Chapter 30 – Hunt

1801 Words
Vince’s Point of View -August 8, 2024- (Still a Flashback but early morning) Inaabangan ko si Dan ngayon na lumabas sa kubo kubo ng babae dahil siya ang kumakausap sa kaniya ngayon at medyo naiinip rin ako sa kakahintay. Bakit kaya palaging ganito? I mean, kapag excited ako na malaman o makuha ang isang bagay ay hindi talaga ako makapag hintay. Pero kapag hindi naman, ay nakakahanap ako lagi ng gagawin ko- oo nga palagi ko naman nagagawa yun. Pero, hindi naman ako makapag isip ngayon dahil ang nasa isip ko lang ngayon ay kung ano ang kaniyang sasabihin at ano nga ba talaga ang nangyari noon. What happened, that’s what make me wonder. The blood, sino o ano ang gumawa nun? Sobrang nacucurious ako. . . . . . . . . . . SA WAKAS! Ang tagal niya na sa loob, huwag niya naman sana sabihin sa akin na wala siyang nakuhang impormasyon sa kaniya. Kaagad naman akong tumayo mula sa aking pagkakatago at bigla namang napawi ang ngiti sa aking labi nang makita ko siya na malungkot. Hindi ko alam ang rason bakit pero mukhang hindi maganda ang nangyari sa kaniya. O kaya narinig. Kaya dahan dahan na lang ako lumapit sa kaniya. Ayoko naman ipakita sa kaniya na hayok na hayok ako sa mga nalaman niya. “Ano ang kaniyang sinabi?” marahang tanong ko sa kaniya. Tiningnan ko siya sa mga mata at maluha luha pa ito. “Anong nangyari?” kasunod naman na tanong ko. “Huwag dito,” wika niya at naglakad naman siya palayo. Hindi naman niya ako iniiwasan kaya sinundan ko siya. Maya maya ay nakalabas kami sa komunidad at mabilis siyang naglakad papunta sa isang puno at sumunod naman ako sa kaniya. Nang makalapit naman ako sa kaniya ay tumingin siya sa akin. Anong oras man ngayon ay lulubog na rin ang araw kaya kailangan ko na talaga malaman ang mga impormasyon na kaniyang nalalaman ngayon. Balak kong magpalipas ng gabi mamaya kung saan sila nawala. “Masasabi mo na ba sa akin?” tanong ko sa kaniya. “Grabe yung nangyari,” wika niya at ramdam ko ang kaba at takot sa mga salitang iyon. Ano ba talaga ang narinig mo mula kay Gretchen? Sobrang nagtataka na talaga ako. “Ano?” tanong ko. Kinakalma ko ang aking sarili sa aking makakaya dahil talagang naiinip na ako na malaman ang mga sasabihin niya ngayon sa akin. “Pinatay sila,” bulong niya. Tumingin lang ako sa kaniya. “Pinatay,” may pagtatanong na tono naman nung nabanggit ko iyong salita na iyan. “Oo.” “Ano ang ibig mong sabihin?” “Naalala mo yung malaking infected na humabol sa atin noon?” tanong niya sa akin at walang pag aalinlangan naman akong tumango sa kaniya dahil sobrang naaalala ko pa si G- Wait, ang ibig sabihin niya ba ay may panibagong Gori sa lugar na ito? Dahil malinaw naman na napatay namin ang halimaw na iyon at sobrang nahirapan pa kami. “Narito siya?” tanong ko ulit at kahit mali ang tanong na naibigay ko sa kaniya, magegets niya naman kaagad iyon. “Hindi...” “Edi ano?” “May panibagong mutated infected siyang nakita, hindi niya alam na mutated iyon pero tinawag niya itong halimaw, isang halimaw na may boses ng isang batang babae, na umiiyak, tinatawag ang kaniyang kuya at nanay, yun ang pagkakasabi niya. Tapos may malaki raw itong bunganga at mahahabang matutulis na mga kuko na kayang humati ng katawan sa isang iglap lamang, at kakainin ng buo ang mga taong hindi nagmamalay,” mahabang pagkakasabi niya. Obvious naman na hindi ito ang eksaktong nasabi ni Gretchen at pinaikli niya lamang ito dahil sobrang tagal nung kanilang usapan kanina. “Mutated infected...” bulong ko naman sa aking sarili. “Kailangan to malaman ng doktor kaagad,” at tumingin ako sa kaniya. “Ikaw ang magsasabi sa kaniya,” seryosong pagkakasabi ko sa kaniya. “Bakit ako?” tanong niya sa akin. “Pupuntahan ko na ang lugar kung nasaan ang halimaw,” wika ko. “Doon sa silangang bahagi ng komunidad na ito, malapit sa bukohan,” turo ko sa kaniya sa direksyon na aking pupuntahan ngayon at hindi ako papayag na hindi nila alam ang nangyayari. Lalo na ang doktor. Siya ang dapat makaalam sa nangyayari ngayon. “Aalis na ako,” dali daling pagkakasabi ko sa kaniya, at bigla na akong tumakbo. “Hoy saglit!” sigaw niya pero hindi na ako lumingon sa kaniya at tuloy tuloy ako sa pagtakbo. Hindi ako papayag na mapatagal ko pa ang sitwasyon na ito dahil maaari na ang ilang segundong papalipasin ko, ay magkakahalaga ng ilang buhay, na walang kamalay malay sa existence ng mutated infected na iyon. Dala ko ba ang pill ko? Kinapa ko ang aking bulsa at kaagad ko namang nakapa ang casing kung saan ko nilalagay ang mga pill na aking iinumin. Hindi ko alam kung kaninong dugo ang mga ito pero kailangan ko na lang palawakin ang aking imahinasyon para matalo ito. Mukhang hindi naman ito matalino kagaya nung nakaharap ko noon kaya hindi ito magiging problema sa akin. Tumakbo ako ng mabilis. Elle's Point of View -August 8, 2024- (Still a Flashback but early morning) Another day of training, another day of fatigue. Kahit hindi ako masyado... gumagalaw ay sobrang napapagod pa rin ang aking isipan. Hindi lang naman katawan ang napapagod sa isang tao. Lumubog na ang araw pero may liwanag pa rin na nagmumula dito kahit tuluyan ng tirik ang araw sa kalangitanm at nakikita ko naman ang mga bituin na kumikinang kinang sa kalangitan. Ang doktor ay nagpaiwan naman doon, dahil may gusto raw siyang tingnan. Hindi ko naman siya hihintayin, kaya nauna na ako. Napabilis naman ako sa aking paglalakad nang masilayan ko ang kahoy na pader ng komunidad. Sa wakas!! Makakapagpahinga na rin. Oh Dan... Nakita ko siya sa gate nag aabang. Hindi ko alam kung ano ang kaniyag kailangan. Dahil sobrang nagmamadali siyang lumapit sa akin. Mukhang urgent talaga ang kaniyang pakay. "Ano yun Dan? Bakit mukhang hingal na hingal ka riyan?” sunod sunod naman na tanong ko sa kaniya. Pinahinto niya ako bago ulit ako makapagtanong sa kaniya. Hinabol niya ang kaniyang hininga at hinintay ko naman siya makabawi ng hininga. Matapos ang ilang segundo ay muli siyang tumingin sa akin at luminga linga siya, na para bang may hinahanap siya. “Nasaan si Doc?” tanong niya sa akin. “Mamayang gabi pa raw siya babalik,” sagot ko naman sa kaniyang tanong. “Ihhh,” hindi mapakaling pagkakasabi niya. “Bakit mamaya pa?” tanong niya ulit sa akin. “Bakit ako tinatanong mo? Siya tanungin mo mamaya,” wika ko naman na may pagka sarkastiko sa aking boses. “Hindi ito ang oras sa mga biruan,” wika niya naman. “Ano nga nangyayari?” tanong ko ulit sa kaniya. Paano ko naman maiintindihan ang mga sinasabi at kinikilos ng babaeng ito, if she is not telling me what’s going on. I am so confused right now why she is acting like that. “Si Vince.” “Anong meron kay Vince?” “Pumunta siya doon,” turo niya naman sa akin sa mga puno ng bukohan. “Anong nangyari sa kaniya,” tanong ko ulit at nagsisimula na akong kabahan sa mga nangyayari. “Just get straight to the point,” wika ko sa kaniya. “Andoon siya, hinahanap yung mutated infected.” “Mutated INFECTED?!” naguguluhang sigaw ko naman sa kaniya. “Oo, at pumunta siya run mag isa,” wika niya at nanlaki naman ang aking mga mata nang sinabi niya iyon. Mag isa? Naalala ko naman ang kaniyang itsura matapos ang kaniyang pakikipaglaban sa unang mutated infected na nakaharap namin at maniwala siya sa akin na ayaw ko na siyang payagan na humarap ulit sa mga ganung kalaban kung ganun lamang ang kaniyang kasasapitan. Hindi na ako makakapayag. “Ano ba namang lalaki yan,” asar na pagkakawika ko. “Sabihan mo ang doktor ha,” wika ko at tumakbo naman ako sa direksyon na kaniyang tinuro sa akin. “Pati ba naman ikaw?” rinig kong tanong niya sa akin. “Huwag kang susunod sa amin, at abangan mo ang doktor hihintayin namin siya run,” wika ko at mabilis akong tumakbo sa bukohan umaasa na matutulungan ko siya sa kung anumang bagay na pwede kong mai offer sa kaniya. I need to make sure na hindi na siya matutulad dun sa dati niyang kalagayan. Hinding hindi na talaga ako papayag. Vince’s Point of View -August 8, 2024- (Still a Flashback but early morning) Sumapit na ang buwan at narito ako patuloy pa ring nag iikot ikot. Ang sabi sa akin ni Dan kanina ay may maririnig akong batang babae, umiiyak at hinahanap ang kaniyang nanay at kuya. Isang biktima ng virus at mukhang malakas ang tama nito. Dahil nga si Gori pa lang ang nakikita kong mutated in- no, yung matalino mutated din yun, hindi nga lang ganun kadelikado katulad ni Gori. Pero kung katulad lang ni Gori ang makakaharap ko ngayon ay tatawagin ko itong Gori 2.0. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Gabi raw iyon nangyari. Kung susumahin ko ay dapat hindi ito nakalusot sa paningin sa mga taong nagbabantay sa lugar na ito. Kung katulad naman ito ni Gori talaga, ay napakalaki ng bulas ng infected na iyon at imposible talaga na hindi iyon makita dahil ramdam mo na ang pagkalabog ng lupa, kapag paparating pa lang siya. So anong klaseng infected iyon para makapagtago sa scouts ng umaga. Mahaba ang mga kuko at malaki ang bunganga enough para sa lamunin ang isa tao ng buo. Shems... Hindi ko na alam ang aking gagawin. “Kuya,” natahimik naman ako nang makarinig ako ng boses. Boses ng isang batang babae. Inilabas ko si Luna. Gabi ngayon e. Kailangan ko magdahan dahan dahil hindi naman ako mag basta basta, baka mamaya isang bata nga ang pinagmumulan ng boses na iyon at ayoko naman na pagsisihan ang aking mga aksyon mamaya. “Mama,” narinig ko ulit ang kaniyang boses, at iniluhod ko naman ang isa kong tuhod para maitago ako ng mga matataas na d**o sa lugar na ito. Mukhang walang nagtatabas sa lugar na ito kaya ang hahaba ng d**o, perpekto para sa aking pagtago sa mga makikita sa aking kalaban. Dahan dahan naman akong kumilos para maka iwas sa kaniyang atensyon. Ayaw kong mapatay kaagad ng isahan, o kaya lamunin ng buo sa isang iglap lamang. At ang patayin ang isang grupo ng tao ng mag isa lamang iyon ay napaka delikado na, unless kung nalimutan lang mabanggit sa akin ni Dan o kaya ni Gretchen ang pagiging grupo. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD