Chapter 29 - Fruitless Investigation

1233 Words
Vince’s Point of View -August 8, 2024- (Still a Flashback but early morning) Kainis, wala akong makuhang impormasyon. Kahapon ay sinubukan ko muli na puntahan ang lugar kung saan ko nakita yung dugo, at sadly iisang clue? Hinding hindi ko kayang masimulan kaagad yun. I mean... isang hakbang pa lang aking nagagawa at walang wala talaga akong patutunguhan kung hanggang doon na lang ako sa obvious na mga clue. Wala kasi akong kapangyarihan na kayang ihigh light ang bawat clue sa aking paligid. Hindi naman ako isang robot na kayang gawin yun. Pagkatapos naman ay sinubukan kong puntahan ang ibang pamilya at nagsayang lang ako ng oras dahil wala silang ka alam alam sa mga nangyari. Yung babae lang talaga ang makakatulong sa akin. Gusto ko ulit siya puntahan, pero ngayon may kasama na ako. Hindi si Elle, as usual wala siya dahil nagtatraining daw siya. Nakwento niya sa akin nung isang gabi. Pero ayos dahil alam ko kung saan siya pupuntahan kung may mangyari mang masama sa lugar na ito, huwag naman sana pero dapat handa pa rin ako sa mga mangyayari. “Ano ba naman yan dude, bakit ako sinama mo? Boylet ba yarn? Blind date ang peg?” makulit na pagkakasabi niya. Kung hindi ka lang magaling maglaro ng mga salita ay hindi kita kasama ngayon... masakit man aminin pero kailangan na kailangan ko ang kaniyang tulong dahil sa mga sitwasyong ganoon ay hindi ko alam ang aking gagawin at maniwala kayo sa akin. Sobrang hirap ang mapunta sa ganung sitwasyon. “Gusto ko magkwento sa iyo yung babae, dahil alam niya yung mga nangyari nung mga panahon na iyon,” paliwanag ko sa kaniya sa mga gagawin niya. “Ginawa mo naman akong pang rebound,” wika niya sa akin. “Rebound kung babae din ang iyong nais,” ganti ko naman sa kaniya. “Well sad to say, straight po ako,” may kasosyalan na pagkakasabi niya sa akin. “Kung ganun naman pala, edi wala tayong problema,” wika ko sa kaniya. Sana manahimik na lang talaga siya... medyo nakakarindi kasi lalong lalo na paulit ulit ang kaniyang mga tanong. Kung may ginawa na raw ba akong hakbang? Kung umamin na ba ako? As in na para bang isang libro o pelikula ang aming relasyon at ang audience ay siya, dapat alam niya lahat, ang masasabi ko lang ay hindi ako kumportable sa ganitong sitwasyon. Nawawalan ako ng confidence na umamin sa kaniya. Dahil sa kaniya pa lang ay sobrang naperpressure na ako sa mga patanong tanong niya. Wala akong magagawa dahil may sikreto akong hindi niya pwede sabihin kay Elle. Yung nangyari sa kaibigan nila Xandta. Pakiramdam ko kung mas maaga ko nabuksan iyon, ay buhay yung lalaking nagngangalang Fred. Nakokonsensiya ako at ayaw ko naman na malaman niya, siguro palipasin ko muna ang mahabang panahon hanggang sa makalimutan niya. Pero mukhang hindi, baka core memory niya na iyon. Ayaw ko naman saktan ang feelings ni Xandra, let alone break her trust to me. She’s too fragile and innocent, kahit na isa siyang variant. Kahit ano pang lakas ng katawan mo ay babagsak din iyan sa isang category at kahit ako ay hindi rin doon ligtas. Ang isip. Kaya maraming sikat dati na nagpapakamatay o kaya mga kilalang tao. Yan talaga ang nagpapatunay na ang tao ay ginawang pantay pantay ng Diyos. Masasabi kong nabiyayaan ako. Dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa naiisipan na saktan ang aking sarili o kaya ay kitilin ang sarili kong buhay. Lumingon lingon naman ako sa aking paligid ngunit hindi ko pa rin nakikita si Xandra, kaya napatingin ako kay Dan. “Si Xandra nakita mo?” tanong ko sa kaniya. “Hindi e,” sagot niya sa aking tanong. “Speaking of which, ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam akala ko naman kasama sama niyo,” wika niya, akala ko naman kasama nila. Pareho pala kami ng naiisip. Which is good. “Hindi ko na nga rin nakikita ilang araw yun,” pagkakasabi ko sa kaniya sa aking karanasan. “Baka naman kasama lang lagi ni Allen, friends sila ni Xandra- chan diba kahit may misunderstanding on both sides nung nakaran,” wika niya. “Pinuntahan ko si Allen, pero siya lang mag isa,” sagot ko naman sa kaniya para hindi na siya ma mislead sa mga mangyayari. “That’s strange ano?” tanong niya sa akin at aktibong tumango naman ako nang mapansin ko sa gilid ng aking mga mata na tumingin siya sa akin. “Bakit siya aalis nang mag isa tapos wala pang paalam,” tanong niya naman sa kaniyang sarili. Yes, Dan, I have asked myself the same question as you. Saan nga ba siya pupunta? Isang malaking palaisipan para sa kaniya at akin. "Narito na tayo," wika ko sa kaniya nang marating na namin ang harapan ng bahay ni Gretchen? Hindi ko masiyadong matandaan ang kaniyang bahay kaya ipagpaumanhin niya na ang aking pagkalimot sa kaniyang pangalan. "Ako lang papasok?" tanong niya sa akin. "Oo," sagot ko sa kaniyang tanong. "Gawin mo makakaya mo ha, kaya mo yan," pag eencourage ko naman sa kaniya dahil siya lang naman ang papasok. Sabi ko sa ka kaniya na kumatok muna, pag may sumagot sa kaniya maigi, kung wala naman pasukin niya na dahil bukas ang pinto dahil sobrang abala ito sa oag iyak. Pinanood ko naman siya na lumapit sa pintuan nung babae at sana ay puntahan siya nito. "Huwag mo sasabihin na pinapunta kita rito, sabihin mo gusto mo siyang tluungan," pabulong na pagpapa alaala ko naman sa kaniya. "Alam ko!" pabulong na pagkakasigaw naman. Nang makita ko siya na unti unti nang lumalapit siya sa pintuan ni Gretched ay dali dali naman akong nagtago para hindi niya ako makita in case na mapag desisyunan niyang lumabas. Mahirap na, mahuli at gaya nga ng pagkakasabi ko mahirap basagin ang tiwala. There are so many possibilities. Kaya kaialanga ko makasigurado dahil mahirap na talaga. Ayaw ko sirain ang tiwalang ibinibigay sa akin ng iba. At dahil mas tiniwala niya na sabihin sa akin kahit siya ay nasasaktan. Ako na nga ang nagvolunteer na huwag niya nang ituloy ang kaniyang sasabihin dahil talagan naawa ako sa kaniya. Mas pipiliin ko na lamang na maghintay dito at abangan kung ano ang mangyayari sa magiging usapan nila ni Dan. Mas may tiwala naman ako pag silang dalawa ang nagkausap. Si Dan kahita ganiyan yan, ay siya ang unang taong dapat lapitan mo kung mayroon ka mang problema sa buhay dahil isa siya sa mga tao na sobrang galing magpayo kahit ako ay napayuhan niya na one time. Talagang may pagka kalog lang talaga siya, palagi. So, sobrang umaasa talaga ako dito na magiging matagumpay ang kaniyang pakikipag usap sa babae, sobrang umaasa talaga ako na mangyari iyon. Andito lang ako nakaabang at maghihintay kung ano ang magiging bunga ng kanilang usapan. Sobrang sakit talaga nang pinagdaanan niya. Kailangan ko lang maging patient dahil sobrang nagegreedy ako sa mga impormasyon kapag ako ang kaniyang kausap. Mas maigi si Dan dahil siya ay mas marunong makiramdam kesa sa akin. Hindi ko naman iisipin kung wala siyang makuha dahil mukhang hindi pa handa. Kailangan kong respetuhin siya. What I mean by that is I really need to respect her decision in life. Kailangan niya ng espasyo. So be it. Balik ulit ako sa pag iimbestiga ng solo lang ako. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD