*chapter three*

1138 Words
ATLAS' POV "SAAN ka galing?" kunot-noong tanong ko kay Benjamin habang nagmamadali siyang pumasok sa kwarto niya. I don't know what the exact time is, but I know it's already past midnight. Nakaidlip ako sa kubo at naalimpungatan kaya ako bumalik sa palasyo. I was about to enter my room when something caught my attention, it was Benjamin silently sneaking in. "Wala ka ng pakealam d'un," pabalang na sagot niya bago niya tuluyang nabuksan ang pinto. Papasok na sana siya pero mabilis kong iniharang ang katawan ko sa bukana ng pinto. I want to mock and annoy him. Namamangha ako sa ipinapakita niyang ugali sa'kin ngayon at isa pa, hindi niya ugaling tumakas gaya ko. Masunurin siya samantalang ako ang black sheep ng royal family, salungat na salungat ang ugali naming dalawa at lagi rin akong naikukumpara sa kanya. He's perfect, fit for a crowned prince but because his father is the youngest, he ended up as a Viscount. "Anong meron, bakit ang init ng ulo mo?" I asked mocking him and I get the reaction that I wanted, kumunot lalo ang noo niya at galit akong tinignan. "Umalis ka na riyan bago ko pa makalimutan na ikaw ang Mahal na Prinsepe," umiigting ang pangang wika niya saka hinawakan ang braso kong nakahawak sa pintuan upang alisin sana iyon pero hindi ako nagpatinag at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak doon. Matangkad siya at malaki ang pangangatawan pero di hamak na mas ako sa lahat ng pisikal na aspetong meron siya. "Edi kalimutan mong ako ang Prinsepe. Isipin mong isa lang akong commoner," nang-uuyam na sambit ko saka ngumisi. I want to see him getting out of control, I want to push him to his limit. Kuryoso kasi ako kung bakit siya nagkakaganito at kung ano ang gagawin niya kapag wala na siyang kontrol sa emosyon niya. "For the last time, umalis ka na Atlas, don't make me repeat myself baka hindi mo magustuhan ang gawin ko." Binabalaan niya ko sa nanlilisik na mga mata, kumuyom na rin ang kamao niya at alam kong galit na galit na siya pero may gusto pa kong makuhang reaksyon sa kanya. "I don't take orders, I give them," I said smirking before a fist landed on my cheek. f**k, that hurts. A lot. Napayuko ako sa lakas ng natamo kong suntok, sinapo ko ang nasaktang pisngi nang agad na may tumulong likido sa ilong ko. Dugo. Mabilis ko iyong pinunasan bago tumayo ng diretso sa harap niya na parang walang nangyari. Hindi ko ipapakitang nasaktan ako dahil ito ang reaksyong gusto kong makita mula sa kanya ngayon. Totoo ngang lahat ng mabait ay may tinagong kulo sa loob. I spitted out the metallic taste on my tongue before looking at him. "Now, now, the good Viscount is not really 'good' e?" nanunuyang sabi ko. Napangisi ako nang makitang inangat niyang muli ang kamao niya upang suntukin ako ngunit mabilis ko iyong nailagan. Not this time. "Woah, lasing ka ba or what?" Patuloy na pang-aasar ko sa kanya bago siya muling umigkas ng suntok at sa ikalawang pagkakataon ay nakaiwas ako. I know the punches he's throwing are hurt and will hurt so, I have to avoid it. "Damn Benj, sa una ka lang ba magaling? Tamaan mo naman ako," sambit ko habang umaakto pa ng stances ng isang boksingerong nakikipagsparring. "Tss," he scoffed before his lips formed into a smirk then a wide smile then a laugh. Napatigil ako sa ginagawa ko at nagtatakang tiningnan siya. What the f**k? Anong problema niya? "The f**k?" hindi ko mapigilang sabi pero patuloy pa rin siya sa malakas na pagtawa. Nasa west wing kami ng palasyo, malayo sa mga magulang ko, kay lola at kay lolo pati na rin sa mga tauhan ng palasyo kaya malamang ay hindi nila kami maririnig. "Why?" tanong niya nang huminto siya sa pagtawa at tapunan ako ng galit na tingin. "Why does it have to be you? Why not me? Ako naman ang laging nandyan para sa kanya so, why not me?!" sigaw niya bago walang sabi-sabing malakas akong sinuntok. f**k! It took me by surprise because my ass landed on the cold floor. Kumuyom ang kamao ko, kung kanina'y natutuwa akong galit siya, ngayon hindi na. Mabilis akong tumayo at nagtapon ng suntok pero nailagan niya iyon. "Ako ang nagmamahal sa kanya hindi ikaw!" sigaw niyang muli saka nagpakawala ng suntok na mabilis kong inilagan. "f**k you Benj, I don't f*****g know what you're talking about!" pasigaw rin na sagot ko saka siya sinuntok sa tiyan, napaaray siya nang tamaan siya niyon. "Hindi mo alam kasi tinuring mo siyang basura! Itinatapon mo ang lahat ng pagmamahal na ibinibigay niya sayo! Tangina mo! Bakit ba napupunta sa'yo ang lahat e hindi ka naman marunong magpahalaga?!" mahabang litanya niya na puno ng hinanakit. Natulala ako sa mga narinig ko, hindi ako makakilos, hindi ko maigalaw kahit na anong parte ng katawan ko kahit pa hindi ko alam kung tungkol saan ang sinasabi niya. Hindi ko gusto ang mga bagay na meron ako ngayon at hindi ko ginustong kunin ang mga bagay na gusto niya. Sa totoo lang, ayoko ng mga bagay at katayuang meron ako ngayon kaya kung mababago ko lang ang tadhana, gagawin ko. "Tangina mo para wasakin ang puso ni Martin!" sigaw niya bago magpakawala muli ng suntok na tumama sa panga ko at nagpatumba sa'kin pero sa pagkakataong iyon hindi na ko lumaban. Hinayaan ko siyang kubabawan ako at paulanan ako ng suntok. Nawala ang kaninang galit ko sa kanya nang marinig ko ang pangalan ni Martin, nanghina ako at namanhid, nawalan ng lakas ang buong katawan ko. Winasak ko ang puso ng taong pinakamamahal ko? Paano? Martin, mahal mo rin ba ako gaya ng pagmamahal ko sayo? "Benjamin?! Anong ginagawa mo?! Awatin niyo siya baka mapatay niya si Atlas!" "Tama na po." "Hawakan niyo siya." "Papatayin kita! Ipapadama ko sa'yo ang sakit na nararamdaman ni Martin!" Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang lumipas bago may umawat kay Benjamin, namamanhid ako. Wala akong pakialam kung mawasak ang mukha ko o mapinsala ang bungo ko, hindi ko matanggap na ako mismo ang nakakasakit kay Martin. Nakatulala lang ako sa malinis na kisame habang nakahiga sa malamig na sahig. "Tama na Benjamin!" sigaw ng Mahal na Reyna sa nagpupumiglas pa ring si Benjamin. "Diyos ko, anong nangyari?" nahihintakutang tanong ng Inang Reyna bago pumunta sa tabi niya. "Tawagan niyo na ang doktor ng palasyo," utos ng Mahal na Hari sa isang tigapagsilbi. "Ilayo niyo muna siya rito," utos naman ni Tiyo-ang ama ni Benjamin- sa isa sa mga guwardya. Napakarami kong ingay na naririnig, napakaraming nag-aalalang mukhang nakikita pero iisang mukha lang ang nais at hinahanap ko. "Martin," nahihirapang sambit ko bago lamunin ng dilim ang aking paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD