Chapter 3: Nice view. (Krissha)

1929 Words
Mabilis na natapos ang klase namin sa Filipino, though hindi naman totally na nagklase kami. Kasi nagpakilala lang naman kami sa isa't isa kahit hindi na medyo kailangan dahil konti lang iyong mga ka-block section namin. Karamihan kasi naging kaklase ko na noong high school at first semester. Nag-set lang ng rules at regulations si Sir tapos ay pahapyaw niyang binanggit ang ilang mahahalagang aaralin namin sa kanyang subject. "Ano next class mo, Krissha?" tanong sa akin ni Gale habang umaagapay sila ni Rica sa mabilis kong paglalakad palabas ng classroom namin. "Socsci,” tipid kong sagot habang iniiwasan kong mapatingin sa gawi ng propesor namin. Ewan ko ba pero ayoko lumingon sa kanya. Nahihiya ako kapag naaalala ko iyong lame na excuses na ginawa ko kanina. I felt like I'm so stupid to think that alibi. Pwede naman sabihin ko na traffic o 'di kaya'y na-late ako ng gising na siyang totoong nangyari kaya ako na-late. Pero wala, eh, na-blanko ang utak ko. Dala pa rin siguro ito ng init ng panahon, ng climate change. At saka iniiwasan ko talaga na mag-usap kami baka banggitin niya iyong kasunduan namin na tinakasan ko. Hindi man lang kami nagsama tapos hindi ko nagawa iyong duty ko bilang asawa niya. Hindi ko alam kung kinagat ng mga magulang niya na ikinasal na talaga siya. Ang dahilan kung bakit siya nakipagkasundo sa akin dahil ayaw niyang makasal sa fiancee nito na hindi ko na din inalam ang totoong dahilan. Pera lang naman ang kailangan ko tapos tinaguan ko pa siya dahil hindi ko gustong matali sa kanya. I am only nineteen at gusto ko munang matapos sa pag-aaral. "Sabay-sabay na tayong mag-lunch later. Tapos text mo sa'min 'yong schedule mo para alam namin ni Rica kung saan ka namin hagilapin,” wika muli ni Gale na siyang ikinatigil ko sa paghakbang. Oo nga pala. Naalala ko na kagabi pa niya hinihingi ang mga schedules ko. Nakatulog ako kagabi dahil sa pagod ko sa pag-iikot sa bookstore kahapon para mamili ng aking mga school supplies. "Send ko sa'yo mamaya, kita na lang tayo sa school canteen sa may hilaga,” malakas na sabi ko ng ipagpatuloy ko ang paghakbang at nakarating na sa may pintuan. Medyo nahuhuli na ako sa dalawa dahil sa ilang sandali ng pagtigil ko. Nakalabas na sila at medyo malayo na sa sila sa akin. Tatakbo na sana ako para mahabol sila ngunit may malakas na kamay ang pumigil sa akin para tuluyang makalabas. Gulat na nilingon ko ang may-ari at halos mapaawang ang bibig ko nang masilayan ang kanyang mukha. "Can I talk to you for a minute, Ms. Harrison?" sabi niya sa baritono ng tinig. Binitiwan niya ang braso ko at pormal na pinag-aralan ang reaksyon ko. Lihim naman akong napalunok at kinastigo ang aking sarili nang medyo natulala ako. Pero kaagad ding nakadama ng kaba ng magtama ang aming paningin. Matalim ang tingin niya sa akin at tila may gigil ang pagkakabitaw niya sa braso ko. Nakita ko pa na nagmarka ang kamay niya doon. "This won't take long and you won't missed your second class,” dagdag pa niya habang pinapasadahan ng sipat ang aking mukha. Napaiwas ako ng tingin at kinagat ang pang-ibaba kong labi. "Ano po sasabihin ninyo, Sir?" medyo kabado ko na tanong. Tungkol ba sa pagtatago ko ang sasabihin niya? Iuuwi na ba niya ako para ipagpatuloy ang pagiging asawa ko sa kanya. Wala ako maisip na rason para ako ay kausapin niya. "Pwede mo ba ako tulungan sa pag-che-check ng attendance ninyo araw-araw? Tutal ikaw naman ang class president, siguro naman matutulungan mo ‘ko,” walang ligoy niyang saad. Nakahinga ako ng maluwag sa naging pahayag niya. Ngunit nakaramdam ako ng pagkadismaya dahil inaatasan niya ako sa isang gawain na hindi ko nais gawin. Araw-araw na maaga akong