*chapter one*

1188 Words
ATLAS' POV "f**k!" galit na sigaw ko saka pinaghahagis ang kahit na anong bagay na mahawakan ko. Tangina! Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam kong darating ang araw na 'to at akala ko okay na kong matali sa babaeng hindi ko naman kilala at higit sa lahat hindi ko mahal pero hindi pala. Nakakainis na sobrang daming kailangang sundin kapag naging prinsepe ka. Hindi mo pwedeng gawin ang mga bagay kung saan ka masaya dahil bawal 'yun. Kailangan mong maging perpekto sa mata ng pamilya mo at madla kahit na kaligayahan mo pa ang kailangan mong isakripisyo. "Mahal na Prinsepe, kumalma po kayo baka maabutan po kayo ng Mahal na Hari," paalala ni Davis na isa sa mga royal guards ng palasyo pero wala akong pakialam at ihinagis pa rin ang isang vase sa dingding. "I don't f*****g care," matapang na wika ko bago siya lumapit at pigilan ang kamay kong may hawak na naman na vase. "Tama na po iyan Mahal na Prinsepe, papapuntahin ko na po si Dory upang maglinis dito," sambit nito saka binitawan ang braso ko bago yumukod at dire-diretsong lumabas sa kwarto ko. Nanghihinang napaupo ako sa kama at inis na isinuklay ang mga daliri ko sa aking buhok. Kung sana'y pinili lang ni kuya ang maupo sa trono at hindi salunghatin ang mahal na hari, ligtas sana ako sa letseng tungkulin na ito at nagagawa ko sana ang mga bagay na gusto ko at nakakapagpasaya sakin. Gaya ng paghanap kay Ma-. "Mahal na Prinsepe, ano pong nangyari rito?" nahihintakutang tanong ni Digna, ang pinakamatandang katulong sa palasyo habang nakatingin sa mga basag na gamit sa sahig bago tuluyang pumasok at lumapit sa akin. Akmang hahawakan niya ang kamay ko upang suriin kung may natamo akong sugat ngunit maagap ko iyong nailayo sa kanya saka mabilis na tumayo. "Linisin niyo na rito, ayokong makakakita ni katiting na kalat pagbalik ko," galit na utos ko sa kanila na mabilis nilang tinanguan. "Masusunod po Mahal na Prinsepe," sagot ni Digna bago yumuko bilang paggalang. "Isa pa pala, ayokong makarating ito sa Inang Reyna, Mahal na Hari at Mahal na Reyna. Nagkakaintindihan ba tayo?" "Opo Mahal na Prinsepe," sagot niyang muli na nananatiling nakayuko. Tinalikuran ko na siya at mabilis na naglakad palabas ng kwarto, nakasalubong ko ang lima pang katulong na sabay-sabay yumukod sa harap ko. I scoffed, I want to get out this f*****g mansion and live my own life. If only I have the courage to do what Alas did and abandon the throne. I was about to pull out a cigarette in my pocket when I stumbled upon Grandma. Huminto ako at mabilis na isinuksok kong muli ang stick ng sigarilyo sa aking bulsa saka agad na yumuko sa harap niya. "You don't have to do that apo," wika niya sa malambing na tinig bago hawakan ang balikat ko. Umayos ako ng tayo sa harap niya bago humalik sa kanyang pisngi. She might be old but her beauty doesn't change a bit, it's still the beautiful souled lady that captured Grandpa's heart. "Gabi na po, bakit nasa labas pa kayo?" tanong ko. I'm not oblige to call her 'Inang Reyna' and I can to her casually when it's just the two of us talking. "Nagpapahangin lang apo, ikaw anong ginagawa mo rito at bakit hindi ka pa umaakyat sa kwarto mo?" balik tanong niya sakin. Napakamot ako ng batok habang umiisip ng ipapalusot sa kanya. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na nagwala ako sa kwarto at pinapalinis ko pa iyon sa mga katulong. "Magyoyosi po sana ako Grandma," kunwari'y nahihiya kong pag-amin. Napailing siya at pilit inabot ang mukha ko kaya naman bahagya akong bumaba upang mahawakan niya. "Old habits, die hard," komento niya bago marahang tapikin ang pisngi ko. "Sige na, sindihan mo na iyan, papasok na ko sa loob. Huwag ka lang magpahuli sa mama o papa mo." Tinanguan ko siya at binigyan ng matamis na ngiti bago hinalikan ang kanyang noo. "Goodnight, Inang Reyna," sambit ko bago siya tumalikod. Nang tuluyan na siyang makalayo ay saka ko lang dinukot ang sigarilyo sa aking bulsa. Mabilis ko iyong sinindihan at inilagay sa pagitan ng aking mga labi. Napabuntong hininga ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling matuloy niya ang kasal. My feelings for that person will probably remain hidden when I'm finally married. Hindi ko na magagawang sabihin sa kanya kung ano ba talagang nararamdaman ko after all these years of hiding. I puffed the cigarette and blow the thick smoke in the cold air. I started making my way to my own safe haven. Nasa pusod iyon ng maliit na gubat sa tabi ng palasyo, madilim na pero kaya ko pa rin iyong tuntunin dahil kabisado ko na ang lugar. When I'm there, it's quiet, peaceful and tranquil. I can be myself, I can be the Atlas Moriarty I know and not the Prince Atlas Moriarty they admire. Wala kasing sino man ang nakakatunton sa'kin sa lugar na 'yun dahil tanging ako lang ang nakakaalam kung saan iyon matatagpuan. After a few minutes of walking, I arrived at my safe haven. Maliit na kubo lang iyon pero nandoon ang lahat ng gamit kong hindi ko madadala sa palasyo. Nakaparada sa labas ang motor kong minsan ko na lang magamit kapag tumatakas ako sa palasyo. Lumapit ako sa maliit na ilog na katabi niyon at ilang minutong tumingin lang sa payapa at malinis na tubig. Naputol ang pagninilay-nilay ko nang malakas na tumunog ang cellphone sa aking bulsa. "Alas," I muttered upon checking the caller ID and answering the call. "Atlas! You fucker! Bakit hindi ka na dumadalaw? Nakapanganak na si Penelope at lahat hindi ka pa rin napadpad rito?" tanong niya na kahit pagalit ang tono ay hindi maitago ang kasiyahan. f**k, I envy him. If only I am brave enough like him to leave everything behind. "Really? So, what I'm going to meet? A niece or a nephew?" nakangiting tanong ko. Naiinggit ako sa kasiyahang meron siya ngayon pero masaya akong masaya siya sa tinahak niyang landas. Alas deserves to be happy, everyone does except me, the f*****g Prince. "You're going to meet both," masayang sagot niya. "What? You have a twins?" hindi makapaniwalang tanong ko na hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko. "Yes fucker kaya tumakas ka na riyan sa palasyo. Kailangan mo nang makita mga pamangkin mo," pabirong sabi nito na sinundan pa ng pagtawa. "I will, I'm so happy for you kuya," wika ko bago namin sabay narinig ang pag-iyak ng isang sanggol mula sa background. That must have been his child. "Umiiyak na si Amari, see you soon Atlas," he said before ending the call. I heaved a sigh before putting back the phone in my pocket. Yumuko ako saka dumampot ng isang bato at inihagis iyon sa kalmadong ilog. Pagod akong naglakad papasok sa maliit na kubo at inihiga ang katawan ko sa sahig. Pumikit ako para lang makita ang nakangiti niyang mukhang hindi maalis sa isip ko. "Martin," bulong ko sa hangin bago ako tuluyang lamunin ng isang magandang panaginip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD