Chapter 6.2 - We Will Not Fall

1343 Words
Nagsimula kaming maglakad at nakakita ako ng isang malaking bahay. Naglakad kami papunta sa abandonadong bahay at pumasok dito. Inilapag ko muna si Vince bago ito pasukin para siguraduhin na walang infected na nakapasok dito. Nang masigurado ko na walang infected sa loob ay ipinasok ko na si Vince at inihiga sa isang kama sa isang kwarto sa loob ng bahay. "Josh! Dan! Bring them here!" sigaw ko sa dalawa na buhat-buhat sina Xandra at Dok. Nakuha ko naman ang mga atensyon nito at naglakad papunta rito. Nang makapasok na sila sa loob ay isinara ko na ang pinto at nilock ito. Pumunta naman sina Xandra at Josh sa mga bakanteng kwarto at inihiga ang mga sugatan sa kama. Buti nalang talaga malaki ang bahay na ito at kaya kaming maprotektahan ng ilang araw. Ano kayang nangyari sa mga nakatira rito. I feel sorry for them. Pumunta ako sa kusina para icheck kung may mga naiwang pagkain dito dahil isang araw pa lang ang nakakalipas nang makapasok ang mga infected sa loob ng pader. Nakita kong may stock pa ng bigas dito at mga sangkap. Tiningnan ko naman ang loob ng cabinet at nakakita ng mga first-aid kits. Tinawag ko sina Dan at Josh para ibigay ito at napagdesisyunan kong magluto ng lugaw para sa kanila. Deserve nila ang pag-aalaga namin na ito dahil isinalalay nila buhay nila para maprotektahan kami. Tsaka na namin sila tatanungin kapag maayos na ang kalagayan nila. Sa totoo lang ay gumaan kahit  papaano ang pakikitungo ko sa doktor nang makita ko itong nag-aagaw buhay kanina. Binuksan ko pa ang ibang mga cabinet at naghanap ng iba pang makakain. Nakakuha naman ako ng isang malaking plastic bag at inilagay dito ang mga preservatives at processed food. Kinuha ko naman ang mga tubig sa refrigerator na umaandar pa rin. Hindi pa ata napuputulan ng kuryente sa distritong ito. May mga nakita naman akong chichirya at itinabi ito para makain namin mamaya. Nagsimula na ako sa pagluto ng lugaw nang makuha ko na ang mga kailangan kong sangkap. Nang matapos ko na itong lutuin ay nagsandok ako sa isang mangkok na nakuha ko at kumuha ng kutsara. Dumampot na rin ako ng tatlong bote ng tubig, ang mga gamot at ang first-aid kit na nakuha ko. Dumeretso ako sa kwarto kung nasaan si Vince. Naabutan ko naman itong natutulog at pumunta naman ako sa tabi nito para gisingin. "Vince, Vince wake up. I brought you food and medicines," malumanay kong pagpukaw dito. "H-hey El-elle," pilit nitong bati sa akin. "Don't push yourself." "But I already did." "I'll overlook that," kinindatan ko naman ito. "Hi-hindi ka na galit sa akin?" nag-aalalang tanong nito. Talagang yun pa ang unang inalala mo. "I already have forgiven you Vince, and don't forget what you did there a little while ago," nagpanggap akong galit nang ipaalala ko sa kaniya yung ginawa niya kanina. Muntikan ka nang mapatay ng halimaw na iyon.  Vince I can't lose you. I don't know what will happen to me if you leave me here all alone. Hindi ko masabi sa kaniya ang mga katagang iyan at hanggang sa isipan ko nalang. Nang mapalamig ko na ang lugaw ay kinuha ko ito at sinubuan siya.  "Pakiramdam ko ay kawawang bata ako sa sitwasyon ko ngayon," reklamo ni Vince. "You don't want to be taken care of? Fine." tumayo ako at inilapag ang lugaw sa tabi niya at saka aakto ako na lalabas sa pinto. "Ito naman di mabiro," hindi pa man ako nakakarating sa pintuan ay pinigilan niya na ako. Bumalik ako sa tabi nito at pinagpatuloy ang pagpapakain dito. "Reklamo pa ng reklamo, gusto naman pala. Kung nakikita mo lang sarili mo, maawa ka rin," asar ko rito. "Just be thankful, and thank you," I gave him a sincere smile. "After this take some antibiotics that I got and let me treat your injuries," dagdag ko pa. Pagkatapos maubos ang pagkain ay iniabot ko sa kaniya ang antibiotic at napansin kong hirap pa rin siya gumalaw.  That monster almost killed you and the doctor is barely breathing. I hope he's fine and still I don't want to be indebted to him.  Nang maisubo niya na ang gamot ay kinuha ko ang tubig at ako na ang nagpainom sa kaniya para hindi na siya magtiis ng sakit. Kinuha ko ang first-aid kit at kinuha ang isang alcohol at tela. Nilinisan ko muna ang mga sugat nito at napapatalon ito dahil sa sakit pero ginagawa ko ang makakaya ko para hindi na ito mapatagal. Nang malinisan ko na ang kaniyang mga sugat ay kumuha ako ng isang expandable bandage para mabalutan ang mga sugat nito. Ginamit ko naman ang triangular bandage para sa mga braso niya. Kinuha ko naman ang mga excess na unan para mai-elevate ko ang mga paa niya dahil napansin kong namamaga ito.  Nang matapos ko na siyang mabigyan ng first-aid ay umupo ako sa sahig at ipinatong ko ang aking ulo sa tabi ng kama. "I'll stay here until you fall  asleep," bulong ko rito at nakaidlip ako. . . . . Nagising ako at nakita ko naman si Vince na mahimbing pa ring  natutulog. Tumayo ako at binigyan ito ng isang tapik sa ulo niya. Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas diyes na ng gabi. Matagal din pala akong nakatulog halos mag-aalas onse pa lang kanina ng umaga ng makarating kami rito. Napansin ko namang may dalawang plato ng pagkain sa may mesa at ang isa ay wala ng laman.  Hindi man lang ako ginising at nang ako na sana ang nagpakain.  Pumunta ako sa mesa at kinuha ang plato na may lamang pagkain at nakakita ng isang note sa may tabi nito. 'Hey Elle ito foods oh, kainin mo yan ha dahil ako nagluto niyan and don't worry walang lason yan nor infected ng virus xD. Ako na rin ang nagpakain kay Vince dahil ayaw niyang gisingin ka. Yieeeee  support kita riyan Gurl. Push mo lang yan 'te.                                                                                                     -The One and Only Beautiful and Gorgeous Dan' Napatawa naman ako sa kalokohan ng babaeng 'to at dahil sa maissue pa rin siya hanggang ngayon, dinadamay pa ako sa panglalalaki niya. Kinain ko ang iniwan niyang pagkain at napagdesisyunan kong tingnan ang mga ginagawa nila. Gaya nang inaasahan ko, nakita kong tulog na ang lahat at naisipan ko naman na magpahangin sa labas.  Lumabas ako sa bahay at wala ng mga infected ang gumagala rito. Naubos na ata namin ang mga infected  sa area na ito. Wala lang talagang kwenta ang gobyerno namin ngayon kaya ipinasara ang distritong ito. Incompetent bastards. Tama lang na umalis na kami rito dahil hindi namin maasahan ang mga lider sa loob ng mga pader. Napansin ko naman na may dalawang kumikinang sa may kalayuan. Dahil sa kuryosidad ko ay napagdesisyunan kong puntahan ang mga ito.  Nang marating ko na ang isa ay nakita ko naman ang isang itim na dagger, pinulot ko ito at may nakita akong nakasulat dito. 'Luna' Binaliktad ko ang patalim at nakita ko ang pangalan dito ni Vince. Bigla ko namang naalala ang regalo kong dagger kay Vince. Ah! Bakit nakalimutan kong ibigay sa kaniya yun. Pero nakakatuwa ring isipin na lagi niya iyon gagamitin. Napagdesisyunan kong puntahan ang pangalawang kumikinang na bagay at huhulaan ko na isa rin iyon sa mga dagger ni Vince. Halos masuka ako sa aking nakita nang makalapit ako rito. Nakita ko ang bangkay ng dambuhalang infected na halos hindi ko na makita ang mukha nito dahil sa tadtad ng saksak at durog pa ang braso nito kaya halos makita ko na ang buto sa loob nito. Umaalingasaw rin ang amoy nito kaya napatakip ako sa ilong ko.  Sa pagkakatanda ko ay pinangalanan ito ni Vince pero hindi ko matandaan kung ano.  Mori? Well who cares. He's dead anyway. Nang mahawakan ko ang dagger ay di ko maiwasan mahawakan ang parte ng ulo nito.  At bigla namang may kung anong kuryente ang gumapang sa aking katawan. "AAAAAAAAAAAHHHHHHH!" napasigaw ako sa sakit bago ako mawalan ng malay. To be continued... -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD