*chapter two*

1323 Words
MARTIN'S POV ONE WEEK LATER... PINASAMA ako ni Martina sa gaganaping kasal nila ni Jared sa huwes bilang witness. Hindi ko alam na ganito pala kabilis ang pagpapakasal nila, in a span of a week ay naihanda nila ang mga dapat at kailangan sa kasal. Tahimik lang akong nakaupo kasama ang iba pang mga kamag-anak ni Jared habang nagpapalitan ang dalawa ng kanilang mga wedding vows. Wala ang mga magulang namin o ibang mga kamag-anak dahil tanging ako lang ang may alam na ikakasal siya ngayon. Ayaw ni Martina na ang pinapangarap niyang kasal ay maging isang malagim na bangungot kung andito sila. Masaya ako para sa kanya kahit na natatakot ako kung anong kahihinatnan ng lahat pagkatapos nito pero dahil alam kong matapang at buo ang loob ni Martina ay magiging maayos ang lahat. "You may now kiss your bride," sambit ng judge sa harap bago sabay-sabay na tumayo ang lahat at nagpalakpakan. Malakas din akong pumalakpak upang ipakita kung gaano ako kasaya sa pagbuo nila ng pamilya. Nang matapos ang lahat ng seremonyas at napirmahan na ang mga dapat pirmahan ay dumiretso na kami sa isang private restaurant para sa reception. "Martin~" malambing niyang tawag sa'kin bago ako yakapin ng mahigpit. Natatawang niyakap ko siya pabalik bago halikan ang kanyang pisngi. "Masaya ako para sa'yo Tin," bulong ko bago lumayo ng bahagya at hawakan ang kanyang dalawang kamay. "Masaya rin ako kuya, masayang-masaya," she replied before a pair of arms encircled around her waist. Nakangiting mukha ni Jared ang lumitaw mula sa kanyang likuran. "Jared," I said acknowledging him before shaking his hand. "Take care of Martina, she's all yours to protect and love now," dagdag ko pa saka nginitian silang dalawa ni Martina. "I will, makakaasa ka Martin," he answered assuring me before kissing Martina's cheek. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan silang dalawa ngunit hindi ko rin mapigilan ang sarili kong makaramdam ng inggit habang nakatingin sa kanila. Kailan kaya ako magiging ganito kasaya kasama ang taong mahal ko? Kailan kaya ako muling ngingiti ng totoo? Mamahalin din kaya ako ni Atlas kapag inamin ko ang tunay kong nararamdaman para sa kanya? Malabo, sobrang labo, mas malabo pa sa pinakamaruming tubig ang mga gusto kong mangyari. Bumuntong hininga ako bago talikuran ang mag-asawang masayang nakangiti sa isa't isa at tila may sarili ng mundo. Aalis na ko, mas lalo ko lang kasing nararamdaman na mag-isa ako, lalo na ngayon at gagawa na rin ng sariling pamilya ang tanging taong kakampi ko. I drove my way to Damion's Bar, the safest and the most popular bar in town. Doon na muna siguro ako magpapalipas ng gabi, magpapakalasing at magsasaya pansamantala. "Good evening," bati ng bouncer bago ako pagbuksan ng pinto. Tinanguan ko siya bago tuluyang pumasok sa loob. Maingay, mausok at madilim ang lugar na sumalubong sa'kin. I immediately make my way towards the bar counter. "Isang red horse nga," sambit ko sa bartender. Ayoko ng liquor mixes ngayon, wala ako sa mood. Gusto ko ng hard at mainit sa katawan dahil ramdam na ramdam ko ang lamig ng pag-iisa. Mabilis na iniabot sa'kin ng bartender ang bote at agad ko naman iyong tinungga na para bang doon nakadepende ang buhay ko. Hindi ko alam kung nakailang bote na ko pero humingi pa rin ako ng isa. Isang lagok nalang at mauubos ko na sana ang natitirang laman ng bote nang magsimulang umikot ang paningin ko. "f**k," I loudly cursed, bigla kasing may pumitik sa sentido ko at sumakit ang ulo ko. Wala akong nagawa kundi pumikit at isinubsob ang ulo ko sa counter, nahihilo talaga ko at masakit ang ulo ko, magpapalipas na muna ako ng tama bago ako umuwi. "Sir, ayos lang po ba kayo?" narinig kong tanong ng bartender. Itinaas ko lang ang isa kong kamay para patigilin siya bago magsalita. "Yes, I'm fine," medyo hirap kong sabi dahil para akong masusuka. Akala ko'y magtatanong pa siya pero wala naman na kong narinig na salita mula sa kanya. Hindi ko kailangan ng tulong, kaya kong umuwi mag-isa. Ilang minuto akong nakasubsob sa bar counter bago tuluyang mauwi sa idlip ang pagpikit. "MARTIN, Martin, hey, wake up." Pag-alog ng balikat at walang puknat na pagtawag sa pangalan ko ang nagpamulat sakin at nagpagising ng diwa ko. Maingay pa rin ang paligid kung saan ako naroroon. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko sa pagkakasubsob, nag-iingat na baka masuka ako kung sakaling biglain ko ang pagbangon. Nahihilo pa rin ako pero hindi na masakit ang ulo ko. Hindi pa ko masyadong nakakapag-adjust sa paligid nang magsalita muli ang lalaki sa tabi ko. "Martin, come on let's go home," wika niya bago hawakan ang braso ko upang alalayan ako sa pagtayo. Mabilis ko siyang nilingon at bumungad sakin ang seryoso niyang mukha. Anong ginagawa niya rito? "Benj? A-anong ginagawa mo rito?" mahina at nagtatakang tanong ko kahit nakahoodie siya ay kilalang kilala ko ang tabas ng mukha niya. Hindi siya dapat nandito, tiyak na magiging malaking eskandalo kapag may nakakita sa kanya sa lugar na ganito. Benjamin Moriarty, cousin of Prince Atlas Moriarty, Viscount of Nile and a friend of mine. Aside from Martina who didn't run away when she found out that I'm gay, there's also Benjamin that stayed by my side. He's straight but never felt disgusted by the fact that his friend is gay. He even said that a friend is friend, no matter what the gender is. "Ano pa nga ba? Edi sinusundo ka," kunot-noong sagot niya bago ipatong ang braso ko sa balikat niya. "Umalis ka na, kaya kong umuwi mag-isa. Malaking eskandalo kapag may nakakita sa'yo ritong kasama ako," pagpupumilit ko saka binawi ang braso ko at pinilit na tumayo mag-isa. Pero dahil nga sobrang malas ko, umikot ang paningin ko at sumubsob ako sa dibdib niya. "Hindi mo kaya," bulong niya malapit sa tenga ko na sa hindi malamang dahilan ay ikinapula ng pisngi ko at ikinatayo ng balahibo ko. Mabilis ko siyang itinulak palayo para lang muling masubsob sa kanyang dibdib. "Come on, don't make it hard for me to drive you home," dagdag niya saka ipinulupot ang malaki niyang braso sa bewang ko at maingat akong binuhat na parang bagong kasal. "Ibaba mo ko Benjamin," saway ko saka malakas na nagpumiglas pero tuloy-tuloy lang siyang naglakad palabas ng bar. Mabilis niya kong ipinasok sa front seat ng kotse niya saka iyon mabilis na inilock upang 'di ako makalabas. Naiinis na pinagmasdan ko siyang pumasok sa driver's seat. "Yung kotse ko," naiinis kong sabi saka pilit na binubuksan ang pinto. "I already talked to Damion to take care of your car," sagot niya saka inistart ang makina. "Kaya ko namang umuwi mag-isa, hindi mo naman ako kailangan sunduin. Hindi na ko bata," pagmamaktol ko nang magsimula nang umandar ang kotse at tahakin ang daan. "Hindi ka na nga bata pero nakainom ka. No drunk driving Mar, maraming naaaksidente kapag lasing," pangangaral niya sakin habang nakatuon sa kalsada ang mga mata. "Ano naman kung naaaksidente ako? Okay nga na mamamatay na lang ako, tanggap ko namang wala akong pag-asa kay Atlas." "Ano bang sinasabi mo riyan? Bakit si Atlas na naman? Kung hindi ka niya gusto, pwede ka naman maghanap ng iba. Maraming nagmamahal sa'yo kasi napakaganda mong tao," naiinis na sagot niya. Bumaling ako sandali sa labas ng bintana. Kung meron mang magmamahal sa'kin gaya ng sabi ni Benjamin parang hindi ko rin siya kayang mahalin dahil si Atlas lang talaga. Si Atlas lang ang laman ng puso ko simula noon hanggang sa mga oras na 'to at malamang hanggang sa huling hininga ko, siya lang wala nang iba. "Tss, e sino naman?" tanong kong hinaluan ko ng pagbibiro para gumaan ang paligid at hindi halatang nasasaktan ako ngunit hindi ko inaasahan ang magiging sagot niya sakin. Dapat pala hindi ko na lang tinanong. "Ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD