"Goodbye class. See you again tomorrow."
Kaagad na tumayo ako mula sa pagkakaupo nang marinig ko ang pamamaalam ni Sir sa amin. Patalilis ako na naglakad at humalo sa mga kaklase ko na palabas ng silid-aralan. Narinig ko na tinatawag nina Gale at Rica ang aking pangalan ngunit hindi ako nag-aksaya ng panahon para lingunin sila. Kapag ginawa ko kasi iyon ay sigurado na magkakaroon si Sir Thompson ng pagkakataon na makalapit at makausap ako. Ito ang pinakakaiwasan ko na mangyari simula ng halikan niya ako ng gabing iyon.
Ilang araw ko na siyang iniiwasan after what happened that day. I cannot face him or even talk to him, dahil naalala ko lang kung paano ko sinuklian ang kanyang halik.
Ni hindi ko man lang nagawa na tumanggi! At ang masaklap pa nito, I enjoyed his kisses. Hinayaan ko siya na halikan ako ng matagal hanggang sa nagawa ko ng sabayan ang halik niya at nauwi pa kami sa mas mapusok pa na halikan. Kung hindi lang ako nagising sa pagkahibang ko sa paghalik niya sa akin ay panigurado na aabot pa kami sa second level na labis na nagpapaliit ng pakiramdam sa akin.
Nakalimutan ko na may malaki akong atraso sa kanya. Mamaya bigla na lang niyang banggitin iyon at hindi ko alam kung paano ako sasagot kapag kinompronta niya ako.
Kaya't hanggang kaya ko siya na iwasan ay ginagawa ko. I will never give him the chance to talk to me and come near me. Maliban na lang sa loob ng classroom na kailangan na makipag-interact sa kanya; like for example recitation. Alangan naman na ignorahin ko siya at hindi pansinin ang pagtawag niya sa pangalan ko. It will affect my grades and I don't want that to happen.
Matagumpay na nakalabas ako ng classroom habang habol ko ang angking paghinga. Naupo ako sa isang bench na nasa lilim ng akasya at pinakalma ang aking sarili. Pinunasan ko ang tumulo na pawis sa aking noo at pinaypayan ang aking sarili. Napakainit talaga ng panahon, parang extended yata ang summer hanggang mag-Disyembre.
Samantala, natawan ko sina Gale at Rica na papunta sa kinaroroonan ko. I immediately compose myself and act normal. Ayoko na mag-isip sila ng kakaiba sa akin dahil malakas ang pakiramdam ng dalawang ito.
Baka madulas ako at makwento ko sa kanila ang pagpapakasal ko sa aming propesor na ni isa ay walang nakakaalam.
Hindi ko pa naman nais ikwento iyon sa kanila dahil alam kong hindi nila ako titigilan hangga't hindi ko naisisiwalat sa kanila ang lahat.
Lagot ako sa parents ko kapag nalaman nila ang ginawa ko. Wala akong choice that time kaya nagawa kong makipagkasundo kay Sir Thompson.
Ipinilig ko ng isang beses ang ulo ko. Damn! Ayoko ng maalala 'yon! Nakakaramdam ako ng kaba kapag bumabalik sa isipan ko ang halikan naming dalawa.
"Ano ka ba naman Krissha! Kanina pa kami tawag ng tawag sa pangalan mo, hindi ka man lang tumigil sa paglalakad. I'm sure naman na narinig mo kami!" naiinis na saad ni Gale. Nakabusangot siya ng todo at panay ang irap ng mga mata.
"Oo nga naman! Mukhang nagmamadali ka sa paglabas at hindi mo man lang kami nahintay. May usapan tayo 'di ba na sabay-sabay na pupunta ng library," wika naman ni Rica na bakas din ang inis sa boses. Naupo siya sa tabi ko at nagpaypay din ng kanyang sarili.
Napalabi ako at nagkamot ng ulo. Kung pwede ko lang sabihin sa kanila ang dahilan kung bakit nagmamadali ako sa paglabas ng klase ay sigurado na mauunawaan nila ako.
But I can't tell to them. This is between me and Sir Thompson. Mahirap ipagkatiwala ang sikreto ko na ito sa kanila. Baka bigla sila na madulas sa ibang tao at malantad ang totoong relasyon namin ni Sir Thompson.
"At saka pansin ko parang may tinatakasan ka palagi sa klase natin. Lagi ka kasing nagmamadali sa paglabas at hindi mo na kami hinihintay ni Rica. May bago ka na naman ba na suitor sa classmates natin kaya iniiwasan mo 'to?" mahabang pahayag ni Gale. Nakataas ang kanyang kilay at mataman na pinagmamasdan ang aking mukha. Palihim ako na napamura. Natumbok niya ang sagot ngunit hindi ko aaminin ang totoo.
"I am not escaping from anyone. Gusto ko lang makalabas agad para makalanghap ng sariwang hangin. Nakaka-suffocate kaya ang hangin sa loob, puro na lang hininga ng mga malalandi na classmates natin ang nalalanghap ko," sagot ko.
Totoo naman 'yon. Si Sir ang palaging topic sa loob ng aming klase. Tumatahimik lang sila kapag nagsimula na siya na magturo o 'di kaya'y kapag nag-warning na ito na manahimik at makinig na sa itinuturo niya. Maging sa ibang department ay siya pa rin ang naririnig kong pinag-uusapan ng ilang kababaihan. Nakakarindi na nga kung minsan na siya na lang palagi ang topic.
"Pati ba kami kasali sa malalanding 'yon?" taas-kilay pa rin na sumbat ni Gale.
"Paano kung, oo?" nakangising saad ko. Pati rin ang dalawang ito hibang na rin yata sa lalaking iyon. Parang hihimatayin kapag tinatawag ni Sir Thompson para sumagot sa recitations. Pinapahalata na masyado silang kilig na kilig. Sarap ng pag-uuntugin kung hindi ko lang nakakalimutan na matalik ko silang mga kaibigan.
"Hay naku Krissha! Crush lang namin si Sir. Normal lang naman iyon sa edad natin. And I'm sure naman na may paghanga ka rin sa kanya no!" Si Gale pa rin na sinang-ayunan naman ni Rica ng tango. Pinagtutulungan yata ako ng dalawang ito.
Nawalan ako ng imik. 'Ala akong maisip na katwiran. Wala akong crush kay Sir pero aaminin ko na malakas ang atraksyon niya at parang pakiramdam ko hinihila ako nito.
Hay naku! Ayoko ng usapang ito! Sumisingit na naman sa aking balintataw ang alaala ng nangyari sa parking lot. Para itong sirang plaka na paulit-ulit na lang na nag-p-play sa aking isipan. Feeling ko ramdam ko pa rin ang kanyang mga halik. Ang hirap kalimutan, ang hirap burahin. Para itong tinta ng ballpen na mahirap ng tanggalin ang mantsa sa damit.
Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng aking pisngi. Naaapektuhan talaga ako kapag sumasagi ito sa aking isipan.
"Hoy! Nawalan ka na ng imik diyan! Crush mo rin si Sir noh!" tudyo ni Rica nang wala na silang makuhang sagot mula sa akin.
"H-Hindi no!" mariing tanggi ko at saka ipinaling ang aking mukha sa ibang direksyon para itago ang pamumula nito. I'm sure bibigyan nila ng issue ang reaksyon na makikita nila sa mukha ko.
"Kuu! Hindi daw?!" Si Gale na alam kong nakangisi na parang aso. Ito ang reaksyon niya kapag inaalaska niya ako.
"Hindi nga talaga," wika ko. Pinapormal ko aking itsura bago ko sila hinarap. "I will never like him, alam naman ninyong loyal ang puso ko para sa kababata ko," kagat-labing dagdag ko pa.
"Oh! Siya pa rin pala! Hanggang kailan ka maghihintay sa pagbabalik niya? I'm sure nakalimutan ka na no'n!" Rica mocked at me.
Naiinis na binigyan ko siya ng matalim na tingin. Nakaramdam ako ng bahagyang sakit sa puso. I know what she said is true. He is not coming back. Himala na lang kung bumalik pa siya rito sa lugar namin. But I'm hoping for that day to come. No one knows what will happen next, only God knows.
"Awat na Rica. She is mad. You hit something," ani ni Gale na natataranta akong nilapitan. Hinaplos niya ang mukha ko at pinalis ang luhang hindi ko namalayan tumulo na pala sa mga mata ko.
"I-I'm sorry Krissha...I didn't mean to say that to you," hinging-paumanhin ni Rica. She is panicking and guilty at the same. "But please accept the fact that he is not coming back. Hindi ka niya babalikan dahil hindi pwedeng maging kayo. Alam mo 'yan noong umpisa pa lang kaya ka ni---"
I raised my two hands to stop her from talking more. Ang sakit na, hindi ko na kayang makinig pa. Iyong sakit na kinakalimutan ko, bumabalik na naman. Siguro nga tama sila, hindi na siya babalik dahil hindi pwedeng---maging kami.
Oh, I hated that fact! Why is life so cruel to us?
"M-Mauna na kayo sa library. Powder room lang ako, susunod din ako agad," sabi ko sa seryosong tinig. I ignored what Rica told to me. Ayoko ng magkomento pa dahil alam kong wala naman akong mapapala.
Maingat kong inalis ang mga kamay ni Gale na pumupunas pa rin sa mga luha ko. Tumayo ako saka mabilis na naglakad palayo sa kanila. Ang hirap tanggapin ng katotohanan. Alam kong ako na lang ang umaasa para maging kaming dalawa. Matagal na niyang kinalimutan ang pagmamahalan namin. Pero ako, nanatili pa ring naghihintay at nagmamahal sa kanya.
Wala akong in-entertain kahit isang nanliligaw sa akin. There are lots of them tried to court me but sad to say no one had the chance. I do not have the time. Mas tinutukan ko ang aking pag-aaral para mabilis maka-move-on sa pag-alis niya. Nagagawa ko na, pero muling nabuksan ang mga tinahi kong sugat. I don't know kung mabilis ko na naman itong masasara.
Siguro, ang solusyon na magagawa ako ay mag-entertain na rin ng mga manliligaw. Baka kapag ginawa ko 'yon ay makakalimutan ko na siya. Ibabaling ko sa kanya ang pagmamahal na dapat ay hindi ko inialay sa lalaking 'yon.
He doesn't deserve my love. Kung deserve niya, bakit siya umalis. Why not keep fighting for it, keep fighting for us. He is a big coward. And I know that he doesn't love me that much. Bakit ngayon ko lang 'to naisip?
Napapikit ako sa isiping iyon. Ngunit kaagad din akong napamulat ng dumaan sa balintataw ko ang mukha ni Sir Thompson.
Shit!
Nakalimutan ko nga pa lang asawa ko siya! Hindi ako pwede mag-entertain ng manliligaw dahil kasal kami!