Chapter 11.2 - New Roads

1669 Words
Vince’s Point of View -July 20, 2024- Limang oras na ang nakakalipas at patuloy pa rin kami sa pag biyahe. Manila hanggang Laguna ay hindi aabutan ng isang araw noon, ngunit ngayon na ang mga kalsada ay nahaharangan na ng mga sirang sasakyan o kaya nagibang building, ay talagang napipilitan kami na maghanap ng ibang routa. Kaya naman namin na alisin ito sa aming mga sarili. Ngunit mas ligtas kung iiwas kami na makakuha ng atensyon. This place is full of unknown. Marami namang abandonadong gas station dito. Kaya hindi na rin namin magiging probema ang gas. Ibinuka ko ang aking mga mata at napakadilim na ng paligid ngayon. Ilang oras ba ako nakatulog. Tumingin naman ako sa doktor na nakatingin lamang sa kalsada. Umayos ako ng upo at huminga ng malalim. “Dok, ako na riyan,” wika ko sa kaniya at nagboboluntaryo naman ako na makipagpalit sa kaniya. “Alam kong masakit pa ang katawan mo, magpahinga ka lang diyan,” ganti niya sa akin at dinig naman sa kaniyang boses ang pagkapagod. Dagdag na rason para ipagpilitan ko na magpahinga muna siya, saka magmamaneho lang naman ako ng sasakyan. “Pareho lang naman tayo ng laban na pinagdaanan,” wika ko sa kaniya. “Alam kong kailangan din ng iyong katawan ang pahinga, hindi lang naman ako ang nabugbog ng halimaw na iyon,” dagdag ko pa. Napansin ko na nag dadalawang isip pa siya. “Dok hindi niyo naman kailangan pasanin ang lahat ng pasanin sa problemang ito,” wika ko sa kaniya. “Hindi ko talaga maalis sa isip ko na ako ang nagdahilan ng lahat ng ito,” wika niya sa akin. “Si Makarov,” pagpapaalala ko sa kaniya dahil ikinwento niya sa akin lahat. “Gusto ko lang naman mapabuti ang buhay ng mga tao,” dagdag pa niya. “Alam ko dok,” ganti ko. Gusto ko na maramdaman niya na may nakaka appreciate sa kaniyang mga ginawa. “Pahinga lamang ang kailangan ng inyong katawan at isipan kaya ako na ang magmamaneho,” dagdag ko pa. Huminga siya ng malalim at ibinuga niya ito. Tumingin siya sa akin. “Salamat,” wika niya sa akin at napangiti naman ako. Itinabi niya ang sasakyan sa lugar na kakaunti lamang ang infected na pagala gala at sinigurado namin na walkers lamang ang mga ito. Dahil kung mga runners ang mga ito ay wala kaming magagawa kundi labanan sila. Bumaba siya sa sasakyan at ako run ay kinalas ang seatbelt na nakakabit sa aking katawan. Bumaba ako sa van, at umikot. Nagpalit lamang kami ng upuan ngayon. Tulog din naman ang apat sa aming likuran at hindi naman sila nagising sa aming ginawa. Nang makaupo na ulit kami sa loob ng sasakyan ay pinaandar ko na ulit ang sasakyan at nagpatuloy kami sa aming paglalakbay. .               .               .               .               .               .               .               .               . Ilang minuto na ang nakakalipas ay gising na gising pa rin ang doktor. “Hindi pa po kayo inaantok?” tanong ko sa kaniya. “Hindi pa, at saka binabantayan kita at baka mamaya ay maligaw ka nanaman diyan,” sarkastikong pagkakasabi niya at ako naman ay mahina na lamang na natawa sa kaniyang sinabi dahil tandang tanda ko pa kung ano ang kaniyang tinutukoy. Pinagmaneho niya ako noon at sa ibang bayan kami nakarating kaya nalate siya sa meeting kaya simula noon ay hindi niya na ipinagkatiwala sa akin ang pamamaneho. “May mapa naman ako dok,” wika ko sa kaniya. “Ah basta, maigi na rin na nakakasigurado ako, baka mamaya si Bicol pa tayo mapunta,” may paninindigang pagkakasabi niya. “Alam niyo doc, nagpapanic lang kayo, wala kayong dapat ipagalala sa akin,” natatawang pagkakasabi ko sa kaniya dahil medyo totoo naman. “Nasaan na po ba tayo ngayon?” pahabol na tanong ko naman sa kaniya. “Oh nakita mo na,” wika niya. “Oo na dok, ako na ang walang sense of direction,” sabi ko sa kaniya para makalma na siya. “Nasa Makati na tayo,” pagkakasabi niya. Bumaba naman ang aking balikat nang marinig ko iyon dahil malayo pa pala kami sa Laguna. Naramdaman ko naman na nagrereklamo na ang aking tiyan. Tumingin ulit ako sa doktor. “Pwede po bang tumigil muna tayo saglit?” tanong ko sa kaniya. “At bakit nanaman?” ganting tanong niya. “Nagugutom ako,” nahihiyang sagot ko sa kaniya. Kanina pa nung bumyahe kami nararamdaman ko na ang aking gutom at gusto ko munang tumigil ngayon sa isang gilid at kumain. Hindi naman ako pwede magmaneho habang nakain dahil nalipad ang aking isip sa tuwing ngumunguya ako at lalo na kapag nasasarapan ako sa aking pagkain. Baka mamaya maaksidente pa kami. “Ako na nga magmamaneho,” wika niya. “Dok naman mabilis lang ako kumain e,” depensa ko naman sa aking sarili. Wala na siyang nagawa kundi napahinga na lamang. “Gusto mo sabayan mo na rin ako kumain,” aya ko sa kaniya. “O siya sige, itigil mo sa ligtas na lugar ang sasakyan,” wika niya. “Ayon naman pala e,” masayang pagkakasabi ko at nagpatuloy ako sa pagmamaneho. Palinga linga naman ang aking mga mata upang makahanap ng tamang lugar kung saan ko ititigil ang sasakyan. Nakakita ako ng isang bakanteng lote. At saka isa pang rason bakit nagiging mabagal ang aming paglalakbay ay dahil sa tunog ng sasakyan. Katamtaman lamang ang andar para tahimik, hindi naman maingay ang tambutso ng sasakyan. Saka na modify na namin ito para sigurado. Ang tanging maririnig na lamang ay ang muffled na ugong ng makina na hindi naman maririnig ng mga infected. Yep, may certain decibel ang hindi mo dapat mareach para hindi mo makuha ang atensyon ng mga infected. Kaya pag iingat na lamang ang dapat mong gawin. Ipinark ko ang sasakyan sa bakanteng lote na iyon at dahil nasa likuran namin inilagay ang mga pagkain at tinanggal ko ang seat belt at binuksan ko ang pinto ng sasakyan at ganoon din naman ang ginawa ng doktor. Bago ako bumaba ay lumingon muna ako sa likuran upang tingnan kung ano ang nangyayari sa kanila. Gaya ng inaasahan, ay mahimbing pa rin silang natutulog. Matulog lang kayo riyan. Bumaba naman ako at dumeretso na ako sa likuran kung saan naman ako hinihintay ng doktor. Ginamit ko ang susi para buksan ang pintuan at nang marinig ko ang click ay narelease naman ng hatch kaya bumukas ito. Nagtulong naman kami sa pagbukas. Gusto ko ng lutong pagkain ngayon... Well, wala namang infected dito at hindi naman nila ginagamit ang kanilang pang amoy sa paghanap ng pagkain. Ewan ko kung paano nila nadidistinguish ang tao sa infected. Siguro ay may parang pheromones silang narerelease katulad ng sa langgam para malaman nila na kacolony nila ang ibang langgam. Ang mahalaga ay masosolo ko ang pagkain. Inilabas ko ang gasul. “Ano gagawin mo riyan?” tanong sa akin ng doktor. “Magluluto,” nakangiting sagot ko sa kaniya at sinamaan nanaman niya ako ng tingin. “Hay nako, may magagawa pa ba ako?” tanong niya sa akin. “Wala,” at mahina naman akong tumawa. Kumuha ako ng mga panluto, at diposable na kagamitan para sa pagkain. Wala namang paghuhugasan dito. Saka limitado lang ang tubig namin. “Magluluto na ako para sa ating lahat upang makakain na tayong lahat bago lumarga ulit,” wika ko sa kaniya dahil hindi naman ako makasarili. May mga kamatis, toyo, at iba pang kondimento akong kinuha. May ganito talaga kaming supply kasi nga nasa loob kami ng isang sibilisasyon bago ito. Talagang iisipin namin na magkaroon ng isang sustainable na pamamaraan para makapag produce ng mga foods. Kinuha ko si Luna dahil gabi naman, ang isa sa aking mga dagger upang gamitin na pang hiwa, I know, I know... Malinis ito! Hinuhugasan ko ang mga dagger ko pagkatapos ko isaksak sa mga infected ito. Nagsimula ako mag hiwa ng mga sangkap at si doc naman ay kumuha ng ilang lata ng sardinas, at bigas upang magsaing habang ginagayak ko pa ang mga ingredients. Tumulo ang aking luha... Hindi ko mapigilang mapaluha sa tuwing makikita ko ito, at... Hinihiwa. O sibuyas hindi mo talaga mapigilan na hindi ako paiyakin. Ang sakit mo sa mata. Hindi ko alam bakit napagtripan ka pa ng mga tao gawing sangkap. Mga martyr ata naka diskubre dito... binilisan ko ang paghiwa at baam! Natapos na rin. Ayos din. Sakto kakatapos lang din ng doktor na magsaing. Ngunit may mga kaluskos akong narinig na siya namang pumukaw ng aking atensyon. Hindi ko naman mapigilan ang aking sarili na hindi mapatingin doon. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lamang ako sa aking pagluluto. Nang ilagay ko na ang kawali sa ibabaw ng apoy ay may nakita naman akong gumalaw sa sulok ng aking mga mata. Hindi ko na ito ipagkakamali sa pagkakataong ito. Sigurado na ako sa aking nakita. May tao nga rito. “Dok, pakigisa muna may pupuntahan lang ako,” pakiusap ko sa kaniya sa ako tumayo. Rinig ko ang tanong niya ngunit hindi ko ito maintindihan at nagpatuloy ako sa paglalakad sa direksyon kung saan ko napansin ang aking nakita. Hindi ako pwede magkamali dahil sigurado ako run. May tao rito. Immune naman ako kaya kung makagat ako wala rin iyong epekto sa akin. May hilera ng halaman dito at doon ko nakita na may parang isang ulo na lumubog doon. Para bang pinapanood kami. Pinasok ko ang mga halaman, ngunit wala akong nakita. Pinakiramdaman ko ang paligid ko. Nang makaramdam ako ng paggalaw ay kaagad ko itong sinunggaban. Nakaramdam ako ng katawan aat sigurado ako na hindi ito infected dahil kung isa man siyang infected ay sigurado ako na ako ang susugudin nito imbes na takbuhan. “Pakawalan mo ako!” sigaw niya at base sa boses niya ay isang batang lalaki ito. Kaagad naman akong tumayo habang mahigpit akong nakahawak sa kaniyang kamay. Wala akong balak na pakawalan ang batang ito.  -Raging Minds-  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD