Chapter 31 - Sleeper Battle

1840 Words
Vince’s Point of View -August 8, 2024- (Still a Flashback but before the fight) Ginamit ko ang makakapal na d**o para sa aking advantage. Maliban na lang kung sobrang talas ang pang amoy ng infected na iyon. Pero mukhang hindi naman dahil hanggang ngayon ay hindi pa naman ako inaatake. Gumalaw ako ng dahan dahan upan makita ko ang pinagmumulang ng ingay na naririnig ko ngayon. Kung kaibigan ba siya o kalaban. Pero malakas naman ang aking kutob na isa itong kalaban dahil kanina pa ito na paulit ulit sa kaniyang sinasabi. Tingnan natin kung anong klase ka ng infected... Palakas na rin ng palakas ang boses na aking naririnig ngayon, at ibig sabihin lamang nun ay nasa tamang direksyon ang aking pinupuntahan. Mahigpit naman ang pagkakahawak ko kay Luna, para kung may kalaban naman na biglang umatake sa akin ay mabilis akong makakalaban sa kanila. Hindi naman ako papayag na masaktan na lang ng wala man lang laban. Hinawi ko naman ang d**o ng dahan dahan at ginawa ko naman ang buong makakaya ko na hindi gumawa ng anumang malakas na ingay. Dahil ayaw ko naman na basta basta ko na lang makuha ang atensyon. Nakarinig ako ng pag ungol, sa sakit... Infected nga itong nasa harapan ko ngayon at ibig sabihin lamang nito na kailangan kong mag doble ingat sa aking paggalaw. “Mama, gising na,” wika niya, at nang sumilip naman ako ay medyo nanlaki ang aking mata, sabihin na natin na nagulat ako sa kaniyang itsura. Hindi nga talaga nag eexaggerate si Dan nang sinabi niya na malaki ang bunganga nito, kasyang kasya nga ang isang tao, kung mapagdesisyunan naman nito na lumamon. Ang kaniyang katawan ay, walang kung anumang kakaiba nang makita ko iilan lamang ang may pagbabago. Mahaba rin ang mga kuko nito at pulang pula ang kulay nito, posible na mantsa ito ng mga dugo na kaniyang nabiktima. Bata bata pa ang babaeng ito nang siya ay maging infected at nakaramdam naman ako kahit papano ng awa. Sa liit ng katawan niya at malaki ang bunganga ay nagtataka ako bakit iton naka talo ng isang grupo ng mga gatherer. Sa isipan ko naman ay tumatakbo kung susugurin ko na ba ang infected na ito hanggang sa ito ay hindi pa masyadong gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan ngayon o kaya ay maghintay pa ako hanggang sa malaman ko na ang bawat importante ng impormasyon. Na malaki ang matutulong sa akin. Isang malaking tanong pa ri- “Vince!” narinig ko ang echo ng isang babae na tinatawag ang aking pangalan. Napaisip ako ng ilang saglit kung sino ito, pero bago ko p man malaman ang tunkol sa nilalang na ito. Yung infected naman ay sigurado akong narinig niya ang sigaw ni Elle. Nagulat din ito ay muntikan nang mapatayo ko ang isang, ah never mind. “Vince nasaan ka na?” sigaw niya ulit tinatawag ang aking pangalan. Luminga linga ulit ang infected na ito at kung may ano mang itong pianakakalawan, na parang usok habang ito ay naglalakad palayo. Ano kaya ang magagawa nito? Pinanood ko siyang makalayo bago ako bumaba at pumasok ako sa panibagong patches ng mga d**o. I can’t be too sure. Naririnig ko ang kaniyang sigaw habang siya ay papapalayo sa lugar ito.. Kaialangang ko mag tanim ng mga traps na papasabing ang mga machine na gugulat sa akin. Kaagad naman akong pumasok sa usok na siya ang gumawa. May mga oras talaga na kung kailan mo kailangan makahanap ng mga solusyon sa iyong problema ay lalo lamang ito nadaragdagan. Talagang nagtataka ako. Nang langhapin ko ang usok, ay kaagad kong naramdaman ang kakaiba sa aking ulo. Papunta siya kay Elle ngayon, kaya kailangan ko sila sundan. And for some reason ang buong mundo ko ay