Chapter 10 - Kaniyang Nakaraan

1586 Words
Unknown Person's POV -January 30, 2020- "Red Alert! Red Alert! This is not a drill!  This is not a drill!" anunsyo ng tao na nasa announcement room. "An intruder infiltrated the facility. Please evacuate immediately. I repeat evacuate immediately," paliwanag nito. Nagulat naman ako sa mga sinabi niya dahil nasa kalagitnaan ng kabundukan ng Sierra Madre ang aming pasilidad, at malayo sa mga pamayanan. Kataka-taka rin dahil kami-kami lang na nasa loob ng lugar na ito ang nakakaalam ng mga impormasyon ukol sa proyektong ito, tsaka hindi naman kami tumatanggap ng mga panauhin na walang kinalaman sa proyekto at stay-in kami rito maliban sa mga bumibili ng aming mga pangangailangan sa pang araw-araw katulad ng aming pagkain. "Dr. Davila!" tawag sa akin ni Regine, ang aking assistant. "Let's go!" tawag niya sa akin. Agad naman akong natauhan at hinabol siya. Ako nga pala si Ronaldo Davila isang siyentipiko na pinagaaralan ang kakayanan ng isang tao. Nireresearch namin ngayon ang isang microorganism na tutulong sa sangkatauhan na maboost ang evolution process. Isang organismo na maglalagay sa amin sa pinakatuktok ng pyramid. Napakacrucial ng impormasyong ito at hindi maganda na may iba pang nakakaalam tungkol dito, lalong lalo na  hindi pa ito handa na matanggap ng nakakarami. Maari itong magdulot ng krisis sa bansa o kaya sa buong mundo. "Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Regine na patuloy pa rin sa pagtakbo. "Sa emergency exit malamang," sagot niya sa akin. Tumigil ako sa pagtakbo at napatigil din siya ng mapansin ang aking ginawa. "Anong ginagawa mo?" tarantang tanong niya sa akin. "Go ahead," wika ko sa kaniya. "May dadaanan lang ako," lahad ko sa aking balak.  Nawala ako sa aking balanse ng biglang may naganap na pagsabog, natumba naman si Regine at agad naman akong tumakbo papunta sa kaniya para alalayan siya patayo. "Delikado na ang mga nangyayari," nag-aalalang ani niya. "Don't worry, pagkatapos ko masigurado na secured ang files susunod agad ako," pagpapanatag ko sa kaniya. Itinayo ko siya at agad naman siyang umayos sa pagkakatayo. "Delikado na para sa'yo ang mga nangyayari," tukoy ko sa bata sa kaniyang sinapupunan. Oo, may nangyari sa amin at kaming dalawa pa lamang ang nakakaalam nito. "Pangako, babalik ako ng buhay," hinawakan ko ang kaniyang kamay. Itinulak ko siya palayo sa kaguluhan at tumakbo naman siya palayo habang binibigyan ako ng nagaalalang tingin. Be safe. Agad ko namang tinahak ang papunta sa aking main office para siguraduhin na hindi maaccess ang mga impormasyon na nakalagay dito. Kung tama ang kutob ko ay habol din ako ng nag infiltrate sa pasilidad na ito. Kaya hindi ko na rin papayagan na madamay pa rito si Regine at ang magiging anak namin. Binuksan ko ang office at binuksan ang aking computer para itransfer ang lahat ng files sa aking flash drive. Para akong pinagsukloban ng langit at lupa nang lumabas sa aking monitor ang dalawang salita. ACCESS DENIED Sa pagkamalas ko nga naman oh! Bakit ngayon pa may nakapasok sa aming system, dapat ay impenetrable ang security namin. Napaatras ako dahil buong mundo ang nalagay sa panganib at ang mga impormasyon na hindi dapat mapasakamay ng ibang tao ay nakuha na. Alam kong naitest na namin ito sa ibang human subjects at maganda naman ang resulta pero, hindi pa ito tapos at handa.  "BAKIT!!" sigaw ko. Hinambalos ko naman ang aking lamesa para mahulog ang mga gamit na nakapatong dito. Nagwala ako ng nagwala para mailabas ang frustration na aking nararamdaman ngayon. "What a great sight," isang malamig na boses ang nagpatayo sa aking mga balahibo. Nilingon ko ito at inaasahan na siya ang aking makikita. "Makarov," asik ko. "I'll take that as your warm welcome," panguuyam niya. "Bakit mo ginawa ito?" tanong ko sa kaniya. "Kung harap-harapan ko ba hihingiin sa iyo ang impormasyon, ibibigay mo ba?" pang-aasar niya sa akin. "The answer is obvious, kung pinapagana mo yang maliit mong utak," pang-iinsulto ko sa kaniya. Nakita ko naman na nagbago ang kaniyang ekspresyon at nainis sa aking mga sinabi. Nilapitan niya ako tinutokan ng maliit na baril.  "Tingnan nalang natin ang magagawa mo, once na maipakalat ko na ang iyong proyekto sa buong mundo," natatawa-tawa niyang ika. "O kaya tawagin ko na lang ito na isang virus," pahabol niya pa na siya ko namang ikinainis. Akma ko sana siya susuntukin pero idiniin niya sa aking noo ang barin para mapatigil ako. "Madali lang naman gumawa ng mga maling impormasyon at idiin sa iyo ang sisi," bulong niya habang inililibot ang tingin. Nakita ko itong tsansa kaya hinawakan ko ang kaniyng baril para maalis sa pagkakatutok sa akin. Naiputok niya naman ito dahil sa gulat at tumama sa isang picture frame na nakasabit sa aking opisina. Hinigpitan ko ang aking pagkakahawak at pinilipit ang kaniyang braso para mabitiwan ang baril. Napasigaw naman siya sa sakit habang sinusuntok ang aking sikmura gamit ang isa niya pang kamay.  "Tingnan na lang natin kung magagawa mong kunin," umikot ako sa direksyon kung saan siya nakaharap at ginawa ang ippon seoinage o ang single arm shoulder throw. Ibinalibag ko siya at namilipit naman ito sa sakit. "How'd you like that?" panguuyam ko sa kaniya. Agad naman siyang tumayo at agad niyang ginawa ang kaniyang fighting stance. Kaniya namang ipinagalaw ang mga daliri na animong sinasabi niya na atakihin ko siya. Hindi ako nagpadala sa kaniyang mga balak at inihanda ang aking sarili sa kaniyang mga gagawin. "Magtititigan na lang ba tayong dalawa rito maghapon?" asar niyang tanong. "Hindi," sagot ko. "Kung kasingliit ng utak ko ang utak mo," panunuya ko. Epektibo naman ang aking plano dahil ikinaasar niya ito at inatake ako. Binigyan niya ako ng dalawang suntok na siya namang naiwasan ko at agad ko namang inilapit ang aking distansya sa kaniya para bigyan siya ng isang malakas na uppercut. Tumama ang aking atake at nawalan naman siya ng balanse kaya binigyan ko kaagad siya ng sipa sa sikmura para matumba siya. "Asan na ang yabang mo ngayon? Wala ka naman palang binatbat," pag aangas ko sa kaniya. "Ito lamunin mo," agad niyang itinutok sa akin ang baril na kaniyang nabitiwan kanina at ipinutok ito. Natumba ako sa sakit dahil tumama ang bala sa kabilang braso ko. Hinawakan ko ang tama at ininda ang sakit para mapigilan ang pag-agos ng dugo.  "Marumi kang lumaban," bulong ko. "Sino bang nagsabi na nasa isang match tayo?" natatawa niyang komento. "Hindi muna kita papatayin dahil may kailangan pa ako sa'yo," nagtaka ako sa kaniyang mga sinabi. Itinutok niya sa akin ang baril at umupo para mapalapit sa akin ang kaniyang mukha. "Soon, you'll see how I destroy this world with this creation of yours," pananakot niya sa akin at agad ko naman siyang dinuraan. Binigyan niya naman ako ng isang sapak na siya namang ikinatumba ko lalo, tumayo ito pumunta sa aking PC na pinatay ko naman kanina bago ako magwala. Binuksan niya ito at nagaabang na mag boot ang system. Sa pagkakataong ito ay talagang nagtaka na ako, dahil inaakala ko na siya ang nang hack sa aming system. "WHAT THE FRICK IS THIS?" napasigaw siya ng makita niya rin ang dalawang salita na aking nakita kanina. Agad naman siyang bumalik sa akin. "Sabihin mo sa akin kung paano ko mabubuksan ang iyong computer kundi papatayin ko ang iyong mga kasamahan," kumuha siya ng isang cellphone at ipinakita ang isang screen kung saan naroon ang tatlo ko pang kasama na hawak-hawak ng kaniyang mga tao.  "Doc! Wag na wag mo ibibigay sa kaniya ang impormasyon handa na kaming mamatay," sigaw ni Tristan. Sinapak naman siya ng tao ni Makarov. "Hindi ko alam paano!" sigaw ko sa kaniya at pagsasabi ko ng katotohanan. "Pakawalan mo na sila! Ako lang naman kailangan mo," pagmamakaawa ko sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin?" taka naman niyang tanong. "May nang h****k sa system namin at kinuha ang lahat ng impormasyon na nakasave," amin ko sa kaniya. "M!" sigaw niya at hindi ko naman iyon naintindihan. Kumuha siya ng isang radyo at itinapat ito sa kaniyang bibig. "HANAPIN NIYO SI M AT PIGAIN ANG BAWAT PATAK NG IMPORMASYON SA KANIYA!" nanggagalaiting sigaw nito. "Hindi ko inakalang tatraydurin mo ako ng ganito," bulong nito sa sarili. "Boss paano itong mga hostage?" tanong ng isa sa kaniyang tauhan. "Patayin mo na sila," utos nito.  "HUWAG!" sigaw ko. Nakarinig ako ng tatlong putok ng baril na siya namang ikinalumo ko. "As for you, kailangan mo na ring mamatay dahil wala ka rin namang silbi," kaniya namang itinutok ang baril sa akin at akma na niya kakalabitin ang trigger. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinihintay na bumaon sa akin ang bala. Narinig ko ang putok ngunit wala akong naramdaman na sakit. Nasa kabiliang buhay na ba ako? Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita si Regine na nakatumba kasama si Makarov. Nagulat naman ako sa aking nakita. "Anong ginagawa mo rito?"  "Inililigtas ka!" sigaw ni Regine. Buong lakas ko na binuhat ang aking sarili para malapitan siya. Ngunit nagulat ako sa dugo na dumadaloy sa kaniyang tagiliran. Naroon ang isang kamay ni Makarov na hawak-hawak ang isang kutsilyo. Agad namang natumba si Regine at doon na ako napatakbo sa kaniya. Itinulak naman ni Makarov ang katawan ni Regine at lumayo rito. "REGINE!" sigaw ko. "HAHAHAHA, ayan ang napapala ng mga pakialamera," panguuyam niya.  "MAGBABAYAD KA!" binigyan ko siya ng mga matatalim na tingin at hindi naman ito nagpatinag. Muli niyang kinuha ang radyo. "Blow this place up," bulong ni Makarov sa nasa kabilang linya. Muli akong nakarinig ng putok ng baril. -Raging Minds-  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD