Kinakabahan ako habang magkakaharap kami ng parents ko at ni Sir Thompson dito sa salas namin.
Alam ko kung anong sadya niya rito sa bahay. Sobra na akong kinakabahan at hindi ako mapakali.
I wanted to talk to him and ask for another day na ihanda ko muna ang loob nina Papa at Mama. Huwag naman niya i-timing ng ganito kaalanganin sa oras lalo na at hindi maganda ang mood ng parents ko.
Pareho silang pagod sa trabaho at may mga inaasikaso pa silang trabaho na inuwi rito sa bahay.
"Anong sadya mo rito, Mr. Thompson? Mabuti at napadalaw ka? Hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa paghatid mo sa anak ko. Pasensya na kung sa iyo ko naisuyo itong bunso ko," nakatawang saad ni Papa matapos humigop ng kape. Inayos pa ni Papa ang suot niyang salamin at tinitigan ang propesor ko na prenteng nakaupo sa sofa.
Napakakalmado niyang tingnan samantalang ako ay parang uod na binudburan ng asin. Hindi ako mapakali at gusto ko na lang hilahin palabas dito si Sir Thompson.
Ang daming oras na pwede niyang piliin. Talagang tinaon pa na gabi at hindi man inisip ang mararamdaman ng mga magulang ko.
Kasalanan ko 'to dahil iniwasan ko talaga na magkita kami at mag-usap. Hindi ko kasi alam kung paano ko kakausapin sina Papa at Mama lalo na at ginipit ako sa oras ng lalaking ito.
Ang usapan namin ay one week. Pero kinabukasan nang magkita kami ay gusto niya na ngayong araw ko sabihin sa parents ko ang tungkol sa kasal na sinuungan ko.
'Di nga ako makakuha ng timing dahil mainit pareho ang ulo ng parents ko. Dagdagan pa na may trabaho silang tambak na inuwi rito sa bahay.
"Wala po 'yon Mr. Harrison. Wala naman po kayong maaasahan na iba lalo na at gabi na rin. Isa pa, iisang ruta lang naman ang bahay natin kaya ayos lang sa akin na ihatid ang anak niyo."
"Maraming salamat. Nga pala, anong sadya mo? Gabing-gabi na at nag-abala pa kayong pumunta rito sa bahay namin. May ginawa bang kabalbalan ang bunso ko para sumadya ka rito?" nakatawang tanong ni Papa.
Tumingin pa sa akin sina Papa at Mama bago sila muling tumingin kay Sir Thompson na pormal lang ang habas ng mukha.
"Ang totoo po niyan pumunta po ako rito para—-"
"P-Para sabihin po niya sa inyo na mataas ang marka ko sa subject niya. May award po ako sa school at kailangan ninyong pumunta," putol ko kaagad sa sasabihin ni Sir Thompson.
Inunahan ko na siya dahil hindi ko nais marinig nina Papa at Mama ang katangahan na ginawa ko. Pagagalitan nila ako lalo na at gumawa ako ng sarili kong desisyon. Na sana dapat ay isinangguni ko muna sa kanila bago ako naging padalos-dalos.
"I-Ito po talaga ang sadya ni Sir," dagdag ko pa sa hinabi kong palusot.
Ang lakas ng kaba sa dibdib ko habang sinasabi ko ang mga kasinungalingan na ito. Hindi ako sanay magsinungaling dahil takot akong mapagalitan nila.
Nakita ko pang tumalim ang titig ni Sir Thompson sa akin habang nagngangalit ang kanyang mga bagang. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya at alanganing ngumiti sa parents ko.
"Ang aga naman ng awarding, Krissha?" nagtataka na tanong ni Mama. Napamura ako sa aking isip nang maisip iyon.
Lagot! Himutok ko sa aking sarili.
I saw my professor grin. I don't like that expression because I know he is mocking me.
Failed ang palusot ko at alam kong pinagtatawanan niya ako sa kanyang isip.
"Hindi pa tapos ang first grading sa pagkakaalam ko," natatawang sabat ni Sir Thompson. Hinawakan niya ang kanyang baba at inisip ang kasagutan sa tanong niya.
Patay!
Talagang hindi niya pinatulan ang kasinungalingan ko!
Oo nga pala, kakasimula nga lang pala ng first grading at bakit nakalimutan ko 'yon?
Palpak talaga ako kapag umiisip ng palusot! Dapat hindi ito ang naisip kong palusot! Ano na ngayon ang irarason ko?
"A-Ahm, ano kasi—" natataranta na sabi ko. Lumingon ako sa parents ko na parehong hindi na maipinta ang mukha. Napaiwas kaagad ako ng tingin dahil alam kong mababasa nila sa kilos ko na nagsisinungaling ako.
"May kasalanan ba na nagawa ang anak ko, Sir?" hindi nakatiis na usisa ni Mama.
Ngumisi muna si Sir Thompson sa akin bago niya binalingan si Mama at kinausap ito.
"I'm here to tell you Mr. Harrison and Mrs. Harrison that I and Krissha are," saglit na tigil niya sa sasabihin, "married already." Binitin pa niya saglit ang sasabihin niya saka ngumisi sa akin.
Nanlumo at nanginig ako sa aking narinig. Sinapo ko ang ulo ko habang takot na nakatingin kina Papa at Mama.
Gulat na gulat ang mga magulang ko habang nakanganga na nakatingin sa propesor ko.
Ilang minuto nilang inanalisa ang sinabi ni Sir bago sila nakapag-react sa sinabi ni Sir.
"W-What? Married?" My father exclaimed.
"A-Ano? Kasal kayo ng anak ko? Kailan pa?" hindi makapaniwalang bulalas ni Mama. Papalit-palit ang tingin niya sa amin ni Sir Thompson.
Pormal lang ang mukha ni Sir kahit na nasabi na niya ito sa mga magulang ko. Ako naman ay parang binagsakan ng langit at lupa. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga magulang ko dahil nanliliit ako.
Kita ko ang malaki nilang pagtataka at mga katanungan na nais nilang ibato kay Sir, lalong-lalo na sa akin.
"P-Paano ito nangyari? Krissha, totoo ba na kasal na kayong dalawa?" usisa ni Papa sa akin. Napayuko ako ng ulo at nagsimulang magtubig ang mga mata ko.
Galit ang nakikita ko sa mukha ni Papa. Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya dahil naiiyak na ako sa matinding kaba at takot.
Sasaktan kaya ako ni Papa?
"Krissha! Sumagot ka nga! Totoo ba ang sinasabi ng propesor mo?" Dumagundong sa buong kabahayan ang lakas ng bose ni Papa. Galit na siya at parang gusto ko na lang lumuhod sa harap niya at humingi ng tawad.
Alam ko kung paano siya magalit at ayokong makatikim ng pananakit sa kanya.
Never pa naman niyang nagawa sa akin ito pero nag-advance thinking lang ako dahil first time ko mapagalitan ng ganito.
"P-Pa, m-magpapaliwanag po ako." Kinagat ko ang labi ko at pagkatapos ay luhaang hinarap sila.
Hindi matatapos ang usapang ito kapag hindi pa ako nagsalita. Gusto ko na rin na matapos ito para makahinga ako ng maluwag.
Ano man ang maging desisyon nila ngayong gabi ay tatanggapin ko. Kasalanan ko 'to kaya kailangan kong panindigan.
"P-Pa—"
"Ako na, Krissha." Napatingin ako kay Sir Thompson nang bigla siyang sumabat sa sasabihin ko. "Ako na ang magpapaliwanag sa kanila.
"P-Pero Sir—- Clark," angal ko. Gusto ko na ako ang magsabi dahil alam ko naman na sasabihin ni Sir Thompson ang totoo. Umiisip ako ng magandang rason para hindi sila magalit sa akin.
Sa malas wala akong maisip dahil natataranta ako. Hindi ako makapag-isip ng maayos.
"Hayaan mo ng ako ang magsabi sa kanila," aniya sabay sulyap sa mga magulang ko.
Nanghihina na umiling ako sa sinabi niya. Mas lalo akong napaiyak at napahawak na lang sa bibig ko para pigilan ang isang malakas na hikbi.
"A-Ako na lang, Clark," umiiyak pa ring pilit ko. Desidido talaga siyang isiwalat sa mga magulang ko ang katotohanan.
Paano na 'to? Lagot talaga ako sa mga magulang ko.
"No." Matigas na umiling si Sir Thompson sa sinabi ko. Pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa pagtanggi niya. Mas lalo akong napaiyak at alam kong wala na akong magagawa kung hindi ang sumunod na lang sa gusto niya.
"Just sit back ang relax. I will tell them the truth and no need to hide this from your parents. Mas magandang malaman nila ang totoo kaysa itago mo pa ito sa kanila."
"I-Ikaw ang bahala," sumusukong pahayag ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at saka huminga ng malalim. Iniwasan ko na lumingon sa gawi ng mga magulang ko dahil hindi ko kayang makita ang disgusto sa mga mata nila.
