Chapter 6: Huwag na tayong maglokohan. (Krissha)

1320 Words
Mabilis na natapos ang panghuling klase ko para sa araw na ito. Kaya lang, gagabihin pa rin ako sa pag-uwi ko. Okay lang naman dahil may susundo naman sa akin. Panatag ang kalooban ko na maghintay sa may waiting shed. May kasabayan naman ako na maghihintay ng sundo doon dahil maaga pa naman ng kaunti at may mga kaklse ako na makakausap ko kahit papaano. Nagmamadali ako sa paglalakad. Gusto kong makarating agad ng waiting shed baka naroon na si Papa o kaya ay si Kuya. Good thing naka-rubber shoes na ako. Hindi na masakit ang paa ko kahit mag-marathon pa ako ngayon sa pagtakbo. Natanawan ko ang faculty room kung saan alam kong naroon pa si Sir Thompson. Nakita kong nakasindi ang ilaw sa loob tanda na naroroon pa siya. Siya lang kasi ang alam kong tumatambay doon kapag ganitong gabi. Halos lahat ng panggabi kong klase ay meron din siyang schedule. Nalaman ko iyon nang makita ko ang schedules niya na nakasulat sa likod ng attendance notebook na nasa akin. Coincidence naman masyado, iniiwasan ko siya pero parang hindi ko yata iyon magagawa. Jackpot lang 'yong nata-timing na naiiwasan ko siya. Pero ngayon, mukhang minalas yata ako. Natanawan ko na biglang bumukas ang pinto ng faculty room. Lumabas doon si Sir na parang kanina pa nakamatiyag sa pagdating ko. Muling umatake ang kaba sa aking dibdib. Nakaramdam ako ng panic at parang gusto kong tumakbo pabalik kung saan ako galing. Pero mukhang huli na ang lahat dahil kanina pa pinatay ang mga ilaw doon nang lumabas kami mula sa klase. Sana doon na lang ako sa long cut dumaan dahil marami naman akong makakasabay kahit madilim. Pero mas mabilis kasing makakarating sa paroroonan ko kapag dumaan dito. Kaya lang ang malas! Nakalimutan ko na iniiwasan ko pala si Sir Thompson! "Hi Krissha...magandang gabi?" bungad agad niya sa akin nang matapat ako sa kinatatayuan niya. Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili kahit halos manginig na ako sa kaba. Bahagya ko pang ininspeksyon ang paligid sa pag-asang may makikita akong estudyante at makakasabay ito sa paglalakad. Bad luck, wala akong makita kahit anino nino man. "H-Hello Sir. Magandang gabi rin po," bati ko rin. Napilitan tuloy akong huminto kahit gusto ko nang kumaripas ng takbo para hindi siya mabigyan ng chance na makausap ako. Sayang ang effort ko ng ilang araw para iwasan siya. Ganito rin pala ang kahihinatnan. I can't escape to him and I am sure sasamantalahin niya ang pagkakataong ito para makausap ako. "Iniiwasan mo ba ako, Krissha?" malambing niyang anas habang naglalaro ang isang mapang-akit na ngiti sa kanyang labi. Humakbang siya palapit sa akin na ikinatigas ng katawan ko. I'd like to take a step backward but my body can't move. "Why are you avoiding me, Krissha?" Muli niyang anas nang halos magdikit na ang aming katawan. Medyo napaatras ako. Nagdiwang ako dahil doon dahil nagawa ko nang maigalaw ang katawan ko. "N-No Sir. I -I am not avoiding you." I said stammering. Nagsinungaling ako, ang totoo iniiwasan ko talaga siya. Pakiramdam ko kumukuha lang siya ng magandang timing para kumprontahin ako tungkol sa kasunduan namin. Kung bakit pinapatagal pa niya ito ay hindi ko alam. Baka gusto muna niya akong paglaruan at i-torture ang isip ko sa sobrang pag-iisip. Kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang binabanggit tungkol sa kasal namin ay hindi ko na alam. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. I know he knows I'm lying. Obviously naman na iniiwasan ko talaga siya. "Yes, you are. Sorry if I kissed you. I just missed you. Normal lang naman iyon sa atin, if you know what I mean. Iyon ba ang dahilan kung bakit mo ako iniiwasan?" Nalaglag ang panga ko sa aking narinig. s**t! Ito na ba ang sinasabi ko! "N-No, Sir. Hindi naman kita iniiwasan kung 'yan ang iniisip mo," mabilis kong rason. "Kalimutan na lang po sana natin pareho ang halik na 'yon at iwasan na lang po natin ang isa't isa. Hindi po maganda na makita tayo ng iba na ganito kalapit baka kung ano po ang isipin ng ibang tao." Umatras pa ako palikod dahil talaga naman na nakakailang ang posisyon namin. Baka kung may makakita ay isipin pa nila na naglalandian kami ni Sir Thompson. Nakita ko na nagtiim ang bagang ni Sir Thompson. Kumuyom ang kanyang kamao sa sinabi ko at tila hindi siya sang-ayon sa sinabi ko. Unconsciously napaatras na naman ako. Bumalik na naman ang matinding kaba sa aking dibdib. Kinakabahan talaga ako na baka isambulat niya sa mukha ko ang malaking atraso ko sa kanya. "Bakit? Ayaw mo ba sa halik ko? Nagustuhan mo naman 'di ba? Kasi kung hindi mo nagustuhan ay itutulak mo ako at sasampalin. Pero hindi mo iyon ginawa Krissha dahil alam ko na nagustuhan mo ang halik ko. At saka wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. You are mine and I know you know that!" Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Pinapaalala niya ba na may karapatan siyang gawin iyon dahil asawa niya ako? Iyon ba pinupunto niya rito? Pag-uusapan na ba namin ito? Shit! Hindi ako handa! Hindi ako handang kumprontahin niya lalo na at hindi ko alam kung paano ko lulusutan ang mga tanong na ibabato niya sa akin. "Hindi masama ang ginagawa natin kung legal naman ang relasyon natin sa simula pa lang." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Napaatras muli ako at parang gusto ko na lang kumaripas ng takbo dahil ito na ang kinatatakutan ko. Tumiim ang titig niya sa akin at kitang-kita ko ang disgusto sa mukha niya. Lagot na! Kukumprontahin na niya ako! "Huwag na tayong maglokohan pa, Krissha! Akala ko mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mong pagtakas at pagtatago sa akin? Stop pretending you don't know me." "N-Naalala mo na ako?" nauutal na tanong ko. "Yes, of course. I do. Hindi ako nagka-amnesia para hindi ko maalala ang asawa ko na tinakbuhan ako. Pinagbigyan kita ng ilang araw para buksan mo ang usapang ito sa akin. But I guess you keep pretending that you don't know me. Akala mo ba palalampasin ko ang ginawa mong pagtakas sa akin? Isang taon mo akong pinagtaguan at dito ka lang pala nagtatago sa eskwelahan ng Tita ko." Madiin ang pagbigkas niya sa bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mukha na tila handa siyang parusahan ako ano mang oras. Nangatog ang mga tuhod ko sa naging pahayag niya Mas lalo akong nanlumo at hindi ko alam kung magagawa ko pa siyang takasan ulit. Hindi ko na 'to magagawa dahil dito talaga kami nakatira ng pamilya ko. Swerte lang na natakasan ko si Sir dahil nagkataon na na-transfer na si Papa sa ibang hospital para gumaling na siya nang tuluyan. Nagtataka man sila kung bakit ako nagkaroon ng ganoon kalaking salapi. Kinagat na lang nila ang sinabi ko na humiram ako kina Gale at Rica. Mayaman kasi sila at hindi na nakapagtataka na makahiram ako ng ganoon kalaking halaga ng pera. Ibig sabihin, minamatyagan niya lang ako at kumukuha ng timing para magsalita ako. At mukhang nainip na siya at siya na ang gumawa ng hakbang para buksan ang kasalanan ko "Ano? Kinain na ba ng pusa 'yang dila mo? Nagulat ka ba? Akala mo palalampasin ko 'tong ginawa mo sa akin? Pinagmukha mo akong tanga kakahanap sa iyo! Pagkatapos mong makuha ang pera ko saka mo na lang ako iiwan ng ganoon-ganoon na lang? You're very unfair, little kitten. You should pay me double with what you did!" Sinamaan niya ako ng tingin. Humakbang siya palapit sa akin habang nanlilisik ang mga mata. Ako naman ay nanginig sa kaba at halos lumabas ang puso ko sa aking bibig. Maniningil na ba siya sa nagawa kong pagkakasala? Bakit kasi ako pumasok sa isang kasunduan na hindi ko mapanindigan? Bakit hindi na lang ako nanatiling asawa niya hanggang sa ipa-anull niya ang kasal namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD