Chapter 5 - We Stand Together

2689 Words
Vince's POV -July 19, 2024- "DOKTOR ILAAG!" sigaw ko ng biglang bumulaga sa amin ang di-pangkaraniwang infected na humahabol sa amin. Nabingi naman ako sa tili ng tatlong kababaihan sa aking likuran at agad namang nakaiwas ang doktor. "Doc, my gadgets are in a wreck here," reklamo ni Josh nang magkanda gulo-gulo ang kaniyang mga gadgets dahil sa pag-iwas ng doktor sa infected. "Ayaw mo naman siguro mamatay tayo dahil sa mga gadget na yan," rebat ni Dan. Naintindihan ko naman ang pagtataray nito at mukhang hindi ito nagustuhan ni Josh. "OH! With-" "MAMAYA NA KAYO MAG-AWAY!" putol ng doktor kay Josh. "Don't you see, our lives are on the line here!" sermon pa ng doktor sa mga ito. "Vince grab the gun and shoot the hell out of it!" utos nito sa akin na agad ko namang sinunod. Kinuha ko ang aking M4-A1 at sumilip sa labas ng bintana para mabaril ang di-pangkaraniwang infected na iyon. Agad ko na naman itong nakita dahil sa laki ng pangangatawan nito. Hinanap ko ang ulo nito ngunit hindi ko ito makita, dahil sa sobrang laki ng mga muscle nito. Parang gorilya talaga ito kung gumalaw dahil sa sobrang laki ng braso nito at hindi tulad ng mga unggoy na yun, hindi malaki ang ulo ng isang ito. Alam kong tao ito dahil wala itong balbon sa buong katawan at may pantalon na sinusuot ng isang normal na tao. Pinagbabaril ko nalang ito sa may bandang braso umaasang matatamaan ko ang ulo nito, ngunit naubusan na ng bala ang magasin ko hindi pa rin ito bumabagal. Kung tutuusin ay kaya ko itong patumbahin gamit lang ang aking mga kutsilyo , pero ayaw ng doktor na malaman nila ito dahil posibleng katakutan nila ako. Pinalitan ko ang magasin ng aking baril at patuloy ko itong pinagbabaril. Dahil sa komosyon na aking ginagawa ay parami na ng parami ang mga infected na humahabol sa amin. Lalong hindi gumaganda ang sitwasyon na ito para sa amin. "Dok, malapit na ba tayo?!" taranta kong tanong sa nagmamanehong doktor. "Malayo pa tayo!" sigaw nito pabalik. "I suggest na bilisan mo pa lalo pagmamaneho, at naabutan na nila tayo!" "I'm trying!" Patuloy pa rin ako sa pagbaril ngunit sa pagkakataong ito ay hinayaan ko na lamang ang di-pangkaraniwang infected na humahabol sa amin. Napagdesisyunan ko nalang na ang mga normal na infected ang aking patayin para at least mabawasan man lang ang haharapin namin sa gate. "Don't worry Vince we will go all out, once we reach the gate," ayan ang gusto ko marinig sa'yo doktor. Ipinasok ko uli ang aking sarili sa loob ng sasakyan nang sabihin ng doktor ang mga katagang iyon. Wala na rin akong rason para mag-sayang pa ng bala. This will be a piece of cake. Those mindless monsters will finally go to rest. Nagpatuloy sa pagmamaneho ang doktor at lumalabas lang ako sa bintana para barilin ang mga infected na kumakapit sa sasakyan. "Hell no!" sigaw ni Josh ng idagil ng di-pangkaraniwang infected ang kaniyang katawan sa sasakyan. Napansin ko naman ang pag-iyak ni Xandra. "Everything will be fine," pagpapakalma rito ni Elle. Taranta namang inaayos ni Josh ang kaniyang mga gadgets na muling nagkanda gulo-gulo. Kumuha ako ng isang molotov, at ihahagis ko sa dambuhalang iyon. Kung di ka man tinatablan ng bala, may ipapalamon ako sa iyong apoy. Sinindihan ko ito at muling lumabas sa bintana. A/N – Ang molotov ay isang uri ng projectile na ibinabato na siyang nagsasanhi ng apoy kapag nabasag dahil sa flammable gas sa loob nito. Ito ay karaniwang nakalagay sa isang bote na may tela na siyang sinisindihan. Focus Vince, Focus. You only have one try and you can't mess this up.  For their sake, don't mess this up; protect those who you once failed to protect. Kinuha ko ang aking pistol sa pantalon at pinagbabaril ang di-pangkaraniwang infected na iyon para maagaw ko ang atensyon nito. Nagtagumpay naman ako sa aking plano dahil sa akin na napunta ang atensyon ng halimaw. Huminga ako ng malalim at hinintay itong makalapit sa akin.  Come to daddy you big old bastard. Nang makalapit ito ay inihagis ko ang bote sa maliit na pagmumukha nito at saka binaril ang bote. "Simula ngayon tatawagin na kitang Gori," biglang nagliyab ang apoy sa buong katawan nito. Naglabas ito ng isang nakakabinging sigaw at nagwala na parang isang hayop. Kainin mo yan! Nagsimula nang magkaroon ng distansya ang sasakyan kay Gori at napahinga naman kami ng maluwag dahil dito. Ngunit sa gulat namin ay lumabas ang pagkarami-raming infected sa aming likuran at harapan. Sh*t! Talagang pinapahirapan mo kami Gori! Lumabas uli ako sa bintana hawak-hawak ang aking baril at pinagbabaril ang mga infected sa harapan. "There's no need for you to go outside Vince and just sit still," utos ng doktor. "Reinforced na ang ating sasakyan, just shoot those who will grab the windows and everyone be alert!" nilabas naman nila Dan at Elle ang kanilang baril. Hindi ko na itinuloy ang aking plano at umupo nalang sa aking pwesto. Lalong pinabilis naman ng doktor ang kaniyang pagmamaneho at isinuot naman namin ang aming mga facemasks, dahil mabaho ang aming susugurin at di rin namin papayagan na makalunok kami ng maduming dugo nito. Nagkalat ang dugo ng aming sugurin ang mga infected at naging garalgal ang kotse dahil sa nagugulungan namin ito. Nagsimula namang magpaputok ang dalawa sa likuran dahil sa mga nakakahawak na infected sa sasakyan habang patuloy sa pag-type sa kaniyang laptop si Josh. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Xandra. "Malapit na tayo! Natatanaw ko na ang gate," anunsyo ng doktor. "Konting tiis nalang," dagdag pa nito. Salamat naman, at mailalabas ko na ang lakas ko sa mga 'to. "Kapag nakarating na tayo sa gate, Josh dumeretso ka na sa pwesto mo at kayong tatlo dito lang kayo sa loob," pag-uutos ko at tumango naman sa akin si Josh. "Oh no you don't mister," reklamo ni Elle. "We can't afford someone risking their lives for us and I can't accept that I will be indebted to someone I loathe," tukoy nito sa amin at para naman sa doktor ang mga huling kataga. "Hindi kami magpapakamatay, tiwala lang at makikita mo mamaya," kinindatan ko ito. "I don't expect anyone to be in debt with my good deeds young lady," sabi naman ng doktor. "Ha! Good deeds?" panunuya ni Elle sa doktor. "Were here!" sigaw ng doktor. "Let's move!" sigaw ko at agad namang lumabas si Josh at ang doktor. Akma namang lalabas ang dalawa hawak-hawak ang kani-kaniyang baril. "At saan naman kayo pupunta? Diba sabi ko dito lang kayo." "We can't bear to be useless anymore Vince and you did most of the work a while ago. I just can't sit here while you are risking your lives out there." "Diba sabi kong huwag! Makinig ka naman sa akin Elle," tumataas na ang tensyon sa aming dalawa dahil sa katigasan ng ulo nito. "Vince, kung di mo kami papayagan sino ang magproprotekta kay Josh, hindi natin maiiwasan na may mga infected na makalapit dito," paliwanag ni Dan at napamaang naman ako sa sinabi nito. Kung tutuusin ay malaki ang punto ni Dan. Bakit ba naman kasi hindi ko ito naisip? Stupid me! "At saka I suggest na ifocus niyo nalang ng doktor ang mga sarili niyo sa mga infected na humahabol sa atin kanina. This way we can utilize our manpower without sacrificing the others," paliwanag muli nito at lalo naman akong napamaang dahil sa galing nito magplano. Sa susunod si Dan na ang ia-appoint kong magplaplano para sa aming grupo at ang sakit sa digdinidad ko bilang isang lider.  "Okay, okay... naiintindihan ko, at isama niyo na rin si Xandra," napahiyang tugon ko kay Dan. Lumabas ang tatlo sa sasakyan at bago man makababa si Elle ay binigyan ako nito ng isang napakasamang tingin. Tumaas ang mga balahibo ko sa leeg nang makita iyon dahil ibig sabihin nun ay lagot na naman ako rito. Good job Vince! Lalo mong kinorner ang sarili mo. Ang mas importante ngayon ay ang madepensahan namin sina Josh. Lumabas ako sa sasakyan at inilabas ko ang dalawa kong dagger na ibinabad ko sa lead, isang kemikal na may kakayanan na patigilin ang brain activity ng isang infected. Dumeretso ako sa doktor at nakita ko itong naghuhubad ng kaniyang labcoat, mukhang magseseryoso ang doktor sa paglaban. Maganda ito para may reference ako sa aking signature moves. Kumuha ako ng isang pill sa aking koleksyon at ininom ito. "Vince, the one who can get the most kills will grant the winner three wishes," sabi ng doktor. "Oh it's on!" binigyan na naman ako ng dahilan ni doktor para ibuhos ang aking buong lakas sa mga infected na pasugod sa amin ngayon. Inihanda ko si Sol at Luna ang dalawa kong pinakamamahal na dagger. "Wanna see my new move?" pagyayabang ng doktor. Agad na humaba ang mga daliri ng doktor at pinorma ito na parang isang sapot ng gagamba. Iniharang niya ito sa mga infected at kagaya ng isang sapot ng gagamba ay isa tong bitag, kapag nakadikit ka na wala ka ng takas at saka niya dinurog ito na parang wala lang. Disgusting. "That's twenty for my new "Spider's Web" ready yourself because you will grant my three wishes young one," panunuya sa akin ng doktor. "Pahayupan pala dok ha," hindi ako magpapadaig sa kaniya. "JV's (John Vincent's) original: Stingray's Dance!" agad ko namang pinahaba ang aking mga braso at inigawayway ang aking mga kamay na parang latigo. Maraming infected ang natamaan ng aking mga kutsilyo, kaya tinawag ko itong Stingray's Dance dahil sa mga ritmo ng galaw ng aking kamay. Parang buntot din ng pagi ang galaw na ito dahil sa mga kutsilyo kong may lason. "That's 26 for me doc," kinindatan ko ito. WAHAHAHAHA. "Not bad kiddo," tawa-tawang komento nito. Nagpatuloy kami sa pagsugpo sa mga infected, habang abala naman ang sina Elle sa pagbukas sa gate. Ipinamalas ko sa doktor ang bunga ng aking mga pagsasanay at ang paggamit sa kaniyang mutation. Sigurado naman akong gulat na gulat ang mga 'yon sa aming likuran dahil sa hindi inaasahang pangyayaring ito. Handa naman na ako na magpaliwanag sa kanila na isa kaming Variant. Variant ang tawag sa aming mga taong infected ng virus at sa halip na maging isa kaming walang kamalay-malay na halimaw ay nagkaroon kami ng mutation. Ang mutation naman ay ang ginawang modification ng virus sa aming katawan na hindi taglay ng isang normal na tao.  Hindi ko alam kung paano pero ang alam ko ay may mutation na nabuo sa aking katawan dahil sa virus at naging immune ako rito. Ganun din ang nangyari sa doktor, sa ngayon ay inaalam ng doktor ang mga nagagawa ng virus at ngayon ay palaisipan pa rin sa kaniya kung paano ito naging posible. Sa teorya ngayon ng doktor ay may kinalaman ito sa blood-type ng isang tao dahil pareho kami ng blood-type which is AB-, the rarest in the whole world. Dahil sa mutation na ito ay nagkaroon kami ng super-human capabilities katulad ng sa doctor na nagkaroon  ng kakayanan na mapahaba ang bawat parte sa kaniyang katawan at ako naman ay may kakayanan na gayahin ang mutation ng iba kapag nakakainom ako ng dugo sa host. Nakadepende din sa dami ng nainom ko ang tagal nito. Sa ngayon ay ginawan ako ng pill ng doktor na gawa sa dugo niya at kaya nitong magtagal ng sampung minuto. Tulad ng normal na tao ay may negatibong epekto ito sa katawan namin. Ang doktor ay mas mabilis mapagod kumpara sa mga average na tao at ako naman ay nakukuha ko rin ang kahinaan ng bawat mutation na ginagaya ko. Malala pa rito ay nananakit ang aking buong katawan kapag bumabalik sa normal ang aking katawan. Kaya sinasanay ko ang aking katawan para mapahaba ko ang aking hangganan sa paggamit ng mutation na ito. Nagsanay ako ng nagsanay para maprotektahan ko sila at ngayon ang araw na iyon. "I guess let's forget about the deal kid," wika ng doktor habang naghahabol ng hininga sa sobrang kapaguran. "I think I should train my body more, I'm getting rusty," habol pa nito. "It's a tie, what a shame," tugon ko habang naghahabol din ako ng hininga sa sobrang pagod. Dalawang minuto nalang ay mawawala na ang epekto ng mutation ko at mananakit na naman ang aking buong katawan. "Status?!" sigaw ng doktor at tinutukoy nito ang pag bypass ni Josh sa security ng gate. "20 minutes more doc!" tugon nito. "I guess we could use some rest," sabi ng doktor at humiga ito sa kalsada. Napagdesisyunan ko na rin na gayahin ang doktor at humiga sa kalsada. Tumingin ako sa kalangitan at pinagmasdan ang ganda nito habang dinadama ang sariwang hangin. Wala na talagang dadaig sa kalikasan, at hindi ito mapapalitan ng kahit anong teknolohiya na ginawa ng tao. Teknolohiya rin ang dahilan kaya nagkaroon ng rason ang mga tao na sirain ang kalikasan.  Nakaramdam ako ng mahinang pagyanig, at hindi ko ito pinansin. Onti-onti kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa lalong lumakas nang lumakas ang pagyanig. "Vince, get up the real trouble is here!" nakita kong taranta ang doktor kaya agad-agad akong bumangon. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita; mabilis na sumusugod sa amin ang tustadong si Gori. Oh s**t this is not good! NOT GOOD! Malapit na ako sa limit ko at ang doktor naman ay pagod na pagod na rin, anong gagawin namin? 'Vincent ingatan mo ang iyong sarili,'  isang pamilyar na boses ang pumasok sa aking isipan. "AAAHHHHHHHHHHH!" sigaw ko dahil sa sakit ng aking buong katawan. Nawala na ang epekto ng aking mutation at heto may isang halimaw na galit na galit na sumusugod sa amin. "Vince, don't worry I'll take everything from here," sinserong pagpapanatag sa akin ng doktor. NO! NO! NO! Ayokong may mawala pa sa akin. AYOKO NA!! Kumuha ako ng isang pill at ininom ito, tumayo ako habang iniinda ang sakit na aking nararamdaman. I'll push myself to my breaking point, if that's what it takes to save everyone. Pumunta ako sa tabi ng doktor at umakbay dito. "Hindi mo kailangan mag-isa dok, nandito ako," binigyan ko ito ng isang malaking ngiti. "Pumunta tayong magkakasama at aalis din tayo rito na magkakasama," dagdag ko pa. Mukhang nakumbinsi ko naman ang doktor at hinarap namin si Gori na pasugod sa amin. Inihanda ko ang aking sarili sa bagyong paparating. "Let's end this in one move," determinado na ito. Tumango ako rito at inihanda ang ultimate move ko. Hindi na talaga ako makakagalaw pagkatapos nito at ang doktor ay lalong manghihina dahil sa sobrang pagod. "Thunder Clap!" lumaki ang dalawang kamay ng doktor at ipinalakpak ito. Napapaatras si Gori dahil sa hangin na ginagawa ng doktor. Alam kong binibigyan ako ng oras ng doktor para ipadala ang finishing blow kay Gori. "JV's Original Sol and Luna Special: Twilight!" tumakbo ako nang pagkabilis-bilis papunta kay Gori habang iniwan ko ang aking mga kamay sa dati kong pwesto sa pamamagitan ng pagpapahaba ng aking mga braso. Nang makalapit na ako kay Gori ay hinayaan kong mag retract ang aking mga braso at full speed at muli ko itong pinahaba patungo sa kaniya. Binigyan ko ito ng isang malaking hiwa sa pamamagitan ng pagkrus ng aking dalawang dagger. Napaupo naman kami ng doktor nang makita namin na natumba ito. For now we'll make sure that he is dead. No more pain in my heart. Naglabas nanaman ng isang nakakabinging sigaw si Gori at sa sobrang gulat namin ay muli itong tumayo. Sa pagkakataong ito ay labas na labas na ang mga ugat nito sa katawan at namumula ito. Naglalabas ng usok ang buong katawan nito at sa isang pikit ng aming mga mata ay nakalapit agad ito sa amin. "Tra-TraAyDoOoR!" sigaw ni Gori habang itinaas niya ang parehong mga kamao. Ipinikit ko ang aking mga mata. So, ganito kami mamatay ha, masaya akong nakilala kita Ell- "Look who's talking now!" iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Xandra na sinipa si Gori at napalayo ito sa amin. "MaGbAAb-baYad ka-KaYoo!" To be continued...                                                                                         -Raging Minds-  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD