ANNIVERSARY ng kumpanya nina Priv na dinaluhan niya sa kagustuhan na rin ni Priv. Naroon din ang ilang matataas na personalidad sa lipunan. Naroon din si Eros at si Lola Corazon kaya medyo awkward. Hindi pa rin kasi alam ng marami na may relasyon sila ni Priv. "Hindi ko alam kung bakit kailangang narito pa ako sa anniversary ng kumpanya ninyo samantalang hindi naman ako big deal na narito," reklamo niya sa nobyo. "Big deal sa akin na narito ka." Gabi na pero heto at pinakikilig pa siya nito masyado. Sa dalawang buwan nilang relasyon ay wala na siyang mahihiling pa. Perfect masyado si Priv bilang nobyo. Kahit na nag-aaral pa siya ay hindi naman nakasagabal ang relasyon nila. Mas naging inspirado pa nga siya na makatapos at galingan pa. Hindi lang sa pamilya niya gustong magpakita ng kaga
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books