MATAPOS sagutin ang naturang tawag sa telepono ay parang nahahapong napasandal sa back rest ng swevel chair si Priv. It's been a week and still he felt irritated even more. Lahat na lang yata ng tao sa kumpanya niya ay nakakatikim ng init ng ulo niya. Marahas siyang bumuntong hininga. Isa lang naman ang dahilan niyon. Iyon ay ang pag-alis ni Justine sa bahay niya ng hindi namamaalam ng personal sa kanya. She just left a note saying she need to go home. Gusto sana niya itong komprontahin ngunit wala siya kahit na cellphone number nito. Kaya lalo siyang nagiging iritado. Nang araw na dumating sa bahay niya si Patricia ay ang araw rin ng pag-alis ni Justine. Pag-uwi niya ay wala na ito. Nahilot niya ang sentido. Tumayo siya at dire-diretsong lumabas ng opisina niya. Dumaan muna siya sa ka