Chapter 11: Asawa ko? (Krissha)

1838 Words
Wala akong nagawa kung hindi ang sumama kay Sir Thompson kinabukasan nang sunduin niya ako sa bahay namin. Kahit gustuhin kong tumanggi sa naging desisyon ng mga magulang ko ay wala naman akong lakas ng loob na magsabi. I know they are very disappointed in me. Tanggap ko naman iyon kaya kahit ayaw kong sumama kay Sir Thompson ay napilitan ako gumayak at mag-empake ng mga damit ko. "Tapos ka na ba mag-empake, Krissha?" tanong ni Mama nang kamustahin niya ang pag-eempake ko sa kwarto ko. "Kanina pa po, Mama. Inaayos ko na lang po ang iba ko pa pong gamit na dadalhin ko," walang sigla na sagot ko. Isa-isa kong pinapasok sa isa pang maleta ang mga personal belongings ko na hindi ko pwedeng iwanan. Pati mga personal hygienes na kabibili ni Mama last week ay kinarga ko lahat. Ang mga iniwan ko lang ay ilang gamit ko na sa tingin ko naman ay hindi ko na kailangan dalhin pa. "Magpakabait ka roon, Krissha. Lahat ng gusto ng asawa ay mo sundin mo upang hindi kayo magkaroon ng hindi pagkakaunawaan," payo ni Mama. Naupo siya sa ibabaw ng kama ko at tiningnan ang pinagkakaabalahan ko. Natigil naman ako sa ginagawa ko nang marinig iyon sa kanya. Talagang desidido sila na pasamahin ako kay Sir Thompson kahit hindi nila ito ganoon kakilala. Ganoon na ba sila katiwala sa lalaking iyon? Ipagkakatiwala ba nila ang kapakanan ko sa kanya kahit ilang araw pa lang naman nila ito nakilala at nakausap? Hindi ba sila nagdalawang-isip na baka mapahamak ako sa pagsama ko sa kanya? "M-Ma, hindi na po ba magbabago ang desisyon ni Papa? Ayoko pa pong mag-asawa, Ma. Ayoko ko pong mawalay sa inyo," hindi ko napigilang ibulalas ng hindi na ako nakatiis. Itinigil ko ang ginagawa ko at humakbang kung saan siya naroon. Naupo ako sa kanyang tabi at hinilig ang ulo ko sa kanyang balikat. Natatakot ako sa susuungan kong bagong pahina ng buhay ko. Lalo na at hindi ko naman kilala ang naging asawa ko. Sa pangalan ko lang siya kilala at wala na akong ibang alam sa kanya. "Alam mong hindi natin mababali ang desisyon ng ama mo. Dapat bago mo ginawa iyan ay ilang beses ka sanang nag-isip. Bakit mo kami pinangunahan kung pwede naman kaming umisip ng paraan. Kaya naman naming humanap ng solusyon sa problemang kinakaharap natin noon." "N-Natakot po ako. Nataranta. Akala ko po matutuluyan na si Papa kaya nag-isip ako ng paraan para makatulong sa inyo. Ayaw ko pong mamatay si Papa, alam naman ninyo kung gaano ko kamahal si Papa," malungkot na pahayag ko. Hinaplos ni Mama ang buhok ko at bahagyang hinila ako sa kanyang katawan. "We know that, Krissha. Humahanap na ako kami ng solusyon noon. Nauna lang ang perang hawak mo. Kung sinabi mo lang na nakipagkasundo ka kay Clark, 'di sana'y napigilan namin na mangyari ito." Maiisip ko pa ba 'yon kung nasa bingit na ng kamatayan si Papa? At isa pa, tarantang-taranta rin si Mama noon lalo na at kagagaling din sa sakit ni Kuya Kyto. Malaki rin ang nagastos nila sa ospital kaya naman hindi nila ako masisi kung bakit ko nagawa ito. "Nandiyan na 'yan, anak. Panindigan mo na tutal nakikita naman namin na mabuting tao si Clark. Galing siya sa buena familia kaya alam kong aalagaan ka niya at hindi pababayaan," pang-aalo niya sa akin. "Kaya lang, Ma. Napakabata ko pa po. Wala rin pong pagmamahal na nagbubuklod sa kasal namin. Wala po akong nararamdaman sa kanya at alam kong maging siya rin po. At isa pa, marami po akong pangarap sa buhay at gusto ko na makatulong ako sa inyo balang-araw." Paano na ang mga pangarap ko kapag nakulong ako sa kasal na 'to? "Wala tayong magagawa para riyan, Krissha. Desisyon pa rin ng asawa mo ang masusunod. Kasal kayo at nasa kanya lahat ng desisyon. Matututunan mo rin siyang mahalin lalo na at mukhang matinong tao si Clark. At aminin mo man o hindi gwapo at matikas ang asawa mo. Siguradong magugustuhan mo rin siya kapag nagtagal na kayo," natatawa ng tudyo ni Mama. Napalabi naman ako. "Ma naman—-" ''Huwag mo ng itanggi 'yan, anak. I'm sure habulin 'yang asawa mo sa school ninyo." Mas lalong humaba ang nguso ko. Aaminin ko gwapo talaga siya. Marami ang lantaran na nagkakagusto sa kanya sa university. Pati nga mga professor namin na single ay nahuhumaling sa kagwapuhan ni Sir. "Huwag mo na kaming isipin ng Papa mo. Nandiyan ang Kuya mo na pwedeng tumulong sa amin balang-araw. At 'yang tungkol sa mga pangarap mo, ang asawa mo ang kausapin mo kung anong balak niya para sa iyo. Kung papayagan ka pa ba niyang magpatuloy sa pag-aaral mo o manatili ka na lang sa bahay niyo at alagaan siya." Sumimangot ako pagkatapos kong alalahanin ang naging pag-usap namin ni Mama. Saka ko na lang kakausapin si Sir Thompson tungkol dito kapag nagkaroon ako ng lakas ng loob. Sana pumayag siya na mag-aral pa rin ako dahil gusto ko talaga makatapos. Isa ito sa pangarap ng mga magulang ko sa akin. Gusto kong tuparin ito para kahit man lang dito ay makabawi ako. "What do you want for lunch, Krissha? Magpapaluto ako ng mga paborito mo sa katulong kung may gusto ka ipaluto," tanong bigla sa akin ni Sir Thompson. Sinusundan ko siya habang naglalakad kami papasok ng bahay niya. Nakakamangha naman ang bahay ng lalaking ito. Masyado itong malaki at maluwag para tirhan niya. Makikita talaga na may kaya ito sa buhay dahil puro mamahalin ang laman ng bahay. Idagdag pa ang kakaibang disenyo ng bahay na sa hula ko ay pinag-isipan niyang mabuti. May sarili pala siyang bahay. Naalala ko kasi na hindi niya ako dinala noon dito. Marahil bahay ng mga magulang niya ang tinirhan namin noon. Halata rin kasing bagong patayo lang itong bahay niya. Lalo na at nakikita ko na puro bago ang mga kagamitan na narito. "Kahit ano naman kinakain ko, Sir. Kung ano ang ihahanda 'yon na lang din ang kakainin ko," sagot ko habang sumusunod pa rin sa kanya. Paakyat na kami ngayon sa ikalawang palapag ng bahay niya at sa hula ko ay doon ang kwarto niya. "Are you sure of that? Baka may gusto kang kainin? Magsabi ka lang dahil ayaw ko naman na mangayayat ka rito sa poder ko." "H-Hindi ako mapili sa pagkain, Sir. Sabi ko nga kahit ano kinaka—" "Okay, I get it. Don't repeat your words. It makes me sick," aniya sabay naglakad ng mabilis paakyat. Nagtataka naman na sinundan ko siya ng tingin? Ano bang sinasabi niya? May nasabi ba akong masama? Naabutan ko siya sa tapat ng isang kwarto habang habol ko ang aking paghinga. Nakakapagod naman umakyat ng hagdan. Bakit kasi rito pa sa taas ang kwarto niya? Maganda at maluwag ang kwarto na nabungaran ko. Puro gray at black ang kulay na makikita sa loob ng kwarto. Ito siguro ang kwarto niya. Napatingin ako sa kama na nasa bandang sulok malapit sa bintana. Napalunok ako ng may malaswang imahe na dumaan sa utak ko. Kaagad na napaiwas ako ng tingin dito nang maramdaman ko na nanuyo ang lalamunan ko. Ano ba 'yang mga iniisip mo, Krissha! Teka, sa iisang kwarto ba kami matutulog? Malamang! tudyo ng isipan ko. Patay! Gagawin ba namin iyong normal na ginagawa ng mag-asawa? Lagot! Hindi pa ako ready sa ganoon! Pero nag-imagine ka na! "Magpahinga ka na muna sa kwarto natin, Krissha. Baba lang ako para magpaluto ng tanghalian natin. Matulog ka muna kung gusto mo," ani Sir Thompson sa akin. Niluwagan niya ang bukas sa pinto at iminuwestra ang loob ng kwarto. Nakita ko ang mga maleta ko na nasa gilid na ng kama. Ito talaga ang kwarto niya. "D-Diyan rin ba ako matutulog?" kinakabahan na tanong ko habang nakaturo sa kwarto. Obvious naman na rito dahil iyon ang sabi niya. "Yes, bakit? Is there something wrong with that?" Tinaasan niya ako ng isang kilay. Napatungo naman ako habang minumura ang aking sarili sa isip. How stupid I am for asking that question! Natural! Dito rin ako matutulog. Asawa niya ako. Dapat lagi kong i-remind ito sa isip ko. "W-Wala naman. Natanong ko lang naman, Sir." "Drop the Sir, Krissha," matigas niyang sabi. Napamaang naman ako. Nakalimutan ko na naman. "I'm your husband so stop addressing me like that. Wala tayo sa loob ng classroom kaya huwag mo akong tawagin ng ganyan." "Okay. Pasensya na. Sisimulan ko na sanayin ang sarili ko." "That's nice. Anyway, ayaw mo bang makasama ako sa iisang kwarto?" "H-Hindi naman sa ganoon, Si— I mean Clark." "Good! Akala ko ayaw mo dahil hindi rin ako papayag na sa ibang kwarto ka matutulog. We're married, Krissha. Always keep that in your mind." "Oo, alam ko." "At gaya ng sabi ko noon sa 'yo. We should consummate our marriage. Gusto ko ng magkaanak na tayo. Sawa na ako sa pangungulit ng mga magulang ko. It's time for them na tigilan na nila na paghinalaan ang kasal nating dalawa." Lihim akong nasamid sa sinabi niya. Ito ang iniiwasan kong topic dahil hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang ibigay ang gusto niya. May magagawa ba ako? Asawa niya ako gaya ng sabi niya at karapatan niyang angkinin ang katawan ko. "Rest now. Balik din ako kaagad." Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Basta na lang siya umalis at iniwan anong nakatanga. Naiwan akong tulala sa pintuan ng kwarto niya. Iniisip ko pa rin ang sinabi niya. Gusto talaga niya na may mangyari na sa amin! Wala na akong takas! Nakatulog ako sa paghihintay sa pagbabalik niya. Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naghihikab na nagmulat ako ng mga mata. Nakakahiya na makita niyang natutulog ako. Baka kung ano ang isipin niya sa akin. Babalikwas na sana ako ng bangon para ayusin ang aking sarili dahil nakakahiya na makita ako ni Sir Thompson na nakatulog sa kama niya. "Ano'ng—-" paputol na bulalas ko nang may brasong pumigil sa gagawin kong pagbangon. Kunot-noo na nilingon ko ang may-ari ng braso at halos mamula ang pisngi ko nang makitang braso iyon ni Sir Thompson. "Gutom ka na ba, asawa ko?" aniya sa paos na boses. Nakapikit siya at halatang kagigising din mula sa pagtulog. Ibig sabihin, matagal na siyang nakayakap sa akin habang tulog ako? Mas lalong nag-init ang pisngi ko sa naisip. Wala pang lalaking nakahawak sa akin ng ganito. Si Sir Thompson pa lang at sobra akong naiilang. "Hmn, o-oo. Pwede na ba tayong kumain?" nasabi ko sa kawalan ng sasabihin. Gusto kong alisin ang braso niya na nakayakap sa baywang ko. Kaya lang hindi ko alam kung paano iyon sasabihin sa kanya. "Alright, asawa ko. Just give me a second." Asawa ko? Mas lalo akong pinamulahan ng pisngi sa salitang ito. Endearment niya ba ito sa akin? Hindi ko tuloy napigilan na kilabutan. May kung anong kilabot na lumukob sa akin dahil sa salitang iyon. Asawa ko? Asawa ko, talaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD