Chapter 4: Second kiss. (Krissha)

2186 Words
Nagmamadali ako sa pagtahak ng daan patungo sa faculty room. Kahit sumasakit ang paa ko sa mataas na takong ng sapatos ko ay hindi ko iyon alintana. Mas iniisip ko ang mabilis na pagkalat ng dilim sa paligid at kung may jeep o taxi pa bang bumibyahe patungo sa subdivision namin. Sana nagawa ko man lang i-text si Papa or si Kuya na sunduin ako rito sa school bago na-empty ang battery ng cellphone ko . Tapos ang malas pa dahil wala ni isa man sa mga kaibigan ko ang may ganitong oras ng uwi. Wala tuloy akong kasabay umuwi, tapos kailangan ko pang daanan si Sir Thompson sa faculty room para doon sa task ko. "Oh, you came Krissha. I thought you're not coming," naasurpresang wika ni Sir nang pagbuksan niya ako ng pintuan. Malawak ang ngiti niya habang matamang nakatingin sa mukha ko. Ang gwapo talaga ng lalaking ito, lalo na kapag ganito ang ngiti niya. Lumiliit ang singkit niyang mga mata at lumalabas ang dimple niya sa pisngi. Samahan pa ng pantay-pantay niyang ngipin na kasing kinang ng diyamante. Plus pointed nose, maputing balat, matangkad, matipunong katawa--- Shete! Anong ginagawa ko? Bakit iniisa-isa ko mga katangian ng herodes na 'to? At tsaka isa pa, bakit kaya hindi niya binabanggit ang tungkol sa pagtakas ko sa kasunduan namin? Hindi ba niya talaga ako natatandaan? Nauntog ba ang ulo niya? Nagka-amnesia ba siya? O, baka naman ayos na ang gusot na tinatakbuhan niya at hindi na niya ako kailangan pa. Sana nga para hindi na ako kinakabahan ng ganito. Na baka isang araw ay magulat na lang ako at bigla niya akong iuwi sa bahay niya. "P-Pasensya na Sir, may klase pa po kasi akong inatendan," paliwanag ko habang pinapagalitan ko ang sarili ko sa aking isipan. Sayang! Inabutan ko pa siya rito. Ang akala ko kasi umalis na siya at hindi na nahintay ang pagdating ko. 'Yon pala, nandito pa siya at halatang naghintay pa sa akin. Oh, assuming lang talaga ako? Baka may klase pa siya kanina at kakagaling niya lang doon. Kailangan ko pa tuloy manatili ng ilang minuto rito. Nag-aalala tuloy ako na baka malabo na akong makasakay pauwi. Mag-aalas sais 'y medya na. Patay ako nito kina Mama, low bat pa naman cellphone ko at hindi ko alam kung paano sila kokontakin. Naiwan ko pa naman ang charger ko sa bahay. Diyahe naman kung manghihiram ako ng cellphone kay Sir at makikitawag. 'Di naman ganoon kakapal ang face ko. Bahala na lang si Batman! "Come in." Niluwagan niya ang bukas ng pintuan at iminuwestra na pumasok na ako. Kaagad naman akong tumalima dahil ayokong magsayang kahit isang segundo. Ngunit napatigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang pag-click ng seradura ng pintuan. Tanda na ito ay ini-lock ni Sir sa loob. Bakit niya ni-lock? Bigla akong kinilabutan sa mga sagot na pumasok sa utak ko. Is he going to rape me? Mukhang wala naman sa itsura niya. Pero hindi ko maiwasang mag-isip ng ganoon lalo na kapag naaalala ko 'yong inasal niya kanina sa may school canteen. Pakiramdam ko talaga minanyak niya ako roon. Pero kasal kami, pwede niyang idahilan iyon dahil rehistrado ang kasal namin. "S-Sir, bakit nyo po ni-lock 'yong pinto?" 