I cannot sleep. Kahit pilitin ko na dalawin ng antok ay hindi talaga ako makatulog. Si Sir Thompson ang nasa isipan ko at kahit ilang beses ko siya na iwaksi sa isip ko ay hindi ko talaga ito magawa.
Umayos ako sa pagkakahiga at pinilit na mag-isip ng ibang bagay. Nag-isip ako ng magagandang lugar na gusto ko puntahan pero sa malas ay wala akong maisip. Tila nanadya ang mukha ni Sir na kusa na nagpi-play sa aking utak.
"I will give you one week, Krissha. Kapag hindi mo sinabi sa parents mo ang relasyon nating dalawa. Ako mismo ang magsasabi sa kanila at susunduin kita sa bahay ninyo. Uuwi ka na sa akin at gaya ng sinabi ko, pagsilbihan mo ako bilang asawa mo!"
Nanlumo ako sa aking narinig. I didn't like what he said. Wala sa usapan naman iyon!
"W-Wala sa usapan natin 'yan! Ang usapan natin magpapanggap lang akong asawa mo!"
"I know that, pero nagbago na ang isip ko. Tinakasan mo ako kaya ang kapalit ng ginawa mo ay manatiling asawa ko habangbuhay." May pinalidad sa tonong pahayag ni Sir Thompson. Sumulyap pa siya sa akin bago muling tinuon ang tingin sa labas.
"N-No, Sir. Hindi pwede, Sir." sunud-sunod na protesta ko. Umiling-iling pa ako ng dalawang beses. Hindi ko pinangarap magkaroon ng asawa sa ganito kabata na edad. "Maghanap ka na lang ng iba Sir dahil babayaran ko na lang ang perang kinuha ko sa iyo. I'm sure maraming magkakandarapa sa iyo at payag magpanggap na asawa mo," natataranta na sabi ko.
Habangbuhay niya akong magiging asawa? No! Hindi pa ako handa sa mga ganitong usapin lalo na at disi-otso anyos pa lang ako.
I want to enjoy life. Marami pa akong gustong puntahan, ma-achieve at syempre i-enjoy ang pagiging single ng walang iniisip.
Kung ibang babae lang ang nasa posisyon ko ay alam kong papatusin nila ang ganitong pagkakataon.
Perfect husband si Sir Thompson. Gwapo, matangkad, maganda ang pangangatawan at syempre mayaman.
But I'm not into this.
I want my freedom and that's important to me.
"No! Bakit ba mas marunong ka pa sa akin, Krissha?! You're all that I want. Kilala ka na nina Daddy at Mommy kaya magtataka sila kung iba ang babaeng iuuwi ko sa bahay ko. Uuwi ka sa bahay ko at wala kang magagawa kung hindi ang sumunod! Remember Krissha, we're legally married at may karapatan ako sa iyo!"
Nanlambot na naman ako sa aking narinig. Paano kaya ako makakawala sa gulong ito na pumasok ko?!
"P-Pero Sir---"
"Clark, Krissha. Wala tayo sa eskwelahan kaya Clark ang itawag mo sa akin. If you like naman, pwedeng Honey na lang," tumawa siya pagkatapos niya iyong sabihin.
Ako naman ay napanganga at nag-init ang pisngi.
"You have one-week to settle this to your parents, kapag hindi mo nagawa 'yan. Ako mismo ang pupunta sa bahay ninyo at magsasabi sa parents mo."
"Pero---"
"Shhh! Don't talk, honey. Do what I say and go home with me. Let's consummate our marriage and conceive my child."
Ahhhhh! Tumili ako ng mahina nang balikan ko sa isip ang usapan namin ng lalaking 'yon.
Gusto niyang may mangyari na sa amin? At gusto pa niya ang mabuntis na ako?
Ayoko nga!
I never imagined myself being pregnant at this age. Papatayin ako ni Mama at parang nakikita ko na ang galit na nararamdaman niya kapag sumambulat sa harapan nila ang kabaliwang ginawa ko.
Kakalbuhin ako no'n at ayokong mangyari 'yon!
Hay! Makatulog na nga. Maaga pa ako bukas.
Pinikit ko na ang mga mata ko. Pero mukha talaga ni Sir Thompson ang pumapasok sa isipan ko. Tapos sumisingit pa ang nangyaring halikan sa pagitan naming dalawa na nangyari sa kotse niya.
Unconsciously, napahawak ako sa labi ko at parang dama ko pa rin dito ang labi niyang malambot at masarap humalik.
Shit! Bigla akong napamulagat sa aking naisip.
Wah! Nababaliw na yata ako. This is not good anymore. Bakit ba ako nagkakaganito? Ano ba ang ginawa niya sa akin at hindi siya maalis sa sistema ko. Dahil ba iyon sa halik na pinadama niya sa akin?
Hindi ko alam! Umiwas na nga ako sa kanya ng ilang araw. Pero iniisip ko pa rin ang lintek na halik na 'yon!
Nakatulugan ko ang pag-iisip kay Sir Thompson. Nagising na lang ako sa ingay ng alarm clock na nai-set ko pala kagabi bago ako nahiga sa kama. Pupungas-pungas ako na bumangon habang naghihikab. Bitin ang tulog ko, anong oras na rin ng nakatulog ako nang tuluyan.
"Krissha, anak gising ka na ba?" ani Mama sa labas ng kwarto ko sabay katok ng dalawang beses.
"Opo, Mama, gising na po ako," sagot ko. Tinungo ko ang pintuan saka ito binuksan.
"Good morning,"
"Morning too, Ma." I smiled at her.
"Maligo ka na at nakahanda na ang almusal sa baba. Nandoon na ang Papa mo at nagbabasa ng kanyang paboritong dyaryo. Hintayin ka namin ng Papa mo, Krissha."
"Yes, Ma. Saglit lang po ako dahil dapat nandoon na ako sa school before mag-eight a.m."
"Okey, baba ka na lang."
Dumiretso na ako sa banyo at ginawa ang routine ko. Letseng Sir Thompson kasi na 'yon. Sa dami ng ipapagawa sa akin ay iyong taga-check pa talaga ng attendance ang inatang sa akin.
Kainis! Wala na akong naging matinong tulog. Dagdag pa na halos siya na lang ang laman ng isip ko nitong nakaraan. Halos nagmamadali ako araw-araw huwag lang ma-late sa klase niya.
Nakarating ako ng Stallion University na lutang ang isip. Kulang talaga ako sa tulog at ewan ko na lang baka makatulog ako sa klase ni Sir Thompson ngayon. Tapos iniisip ko pa 'yong usapan namin kagabi. Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba kina Papa at Mama ang ginawa ko one-year ako. Nagdadalawang-isip naman ako dahil magagalit si Mama sa akin ng sobra.
Ayaw pa naman niya na naglilihim ako sa kanya. Open kasi ako sa kanya at kahit kailan hindi ako nagtago ng sikreto sa kanya. Ito lang talagang kay Sir Thompson ang itinago ko ng matagal. Akala ko naman kasi hindi na ako pag-aaksayahan na hanapin ni Sir Thompson. Mali ako dahil malaking pera ang tinakbo ko sa kanya kaya malamang hanapin niya ako.
"Good morning, class." bati ni Sir Thompson sa klase nang makapasok na siya at tumayo sa gitna ng klase.
"Good morning, Sir," sabay-sabay naming bati sa kanya.
Naupo na siya sa kanyang silya at isa-isang tintingnan ang mukha ng mga kaklase ko. Nang sa akin na umabot ang tingin niya ay mabilis akong nagyuko ng ulo at nagkunwari na busy sa pag-che-check ng attendance.
Sina Gale at Rica na katabi ko ay kinikilig na naman sa professor namin. Gusto ko silang sikuhin dahil masyado silang obvious.
Ano kaya ang sasabihin nila at magiging reaksyon kapag sinabi ko na asawa ko ang lalaking nakatayo mula sa harapan na pinagpapantasyahan nila.
"Pakilabas ang libro ninyo at pakisagutan ang pahina labing-lima."
Itinabi ko ang attendance notebook at kaagad na nilabas ko ang libro ko sa Filipino. Pero bago ko mailabas ang libro ko sa bag ko na nasa lapag ng marmol na sahig ay nakita ko na ang pares ng sapatos ni Sir Thompson na nakatayo sa gilid ko.
"Did you already tell it to your parents, Krissha?" mahina niyang bulong.
Awtomatikong tiningala ko siya at pabulong din na sinagot ang tanong niya.
"H-Hindi pa po, Sir. One week naman po ang sinabi niyo kaya hayaan niyo muna na ihanda ko ang sarili ko."
Good thing narito ako sa likod at malayo ng kaunti sa mga kaibigan ko na busy na sa pagsagot sa libro. Hindi nila masyadong maririnig ang usapan namin ni Sir.
"You can tell them later. Nagbago na ang isip ko at gusto ko na umuwi ka na bukas sa bahay ko. Uuwi sina Daddy at Mommy the other day kaya dapat na makita ka nila roon."
Pagkatapos niya iyon masabi ay tinalikuran niya ako at pumunta na sa desk niya. Iniwan niya akong nakanganga habang masama ang tingin ko sa likod niya.
Gusto kong magreklamo at umiyak dahil hindi na niya ako binigyan ng choice. Talagang ang gusto niya ang dapat masunod. Hindi naman ako makapagreklamo dahil malaki ang atraso ko sa kanya. Hawak pa niya ako sa leeg dahil kasal kami.
Nagpupuyos ang loob na sinagutan ko ang pinapasagutan niya sa libro. Bahagya pa akong sumulyap sa kanya at nakita ko pa na nakatitig siya sa akin. Partikular sa ibabang parte ng katawan ko---ang legs ko na na-exposed dahil maikli ang suot kong uniporme.
Namula ako nang makita kong umakyat sa mukha ko ang titig niya. Tumaas ang sulok ng labi niya at pagkatapos ay napa-lip bite siya. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya, feeling ko may kung anong kalokohan ang tumatakbo sa isipan niya.
Pinagpapantasyahan niya ba ako?
Kinilabutan ako sa aking naisip.