Wala akong magagawa kung hindi ang sumang-ayon na lang sa sinabi ni Sir. Baka kapag ako ang nagpaliwanag ay kung saan-saan pa mapunta ang usapan. Baka may masabi akong hindi magustuhan ng mga magulang ko at mapahiya ako sa harap ni Sir Thompson.
"Una po sa lahat, humihingi po ako ng paumanhin kung bigla na lang akong sumulpot dito at binigla kayo sa kaalaman na kasal kami ng anak ninyo," panimula ni Sir.
Sumulyap siya saglit sa akin at pagkatapos ay kina Papa at Mama na alal kong nakatutok ang tingin sa akin.
"Actually, our marriage is marriage for convenience. Kinasal po kami because we need each other," walang ligoy na paliwanag niya.
Narinig kong napasinghap si Mama. Napagkagat-labi ako. Hindi ko naman alam kung anong naging reaksyon ni Papa dahil hindi ako nakatingin sa kanila.
"Anong ibig mong sabihin, Sir Thompson?" medyo may poot na tanong ni Papa. Alam kong masama ang tingin ni Papa sa akin dahil ramdam ko na tumutusok ang matatalim niyang tingin sa akin.
I want to explain my side. Na nagawa ko iyon para sa kanya. Ayokong mamatay si Papa kaya nakipagkasundo ako kay Sir Thompson.
"Kinasal po kami dahil kailangan ako ni Krissha at kailangan ko naman siya. Nagpakasal siya sa akin dahil sa pera at nagpakasal ako sa kanya dahil kailangan ko ang tulong niya para iwasan ang isang tao," paliwanag ni Sir.
Wala akong narinig na salita sa mga magulang ko. Pero alam kong parehong kumunot ang ulo nila sa kanilang narinig.
"Binigyan ko po ng pera si Krissha kapalit ng pagpapanggap niya na asawa ko. Ang perang binigay ko sa kanya ay para sa pagpapagamot ninyo."
Napilitan akong sumulyap sa mga magulang ko nang marinig kong napasinghap si Mama.
Nakita ko na nanlalaki naman ang mga mata ni Papa at shocked sa nangyari. Tutop naman ni Mama ang kanyang bibig habang umiiyak.
I know masakit ito kay Mama. Ikaw ba naman malaman mong kasal na ang anak mong babae na iningatan mo ng ilang taon. Laging pa naman niya akong pinapaalalahanan na huwag munang mag-asawa at pag-aaral lang ang atupagin ko. Para magkaroon ako ng maayos na buhay at magandang kinabukasan.
Tapos ito ang malalaman nila sa akin?
I know they are very disappointed in me. But I had to do something to save my father from death. Mas lalong hindi ko kayang makita siya sa kabaong at pinaglalamayan namin.
Mas mabuti ng ako ang magsakripisyo makita lang namin siyang buhay at kasama namin.
"B-Bakit ka nagsinungaling, Krissha? Sinabi mo na inutang mo kina Gale at Rica ang perang pinangpagamot ko sa America. Bakit kailangan mong gawin ito at magsinungaling sa amin ng Mama mo?"
"P-Patawad po, Pa. Nataranta po kasi ako at natakot na baka kung mapaano kayo kaya nagawa kong makipagkasundo kay Sir—kay Clark. Ayoko pong mamatay kayo Pa kaya ko nagawa ito," lumuluhang paliwanag ko.
Hindi ko kayang makita sila namomroblema kaya in-grab ko ang opportunity na 'yon para makatulong sa kanila.
Salat din kasi sa pera ang mga kamag-anak namin kaya konting tulong lang ang pwede nilang mabigay sa pagpapagamot ni Papa. Tapos konti lang din ang ipon ng mga magulang ko sa bangko kaya kulang talaga ang pagpapaopera ni Papa.
Kaya naman nang malaman ko ang tungkol sa offer ni Sir Thompson sa isa sa mga kakilala ko ay grinab ko na talaga 'yon. Pagkakataon ko na para makatulong sa mga magulang ko.
Ako ang natipuhan ni Sir na magpanggap na girlfriend niya at magpapakasal sa kanya kapalit ang kalahating milyon.
Natuwa ako sa laki ng perang kapalit ng pagpapakasal ko sa kanya dahil matutulungan ko na sina Papa. Pero nang ma-realized ko na ikinasal ako sa bata kong edad ay natakot ako.
Kaya naman naisipan ko siyang takbuhan. Umasa lang ako na hindi niya ako mahahanap kaagad dahil sa America nagpagamot si Papa.
Pero sabi nga nila, karma ang malaking kaaway ng isang tao lalo na kapag nanloko ka ng tao.
Ito ngayon ang karma ko at kahit kailan ay hindi ko na matatakasan.
"K-Krissha, hindi mo naman kailangang isakripisyo ang sarili mo para sa akin. Ako dapat ang nagpo-provide sa pamilya natin at hindi ikaw," ani Papa sa malungkot na tono.
Malungkot akong ngumiti kay Papa. "Ginusto ko po 'yon, Pa at kung ganoon pa rin ang mangyayari. Uulitin ko pa rin po na ganyan ang gawin ko kahit isakripisyo ko ang buhay ko. Mas mahalaga po kayo sa akin. Ayoko pong may mangyari sa inyo na hindi ako nakakagawa ng paraan."
"S-Salamat, anak. Pero sana hindi mo na lang ginawa ito. Pwede naman kaming mangutang sa bangko ng Mama mo para maipagamot ako."
"P-Pasensya na po, naging padalos-dalos ako sa mga desisyon ko. Natakot po ako na mawala kayo sa akin."
"Halika nga rito, payakap si Papa."
Kaagad naman akong tumalima at umiiyak na yumakap sa mga magulang ko. Ngunit kumalas din ako nang marinig ko ang tanong ni Papa kay Sir Thompson.
"Bakit ngayon ka lang pala pumarito, Clark? Bakit ngayon mo lang susunduin itong si Krissha?"
"Si Krissha po ang tanungin ninyo."
Napakagat-labi ako sa sinabi ni Sir at saka malalim na bumuntonghininga. Talagang ako pa ang ididiin niya rito.
Hay, kasalanan ko kasi!
"D-Dahil po pinagtaguan ko siya. Naisip ko po kasi na hindi pa ako handang matali sa kasunduan namin---"
"Ano ba naman 'yan, Krissha? Tinulungan ka na nga pero nagawa mo pang lokohin ang tumulong sa iyo. Hindi ka namin pinalaking ganyan!" Si Mama na galit na galit.
Alam ko naman ito pero natakot lang ako.
"I-I'm sorry, Ma. Natakot po kasi ako. Hindi ko po kasi kilala si Clark kaya po tinakbuhan ko po siya," katwiran ko.
Malay ko ba kung mamamatay tao siya o kaya naman ay may tama sa utak.
Pero tingin ko naman wala dahil wala sa itsura niya. Isa pa, galing siya sa may kayang pamilya.
"That's not a good reason," si Papa ang sumagot. "Nakipagkasundo ka kaya panindigan mo 'yang ginawa mo. Face the consequences you make."
"Opo, Pa. I'm sorry po."
"Anong balak mo Clark?" baling na tanong ni Papa kay Sir Thompson.
"Balak ko po na totohanin ang kasal namin. Tutal wala na rin pong ibang paraan para mabilis po itong mapawalang-bisa."
"P-Pero—" sasabat sana ako pero kaagad na pinutol ni Papa ang iba ko pang sasabihin. Ayoko talagang makulong sa kasal na 'to.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko Krissha kaya huwag kang sumabat!"
"Pa—-"
"I said, don't talk!"
"Okay po." Wala akong nagawa kung hindi ang manahimik. Tahimik akong naupo habang pinipisil ang mga palad ko.
Papayag si Papa na samahan ko ang lalaking ito na hindi naman namin ganoon kakilala?
"I'm so disappointed in you. Panindigan mo 'yang sinuungan mo."
Hindi ako nagsalita. Tinanggap ko na lang ang desisyon nila. Akala ko pa naman magpiprisinta sila na bayaran ang utang kay Sir Thompson at i-push na mapawalang-bisa ang kasal namin.
Hindi pa naman namin na-consummate ang kasal at alam kong pagkalipas ng limang taon ay pwede namin ipa-annull ang kasal namin.
Ngunit mukhang hindi papayag ang mga magulang ko dahil utang na loob nila kay Sir Thompson ang buhay ni Papa.
"Clark, ikaw na bahala sa anak namin. Nakikita ko naman na responsable kang tao. Kung balak mong totohanin ang kasal ninyo hindi ako kokontra. Tutal nariyan na 'yan, hindi na pwede pang bawiin pa."
"Salamat po Mr. Harrison."
"Masyado namang pormal ang Mr. Harrison. Sanayin mo na lang na Papa na ang itawag mo sa akin."
"Kayo po ang bahala."