I DON’T KNOW what he wants from me. Nakatingin lang ako sa kanyang mga mata at ganoon din siya sa akin. We’re having our own staring contest and I wonder who’s going to win. Sa huli, talo niya pa rin ako roon. Dahil kahit kailan, hindi ko kayang titigan ang madilim na kulay abo niyang mga mata. Buong lakas ko siyang itinulak sa dibdib para makawala ako sa kanya. I don’t know how I did it pero nagawa ko. Mabilis akong tumayo sa aking mga paa at dumistansya sa kanya. Mas magandang magkaroon kami ng distansya dahil kung wala, roon na ang simula ng pagkakatalo ko. Inaakala ko na lalapitan niya ulit ako pero hindi. Nanatili na lamang na nakaupo roon si Azriel habang nakatingin sa akin. His expression is not giving me anything. It’s so closed-off na mahihiwagaan ka kung anong tumatakbo sa isi