HANGGANG ng mga sandaling iyon ay misty eye pa rin si Justine dahil sa katatapos lang na madamdaming eksena sa pagitan ni Jazel at sa ex nitong si Lincon.
Lumuhod pa ang binata kanina habang humihingi ng kapatawaran kay Jazel sa kung ano man ang nangyari noon. Ipinaliwanag nito kay Jazel, pati na rin sa lahat ng naroon, na wala namang katotohanan ang eskandalong nangyari noon. Na hindi nito totoong nabuntis si Riobelle. Plinano lang ni Riobelle ang nangyari dati na pagsira sa engagemeng nina Lincon para hindi iyon matuloy. Naroon din si Riobelle na umiiyak pa habang nagpapaliwanag kay Jazel para mapatawad nito ang binata.
"I'm sorry for everything. For ruin your engagement party before. Hindi ko lang matanggap na magpapatali na sa iyo si Lincon. Bata pa lang kami, mahal ko na siya kaya nagawa ko ang kasinungalingan na iyon. Patawarin mo na siya Jazel para maayos na ang gulong dinulot ko. Patawad sa inyong dalawa. Pangako, hindi na ako manggugulo...."
Naalala pa niyang sabi kanina ni Riobelle habang umiiyak.
Bahagya siyang napangiti ng makita ang ningning sa mga mata ni Jazel habang kasayaw ang lalaking mahal nito. Okay na ang mga ito. This time ay engage na ang mga ito. Buong puso kasing tinanggap ni Jazel ang alok na kasal ni Lincon dito kanina.
"Care to dance, Justine?"
Naagaw ang pansin niya ng may maglahad ng kamay sa harapan niya. Pagbaling niya sa kanan ay nakita niya ang simpatikong ngiti ni Geo na alam niyang tatalab sa mga babaeng bibiktimahin ng karisma nito. Pero hindi sa kanya.
Gusto sana niyang makipagsayaw ang kaso kapag nakita sila ni Priv ay magagalit iyon. Nagpaalam kasi ito kanina sa kanya ng ipatawag ito ng ama nito.
"Sorry, Geo, hindi ako mahilig mag-sayaw." Hindi ba siya mukhang nagpapalusot lang? Kimi siyang ngumiti. "Salamat na lang."
"My God, Geo! Kanina pa kita hinahanap para maka-partner sa dance floor," maarteng wika ng isang babae na basta na lang tinanggap ang kamay ni Geo na nakalahad para sa kanya at hinila na tila hindi siya nakitang inaalok ng binata.
Wala ng nagawa si Geo kundi ang sumama sa babae. Nakahinga siya ng maluwag ng muling mapag-isa. Kumilos lang ang mga paa niya ng makita si Riobelle na paalis na sa naturang party. Sinundan niya ito. Naabutan lang niya ito ay sa harapan na ng ancestral house.
"Miss, sandali," agaw niya sa atensiyon nito. Nagmamadaling nilapitan niya ito. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa niya itong sundan. Maybe just to make sure na okay lang ito? Hindi rin niya sigurado.
Pinalis pa nito ang natitirang butil ng luha sa mga mata nito ng balingan siya. "Y-Yes?"
Sa malapitan, nakita niya kung gaano ito kaganda. Sigurado siya na makahahanap pa rin ito ng lalaking mamahalin.
"Okay ka lang ba?"
Tumango ito. "Much better than before. Kasi okay na uli sila ni Jazel." Pinilit nitong ngumiti. "Don't worry, hindi na ako manggugulo. Malaya na si Lincon sa babaeng pinili niya. Naging selfish lang ako dahil nagmahal lang din ako. Pero ngayon ay tanggap ko na, na kahit na kailan ay hindi siya magiging sa akin." Nagbuga ito ng hangin ng magbadya na naman ang luha sa mga mata nito.
"Naiintindihan kita. Ganyan nga talaga siguro kapag nagmahal ka." Tinapik niya ito sa balikat. Aaminin niya naka-relate siya rito dahil na rin sa ginawa niyang kalapastanganan sa proposal ni Priv sa dati nitong nobya. Sinira din niya iyon. Ang kaibahan lang ng sa kanya ay dahil gumanti siya sa binata.
"Thank you. Kailangan ko ng umalis. Gagabihin ako masyado sa pag-uwi sa Quezon City kung magtatagal pa ako rito."
Tumango siya. "Sige. Ingat."
Tumango rin ito bago siya tinalikuran at naglakad na papunta sa kinapaparadahan ng kotse nito.
Hanga siya rito dahil nagawa nitong harapin ang buong pamilya ni Priv. The good thing is, nakapagpatawaran na rin ang mga ito.
She sigh. Gumulo na naman sa isip niya ang ginawa kay Priv noon. Alam niya na masakit din sa side ni Priv na hindi natuloy ang proposal nito sa dati nitong nobya. Two years of being together. Hindi basta-basta mawawala ang pagmamahal sa kaibuturan ng puso nito. Paano kung bumalik si Patricia at humingi rin ng kapatawaran kay Priv? Paano kung hindi totoong buntis ito? Na dahilan lang nito iyon para pagtakpan ang sakit na idinulot niya rito dahil sa pagsasabing buntis siya at si Priv ang ama?
Napatingala siya sa kalangitan ng maramdaman ang kirot sa kanyang puso. Nakaramdam siya ng pagsisisi sa nagawa noon. Maling manira ng relasyon at napatunayan niya iyon kanina. Huminga siya ng malalim para paluwagin ang dibdib na unti-unting naninikip.
Kinalma muna niya ang sarili bago bumalik sa pagtitipon. Hinanap ng mga mata niya si Priv. Nakita naman niya ang binata. Nasa dance floor habang kasayaw ang pinsan nitong si Keziah. A bittersweet smile curve on her lips. Iniiwas na niya ang tingin dahil unti-unti na siyang kinakain ng konsensiya.
Pagbaling niya sa ibang direksiyon ay nakita niya ang waiter na may dalang bote ng alak. Agad niya itong nilapitan at hiningi ang dala nito. Ibinigay naman nito iyon sa kanya matapos buksan.
"Salamat po," nakangiti niyang wika bago nagmamadaling lumayo sa mga tao. Napadpad siya sa kabilang hardin na walang katao-tao. Nilapitan niya ang isang bench at prente roong naupo. Gusto niyang mapag-isa at magmuni-muni. Doon ay malaya niyang maiinom ang dalang alak dahil walang Priv na kokontra.
"WHO told you na puwede kang uminom ng marami?!"
Nginitian lang ni Justine si Priv ng makita ito. Hindi niya namalayan ang paglapit nito. Dala siguro ng pagkaliyong nararamdaman ng mga sandaling iyon.
"Nagtatago na nga ako rito pero nakita mo pa rin ako. Tindi mo, huh."
Inagaw ni Priv sa kanya ang hawak na bote na siyang binigay sa kanya kanina ng waiter.
"That's enough."
"Kaunti na lang naman iyan, eh. Uubusin ko na. Akin na," akmang aagawin ni Justine ang bote kay Priv ng basta na lang nito iyon ihagis sa kung saan. Napanganga siya sa ginawa nito. Tipsy na siya ngunit malinaw pa rin sa kanya ang ginawa nito. "Sayang iyon."
"Tss. Ihahatid na kita sa kuwarto ko."
Aapila pa sana si Justine ng pangkuhin naman siya nito ng walang paalam. Nagsimula na itong maglakad.
"Kaya ko namang maglakad. Ibaba mo na ako." Ipinikit niya ang mga mata ng makaramdam lalo ng pagkahilo. Kasabay niyon ay ang pagpitik sa bandang sentido niya. "Ah! Ang ulo ko, Priv!"
"It's your fault. Iinum-inum ka ng ganoon karami, kaya pagdusahan mo iyan."
Isinubsob na lang niya ang mukha sa may leeg nito. Pakiramdam niya ay nawala ang lakas niya. Nang maamoy ang mabango nitong pabango ay medyo naibsan ng kaunti ang kanyang pagkahilo. Pumikit siya sandali.
Nang makapasok sa silid nito ay agad siya nitong inihiga sa kama nito. Napamulat tuloy siya.
"Ipaglatag mo na ako. Parang hindi ko kayang tumayo," aniya sa tonong nakikiusap.
"Hindi na. Diyan ka na lang din sa kama ko matutulog."
"Sigurado ka? Baka mamaya niyan gapangin kita. Hindi ka ba natatakot?"
"Tigilan mo nga ako Justine. Matulog ka na."
Saglit muna niya itong pinagmasdan bago pumikit. Nagsalita pa rin siya. "Kailan mo ba balak permahan ang kontrata? Puwede bang 'wag mo ng patagalin?"
Mataman naman siyang tinitigan ni Priv. Medyo naggalawan pa ang panga nito. "Why? Sawa ka na agad sa pagmumukha ko?"
Bahagya siyang umiling. "Hindi." Nang pilitin niyang imulat ang mga mata ay nakita niyang nagtatanggal na ng coat si Priv. Pagkahagis nito niyon sa sofa ay nahiga na rin ito sa tabi niya. May malawak na espasyo pa rin naman sa gitna nila.
"Then stop asking. Ayokong pag-usapan ngayon Justine."
Napamungot siya. "Sungit."
Mayamaya naman ay napangiti na rin siya ng maalala ang nangyari kanina sa birthday party ni Jazel at ang muling pagpo-propose ng dating nobyo nito rito. Maayos na uli ang lahat. Siguro sooner or later ay tuloy na tuloy na ang kasalang naantala noon.
"Nagtataka ako," aniya. "'Di ba hindi ko naman kamukha si Riobelle para mapagkamalan mo akong siya noon sa Lucena? Tanda mo naman siguro 'di ba noong pumasok ka na lang sa suite ko."
"Wala akong idea sa hitsura niya."
"Paano namang mangyayari iyon? Imposibleng hindi mo siya nakita na nanggulo sa party ng kapatid mo?"
He sigh. "Wala ako sa party dahil nasa business trip ako. Halos kakauwi ko lang dito sa Pilipinas ng araw na iyon."
"Kaya pala." Sumagap siya ng hangin. "Masaya ako para sa kapatid mo. Ikaw na ang kasunod kasi maayos na uli ang lovelife niya. Malay mo magkabalikan din kayo ng ex mo."
"Matulog ka na."
Hindi siya nakinig dito. Kumibot din ang labi niya dahil ayaw niya sa pinagsasabi niya. Kahit unti-unti na niyang nararamdaman ang p*******t ng lalamunan, dulot sa pinipigil na emosyon, ay hindi pa rin siya nagpatinag sa utos nito.
"Why? Malay mo nga, eh. Babalikan mo ba siya? Paano kung hindi rin totoong buntis ang ex mo? Paano...paano kung nasabi lang niya iyon para saktan ka kasi nasaktan din siya sa kasinungalingang sinabi ko noon ng mag-propose ka?" Iminulat niya ang mga mata at binalingan ito. Diretso lang ang tingin nito sa kawalan. Tila malalim ang iniisip. "Patawad, kung nasira ko 'yung proposal mo." Dagli siyang nag-iwas ng tingin ng bumaling ito sa kanya. Pinigil niya ang mapasigok lalo na ng maramdaman ang pag-iinit ng kanyang mga mata.
Kung bakit siya nasasaktan dahil sa sinabi ay pinilit niyang iwinaksi iyon. Kabilin-bilinan sa kanya ng pinsang si Eros na huwag na huwag mahuhulog dito. Pero heto na at mukhang doon na rin siya pumunta. Ang pasaway niyang puso ay nagpapahiwatig na ng pagtanggi rito lalo na ng mapagtanto niya ang sakit na idinudulot ng puso niya sa tuwing iniisip na posibleng magkabalikan ito at ang ex nito. Hindi naman siguro siya basta na lang masasaktan dahil sa ex nito kung wala siyang damdamin para dito. Malinaw pa sa putik ang bagay na iyon na hindi maaaring ipagtanggihan. Siya lang ang magmumukhang tanga kapag itinanggi niya ng itinanggi.
"You're talking nonsense."
Sana nga nonsense na lang talaga ang ex nito para dito. Pero hindi, sa loob ng dalawang taon na pinagsamahan nito at ni Patricia ay imposibleng mawala agad ang damdamin nito para sa babae. Iyon siguro ang nonsense na matatawag, ang ipilit na baliwala na rito ang ex nito.
"I'm not," mahina niyang kontra. Pinilit niya ang sarili na tingnan ito at pilit na ngitian. "Puwede ko rin namang sabihin sa ex mo na walang katotohanan 'yung sinabi ko dati. Na gawa-gawa ko lang iyon. Handa akong gawin iyon para itama 'yung pagkakamali ko. Kagaya noong ginawa ni Riobelle...."
"Ang kulit mo," inis ng bulalas ni Priv na bumangon at inilagay ang magkabilang kamay sa pagitan niya habang nakayuko sa kanya. "Kanina ko pa sinasabi na matulog ka na pero hindi mo sinusunod. Ang ingay mo pa. Maybe this one will shut your mouth," anito na walang ano-ano ay halikan siya sa labi niyang napaawang dahil sa pagkabigla sa ginawa nito.