I am fidgeting during my ride with Azriel. Hindi ko alam kung saan kami papunta at hindi rin ako makapag-concentrate sa daan. I hate being with him in a closed space. Pakiramdam ko, kahit may distansya naman sa pagitan naming dalawa, ang sikip-sikip pa rin. “Saan mo ako dadalhin? May trabaho pa ako. Wala akong oras makipaglaro sa ‘yo.” Mahigpit kong hinawakan ang aking bag. Repress Huwag mong hayaang ma-kontrol ka ng emosyon mo, Zari. Pigilan mo ‘yan. Kailangan maging neutral ka lang, lalo na sa isang kagaya ni Azriel na mabilis makabasa ng emosyon ng isang tao. Baka mamaya niyan, malaman niya na naapektuhan ka pa rin nang dahil sa presensya niya. Baka gamitin niya iyon laban sa ‘yo. He’s married to your sister, at mali nang minahal mo siya noon. Hindi ka ulit magkakamali ngayon. “Al