nagsisimula nang umikot. Ang aking mga paa ay hindi na alam kung saan ito aapak. Nakainom ba ako? Mukhang hindi naman, at mas lalo na hindi ako nag dodroga o kung anuman. Mukhang dahil ito sa usok na kulay berde na kaniyang naiwan. Masyado talaga akong nagtataka bakit ganito ang aking nararamdaman nang malanghap ko ito. Pero mas kailangan ko na mahanap kaagad si Elle bago siya mahanap ng infected na iyon, at kung susumahin mo ang laki ng kaniyang bunganga at kung paano ito sumasayad sa lupa ay hindi ko inaasahan na magiging ganun siya kabilis. Paano ba mawala ang antok? Ahh! Kaagad ko namang naalala ang pambatang kwento ng ibong adarna, kung saan ay may isang ibon na kayang magpatulog ng mga tao sa pamamagitan lamang ng pag awit. May tatlong magkakapatid, at yung bunso ang nagbigay sa akin ng ideya kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Isang malakas na pang laban sa antok. Hapdi. Ayaw ko man ito gawin sa aking sarili pero wala na akong magagawa. Hiniwa ko biglaan ang aking palad. ARAY! Pero hindi pa ito sapat para gisingin ang aking diwa. Kailangan ko ng mas masakit pa. FRICK! Iginisgis ko ang aking sugat at umaagos na ang aking dugo mula sa aking palad. Sobrang hapdi, at ang adrenaline ay umagos bigla sa buong sistema ko nang maramdaman ko ang sakit mula sa aking sugat. Napatalon talon naman ako sa sobrang sakit pero kaagad ko naman tong ininda, at kaagad akong tumakbo. Iniwasan ko naman ang berdeng usok dahil hindi ko alam kung paano ito eepekto. Baka mapatulog pa rin ako nito kahit sobrang sakit na ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako uurong at lalong lalo na hindi ako papayag na may kung anumang mangyari kay Elle. “Vince?” narinig ko ulit ang kaniyang boses at kasabay nito naririnig ko ang pagkaluskos ng mga d**o. Mabilis ito ibig sabihin ay mabilis nang papalapit ang infected kay Elle. Third Person’s Point of View Mabilis na tumatakbo ang Sleeper, since mas nauna ang background nito. Papalapit kay Elle dahil nakuha ng dalaga ang atensyon nito. “Kuya!” parang isang bata na sigaw nito habang papalapit ito kay Elle. Si Elle naman ay hindi nalaman ang buong detalye tungkol sa infected na kakaharapin ni Vince kaya wala siyang kaide ideya kung ano ang kaniyang makakaharap ngayon. Napalingon siya kung saan nang gagaling ang boses. “Sino yan?” tanong niya. At sa parehong pagkakataon ay biglang lumabas sa makapal na d**o ang infected. Nanlaki ang mata ni Elle, at ang mga matatalas nitong kuko ay malapit nang mahiwa ang kaniyang pisngi, Pero bago pa naman ito mangyari, ay biglang dumating si Vince. Mabilis niyang nasipa patagilid ang infected na nagdahilan naman sa pag gulong gulong nito. Si Vince naman ay napansin ang paghiwalay ng laman niya na para ba itong isang buhangin. Doon niya narealize na sa pagpahid niya ng kaniyang sugat sa lupa ay inabsorb ng dugo niya at sa hindi niya malaman na oras, ang genetic make up niya ngayon ay gawa ng buhangin. Which is mabilis na mag hiwalay. Hindi niya ito inaasahan pero wala siyang magagawa kundi ang mag adapt sa sitwasyon. Galit na galit naman na bumangon ang infected, na kaniyang pinatumba. “Ikaw yung PoLicE!” sigaw nito at nagulat naman si Vince kung gaano ito kalinaw mag salita despite sa deformities ng kaniyang bunganga. Nalilito naman si Vince sa sinasabi nito. Pero walang awa ngayon sa kaniyang puso. Dahil isang halimaw na ginagamit ang dating pagkatao ng kaniyang host na lang ngayon ang kaniyang kaharap. Kaya inilabas ni Vince ang isa pa niya patalim na nag ngangalang sol. Hinasa niya gamit ang bawat patalim sa isa’t isa bago siya tumakbo papunta sa