'Di ko natiis itanong. Talagang kinakabahan ako, walang makakarinig sa akin kapag nagsisigaw ako para humingi ng tulong. Malayo ito sa guard house at malayo rin sa gate. Pero bakit naman niya iyon gagawin sa akin? Hindi nga niya binabanggit ang tungkol sa kasal namin. Hay! Napa-paranoid lang ako kaya kung ano-ano pumapasok sa utak ko. Wala naman sa itsura niya na gawin iyon. Baka nga natuwa pa siya na umalis ako sa bahay niya kaya nga wala siyang sinasabi tungkol sa kasal. "For our safety," kaswal niyang sagot saka nagpatiuna ng naglakad. For our safety? Sino namang manloloob dito para magnakaw kung masyadong mahigpit ang mga guard ng school namin. Sinundan ko siya patungo sa table niya habang gumagala ang paningin ko sa loob ng faculty room. Maraming cubicle rito na parang iyong mga nagtatrabaho sa opisina or sa call center. Tapos puro cream at brown ang nakikita kong kumbinasyon ng pintura. Led ang mga ilaw na nagbigay ng katamtamang liwanag dito sa loob. Tapos may dalawang higanteng aircon sa magkabilaang sulok na siya ng nagbibigay ng lamig sa buong kwarto. May nakita rin akong pantry at maliit na espasyo para sa kusina. Comfort room para sa mga babae at mga lalaki at isang mini library. Ang sosyal naman ng faculty room na ito. Sabagay, sa laki ba naman ng tuition fee na binabayaran namin bawat semester. Hindi na nakakapagtaka na makapagpatayo sila ng ganito kagarang kwarto. "Please take a seat," alok niya sa akin nang marating namin ang table niya. Tumalima naman ako at umupo kaharap niya. Minasahe ko pa ang mga paa ko para maibsan ang pananakit ng mga ito. "May gusto ka bang inumin o kainin? Medyo matatagalan tayo ng kaunti dahil may kailangan akong i-discuss sa 'yo." He asked while his forehead creased. Tinitingnan niya kasi ang pagmamasahe ko sa paa ko na patay-malisya kong itinigil. "Wala po, Sir. Salamat na lang po," tanggi ko sabay iling. Wala akong gustong inumin o kainin. Ang gusto kong mangyari ay makauwi na at makapagpahinga ng maaga para maaga akong magising kinabukasan. Kaya lang, paano ko 'yon gagawin kung mananatili pa ako rito? "Sino pala susundo sa 'yo? Nakapagpaalam ka ba sa parents mo?" tanong niyang muli habang busy siya sa paghahalungkat sa cabinet na nasa mesa niya. Napasimangot naman ako sa ginagawa niya. He is wasting my time! Ngayon pa lang siya maghahalungkat? Patay na talaga! Wala na talaga akong masasakyan pauwi! "Iyan na nga po problema ko, Sir. Baka wala pong susundo sa akin." Natigil siya sa paghahalungkat at nilingon ako na kunot-noo. "Huh? Why? Did you text your father or your brother?" "Dead battery po cellphone ko." "Tsk! Parehas pala tayo. Nakalimutan ko pa naman ang charger ng cellphone ko sa bahay." Napalatak siya. Nalaglag naman ang mga balikat ko sa winika niya. Iyong katiting na pag-asang makakauwi ako ay hindi pala mangyayari. Ang malas talaga ng araw na 'to oo! "'Di bale, ihahatid na lang kita sa inyo." Nanlamig ako sa aking narinig. Ihahatid niya ako? Shit! Hindi pwede! Malalagot ako kapag nalaman niya kung saan ako nakatira. "H-Huwag na po, Sir? Baka makakaabala pa ako sa inyo," medyo taranta na sabi ko. Hindi niya dapat malaman kung saan ako nakatira. Baka mamaya niyan humahanap lang siya ng tiyempo para mabalik ako sa poder niya. Ang laki kaya ng perang ibinayad niya sa akin. Alam kong hindi niya nakakalimutan iyon dahil masyado iyong malaki para makalimutan niya. "No. You're not. Ako nga ang nakakaabala sa 'yo dahil imbes na umuwi ka na dumiretso ka pa rito." Mabuti at alam niya! Talagang malaking abala ito sa akin. Gusto ko pa naman siyang iwasan pero siya itong gumagawa yata ng paraan para makapagsolo kami. "Huwag na po, Sir. Hihintayin ko na lang po ang Kuya ko para hindi na kayo maabala." "No! I insist, Krissha." "P-Pero---" "Huwag ka ng umangal diyan. Here, nai-file ko na ang mga pangalan ninyo r'yan. Ang pag-che-check na lang ng attendance ang gagawin mo sa araw-araw. Every week mong i-su-submit sa akin ang kabuan ng attendance ninyo." Iniabot niya sa akin ang attendance book habang nagsasalita. Marami pa siyang sinabi na tinandaan ko ng mabuti. Wala akong nagawa kung hindi ang piliin na manahimik na lang. Hindi rin naman niya ako pinapakinggan dahil ang gusto niya ang masusunod. "Okay, let's go Krissha," aya niya nang makapagligpit na siya ng kanyang mga gamit. Tumango lang ako at tumayo na rin mula sa pagkakaupo. Medyo nakakalito ang mga tawag niya sa akin. Minsan sa apelyido ko, minsan naman sa pangalan ko. Baka next time second name ko na o kaya naman middle name ko na. Napangiti ako sa naisip. Tahimik kaming naglalakad papuntang parking lot ng school. Medyo may kadiliman doon ang paligid at ipinagpapasalamat ko iyon dahil baka may makakita na magkasama kami ni Sir. Ayoko yata sa ideyang baka matsismis kami ng kung sinong may makakating dila. Mahirap na dahil lahat na lang ng nakikita ng mga tao ngayon ay binibigyang malisya kahit wala naman talaga. Biglang sikat ni Sir Thompson dito sa unibersidad namin at ang pangit tingnan kung masasali ako sa kasikatan niya. Sa kanya na ang limelight dahil matagal ko naman na 'yong natikman. Ayoko ring mas dumami pa ang lovers at haters ko dahil sa kanya. Mas mabuti ng tahimik ang mundo ko at nakakagalaw ako na hindi pinag-uusapan ng kung sinu-sino. Napapitlag ako ng bahagya nang patunugin ni Sir ang alarm ng kanyang sasakyan. Dehins ko man lang namalayan na nasa parking lot na kami at katapat ko na ang kanyang sasakyan. Mayaman! Bulong ko sa isip ko nang makita ko kung anong klase ng sasakyan ang nasa harapan ko. Isa itong pulang Mustang na marahil ay nasa limited edition pa nga dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong uri nito. Grabe! Yayamanin pala ang pinagpapantasyahang guro namin sa Filipino. Lalo nila itong pagpapantasyahan kapag natuklasan nila itong mayaman. Alam ko naman 'yon. Nagawa niya akong bigyan ng kalahating milyon para makasal lang kami. Naisip ko, mayaman siya. Bakit kailangan pa niyang magturo pa sa isang unibersidad. Siguro naman may pagmamay-ari silang malalaking negosyo. Dahil ba sa akin? Imposible! Hindi nga niya binabanggit ang atraso ko sa kanya. "Hey! It's getting late, aabutin tayo ng umaga rito kapag hindi ka pa pumasok ng sasakyan Krissha," untag ni Sir ng matagal akong nawala sa sarili. Kita ko sa mukha niya ang pagkainip at pagod. Siguro kanina pa siya nagsasalita, 'di ko lang namalayan. "Ahm...sorry Sir. M-May iniisip lang po ako," nahihiyang saad ko. Dali-dali akong pumasok sa pintuang binuksan niya. Ipininid niya ito at mabilis na umikot para makaupo sa driver's seat. Ako naman ay