MABILIS akong humarap sa kanya. Hindi nga ako nagkamali nang isipin kong si Azriel ito. Hindi niya ako pinakawalan sa yakap niya kahit noong nakaharap na ako sa kanya. I don’t know what to say, actually. Umaawang ang aking labi, planning to say something pero sa huli ay binabawi ko lamang ito dahil napagtatanto kong hindi ko naman talaga alam kung anong gusto kong sabihin. “Sorry, I left early this morning. May inasikaso lang ako.” Kung tutuusin, hindi niya naman kailangang humingi ng paumanhin pero ang pathetic kong puso ay tuwang-tuwa sa sinabi niya. “It’s okay…” Bakit ang awkward? Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya matapos ang nangyari kagabi. Hindi ko alam paano siya haharapin pagkatapos ang lahat ng ginawa namin kagabi. Mabilis na uminit ang pisngi ko dahil naalala ko kung