Chapter 6 - We Will Not Fall

2234 Words
Vince's POV -July 19, 2024- Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Xandra na sinipa si Gori palayo sa amin. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya dahil ito ang kumuha sa buhay ng kaniyang kaibigan.  "MaGbAAb-baYad ka-KaYoo!" sigaw ni Gori.  Maraming pangyayari ang gumulat sa aming dalawa ng doktor. Una ang pagiging Variant ni Xandra, at ang pagsasalita ni Gori kahit isa na itong infected. Pero ang mas nakakagulat ay ang paglakas ni Gori at mas lalo pa itong bumilis. Hindi katulad kanina ay kayang-kaya namin basahin ang mga galaw niya, ngayon ay halos hindi na namin alam kung ano ang mga susunod na kilos nito. Para bang may isip na ito ng isang tao at sinamahan pa ng kakaibang bilis nito. Hindi ko talaga ito inaasahan. "Can you stand up Vince-san, Dokutā-shi?" tanong nito sa amin. A/N - Dokutā-shi is the japanese translation for Mr. Doctor. "Yes, can you give us time to replenish our strength?" tugon ng doktor sa tanong nito. "Tatlong minuto Xandra-chan," tatlong minuto na rin ang nakakalipas nung inumin ko ang pangalawang pill na naglalaman ng dugo ni doktor.  May pitong minuto pa akong natitira at gagamitin ko ang huling apat na minuto para tuluyan ko nang mapatumba si Gori. Napakatibay din ng isang ito at lalo pang tumibay simula ng lumabas ang mga ugat niya sa katawan. Hindi ko naiintindihan ang mga pangyayari pero lalaban ako. Biglang nawala si Xandra sa aming harapan at sa isang iglap lang ng aking mata ay nakita kong nakatumba na naman ang galit na galit na si Gori.  "Vince," agaw ng doktor sa aking atensyon. "Do you have any idea what manifested in her body?" nagtatakang  tanong ng doktor. Alam kong natutuwa ang doktor sa mga nakikita niya ngayon dahil mas lalo na siyang napapalapit sa katotohanan sa likod ng virus. Hindi niya lang ito maipakita dahil lalo siyang pagsususpetyahan ng aming mga kasama lalp na ngayong may galit si Elle sa kaniya.  Ang ironic lang sa sitwasyon ni Dok dahil siya mismo ang nakadiskubre sa virus at siya rin ang maraming hindi alam tungkol dito. Kung hindi lang sana nagtiwala ang doktor kay Makarov, hindi ito mangyayari lahat.  "Hyper Speed?" nagugulumihanan kong sagot. Binase ko lang ito sa aking nakikita, may pambihirang bilis si Xandra at sa isang iglap ay nakakarating agad ito sa malalayong lugar. Halos hindi masundan ng aking mata ang mga galaw nila, at nakakamangha ang pinapakitang katalinuhan ni Gori. Para bang naibalik dito ang dating katinuan nito nung tao pa siya. "Hermes' Grace!" sigaw ni Xandra at lalo pang bumilis ang kaniyang pagtakbo. Nang makalapit si Xandra kay Gori ay nag backflip ito at sinipa ang baba(chin) ng infected. Muli itong natumba ngunit nahawakan naman ni Gori ang paa ni Xandra. Ibinalibag niya ito ng paulit- ulit at saka ibinato. Grabe ang tinamong sugat ni Xandra dahil sa ginawa ng halimaw. Konting tiis pa Xandra, konting tiis pa. "Kuso ̄ ," rinig naming sigaw ng babaeng hapon.  Tumayo ang doktor at ibig sabihin nito ay hindi niya na kinakaya ang patuloy pang masaktan si Xandra.  A/N - Kuso ̄ is the japanese translation for damn. Damn! Gumapang muli ang sakit sa buong katawan ko ng sinubukan kong igalaw ito. Dalawang minuto pa ay muli na akong makakagalaw at matutulungan ko na rin si Xandra patumbahin ang dambuhalang infected.  "Slingshot!"  Napunta muli ang aking atensyon sa doktor at nakita ko itong nakahawak sa dalawang bato habang umaatras siya para humaba ang kaniyang mga braso. Bigla itong bumitaw at bigla itong bumulusok papunta sa posisyon ni Gori. Pinalaki ng doktor ang kaniyang mga kamay habang nasa ere at nang makalapit siya sa halimaw ay hinawakan niya ito at saka binalibag. Napasigaw naman ito sa sakit ngunit agad itong nakabawi ng lakas at hinawakan ang mga braso ng doktor. Inihampas niya ang doktor sa kalsada ng paulit-ulit at nagkalat ang dugo nito sa daan. Naiyukom ko ang aking mga kamao dahil sa aking mga nakikita, hindi ko na kayang makitang nasasaktan ang aking mga kaibigan.  "Mercury's Wrath!" at biglang napunta si Xandra sa ere at tinuhod niya ang pagmumukha ni Gori. Nabitawan niya ang doktor at gamit ang pambihirang bilis niya ay binuhat niya ang doktor papunta sa akin. "I got this," pagpapanatag sa akin nito. "Dōmo Arigatōgozaimashita Dokutā-shi," nagbigay ito ng respeto sa doktor bago niya ibinalik ang atensyon kay Gori. A/N - Dōmo Arigatōgozaimashita is the japanese translation for Thank you very much. "Xandra," tawag ko rito. "Nani?" A/N -  Nani is the japanese translation for what. "Pwede bang pahingi ng dugo sa iyong mga sugat?" at bigla naman naging awkward ang kapaligiran.  "N-naze?" nagtataka ito habang namumula ang mukha nito. Nagtaka rin ako sa kaniyang naging reaksyon... A/N - Naze is the japanese translation for why. "Hi-hindi i-to katulad ng iniisip mo... A-ayan lang kasi ang naga-activate sa aking mutation," nagiinit ang aking mukha habang dinedepensahan ko ang aking sarili. GOOD JOB VINCE, Napagkamalan ka ngayong p*****t ng isang teenager na hapon.  "Ipahid mo rito sa tela," iniabot ko sa kaniya ang tela. Kinuha niya naman ito at hindi ako makatingin ng deretso sa kaniya. Nahihiya niya itong kinuha sa akin tsaka ipinahid sa tumutulong dugo niya sa ulo. Nahihiya niya itong ibinigay sa akin at agad-agad siyang umalis papunta kay Gori. AHHH! Sobrang nakakahiya iyon. Mag-iingat na ako sa aking mga pananalita sa susunod. "JILL!! BaaAaAKIiiIT!" sigaw ni Gori. Inilagay ko ang tela sa aking bunganga at sinimulan ko ng sipsipin ang dugo ni Xandra dito. Kahit mga dalawang minuto lang ang ibigay sa akin ng ganitong karami na dugo ay sapat na para mapatumba si Gori. Awang-awa ako nang tiningnan ko ang doktor na naliligo sa kaniyang sariling dugo.  Kumirot ang aking puso dahil hindi ko makayanang tingnan ang doktor na siyang nagbigay sa akin ng rason para mabuhay sa ganiyang kalagayan.  "Vi-vince," tawag nito sa akin. "T-the arms," pahiwatig nito bago ito natumba at nawalan ng malay.  Nakuha ko ang ipinarating na mensahe ng doktor. Inilabas  ko si Sol at inilagay si Luna sa tabi ng doktor. Tumayo ako at huminga ng malalim at saka inihanda ko ang aking sarili sa pagsugod. Wag kang mag-alala dok, tatapusin ko na ang halimaw na iyon sa pagkakataong ito. Hindi ko inakala na ganito pala ang mutation ni Xandra. Naramdaman ko ang paglakas ng aking mga hita, at nakaisip na ako ng panibagong move.  Inihanda ko ang aking sarili sa pagtalon at inihanda si Sol. Tumalon ako, at nagulat ako sa taas ng inabot ng aking talon. Sa sobrang taas ay natanaw ko si Xandra na nilalabanan si Gori.  "Xandra!!" sigaw ko at napatingin ito sa taas. Agad itong sumugod kay Gori at ginawa ang kaniyang Hermes' Grace. Natumba si Gori at pinahaba ko ang aking kamay para hawakan ang braso nito.  "JV's Originals Sol Special: Land of the Rising Sun," hinila ko ang sarili ko pababa ng sobrang bilis. Sinipa ko ang braso nito at sa gulat ko ay nakayanan ng aking mga hita ang impact ng aking pagbagsak. Naglabas na naman ng isang nakakabinging sigaw si Gori at nakita kong nadurog ang isang braso nito.  Hindi pa ako tapos! Tumakbo ako papunta kay Gori at hindi pa ako sanay sa bilis ng aking pagtakbo ngayon pero kusang gumagalaw ang aking katawan. Ibinangga ko ang aking sarili sa halimaw na ito at nawalan ito ng balanse. Hindi ito agad naka recover dahil sa isang durog na braso nito, nakakamangha at kahit nakakapit na sa doktor si kamatayan ay hahanap at hahanap pa rin siya ng paraan para matulungan kami  Ginamit ko na ang tsansa na ito para ipulupot ang isa kong kamay sa isang braso ni Gori. Dahil sa lakas ng mga hita ko ay nakayanan ko ang pagpupumiglas ni Gori. "Kainin mo ito!" itinarak ko ang kutsilyo sa ulo nito at lalo ko pang ibinaon. Inulit-ulit ko ang pagsaksak dito hanggang sa di na ito gumagalaw. Nang masigurado kong patay na ito ay inalis ko ang pagkakapulupot ng aking kamay sa kaniyang braso. Hinayaan ko itong matumba at pinanood ito na mawalan ng buhay. Natapos di- Bigla nitong itinaas ang kaniyang isang kamay. Huwag mo sabihing hindi pa sapat ang pagpuro ko sa ulo nito. "Pagod na pagod na ako sa mundong ito," nagsalita ito at sa pagkakataong gumamit ito ng isang normal na boses hindi katulad kanina na garalgal at mala-halimaw na boses. "Jill magkakasama na ulit tayo," may tumulong luha sa mata nito at may parang inaabot ito sa kalangitan. Bumagsak ang kaniyang kamay at tuluyan na siyang nawalan ng buhay. "May you rest in peace." "AAAAAAHHHHHHHHHHHH!" napasigaw ako sa sakit. Nawala na ang epekto ng aking mutation at sa pagkakataong ito ay doble-doble ang sakit. Natumba naman ako dahil hindi ko na maramdaman ang aking mga hita.  "Yabai!" nakita ko na marami pang infected na patungo sa aming direksyon. Kita ko ang iniindang sakit ni Xandra at nanghihina na rin ito. Dito na siguro kami mamamatay... A/N - Very bad or very good, depending on the context and the age of the speaker. Yabai is an adjective denoting that something is bad or dangerous. Its original connotations were that the speaker felt he or she was in imminent danger or was about to be inconvenienced. Inihiga ko na lamang ang aking sarili at- Nakarinig ako ng putok ng baril, hinanap ko kung saan ito galing at nakita ko sila Elle na pinapuputukan ang mga infected.   Elle's POV "We're done!" sigaw ni Josh ng mabypass niya na ang security. Matapos ito ay bigla namang bumukas ang gate. Ipinukol ko ang aking atensyon kay Dan at nakita ko itong nakatulala kina Vince. "Dan wha-" napanganga ako nang makita ko si Vince na sa ere.  WTF?! Bigla nitong pinahaba ang kaniyang isang kamay at ikinapit sa di-pangkaraniwang infected na iyon.  Napanganga ako sa aking nakita... What the hell is going on here? "Dan?" tawag ko sa babaeng hindi man lang kumikibo sa mga nakikita niya ngayon. Hindi ako nito pinansin at hindi ko rin pinansin ang hindi niya pag pansin sa akin. First of all, how did Vince reach that high and how can he do that? Am I dreaming? Sabihin niyo sa akin na nananaginip lang ako. Sana paggising ko ay maayos pa rin ang komunidad na ito at walang infected na nakapasok sa loob ng mga pader. Gigisingin ako ni Dan at ayos lang sa akin na asarin niya ako. Yayakapin ko ito ng mahigpit and I will cherish my moments with my friends. Sinampal ko ang aking sarili para gisingin ko ang aking sarili sa panaginip na ito. Alam kong hindi pa ako nababaliw dahil alam kong hindi lang ako ang nakakakita ng mga pangyayaring 'to. "Hindi ka nananaginip boi," putol ni Josh sa mga iniisip ko. "How the hell are you not shock seeing Vince doing all those things."  "Hindi lang si Vince," nagsalita si Dan habang nakadikit pa rin kay Vince ang paningin nito. "Oh, yes Xandra also has a special trait like Vince," pagbabahagi ni Josh. "Pati si Dok meron din," nagsalitang muli si Dan.  What?!  Hinanap ko si Dok at Xandra habang nilalabanan ni Vince ang dambuhalang infected. Nakita ko si Xandra na nakatayo at naghahabol ng hininga habang ang bastardo naman ay nakahandusay at duguan. Naawa ako rito pero hindi pa kami pwedeng lumapit sa kanila dahil madadamay kami sa dalawang naglalaban. Vince wrapped his hands on the infected's uninjured arm and he charged and stabbed his knife on its head. The abnormal infected dropped and his life gradually fading away. Vince was shocked  when he raised his hand. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong natumba si Vince at sumigaw ito sa sakit. Natanaw ko na maraming infected ang papunta sa aming direksyon.  Sh*t!  They are in danger! "Dan! Stop staring at them, let's move!" utos ko rito at napakurap naman ito ng ilang beses. "Hindi pa naman ako nababaliw no?" tanong pa nito.  "No you're not, let's hurry they are all injured." "Roger," tugon nito. "You know how to use a gun?" tanong ko kay Josh. "Yea," sagot nito at ibinato ko naman sa kaniya ang aking pistol.  "Josh you're assigned to Xandra and Dan go to Doc treat his wounds immediately. I'll go to Vince," I commanded them. Tumango naman sila sa akin at agad-agad kaming kumilos. Dumeretso ako papunta kay Vince na ngayon ay namimilipit sa sakit. Pinagbabaril ko naman ang mga infected na papunta sa kaniya habang patuloy pa rin ako sa paglapit sa namimilipit na lalaki.  "Don't you dare die!" banta ko sa kaniya dahil nakapikit na ang mga mata nito. Napamulat agad ito ng mata at nagulat nang ipaputok ko ang aking baril ng may makalapit sa aming mga infected. "Elle?"  "Relax, let me handle this." Nagpatuloy ako sa pagbaril sa mga infected na sumusugod sa amin. Nagpalit ako ng magasin nang maubusan na ako ng bala at ipinagpatuloy ko ang pagbaril sa mga infected. Inabot kami ng sampung minuto para maubos ang mga infected na sumusugod sa amin. Ibinalik ko ang aking atensyon kay Vince na namimilipit pa rin sa sakit. Lumapit ako rito at nakita ko ang mga sugat na natamo nito sa paglaban sa infected na iyon.  You've been through a lot.  "Vince can you stand?"  "S-siguro." Kinuha ko ang isang braso nito at iniakbay ko sa akin. "Ouch!" napasigaw ito sa sakit. "Endure it." To be continued...                                                                         -Raging Minds-  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD