngi nito. Napalunok pa siya ng mapatitig sa likas na mapupula nitong mga labi na minsan na niyang natikman. It just happened na para siyang hinihipnotismo na halikan ito noon. She's too tempting when he saw her way back in CheLaRy Tower a month ago.
He sigh then shake his head. Baka kasi mademonyo pa siya at mahalikan na naman ito. Tatayo na sana siya ng mapatingin siya sa namumula nitong kamay. Maingat na hinawakan niya iyon.
"Oh, s**t," bulalas niya ng makitang puro paltos iyon. "Bakit kasi itinuloy pa. Tsk." Nagmamadali na siyang pumasok sa loob ng bahay para kumuha ng ointment na ipapahid sa mga paltos nito. Napamura pa siya ng walang makita.
No choice na pumunta siya sa pharmacy na nasa loob lang din ng Bachelors Estate. Nginisian pa siya ni Andrev Palma ng makita siya. Ito ang may ari ng pharmacy na iyon.
"Naligaw ka Priv?"
"Kailangan ko ng ointment. Pakibilis."
Tumalima naman ito. "Gagamitin mo?" anito ng makakuha ng kailangan niya. Agad nito itong in-scan at inilagay sa papel na supot na may tatak ng Andrev Pharmacy.
"None of your business Andrev," aniya na umalis na rin matapos magbayad.
Nang makabalik sa kanyang bahay ay agad niyang ginamot ang kamay ng babae kahit na tulog pa rin ito. Hindi na niya ito ginising dahil mukhang tulog na tulog ito dahil sa pagod.