Chapter 4.2 - Escape

1162 Words
"Magandang balita ito, sa ngayon ay aayusin namin ang van at Josh ihanda mo na yung mga gagamitin mo para sa planong ito, kung kailangan mo ng mga gamit may nakita akong spare parts sa security room. Elle at Dan ihanda nyo na yung mga resources natin. Lahat-lahat na ito sa ating mga pag-uusapan," pagtatapos ni Vince at agad namang kumilos kaming lahat. Pumunta ako sa isang kwarto kung nasaan nakalagay ang mga resources. Habang inaayos ko ang mga resources sa bag ay nakakita ako ng isang notebook na hindi pa gamit at sakto dahil wala pang nakasulat dito kaya gagawin ko na itong diary. Napaisip ako sa sinabi ng doktor kanina, dahil pinabayaan na kami ng gobyerno. Maraming pamilya na naman ang masisira dahil  sa mga infected na 'yon.  I can't take this anymore! I will find a cure for sure! No more families will be broken. I'll promise you that Mom and Dad. And one day we will be united again. Once I finish my mission in this life. Nang matapos ko ng mailagay sa bag lahat-lahat ay napagdesisyunan ko nang dalhin ito sa sasakyan. Nakita ko rin si Dan na tapos na ilagay ang mga medical supplies kaya sabay na kaming pumunta sa sasakyan. "Hey, Dan what happened yesterday?" ngayong may tsansa na ako na tanungin siya. I will not let this pass. " Ah... eh... may narinig kasi akong kalabog kahapon kaya nagising ako, tapos nung may narinig akong putok ng baril ay tumakbo na ako sa pinto tsaka dun ko na sila nakita. Agad ko namang binuksan ang pinto at ayun tinulungan ako ni Vince na papasukin sila, actually tatlo sila kaso yung isa binuwis yung buhay niya para di na tayo madamay kaya nakita mong umiiyak si Xandra-chan kagabi," kwento nito. "Bakit di ako nagising kahapon," takang tanong ko sa sarili ko. "Tulog mantika ka kasi HAHAHAHA," bulahaw ni Dan. Di ko na ito pinansin dahil hindi nanaman ito titigil sa pang-aasar sa akin. Nakarating kami sa van at pansin kong nangangalahati na agad sila sa progreso nito. Nakita kong pawisan si Vince at pagod na pagod na rin ito habang si Josh naman ay busy sa pagta-type sa kaniyang laptop. Kinuha ko ang mga ginawa kong macapuno na pastillas para sa kaniya. "Vince, here pampagana mo," inialok ko sa kaniya ang mga pastillas. Bigla itong napangiti at agad namang kinuha ang mga ito sa aking kamay.  "Kami wala?" pang-aasar ni Dan.  "Here," ibinato ko sa kaniya ang isang supot. "Oh, I put some poison in there," agad namang napaubo si Vince nang marinig ang aking mga sinabi. "Don't worry walang lason yang mga kinain mo," tsaka kinindatan ko siya. Binelatan naman ako ni Dan at ibinahagi sa lahat ang mga ginawa kong pastillas. Pinagmasdan ko ang buong grupo, sana ganito nalang kami palagi masaya at nagkakaisa. Sana... Natapos ang isang buong araw at natapos na rin namin ang preparasyon para bukas.  "Sa unang sinag ng araw ay aalis na agad tayo rito," sigaw ni Vince. Pagkatapos naming maayos ang mga gamit ay pumunta na kami sa kaniya-kaniyang pwesto para matulog. Napansin ko na sa security room na naman pumunta si Vince. Wala bang kapalit na magbabantay sa kaniya, dahil siya rin ang nagbantay sa amin kagabi at tsaka pagod na pagod na siya sa pagre-reinforce sa sasakyan. Bago ko pa man namalayan ay nasa tapat na ako ng pinto sa security room, nagbuntong hininga ako bago ito pasukin. Napalingon siya sa akin at nagulat naman ito sa di inaasahan kong pagpasok. "Ano ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin. "Just checking out on you, I noticed that you always push yourself too hard," sinserong pagkakasabi ko sa kaniya. "Wag mo nang isipin yun, malakas yata 'to," at pinakita niya ang mga muscle niya sa braso. Nakuha pa talagang magbiro, pero napangiti naman ako dahil sa inasal niya. "Matulog ka na, alam kong pagod ka at maaga pa tayong aalis bukas," sambit nito sa akin. "Just don't push yourself too hard, okay?" pagpa-paalala ko sa kaniya. "Yes boss," tsaka sumaludo ito. Natawa na lamang ako sa inasal niya at napailing. Lumabas ako ng kwarto at dumeretso na sa area namin ni Dan. Pagdating ko rito ay nakita kong mahimbing na natutulog habang akap-akap ang unan ko. Kinuha ko ito sa kaniya, at tumabi rito. "My prince," sambit nito. Pati ba naman sa panaginip nangla-lalaki ang bruha.  Ang saya talaga ng araw na ito, ngunit nakakatakot din at the same time. Baka dobleng pasakit nanaman ang bumalik sa akin. Huwag naman sana. Dinapuan na ako ng antok, hanggang sa tuluyan na akong makatulog. .  .  .  .  .  . -July 19, 2024- Nagising ako sa ingay na ginagawa ng sasakyan, tumingin ako sa aking relo. Ala-singko pa lang ng umaga, hindi ko inaasahan na ganito pala kami kaaga aalis. Ang bigat pa ng mga mata ko, gusto ko pang matulog.  "Oh, Elle gising ka na pala," pansin sa akin ni Dan na abala sa pag-aayos ng gamit namin. "Elle-chan, you want coffee?" inabot sa akin ni Xandra ang isang instant coffee na bagong timpla. Kahit di ako umiinom ng kape ay kinuha ko ito para di siya mapahiya. "It's rare for you to be considerate," bungad ni Dan ng makalayo si Xandra. "Nah, I just want her to be comfortable in this group," depensa ko. "Kinulam ka ba?" asar nito. I just rolled my eyes and take a little sip on the coffee.  ANG PAIT! "Handa na ba ang lahat?" sigaw ni Vince. Sumagot ang lahat, bilang pagtugon sa tanong nito. Naghanda kami at sumakay na kami sa sasakyan. Nasa may bandang likuran kaming mga babae at nasa harapan naman ang doktor at si Vince. Habang mag-isa naman sa gitna si Josh habang nakalapag ang mga gadgets niya. "Josh buksan mo na yung gate," utos ni Vince. Bumaba ito sa sasakyan at lumipat naman sa gitna si Vince. "Biglang pahaharurutin ng doktor ang sasakyan kaya maging alerto ka at saluhin mo ang kamay ko, maliwanag?" tumango ito at pumunta na siya sa gate. "Ready?" tanong niya sa aming tatlo at sabay-sabay naman kaming tumango. "3," sigaw ni Josh bilang paghahanda sa pagbukas nito sa gate. "2," nagbuntong hininga ako. "1," huling bilang nito at binuksan niya ang gate. Biglang humarurot ang sasakyan at nabigla ako dahil dito. Dumaan kami sa isang mahabang subway dahil nasa bunker ng hospital ang amin pinagtaguan. May kaunting mga infected naman ang naglalakad dito at hinabol kami. Hindi namin ito pinansin dahil di kami nito maabutan. Nasilayan namin ang sinag ng araw sa labas at lalong pinabilis ng doktor ang pagmamaneho. "ROOOOOOOOOOOOOOOOAR," nagulat kami sa dagundong na iyon at hinanap ko kunng saan ito nanggagaling. May naramdaman kami ng panginginig animo'y may lindol na parating. Nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko ang di-pangkaraniwang infected na nakita ko sa labas ng mga pader. At ang masama ay hinahabol kami nito. "DOKTOR ILAAG!" sigaw ni Vince.  To be continued... Raging Minds
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD