(Special Chapter) - Wrath's Agony

1374 Words
Unknown Person’s POV “MA, TA-TAMA NA PO, HINDI KO NA PO KAYA ANG SAKIT”, pagmamakaawa ko sa aking ina na walang awa akong binubugbog dahil sa natalo na naman siya sa pasugalan. Tinadyakan niya ang aking sikmura ng aking subukang muli magmakaawa. “Ikaw bata ka! Malas ka sa buhay ko, simula ng ipagdala kita sa mundong ito. Halos lahat ng kamalasan ay napunta na sa akin”, sigaw nito. Simula palang nung mabuntis si mama ng aking tatay ay iniwan niya ito at ipinagpalit sa ibang babae. Kasunod nito ang pagtakwil ng kaniyang pamilya sa kaniya. Ngayon ay namumuhay kami sa may Iskwater’s Area ng kamaynilaan kung saan laganap ang kasamaan. Sa murang edad palang ay namulat na ako sa paggawa ng masama, natuto akong magnakaw para lamang may makain ako. Pinaglilimos ako ng aking ina at gagamitin ang kinita ko sa kaniyang mga bisyo. Hindi ko man lang naranasan ang pagmamahal ng isang magulang. Patuloy pa rin siya sa pagbugbog sa akin at halos di ko na makaya ang sakit na ibinibigay sa akin ng aking sariling ina. Hindi ko rin maintindihan kung bakit niya pa ako isinilang sa mundong ito. Sana itinuloy niya nalang pagpapalaglag sa akin, dahil kahit ako ay hindi maintindihan ang aking kasalanan para maranasan ang hirap na ito. Nang matapos na siya sa kaniyang pangbubugbog ay pinalayas niya ako sa bahay. Wala na akong ibang kamag-anak na matutuloyan, kaya dumeretso nalang ako sa may mga basurahan upang mag hanap ng karton na siyang magiging kama ko sa gabing ito.                 ......... Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ang galit na galit kong kaaway. Binigyan pa ako nito ng mabibigat na suntok na siyang nagpamaga sa aking mukha. Itinulak niya ako sa pader at doon ako ay napasandal. Agad naman akong hinarang ng kaniyang tropa at doon ay pinagtulungan akong bugbogin. “The next time you mess up! I can do more than this”, pagbabanta niya sa akin at tsaka sila umalis.  Halos limang taon na ang nakakalipas at ngayon ay disisiyete anyos na ako. Nakapasok ako sa isang unibersidad ngayong kolehiyo na ako, salamat sa pai-skolar ng aming mayor dito sa Biñan. Nagsumikap akong makapasok sa kolehiyong ito para matakasan ko ang buhay ko ngayon. Pera lamang ang nagpapatakbo sa mundong ito, at gagamitin ko ito para makaganti sa mga taong nang-api sa akin. Para saan pa ang hirap na aking tiniis kung bibigay na ako ngayong malapit ko na makamit ang mga pangarap ko. Sa kasamaang palad ay lapitin ako ng mapang-aping mga tao, kaya sanay nang sumalo ng suntok ang aking pagmumukha, at punong-puno ng mapang api na tao ang unibersidad na ito. Tumayo ako at pinagpag ang aking lumang uniporme para pumasok sa aking susunod na klase. Naglakad ako patungo sa silid ng sunod kong klase at dinedma ko nalang ang nagtitinginan sa aking estudyante. Nang makarating na ako sa silid ay nagbuntong hininga na muna ako bago buksan ang pinto. Dumeretso ako sa tabi ni Jill na katulad ko ring scholar, na siyang nakakaintindi sa aking mga pinag dadaanan. “Boi, balita ko nasa Dean’s Lister ka raw “, pagpupuri sa akin nito. Dapat lang talaga dahil grabe ang pag pupursigi ko para makamit lang mga grado na iyon. “What a poor beggar, babayaran lang ni Daddy head ng school nito and boila mas mataas na ako sa kaniya”, rinig kong bulong ng isang babae sa katabi niya. Di na rin ako nagtataka kung hindi ko makamit kamit ang pinakamataas na grado. Pera ang nagpapatakbo sa paaralang ito at basta may perang ka hinding hindi ka babagsak sa paaralan na ito. “What are you looking at? Don’t you dare! Baka kulang pa yang pasa na ibinigay sa’yo ng boyfriend ko”, nandidiring tugon nito nang lingunin ko sila. Binelatan ko ang mga ito na siya namang kinainis nito at iritang umalis sa aming likuran. Buti naman dahil hindi ko makakayanan kaartehan nila. Binigyan naman ako ng isang kinakabahang ngiti ni Jill dahil alam niyang may pinasok nanaman akong gulo. Pumasok na ang guro at nagsimula na ang aming klase. ................ Lumabas na ako sa aming opisina at masayang-masaya ako ngayon dahil wala si boss sa opisina ngayon. Sumakay ako sa jeep at nagbasa ng mga balita sa aking news feed. Clinick ko ang isang balita na may kaugnayan sa bagong lumalaganap na sakit ngayon sa Pilipinas. Ayon dito na nagsimula ang sakit sa Maynila at mabilis itong kumakalat. Kinokontrol ng virus ang mga tao na parang zombies at inaatake ang mga tao. Ang pagkalat ng sakit ay pinaniniwalaang kumakalat sa pamamagitan ng kagat ng mga nagdadala ng sakit. Ipinaliwanag ng mga eksperto na ito ay kahawig ng rabies sa aso. Natakot ako sa aking mga nabasa dahil malapit lang sa lugar namin kung saan nagsimula ang sakit. Nakaramdam ako ng antok at napagpasyahan kong ipahinga na muna ang aking sarili. Nang bigla ako makarinig ng pagsabog, nanlaki ang aking mga mata ng nagkakagulo ng bumaba ang mga tao sa jeep. Di ko alam kung bakit sila nagkakagulo kaya isinantabi ko ang aking sarili at pinanatiling kalma ang aking sarili. Ngunit, nasira ang aking komposyur ng makarinig ako ng sigaw ng isang babae. Agad ko itong nilingon at may nakita akong isang lalaki na kagat-kagat ang kaniyang leeg. Di ko pa man naiisip ay nasimulan ko na ang pagtakbo pababa ng jeep. Dineretso ko ang daan patungo sa aming bahay umaasang buhay pa ang aking asawa. ‘Jill please be alive, please be alive’, pina ulit-ulit ko yan sa aking isipan. Abala ako sa pag-aalala sa aking asawa ng may mabangga ako isang lalaki. Pareho kaming natumba at agad-agad akong tumayo para tulungan patayuin ang lalaki, dahil mukhang hirap na hirap siya. “Manong ayos lang po ba kayo?” tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako nilingon at tila nakatulala siya sa may sahig. Napagdesisyunan kong tapikin ang kaniyang balikat dahil naiintindihan ko naman kung bakit siya nagkakaganon. Nang matapik ko ang kaniyang balikat ay agad niya itong hinawakan at kinagat. Sa sobrang gulat ay naitulak ko siya ng sobrang lakas at nagpatuloy ako sa pagtakbo. Hindi ko na pinansin ang mga tao sa aking paligid. Nakarating ako sa aking bahay at hindi nakalock ang pinto. Kaba ang bumalot sa aking dibdib at dahan-dahan akong pumasok sa aking bahay habang iniinda ko ang sakit sa aking kamay. Pumunta ako sa aking kwarto umaasang mahimbing na natutulog ang aking asawa. Pinihit ko ang hawakan ng aming pintuan at di ko inaasahan ang aking nakita. Nanginginig ang aking tuhod at nanggagalaiti ako sa galit nang makita kong mahimbing na natutulog ang aking asawa kasama ang aking boss sa trabaho. Wala silang saplot at magkayakap pa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin at umagos ang luha sa aking mga pisngi. Minahal ko siya ng higit pa sa aking pagkatao at siya na lamang ang natitira kong kakampe sa mundong ito. Ngunit ngayon wala na, nawala na ang rason ko para mabuhay. ‘Meron pa, ang gumanti sa mga nang-api sa’yo’, bulong sa akin ng di ko makilalang boses. ‘Patayin mo sila at bibigyan kita ng lakas para makapag higanti ka sa mga nang-api sa’yo’, dagdag pa nito. Naiintindihan ko ang mga sinabi niya at agad akong tumungo sa aming kusina at kumuha ng isang kutsilyo. Bumalik ako sa aming kwarto at tumayo sa ibabaw ng aking boss. ‘Patayin mo na, ‘di ba iyan ang gusto mo. Susuportahan kita kakampe mo ako’, bulong muli nito at agad kong itinarak ang kutsilyo sa leeg nito. ‘Isunod mo na siya, tinraydor ka niya. Wala na siyang karapatang mabuhay dahil makasalanan siya’, pangungumbinsi sa akin ng di ko makilalang boses. Lalong umagos ang luha ko ng ilapat ko ang kutsilyo sa leeg ng aking asawa. Nagising ito at nanigas ang kaniyang katawan ng makita ang kutsilyo sa leeg niya. Tiningnan niya ako ng may pagmamakaawa ngunit mas nangingibabaw ang galit ko sa kaniya. “Mahal kita, mahal na mahal tandaan mo yan”, tsaka ko siya binigyan ng halik at gumanti siya sa ibinigay kong halik at saka ko siya ginilitan. At doon ay nawalan na ako ng malay.                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD