ANG balak ko sanang gawin ay tumakbo papunta sa guardhouse ng subdivision but it was too far at natatakot ako na baka mahabol pa ako ng lalaki. Hindi ko alam kung malakas ba ang paghampas ko ng ulo niya para hindi niya maisip na tumakbo at habulin ako. Napayakap ako sa sarili ko at hindi akalaing nakaligtas ako roon. Kung hindi ako nakatakas, baka kung ano na ang nangyari sa akin. This is the first time na may nagtangkang gumawa nito sa akin. I mean, the subdivision has best security kaya paanong may makakapasok nang ganoon-ganoon na lang? Nang makakita ako ng taxi, buti na lang at mayroon, agad akong sumakay roon. Sinabi ko sa kung saan ako ihahatid. Nanginginig pa rin ako sa takot dahil sa nangyari. Ang puso ko ay mabilis pa rin ang pagtibok dahil sa kaba at sa pagtakbong ginawa ko.