infected. Ngunit nakaramdam siya ng discomfort ng maramdaman niya na parang mabilis bumigay ang kaniyang binti. Pero hindi niya ito pinasin. Patuloy siya sa pagtakbo. Ngunit ang infected na kaniyang kaharap ay hindi rin naman papayag na nakatayo lamang ito pinapanood ang tao na kaniyang magiging hapunan na sugurin siya. Sumigaw ito ng pagkalakas lakas at sa isang iglap ay biglang sumabog ito, at napapalibutan na siya berdeng usok na nalanghap ni Vince kanina na nagdahilan naman ng kaniyang pagka antok. Dahil dito ay biglang napatigil si Vince at hindi niya tinuloy ang kaniyang binabalak. Lumingon lingon siya pilit na hinahanap ang infected. Ngunit nawala ito sa kaniyang harapan. Pero bago pa man siya makaatras ay biglang lumabas sa kanan niya ang mutated infected at nakahanda na ang mga kuko nito para hiwain siya. Nahuli ng reaksyon doon si Vince at wala siyang nagawa kundi lingunin na lamang ito at panoorin ang huling sandali ng kaniyang buhay. “VINCE!” sigaw ni Elle habang siya ay napapikit dahil ayaw niyang makita ang susunod na mangyayari. Sumubsob siya dahil natapilok dahil sa isang maliit na bato. Ngunit kaagad niya naman ini angat ang kaniyang mukha, dahil gusto niyang makita kung ano ang nangyari sa kaniyang kaibigan. Nagsimulang tumulo ang kaniyang luha. Ngunit si Vince naman ang pinaka nagulat sa mga nangyari. Dahil parang multo na tumagos lamang sa kaniyang katawan ang mahahaba at matutulis na kuko nito. Nang tunguhin niya upang makita paano ito nangyari, ay nakita niya ang kaniyang buong katawan ay gawa ng buhangin ngayon. Doon ay just in time lamang na umadapt ang buong katawan niya sa sand particles na dumikit sa kaniyang dugo. Hindi niya ito inaasahan dahil hindi rin itong kaya ipaliwanag ng siyensiya. Sa buong pag aakala niya, ang mga mutation ay limitado lamang sa kayang ipaliwanag ng siyensiya. Hindi niya sigurado kung nasa siyensiya na ito pero siya hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kaniya ngayon. Napatingin siya sa special infected na may ngiti sa kaniyang labi. “Mukhang hind-“ hindi niya natuloy ang kaniyang sinasabi ng biglang mag collapse ang kaniyang katawan na para bang isang sand castle na nasipa. “Vince!” sigaw ulit ni Elle, at dito naman napunta ang atensyon ng infected. “Ah shemay!” sigaw ni Vince sa kaniyang sarili. “Bakit ngayon pa?” Sinubukan niyang kontrolin ang kaniyang katawan ngunit hindi niya magawa. Wala siyang kontrol sa kapangyarihan ito. Para bang isang telekinetic power, na magcocommand sa bawat particles ng kaniyang katawan para bumalik ito sa kaniya. Nagagawa niya naman pero paunti unti lamang. “Bilis, bilis, bilis!” wika niya. Si Elle naman ay nagsimulang tumakbo nang makita niya ang special infected. Humigop naman ng hangin ang infected at bumuga ito ng usok na kulay berde, at kaagad naman itong tumama sa harapan ni Elle. Nakalanghap siya ng usok ngunit patuloy pa rin siya pagtakbo dahil hindi niya pa ramdam ang epekto ng usok na kayang magpatulog ng tao. Pero habang lumilipas ang segundo at tumatagal ang pagtakbo ng kemikal sa loob ng kaniyang katawan ay katulad ni Vince, nakaramdam ng pagka antok si Elle. Sinampal niya ang kaniyang sarili, ngunit hindi ito tumalab sa kaniya. Naramdaman niya ang pagkawala ng kontrol niya sa kaniyang katawang, at ang pagbigay ng kaniyang tuhod, hanggang sa magdilim ang kaniyang paningin. Nakatulog siya habang tumatakbo at gumulong siya sa lupa nung siya ay tumumba dahil sa biglaang pangyayari. Ang infected naman ay napatigil habang nakataas ang mga kuko nito, akmang sasaksakin si Elle. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD