MARTIN'S POV
"MARTIN!" sigaw ng kambal kong si Martina mula sa labas ng inuupahan kong appartment. Ano na naman kaya ang ginagawa niya rito nang ganito kaaga? Sigurado akong manggugulo at mang-iinis na naman siya. Tinatamad na tumayo ako mula sa sofa at nagtungo sa pinto upang pagbuksan siya. Bumungad sa'kin ang nakangiti niyang mukha, magkamukhang-magkamukha kami pero magkaibang-magkaiba ang ugali namin. Bumaba ang tingin ko sa mga bitbit niyang paper bags sa magkabilang kamay. Mukhang binigyan na naman siya ni daddy ng pera para makapagshopping at ito na naman ang ginawa niya, bumili ng kung ano-anong hindi naman kailangan.
"Ano bang ginagawa mo rito?" masungit na tanong ko sa kanya ngunit nanatili lang siyang nakangiti saka dire-diretsong pumasok sa loob. Mabilis na binitawan niya ang mga dala saka pasalampak na naupo sa sofa.
"Nakakapagod," reklamo niya habang minamasahe ang magkabilang balikat. Naiiling na nagtungo ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig at ibigay sa kanya.
"Salamat kapatid," malambing na wika niya nang maiabot ko ang baso. Tumabi ako sa kanya saka isinandal ang ulo ko at ipinikit ang mga mata.
"I'm getting married," pahayag niya na agad kong ikinamulat ng mata. Anong bang pinagsasabi niya? Kanino siya magpapakasal kay Red? E 2 years pa lang naman sila.
"Ano bang pinagsasabi mo? Inalok ka na ng kasal ni Jared?" kunot-noong tanong ko sa kanya saka bumangon sa pagkakasandal sa sofa at binalingan siya tingin.
"No, he didn't. Ako ang nagpropose sa kanya," she replied which makes my eyes even wider. Ano bang naiisip niya? Ano ba ang nagtulak sa kanya para gawin iyon?
"Ano?!" eksaheradong sigaw ko ngunit parang wala lang iyon sa kanya dahil natawa lang siya sa reaksyon ko.
"Martin, 'wag ka ngang O.A riyan. Ginagawa ko 'to para sa sarili ko. Nabalitaan mo naman na ata na ako ang napiling ikasal sa prinsepe pero, ayaw ko n'un. Kaya eto, nag-iisip ako ng ibang paraan para hindi matuloy ang kasal," litanya ni Martina ngunit mas lalo ko iyong ikinagulat. f**k! Ilang beses ba dapat ako magimbal sa loob ng isang araw? Ikakasal siya? Kanino? Sa tagapagmana ng mga Moriarty? Kay Atlas? Sa lalaking simula pagkabata ay mahal ko na? Naisabunot ko ang isang kamay sa sariling buhok, hindi tinatanggap ng isip ko ang lahat ng narinig ko mula kay Martina. Hindi ko ata kayang makitang ikinakasal si Atlas sa iba. I cleared my throat, cleaning the lump forming inside and composing myself. I'm not allowed to break down right now, kailangan ni Martina ng makikinig sa kanya at ako lang ang tao na 'yun.
"I understand Tin but what will dad think? What will he do to you? Alam natin pareho na ikakasira ng imahe ng pamilya natin ang gagawin mo," paalala ko sa kanya ngunit nagkibit-balikat lang siya at umiwas ng tingin.
"Martin, we both know we did everything to be the best in front of dad. We didn't disappoint him, kahit na hindi tayo masaya sa ginagawa natin gagawin pa rin natin para maging proud siya. Ikaw, itinaboy ka niya noong pinili mong maging masaya at ilabas ang tunay mong pagkatao. Kaya ngayon, ako naman. Gusto kong maging masaya," mahabang sambit niya. Tama si Martina, we did everything to make dad proud but we aren't happy. It's like hell to pretend in front other people, it's like hell that you feel miserable yet you can't do anything about it and it's like pure hell to be controlled and treated like a trash. Because at the end of the day, dad's really not proud of what we achieved.
"Martin?" tawag niya na puno ng pag-aalala nang hindi pa rin ako magsalita. "Kahit naman hindi ako ang makasal sa prinsepe, hahanap at hahanap sila ng babaeng pwedeng ikasal sa kanya kaya hindi mo dapat alalahanin ang mangyayari sa pamilya natin. Kung inaalala mo pa rin ang pamilya at magulang na nagtaboy sa'yo sa kabila ng lahat, pwede bang 'wag mo muna silang isipin? Kahit ngayon lang, ako muna ang alalahanin mo."
"Hindi," mahinang usal ko. Hindi, hindi ko kayang makita siyang nakatali sa iba. Akala ko naihanda ko na ang sarili ko sa mangyayaring ganito dahil sobrang labo na magkaroon kami ng ugnayan bukod sa pagiging magkakilala. Akala ko handa na kong tanggapin na hindi ako kailanman titignan ni Atlas gaya ng pagtingin ko sa kanya. Akala ko handa na ko kapag nakahanap na sila ng babaeng ipapakasal sa kanya. I thought I was used to feeling hurt like hell. Akala ko lang pala lahat 'yun dahil ibang lebel ng sakit at kirot ang nararamdaman ko ngayon sa dibdib ko. Parang hinahati sa libo-libong piraso ang puso ko.
"Martin," muling sambit ni Martina sa pangalan ko bago ako hatakin sa isang mahigpit na yakap at doon na tumulo ang mga luhang nais kong pakawalan kanina pa.
"Alam mong mahal ko si Atlas, hindi ba? Bakit kailangan niyang maging masaya sa iba kung pwede naman sa tabi ko? Bakit.... Bakit ang sakit?" tanong ko habang patuloy na pumapatak ang luha sa aking mga mata. Naramdaman kong naestatwa si Martina sa narinig dahil tumigil siya sa paghaplos sa likod ko. Tama, ngayon ko nga lang pala naamin ang nararamdaman ko para kay Atlas sa ibang tao, bukod sa sarili ko ay wala nang nakakaalam ng sekretong ito. Lumayo ako sa pagkakayakap sa kanya saka sinilip ang kanyang mukhang nakatulala sa kawalan. Marahil nagulat siya sa mga binitawan kong salita but sometimes it feels good to let your feelings out lalo na kapag nasasaktan ka at malungkot.
"A-ano?" naguguluhang tanong niya saka napakurap-kurap at hindi makapaniwalang tinapunan ako ng tingin. Tinanguan ko lang siya upang kumpirmahin ang mga salitang binitawan ko kanina.
"Martin, hi-hindi ko alam ang dapat at tamang sabihin sa'yo but I'm sorry because I can't do anything about it. Kung pwede lang, kung may paraan lang para maging kayo ni Atlas, gagawin ko kasi mahal kita," bulong niya saka ibinuka ang magkabila niyang braso upang anyayahan ako sa isang yakap. Tipid akong ngumiti sa kanya saka dahan-dahang lumapit at yumakap ng mahigpit sa kanya. Ako ang panganay sa aming dalawa pero siya ang nagmumukha at nag-uugaling mas matanda ngayon.
"Salamat Martina pero hindi mo naman kailangan umisip o gumawa ng paraan para sa'kin. Kapag masaya na siya, magiging masaya na rin ako. Ayokong ipilit ang hindi naman pwede," wika ko habang hinahaplos niya ang likod ko.
"No, I know I will find a way to make the Prince yours and when that time comes, hinding-hindi na siya makakawala sa'yo," desidido at positibong sabi niya bago akong magaang halikan sa pisngi.
"We will be happy kambal 'cause we f*****g deserve it," dagdag niya pa bago humiwalay sa yakap at ngitian ako ng kakaiba. Kung ano man ang maisip niyang paraan, sana hindi ako kamuhian pa lalo ng prinsepeng mahal na mahal ko.
_TEI_