Mabilis ang aking paghinga. Hindi pa ako naniniwala na nagawa ko iyon pero dulot na rin siguro ng ilang araw na pamamalagi sa kalsada. “Malakas ang loob mo, ah?” Napatingin ako sa nagsalita at agad na inihanda ang sarili. Nakakita ako ng isang babae na nakahilig sa pader at naninigarilyo. “Bakit dito ka natutulog? Maraming tambay sa tabi-tabi, hindi lang iyan ang maaaring magtangka sa ‘yo.” Nang mapagtanto ko na hindi siya threat sa akin ay kumalma ako. Ibinaba ko ang hawak kong pocketknife at kinausap siya nang maayos. “Wala pa akong matitirhan. Kulang pa ang pera ko.” Bumuga siya ng usok bago itapon ang dulo ng sigarilyo. Inapakan niya iyon bago maglakad sa akin. Siguro mga kasing edaran siya ni Mama or mas bata lang ito ng kaunti. Pinagmasdan niya ako bago siya muling magsalita.