Nilalaro ko ang fountain pen ko habang nakatitig sa larawan niya na nasa wallpaper ng laptop ko. I smiled as I watched how beautiful she was.
Matagal na 'tong picture na 'to sa akin. Isang taon na rin nang ikasal kaming dalawa. Hindi ko pa pinapalitan dahil ang ganda lang ng ngiti niya rito habang ako naman ay nakatingin sa kanya.
Her smile here is genuine. Akala mo masayang-masaya siya na maikasal sa akin.
But I frowned at the thought that she just betrayed me after I helped her with her needs. Halos halughugin ko ang buong Luzon dahil sa pagtakas niya sa kasunduan namin.
Ni hindi ko pa nga nahahawakan ni dulo ng daliri niya tapos tinakbuhan lang niya ako. Ang masama pa ang galing niya magtago.
But afterwards nalaman ko na lang na rito lang pala sa lugar namin siya nakatira. Hindi lang kasi kilala ang pamilya nila kaya hindi ko siya kaagad natagpuan. At isa pa, nanatili sila sa Amerika ng ilang buwan dahil sa operation ng kanyang Papa.
Good thing, magagaling ang mga detectives na suhestiyon ng kaibigan kong si Hanzo kaya after a year ay natagpuan ko na siya.
Masyadong matagal ang isang taon kaya kung anu-ano na lang na palusot at sinasabi ko kina Daddy at Mommy kapag hindi nila nadaratnan si Krissha sa bahay ko.
Itong uwi nila next week ang siyang pinaghahandaan ko. Kailangan nilang makita si Krissha sa bahay ko kaya sinabi ko kay Krissha kahapon sa kanya na dapat ay nakabalik na siya sa bahay ko.
Kapag ako tinakasan na naman ng babaeng ito ay hindi ko na alam ang pwede kong magawa sa kanya.
Sayang ang ilang taon kong paghahanap sa kanya. Sana ay may anak na kami ngayon at hindi na ako pineperwisyo ni Margarette. Hangga't wala raw siyang nakikitang anak ko ay hindi pa rin siya mag-gi-give-up sa akin.
Ito ang balak ko noon, ang anakan si Krissha, totohanin ko ang kasal naming dalawa at magsama kami habang buhay. Front ko lang 'yong ipapa-anull namin ang kasal namin after a month para pumayag siya sa gusto ko.
Nag-aalangan kasi siyang tanggapin ang alok ko noong una dahil nga kasal ang pinag-uusapan dito. Napakabata pa niya at alam kong marami pa siyang pangarap sa buhay. Pero nasilaw siya sa malaking halaga ng perang inalok ko kaya kaagad siyang pumayag na magpakasal. Her family needs money at pagkakataon niya ito para matulungan ang kanyang pamilya.
Hindi ko naman akalain na magugustuhan ko siya nang tuluyan kaya wala na akong balak na wakasan ang kasal namin. Kaya naman desidido akong maibalik si Krissha sa buhay ko.
Balak ko na totohanin na lang ang kasal namin tutal naman hindi na ito ganoon kadaling maipa-anull sa panahon ngayon.
We will consummate our marriage and I promise after a month she will conceive our first born.
She thought I would just let him run away with our marriage?
No! Because I need her in my life.
Hindi ko nais mabuko nina Daddy na marriage for convenience ang kasal namin ni Krissha. Masyado na akong maraming kasinungalingan na binuo sa utak nila at hindi ko hahayaan na masayang ang lahat ng ginawa ko.
"Dad! I don't want to marry that woman. I have a girlfriend and she is the one I'm marrying!"
"No, Clark! You should marry her, Clark! You've been engaged for one year tapos malalaman ko na may nobya kang iba?"
"Dad, kayo lang naman may gusto sa engagement na 'yon. Pumayag ako para hindi kayo mapahiya kahit labag iyon sa loob ko. Hindi ko gustong magpakasal kay Margarette. I don't like her and you can't force me to marry her."
I saw my father sighed disgustedly. He looked at my mother who's looking at me sharply.
Pati ba naman si Mommy sumasang-ayon sa kasal na binabalak nila para sa amin ni Margarette? Sabagay, gusto niya si Margarette noon pa kaya matutuwa siya kung magkakatuluyan kaming dalawa.
I don't like that woman. She is so obsessed and possessive. Hindi ko gustong magkaroon ng problema na ipupukpok ko sa ulo ko.
I want a peaceful life at hindi ang katulad niya ang pinapangarap kong makasama habangbuhay.
Makukunsumi lang ako dahil malaki ang problema sa utak ng babaeng 'yon.
"Then you should marry your girlfriend. Iyan lang ang paraan para tigilan na kami ng pamilya ni Margarette na ituloy ang kasal ninyo," my father suggested.
Matutuwa na sana ako dahil payag naman pala sila na hindi ako makasal kay Margarette. Kaya lang, paano ako maghahanap ng girlfriend na ipapakilala sa kanila? I don't have a girlfriend, sinabi ko lang iyon para hindi nila kami tuluyang ipagkasundo.
"No, Daddy. My girlfriend is very young. Baka hindi siya pumayag na makasal kaagad sa akin," palusot ko.
Ang laki na naman tuloy ng problemang iisipin ko. Saan ako maghahanap ng girlfriend na papasa sa kanilang panlasa. Dapat maganda at may sinasabi sa buhay. Dapat mahigitan niya ang pamilya nina Margarette para wala silang maipintas sa kanya.
"It's your problem now, Clark. Ipakilala mo siya sa amin at isampal mo sa mukha ni Margarette na kasal kayo para tigilan na niya kami ng Mommy mo."
I saw my mother frowned. I know how much she liked Margarette to be her daughter-in-law. She is very in favor of her and I don't know kung anong pinakain ng babaeng iyon sa Mommy ko.
"O-Okay, Dad. I will introduce her to both of you one of this day. Busy lang siya sa pag-aaral niya kaya hindi ko pa maasikaso na ipakilala sa inyo."
"Make sure na papasa siya sa taste namin ng Daddy mo."
"Yes, Mom."
"Sir Thompson, hindi ka pa ba uuwi?" tanong sa akin ng co-teacher ko. Medyo napapitlag ako nang bahagya dahil masyado na yata akong natulala sa pagbabalik-tanaw ko. Kaagad na ibinaba ko ang screen ng laptop ko at nakangiting bumaling sa kanya.
"Mamaya konti, Ma'am Grace. Nagpapahinga lang ako saglit then after that uwi na ako later."
"Ganoon ba? Maiwan na kita rito, Sir. Mauna na akong umuwi at pagabi na rin."
"Ingat ka, Ma'am."
"Salamat, Sir. Ikaw rin."
I left alone checking the time on the wall clock. It's six p.m., tumayo ako at nag-inat. Lumakad ako papuntang pintuan. Sumilip ako sa pasilyo at tiningnan kung naglalakad na si Krissha papunta rito.
I frowned when I saw no one. Alais-sais na at ang alam kong ganito ang oras ng uwi niya.
Sumandal ako sa pinto at inalis ang suot kong eyeglass. Isinukbit ko ito sa kwelyo ng suot kong polo shirt at pagkatapos ay kinusot ko ang mga mata ko.
Nakakapagod magturo. Pero nag-e-enjoy naman ako dahil ito talaga ang propesyon na gusto ko. Kumuha lang ako ng Business Administration para balang araw ay pamahalaan ko ang business na ipamamana sa akin nina Daddy at Mommy. Nag-iisang anak ako at kailangan na may alam din ako sa pagpapatakbo ng mga ito.
Thirty-minutes na akong naghihintay kay Krissha rito sa labas pero hanggang ngayon ay wala pa siya. Pangalawang gabi na ito na hindi ko siya nakikitang dumadaan dito.
Nalaman ko na lang kagabi na sinundo ito ng Kuya niya nang tumawag ako sa Papa niya at kinumpirma ko kung safe ba nakauwi si Krissha.
Talagang iniiwasan ako ng babaeng iyon. Pasalamat siya at postpone ang uwi nina Daddy at Mommy. Next week na sila uuwi kaya dapat maibalik ko na sa bahay ko si Krissha.
Humanda siya! Pupunta ako ngayon sa bahay nila at isisiwalat sa mga magulang niya na kasal na kaming dalawa.
Akala niya hindi ako seryoso sa sinabi ko sa kanya kahapon?
Pwes! Makikita niya ang hinahanap niya! Hindi siya makakawala sa akin at sisiguruhin ko na susunod siya sa lahat ng gusto ko.
I will punish her for escaping from me.