papasok ng klase niya para ilista ang mga present. Hay, hindi pa naman ako sanay gumising ng maaga. At saka hindi niya binabanggit iyong tungkol sa kasunduan namin. Nakalimutan na kaya niya iyon? Oh baka naman tinanggap na ng kanyang pamilya na kasal na siya at hindi na pwedeng ipilit ang gusto ng mga ito. Tunay ang kasal namin dahil kami mismo ang naglakad nito at nagparehistro. Kaya siguro hindi niya ako hinanap dahil hindi na niya ako kailangan. Tapos na ang role ko sa buhay niya pero kasal pa rin kami--legal na mag-asawa. Di bale, pag nagkaroon ng pagkakataon kakausapin ko siya para ipa-annul ang kasal namin. Tutal naman walang love na involve at kasunduan lang iyon. "Ahmn...Sir... Pwedeng h'wag na lang po ako? Iyong class secretary na lang po ang atasan ninyo,” husestiyon ko. Ayoko talaga. At saka gawain talaga iyon ng class secretary namin. Siya iyong taga-check ng attendance namin last semester. "No. May task na siya na inatang ko,” protesta niya. Napasimangot ako. Totoo kaya iyon? Ang bilis naman. Naku naman! Wala akong choice kundi pumayag. Baka kapag hindi ko siya sinunod ay baka isipin niya na pasaway talaga ako. Alam ko na alam niya na ako ang nangunguna sa kanyang klase. Ayoko naman bigyan siya ng masamang impresyon tungkol sa akin. Makakaapekto iyon sa records ko. "Sige po, Sir, kung 'yan ang nais ninyo." "Good to hear that, Ms. Harrison. Siguro naman wala ng dahilan para ma-late kang muli sa klase ko. Mahirap kayang mag-isip ng magandang dahilan sa araw-araw,” nakangiti niyang saad. Napasinghap naman ako. Unti-unti ko na naramdaman ang pamumula ng aking mga pisngi. Sinasabi ko na nga ba! This is the reason why he assigned me for that task. Ito siguro iyong naisip niyang parusa sa pagdadahilan ko kanina. Tama nga sina Gale at Rica! Napakaistrikto nga talaga ng bagong propesor namin! Wala talaga siyang pinalalagpas! "See you in my office later. Puntahan mo ako pagkatapos ng klase mo. I will give you the things that you need." Napatango na lang ako at saka palihim na umismid. Wala talaga akong karapatan tumanggi! Nakakainis! "You can go now,” pagdi-dismiss niya. "Okay, Sir. Sige po." Kaagad na naglakad ako palabas nagtataka pa rin talaga ako sa kanya dahil wala talaga siyang nababanggit tungkol doon sa nangyari one year ago. Ako lang ba talaga ang affected o baka naman nagkukunwari lang siya. Oh, baka nakalimutan lang talaga niya iyon. Hay ewan, bahala na. Ire-ready ko na lang ang sarili ko kapag nag-open siya tungkol dito. Inis na hinanap ng mga mata ko sila Gale at Rica ngunit ni anino nila ay hindi ko na nakita. Marahil hindi na nila ako nahintay at pumasok na sila ng kanilang klase. Hinanap ko na lang ang building para sa next class ko at nagpapasalamat ako at kaagad ko iyong nakita. "Ba't sambakol 'yang mukha mo? Hindi mo ba type ang ulam na inorder ko?" tanong ni Rica sa akin ng makitang hindi ko ginagagalaw ang pagkaing inorder niya para sa akin. Naririto kami sa canteen at kumakain ng lunch. Magana sa pagkain ang dalawa samantalang ako ay parang walang gana. Iyong lemon juice ko lang ang halos maubos ko na. "Gusto ko naman. Pero wala akong ganang kumain,” tamad na sabi ko. Inalis ko sa aking harapan ang plato at inusog iyon palapit sa plato nila. "Kayo na lang kumain n'yan. Ayos na 'ko sa lemon juice." Sumipsip ako sa straw at agad din itong binitiwan. ‘Di naman siguro ako gugutumin nito hanggang vacant time. Magme-merienda na lang ako mamaya ng marami. Big burger, fries, and ice cream will be enough later. "Bahala ka,” turan ni Rica at saka sumandok sa plato ko. Si Gale naman ay nagkibit-balikat lang at saka sumubo na lang ng pagkain. Panira ng mood ang propesor na 'yon. Mainit na nga pinag-iinit pa ulo ko. Instead na diretso na 'ko uwi mamaya para makapagpahinga. Kailangan ko pa tuloy dumaan sa office niya para kunin iyong attendance notebook at baka ako pa ang magpi-fill-out ng mga pangalan doon. Inilabas ko ang phone ko nang makaramdam ng pagkainip. Mukhang matatagalan pa sa pagngata ang dalawang ito. Ang bagal kumain at ayoko naman tumunganga. Nagbabasa na lang ako sa news feed at nagpo-post ng status sa wall ko. Tutok na tutok na 'ko sa ginagawa ko nang biglang umingay ang paligid. I-ignorahin ko na sana ngunit tumili ang isa sa mga kaibigan ko. "OMG! Kakain si Sir dito sa canteen!" paimpit na tili ni Gale na halatang kinikilig. Kaagad na umayos ito sa pagkakaupo at tila hindi na maalis ang ngiti nito sa labi. Maging si Rica ay ganoon din. Parang na-hipnotismo ito sa kinauupuan at hindi na nagawa ng ipagpatuloy pa ang pagkain. "Shete! Ang gwapo-gwapo talaga ni Sir! Makalaglag panty!" Napanganga ako sa sinabi ni Rica. Alam ko na ganoon kalakas ang karisma ng bagong propesor ngunit hindi ko inaasahan na lalabas iyon sa bibig ni Rica. Hindi siya mahilig magkomento ng ganito sa ibang lahi ni Adan lalo na at may boyfriend na siya. Baka mamaya nasa paligid lang si Jake ay maging mitsa pa iyon ng pagseselos nito. "Oh, my papalapit na siya. Ang gwapo talaga!" komento uli ni Gale. Gusto ko takpan ang dalawa ko na tenga dahil wala na ako narinig kundi gwapo. Gwapo. Why state the obvious? Obvious naman na gwapo! Pati iyong mga estudyante dito sa canteen iyon din ang sinasabi. Lantaran pa nga yata silang nagpapansin. At sigurado ako tuwang-tuwa sa atensyon ang bagong propesor. Siya na ang bagong crush ng campus. Kung alam lang ng mga ito na asawa ko ito, ano kaya ang sasabihin nila? Mabuti na lang at nakatalikod ako sa gawi ni Sir. Hindi ko makikita ang mukha niyang sumira sa araw ko. ‘Di ko rin makikita kung gaano siya nagpapa-cute sa mga estudyante na babae na halos nagpipigil na sunggaban siya. Hay! Pakialam ko ba! Bakit siya iyong iniisip ko? "Excuse me ladies, pwede 'bang maki-share ng table?" Halos mahulog ako sa aking kinauupuan nang marinig ko ang boses niya. Kaya pala nanigas na sa kanilang kinauupuan ang dalawang lukaret ko na kaibigan ay dahil nasa likod ko na pala ang kanilang pinagpapantasyahan. "S-Sure, Sir. Share with us!" mabilis na sagot ni Gale ng tila mawala ang epekto ng hipnotismo. Shit! Bakit siya pumayag? Mayroon pa naman bakante sa may bandang dulo, ah. "May I sit beside you, Ms. Harrison?" tanong niya sa akin ng mailapag ang hawak na tray. Nalilitong napatingin ako sa mukha niya at pagkatapos ay sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Oh my! Bakit sa tabi ko pa may bakante? Umiiwas nga ako sa kanya pero letse lang talaga dahil mukhang gumagawa na siya ng move. Bakit kasi hindi pa niya iyon binabanggit? "Krissha, usog ka na. Mukhang gutom na si Sir,” tinig ni Rica na halatang naroroon pa rin ang kilig sa kanyang boses. Tell me, ipinanalangin ba nila na maka-share ng table si Sir Thompson? At ang malas ko naman at ako pa ang makakatabi niya sa upuan. Gosh! Gusto ko ng umalis, magtago at magpakalayo. "S-Sure, Sir,” napipilitan na saad ko at umusog ako at saka siya nilingon. Halos mamula naman ako ng mahuli ko s'yang nakatingin sa cleavage ko. Omygosh! Bakit nahantad ang tinatago ko? Nang makabawi ay agad ako sumimangot, inayos ang neckline ng suot ko at bumulong. "Pervert,” mahina ngunit mariin ko na sabi. Sanay ako na lantaran ako na tinititigan doon ng mga lalaking nagpapakita ng pagnanasa sa akin. Pero iba ang epekto nito sa akin dahil sa lalaking kaharap ko--na asawa ko. "Nice view,” pabulong din niyang sabi habang naglalaro ang isang pilyong ngiti sa kanyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD