NAPABUGA siya ng hangin ng sa wakas ay matapos din ang klase niya sa araw na iyon. Medyo nakaka-stress ang kurso niya dahil sa dami ng kailangang isaulong mga Republic Act ng Pilipinas. Pero dahil alam niyang narito ang puso niya kaya tiyaga at pagsisikap ang ginagawa niya. Focus din siya lalo na at maraming araw at taon pa ang bubunuin niya para sa kursong iyon. Kapag nakatapos naman siya ay magiging ganap na abogada na siya at matatawag ng Attorney Justine Mari Lalu. Hindi niya napigilan ang kumuwalang tawa sa bibig niya habang naglalakad dahil sa huling naisip. Excited na rin naman siya para sa pangarap niyang iyon. Pagkalabas niya sa main gate ng pinapasukang Unibersidad ay awtomatiko ang paghinto niya sa paghakbang ng mapansin sa gilid ng kalsada ang nakaparadang magarang kotse. Ang