nanatiling lutang. Nakatatak pa rin ang mga tanong sa isip ko. Subalit nawala lahat ng nasa utak ko nang bigla siyang dumukwang sakin. "A-Anong...g-ginagawa mo, Sir?" nanlalaki ang mga matang tanong ko. Halos higitin ko rin ang aking paghinga dahil masyadong malapit ang katawan niya sa katawan ko. Amoy na amoy ko tuloy ang mabango niyang pabango at natural na amoy ng kanyang katawan na nagpapatuliro sa t***k ng puso ko. "Nilalagay ko 'tong seat belt mo. Safety first," aniya habang abala sa pag-aayos nito sa katawan ko. Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Ang akala ko pa naman---hay nevermind! "A-Ako na Sir, sana sinabi na lang ninyo," mahina kong wika. Sinubukan kong pigilan siya ngunit hindi niya ako binigyan ng puwang. Naaalangan ako na ganito kalapit ang katawan namin sa isa't isa. Nagririgodon ang puso ko at hindi makapag-isip ng matino ang utak ko. "Done!" anunsiyo niya habang dahan-dahang umaalis sa pagkakadukwang sa akin. "Next time, when you ride on a taxi or any cab, always remember to fasten your seatbelt," pangaral pa niya at pagkatapos ay tumingin siya sa akin at ngumiti. Sinuklian ko rin siya ng ngiti kasabay ng tango bilang pagsang-ayon. Minsan talaga nawawala sa isip ko ang magkabit ng seatbelt lalo na kapag marami akong iniisip. "You are very beautiful when you're smiling Krissha," anas niya habang nakatitig pa rin sa akin. Bigla na lang nawala ang ngiti sa labi ko. Nakaramdam ako ng pamumula ng pisngi. Hindi pa ako nasabihan ng ganoon ng kahit sino ng ganito kalapit. Iba iyong epekto nito sa akin. Parang ako lang ang nakikita niyang maganda sa paningin niya. Ewan ko kung ano ang sasabihin ko. Kung mag-t-thank you ba ako o idadaan na lang sa biro ang aking sagot. Natulala na lang ako sa mukha niya na dalawang dangkal lang ang layo nito sa mukha niya. Napakagwapo niya talaga. Nakakalula ang mga titig niya at nakakahalina ang ngiti sa kanyang labi "Can I kiss you?" malambing niyang tanong nang wala siyang makuhang salita sa akin. Inilapit niya ng dahan-dahan ang mukha niya sa akin at ako naman ay nakatulala pa rin at hindi alam ang gagawin. Gusto kong iiwas ang mukha ko at mariing tanggihan ang gusto niyang mangyari. Subalit, 'di ako makakakilos at makapagsalita. Na-hypnotize ba niya ako? Kasi, pakiramdam ko oo! Nanlaki bigla ang mga mata ko nang maramdaman kong lumapat ang labi niya sa labi ko. Binigyan niya ako ng magaan at banayad na halik. Gusto ko siyang itulak at sampalin pagkatapos ngunit bakit hindi ko rin magawa. Naalala ko ang paghalik niya sa akin ng ikasal kami. Naalala ko na ganito rin iyon kabanayad at maingat na maingat siya sa paghalik sa akin. Naipikit ko na lang ang mga mata ko nang mawalan ako ng lakas na tumutol. Nagpatianod ako sa ginagawa niya at aking dinama ang pakiramdam ng mahalikan ng ganito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Halu-halo, masarap, nakakaliyo, tumatabling ang puso ko at nakakaramdam ako ng unti-unting init na sumisilab sa kaloob-looban ko. Para rin akong nakarinig ng kantahan ng mga anghel at makakita ng napakagandang fireworks sa paligid. Ito na ba ang epekto ng pangalawa kong halik? First kiss ko si Sir at ito ang second kiss namin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD