Chapter 11.1 - New Roads

1732 Words
 Vince’s Point of View -July 20, 2024- Nabiyak ang lupa? Ngunit wala akong naramdaman na pagbabago lalong lalo na sa aking mga biniti... ang isipan ko nagugulumihanan. Tinatawag ako ngayon ni Elle at ayaw ko naman na magalit pa siya sa akin. It feels weird inside because now that I know that her mutation responded to my Mandella cells. It feels like that I am undergoing on some kind of mutation. Ano pa nga ba ang aking sinasabi? Mutation na nga ito at si Xandra ay isa sa mga tinatawag naming variants sa makabagong mundong ito. I don’t know but there is something that made me question. Now it’s tried to try the extent of this power with the remaining seconds that I have. Inihanda ko ang aking sarili sa pagtakbo at inipon ko ang aking lakas sa aking mga binti. Nang igalaw ko ang aking mga paa, ay ako ay sobrang nagulat dahil sa sobrang lakas ng aking binti, siguradong pagsisihan ko mamaya ang magiging drawback ng kapangyarihang ito. Makakaranas ako ng mas malala pa sa pulikat. Isang hakbang pa lamang iyong ngunit para na akong tumalon sa isang hakbang na iyon. Agad ko naman narating ang tabi ni Elle sa van at may dala dala siyang mga gamit na ilalagay niya sa van. Ang mga gamit na dadalhin lang namin ay ang mga importante sa pagbiyahe dahil may weight capacity din ang mga sasakyan. Hindi ito mag mamatter kung ang mga gamit namin dito ngayon ay kakaunti lamang ngunit hindi. Mga gamit pa lamang ni Allen ay siguradong mapapanganga ka na, dahil alam ko naman na kailangan niya ang mga gamit. Kaya kaming mga hindi naman techy katulad niya ang magaadjust kaya bukod sa kaniya, ang dadalhin lang namin ay mga essential at mga importanteng kagamitan lang namin. Ramdam ko pa rin ang p*******t ng aking katawan dahil hindi naman nagtagal ang aming pamamahinga at kung paano ko pinush ang aking sarili sa laban kanina kay Gori, ngayon ko lang naramdaman ang drawback na ito. Sa totoo lang ay kinabahan ako at baka mamaya ay hindi na talaga ako tuluyang makagalaw. Ngayon, ngayon ko lang ito narealize. Kasi kanina hindi talaga pumasok sa isip ko ang magiging kalagayan ng aking sarili. Talagang pag inaalay mo na ang iyong sarili sa mga kaibigan mo ay magiging selfless ka. Either way naman ay handa na ako sa magiging resulta ng aking mga desisyon. “Hoy lutang ka nanaman,” inis na pagkakasabi ni Elle sa akin at napailing naman ako at bigla namang nag cramp ang aking muscles sa binti. “Aray,” bulong ko. Naexpire na ang mutation, ko at buti ay para lamang isang pulikat ang sakit. Nasabi ko nga na nakadepende sa tagal ng mutation na ginaya ko ang drawbacks. Kahit anong mga pagbabago ang mangyayari sa aking katawan ay hindi maalis ang katotohanan na ako isang tao lamang. At hindi naman na isang bagong bagay na malaman natin na ang katawan ng tao ay punong puno ng kahinaan. Hindi naman kami nag evolve, kaming mga variants. Maari, dahil ito pasok sa konsepto ng evolution ang nangyayaring ito ayon kay Charles Darwin, but still, this is more than something. It’s too sudden. Kung ito ay isang “evolution” talaga ay patitibayin talaga ng mandella cells ang katawan naming mga variants nang naayon sa aming mga mutation. Katulad ko, dapat nagagaya din ng cells ko ang body structures ng mga nagagaya kong mutation, at ang magandang example ay si Xandra. Her cells, strengthened her leg muscles and her body adapted slowly to that. Ngunit ang akin ay biglaan at talagang mabibigla ang aking katawan. Parang isang lumpo na bilgla mong pinatakbo. Kaya ang aking sarili ay pinatitibay ko para maihanda sa drawbacks na ito. Walang perpektong konsepto sa mundong ito, sa iba ang aking kapangyarihan ay magmimistulang parang sa isang diyos, sa kanilang mga mata. Ngunit may kahinaan ako kaya ginagawa ko ang lubos ng aking makakaya upang hindi nila ito malaman. Ang doktor, ang kaniyang mutation ay maextend ang kaniyang limbs, bones. Elasticity kung tawagin ko ito. Normal na nag adapt ang kaniyang katawan doon ngunit naiistress pa rin ito, dahil hindi natural sa isang tao. Saka ipinanganak siyang normal. Ganun ang konsepto naming mga variants. Kaya hindi pwedeng maging arogante kapag nalaman ko na angat na ako ng isang hakbang sa ibang tao. Inilagay ko na sa van ang huling gamit na ibinigay sa akin ng doktor at halos karamihan dito ay ang pagkain na nakuha namin sa mansyon. Ang iba ay malapit na mag expire. At sa mundong ito na punong puno ng mga halimaw at kahit anong oras ay pwede ka rin nila maging pagkain. Mas pipipiliin mo talaga na manatili na lang sa loob, dahil pakiramdam nila ay mas ligtas sila sa loob ng apat na pader ng kanilang tahanan. Hindi ko sila masisisi, dahil alam kong pinahahalagahan nila ang kanilang mga buhay. “Ayos ka na?” tanong ko kay Allen ng lumabas siya sa kaniyang bahay dala dala ang kaniyang laptop. Tumingin siya sa akin na suot suot ang kaniyang tinging na para bang wala siyang pake sa iyo. “Hindi,” tipid na sagot niya sa akin... kahit kailan talaga. Hindi ko na rin siya kinausap pa dahil ayaw ko naman na dagdagan pa ang sama ng kaniyang loob. Lumabas din si Xandra kasunod niya at kagaya ng aking inaasahan ay malungkot pa rin siya sa mga nangyayari. Sumunod naman si Dan, at may nakasabit na jansport na bag sa kaniyang likuran. Nakaramdam din ako ng gutom, pero may panahon diyan. Ang aking binti naman ay nananakit at gustong gusto ko na umupo. Kumpara sa pinagdaanan ko ay maliit na bagay lamang ito. .           .           .           .           .           .           .           .           .           . Nakaupo na kaming lahat ngayon sa loob ng van, ang tatlong babae naman ay nasa likuran, kung saan banda ang pinakamahabang upuan, at sinolo naman ni Allen ang gitnang parte. Kagaya lamang ng dati. Si doktor at ako naman ay ang nasa unahan dahil magpapalitan kami sa pagmamaneho ng sasakyan. “Dok, sigurado ka ba na dapat na tayong umalis ngayon?” tanong ko sa kaniya dahil nag aalala naman ako sa kalagayan ng aking mga kasama ngayon. Tumingin ako sa likuran upang maka sigurado. “Gustuhin ko man na makapanatili pa ng ilang araw rito at mamahinga ay hindi pwede,” sagot niya sa akin at nag aalala siyang tumingin sa akin. “Sa mga tao sa loob ng sasakyang ito, ikaw lamang ang inaasahan ko na tanging makakaintindi sa akin,” paalala niya. Tumango ako sa kaniya. “Hindi ko nakakalimutan yan doktor,” ganti ko. Pinihit niya ang susi sa keyhole at pinaandar niya ang makina. Umugong ito ng napakalakas na tunog at ang mga infected na malapit sa amin ngayon ay siguradong ma attract ng tunog, ngunit hindi na iyon importante dahil na sa mas lubhang mabilis ang sasakyan kesa sa kanila. Tao lang din naman sila. “Hindi natin alam kung ano nag tumatakbo sa isip ni Makarov, ang mga panahon na pakiramdam natin ay ligtas tayo ang pinakadelikado at alam kong danas mo na iyan, maraming beses na,” paalala niyang muli sa akin. “Naiintindihan ko,” pagkumpirma ko sa kaniyang sinabi. Pinaandar niya ang van at dumaan naman kami sa gate na nabuksan ni Allen. Patungo kami ngayon sa Laguna at siguradong mahabang daan ang aming tatahakin bago makarating sa Makiling. “Kung hindi mo naman masasamain ay saan ba tayo pupunta talaga?” tanong ni Dan sa doktor. Tumingin siya sa salamin na nakasabit upang silipin ang mga ito at ako naman ay ipinukol ang aking atensyon sa labas. May mga infected na ang atensyon ay nakuha namin kaya pinipilit nila kaming maabot. “Sa Calamba sa aking kaibigan, at nasabi ko na sa inyo na may sibilisasyon sila doon na malayo sa kabihasnan kaya kakaunti lamang ang infected ang makikita mo sa lugar,” wika niya. “Nais ko lamang makasigurado dahil ayaw ko ng makakita ng mga infected na katulad nun,” tugon ni Dan sa doktor. “Tapos kayo, ginulat nyo kaming tatlo,” dagdag na wika niya. “Sasabihin din naman namin sa inyo ito,” wika ng doktor. “Alam kong hindi pa kayo handa, pero Xandra, gaano mo na katagal tinatago ang mutation mo?” tanong niya. Alam kong binabago niya lamang ang daloy ng usapan. Sa pagkakataon naman na ito ay naintriga din ako sa mga sinabi ng doktor kaya sumilip din ako sa likuran upang makita siya. Halatang halata sa kaniyang mukha ang labis na kaba. Masasabi ko na napepressure siya sa mga tingin namin at hindi ko naman talaga siya masisisi kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Tumingin lamang siya sa amin at talagang makikita mo sa kaniyang mga mata ang pagkahiya at hindi siya sanay na mahot seat kagaya ng nangyayari ngayon. Ayos lang iyan, masasanay ka rin sa mga ganitong sitwasyon. Ibinuka niya ang kaniyang bibig ngunit walang salita o anumang tunog ang lumbas dito, at kami naman dito ay nag aabang lamang na may sabihin siya. Well, ano pa nga ba ang inaasahan namin? “Sa nakita naming dalawa ay mukhang bihasa ka na sa pag gamit ng abilidad mo,” dagdag na komento pa ng doktor at ako naman ang nakaramdam ng pagkapahiya sa kaniyang sinabi dahil dinadagdagan niya lamang ang pressure na nararamdaman ni Xandra ngayon. “I’m sorry,” wika niya sa mahinang boses, at ramdam ko ang pagsisisi at lungkot doon. “Dok, wag muna ngayon,” wika ko sa kaniya ng mapansin ko iyon. Mukhang nagsisisi pa siya sa mga sinabi ni Allen. The sudden hit of realization inside her mind might be too much for her. At mukhang walang pake si Allen sa inaasal ng kaniyang kaibigan. Nakaramdam naman ako ng pagkainis pero naiintindihan ko siya at ayaw ko na dumagdag pa sa problema nilang dalawa. Kahit naman yata ako ay maiinis pag nalaman ko na pwedeng mailigtas pa ang aking kaibigan sa panahong mahina ako. Tumingin na lamang ako sa kawalan at nagpapasalamat ako sa doktor na nakinig siya sa akin. Dinama ko na lamang ang hangin na dumadampi sa aking mukha at pinagmasdan ang kagubatan. Napakaraming hayop na akong nakikita ngayon, ngunit may mga infected nga lamang. Ano kaya ang naghihintay sa amin sa mga kalsadang ito? -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD