Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa abot ng aking makakaya. I prayed na hindi niya ako sinundan kahit alam ko naman na hindi niya gagawin iyon. Siya mismo ang tumaboy sa akin at alangan naman na bawiin niya iyon.
"Umalis ka na habang nakakapagtimpi pa ako! You didn't know how much I wanted to hurt you. Pinagmukha mo akong tanga at pinagtaguan! Go away, Krissha! Go! Before I lose my patience and drag you into my house and punish you!"
I reached the parking area all sweat and almost catching my breath. Wala pa roon si Papa or si Kuya, marahil na-traffic o kaya naman ay nakalimutan na nila na sunduin ako. How bad! Mamaya datnan pa ako rito ni Sir Thompson at totohanin ang kanyang sinabi.
Takot akong maparusahan lalo na at sobra ang poot niya sa akin kanina. Ano man ang parusang sinasabi niya ay sobra akong natatakot. Alam ko na pahihirapan niya ako dahil tinakasan ko ang kasunduan namin at pagkatapos ay tinaguan ko pa siya.
"We are married. Whether you like it or not you should come to me and stay at my house!"
"P-Pero Sir, hindi pa ako handang mag-asawa---"
"Don't give me that f*****g reason! You need my money and I need you to be my wife. Dapat tumupad ka sa usapan nating dalawa dahil binigay ko ang gusto mo! But what did you do, Krissha? Tumakas ka pagkatapos nating maikasal!"
Naupo ako sa pinakamalapit na bench na lagi kong hintayan kapag ganitong late na dumarating ang sino man kina Papa o Kuya. Dinukot ko sa aking bulsa ang aking cellphone at mabilis na binuhay ito.
"s**t!" paimpit kong tili. Gusto kong sumigaw sa sobrang inis at katangahan. Ilang beses ko talagang nakakalimutan na i-charge ang cellphone ko sa gabi kapag hihilata na ako sa kama.
Dead battery na naman ako at hindi ko alam kung paano na naman kukontakin ang kung sino man ang susundo sa akin.
Punuan pa naman sa mga sakayan ngayon at mahirap ng makipagsapalaran na makakasiksik ako sa mga nag-uunahan ding makauwi.
Kung sinuswerte ka nga naman talaga!
Inis na itinabi ko ang aking cellphone sa bulsa at busangot ang mukhang nangalumbaba.
I will wait here until Papa or Kuya arrives. How I wish na sana naman padating na ang kung sino man sa kanila nang hindi na ako abutan ni Sir Thompson dito.
I'm sure, any minute papunta na iyon dito at baka maabutan niya akong nag-aabang sa kawalan.
I don't know kung anong gagawin ko kung sakaling magkatotoo ang hinala ko. Will I walk away to avoid him, or maybe I will just ignore him na lang kung nandiyan siya.
I sighed matapos lingunin ang gawi ng aking likuran nang makarinig ng mga yabag na paparating. Lihim akong napasinghap nang makitang si Sir Thompson iyon.
Oh my gosh!!! Iyong iniisip ko kanina nagkatotoo na.
"Come to me, ihahatid na kita sa inyo Krissha," aniya nang makalapit siya sa aking kinauupuan. Pormal ang kanyang mukha at masungit ang kanyang mga mata.
"'W-Wag na Sir," agad kong protesta. Lihim akong napaatras ng konti nang maamoy ko ang pabangong linipad ng hangin sa aking ilong. Kaka-spray niya lang marahil ito dahil 'di ko naman ito naamoy kanina.
Kanino naman kaya siya nagpapabango? May date kaya ang isang ito kaya naman dapat mabango siya paglabas niya?
Ah! Pakialam ko naman! Ba't ko ba 'to iniisip?
"No, I insists!" matigas niyang salungat sa protesta ko. Hinila niya ang bag na nasa aking kandungan saka sinunod ang mga libro na kipkip ko.
Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya habang nasa utak ko na baka gumawa siya ng hakbang na hindi ko magugustuhan. Baka bigla na lang niyang iliko ang kotse sa taliwas na direksyon at iuwi niya ako sa kanyang bahay!
Huwag naman sana dahil mag-aalala sina Papa at Mama sa akin kapag hindi ako umuwi.
"S-Sir, h'wag na po. Parating na naman na siguro si Papa," pagtanggi ko pa rin. Nasa tapat na kami ng sasakyan niya at hindi ko na naman mapigilan na dumoble ang kaba sa aking dibdib.
Iniisip ko kasi na baka bigla niya akong iuwi sa kanyang bahay at ipadama sa akin ang parusa na sinasabi niya.
"Your father texted me," aniya nang lingunin ako saglit nang marinig ang sinabi ko. "Unfortunately, no one can fetch you here. Sira ang kotse ninyo at dinala ito ng iyong Papa kaninang alas-sais ng hapon sa talyer. He texted you but you're not responding. Tinawagan ka rin daw pero out-of-coverage ang phone mo."
Napamulagat ako sa tinuran niya. Ba't ang malas ko talaga!
"S-Si Kuya Kyto baka papunta na 'yon," I said nang maisip ko si Kuya.
"He is out of town."
"What?" gulat na reaksyon ko. Kaninang umaga magka-text lang kami na siya ang susundo kapag 'di siya busy sa trabaho niya. Tapos ngayon malalaman ko na nag-out-of-town na naman pala siya.
Teka lang. Ba't alam ito ni Sir? Can someone explain to me why he knows all of it? Gaano na sila ka-close ng pamilya ko at ang dami namang alam ng lalaking ito.
Gumagawa na ba siya ng paraan para mawalan ako ng choice kung hindi ang sumama sa kanya?
Baka magulat na lang ako isang araw at alam na nilang kasal ako sa lalaking ito!
Wala na nga akong choice kung hindi ang magpahatid na lang. Kaya lang parang napaka-awkward naman ng situation ko. I am avoiding him for this past few days pero heto ako at kasama siya sa isang sasakyan.
"Your father told me Krissha, nakiusap siya na kung pwede ako na lang daw muna maghatid sa 'yo tonight. Tutal, iisang ruta naman ang tatahakin natin."
Napatangu-tango na lang ako. I know na kay Papa numero ni Sir. Kinuha kasi niya ito sa 'kin noong isang araw. Nagulat nga ako pero hindi naman ako nag-urirat siguro sa ganitong emergency kaya niya kinuha number ni Sir.
Pero sana pala hindi ko na lang binigay dahil baka kung ano ang masabi niya kay Papa at mabuko ang pinakatatago kong sikreto.
"Fasten your seat belt," paalala niya nang makapasok na kami sa kanyang sasakyan.
Dali-dali ko namang kinapa ito sa takot na baka maulit ang nangyari nang minsang ihatid niya ako. Sa pagmamadali ko ay hindi ko sinasadyang makapa ang hita niyang nakaharang sa kinalalagyan ng seat belt.
Sa gulat ko ay hindi ko naalis kaagad ang pagkakahawak ko sa kanya roon at litong tiningala ang mukha niya.
"Here's your seat belt," aniya nang nakatiim-bagang. Inalis niya ang palad ko sa kanya at banayad na ikinabit ang seat belt sakin.
Nakatulala lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. Ang lakas ng tahip ng aking dibdib at pakiramdam ko'y aatakihin ako sa puso ng ganito na naman kami kalapit. Amoy ko ang kanyang pabango at ilang dangkal lang ang pagitan ng katawan namin sa isa't isa.
Sobrang nate-tense ako dahil sa pagkapahiya. Kung medyo naitaas ko ang kamay sa paghagilap sa pesteng seatbelt na 'to. Malamang sa malamang ay iba ang mahawakan ko.
Shit! Bakit ito ang itinatakbo ng isip ko! Hindi ko tuloy mapigilang mag-init ang aking pisngi. Salamat na lang at medyo dim ang ilaw ng kotse niya at naitago ang aking pamumula.
"S-Salamat," yuko ang ulong sabi ko nang matapos niyang mailagay ito.
"You're welcome."
Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo na siya sa akin at nagsimulang buhayin ang kanyang sasakyan. Napanatag na ang aking kalooban lalo na at hindi na siya nagsalita at nag-concentrate na lamang sa pagmamaneho.
Buong biyahe ay tahimik kaming dalawa. Ako na busy sa pagmamasid sa aming dinaraanan at siya naman ay tutok sa pagmamaneho.
Mabuti ito sa part ko dahil ayokong maungkat na naman ang issue sa aming dalawa.
'Di ko pa nakakalimutan ang matinding galit sa mukha niya kanina at ayoko ng maulit muli iyon na parang gusto na niya akong sakalin sa matinding poot.
Napatingin ako sa kanya nang marinig ko siyang tumikhim. Sa labi niya tumama ang mga mata ko at sobra ko iyong pinagsisihan.
Naalala ko bigla ang mainit na halikan namin dito sa kotse niya. I responded to his kisses at kung nagtuluy-tuloy iyon baka hindi lang halik ang naibigay ko.
Bahagya kong ipinilig ang aking ulo at mas lalong nilakihan ang espasyo sa pagitan namin. Mukhang napansin niya ang ginawa ko at kunut-noong nilingon ako saglit.
Patay-malisya naman ako at kunwari naging busy muli sa nadadaanan namin. Ayokong mag-umpisa ng usapan sa takot na baka roon ang tumbukin niya.
Akala ko mananahimik na lang siya buong biyahe lalo na at nakalahati na namin ang daan papunta sa amin, subalit malas lang dahil mukhang hindi na siya nakatiis.
"Kailan mo balak bumalik sa bahay ko at pagsilbihan ako bilang asawa mo? Isang taon kang nawala kaya dapat bumawi ka sa akin," aniya sa malamig na tono.
Nanigas ang katawan ko. I didn't response. Ni ang lingunin siya ay hindi ko ginawa. Alam naman niya ang kasagutan ko. Hindi at mananatiling hindi.
"I will make you pay for what you did, Krissha. Pagbabayaran mo na pinagmukha mo akong tanga. Kung hindi lang ako magaling magpalusot ay nahuli na ako nina Daddy at Mommy. Kaya umuwi ka na habang hindi pa nila pinagdududahan ang kasal nating dalawa."
Kinagat ko ang labi ko. I pretend again na hindi ko siya narinig. Mas mabuti na ang ganito kaysa mangatwiran pa ako dahil alam ko naman na ako ang may malaking pagkakamali.
How I wish, na sana makarating na kami sa bahay. Para naman makatakas na ako sa kanya at maiwasang maging ganito ang usapan.
I smelled danger. I am not safe and I know wala akong kalaban-laban sa kanya dahil ako ang hindi tumupad sa kasunduan namin.
"Krissha! I am talking to you! Kailan mo balak bumalik sa bahay ko? O gusto mong ako na ang magdesisyon para sa iyo tutal asawa mo naman ako." Hinaplos niya ang mukha ko saka rin ako agad binitawan.
Napakagat-labi ako.
"Sasabihin ko na rin sa parents mo na kasal tayo at gusto ko na sa bahay ko ikaw titira," patuloy niyang pagda-dialogue. Ramdam ko ang bigat sa mga binibitawan niyang salita.
"S-Sir, ipa-anull na na lang natin ang kasal natin. Babayaran ko na lang ang perang nakuha ko sa---"
"NO!" Halos matulig ako sa lakas ng kanyang sigaw. Parang gusto ko na lang pagsisihan ang pagsama ko sa kanya. Iyong bangis ng mukha niya kanina ay bumalik. Parang gusto na niya akong tirisin sa sobrang galit niya sa akin.
"You will be my wife and you can't say no to that! Dapat sinabi mo 'yan sa akin ng matapos ang isang buwan na pagsasama natin. Pero pinaabot mo ng isang taon kaya hindi ka makakawala sa kasal na 'to!"
"P-Pero---"
"No more buts. Panindigan mo ang papel mo sa buhay ko. Umuwi ka sa bahay ko at pagsilbihan mo ako."