Chapter 18 - Stay Safe

1580 Words
Elle’s Point of View -July 28, 2024- Nang sugudin naman kami ng infected na ito na hindi namin kilala, pero mukhang isang fresh infected ito, ay kaagad namang humarang si Vince at sinuntok ito. Kayang kaya niya naman na labanan ang mga ito. Bumagsak ang aking panga... Hindi kagaya ng aking inaasahan ang nangyari... Umiwas ito sa kaniyang suntok, at kaagad naman itong gumati ng kalmot sa kaniyang katawan na siya namang napasigaw sa sakit si Vince. Sa pagkakaalam ko ang mga infected ay wala ng isip... wala na silang isip... Masyado ata akong nakampante sa mga nangyayari. Para bang may isip ito. Umakto rin ito na parang isang tao kanina which is hindi na bagong bagay... Ininda naman ni Vince ang sakit at kaagad siyang napatayo at sinuntok ang infected habang hindi ito nakatingin sa kaniya. Pero bago pa man ito bumagsak sa sahig ay ginamit nito ang kaniyang mga kamay para makatayo ulit at sinalubong naman siya nito ng isang uppercut. Mas lalo akong napanganga ng makita ko ito. Pakiramdam ko ay hindi infected ang kalaban niya... kundi isang tao. Gusto ko man ipagpilitan sa aking sarili na isang infected ang kaharap niya ngayon ay hindi ko magawa. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi naman ako ganun kagaling sa pakikipaglaban. Hindi naman pumayag si Vince na hindi makaganti at naglaban sila ng suntukan at hindi ko naman maintindihan ang kanilang mga kilos. Mabilis ito at halos hindi ako makasunod. Pero, kaagad itnumba ni Vince ang isang shelf na katabi ng infected. Sinubukan naman nito na pigilan ang pagkahulog nito. Ang galing. Aware siya sa kaniyang paligid. Pero hindi ito ang tamang panahon para maamaze sa aking mga nakikita. Geez. Ikinasa ni Vince ang baril at pinaputok ito. Umalingawngaw naman ang tunog sa paligid at ang kalabog naman ng bakal na shelf na bumagsak sa kaniya. Hindi na siya nag alangan pa na iputok ito sa kaniya. I get it... it’s because of pity. Sigurado naman ako na nadurog ang katawan ng infected na infected na nadaganan nito. I almost felt bad for her. Naririnig ko pa ang sigaw nito sa sakit at kung minsan naman ay nakakapags salita ito ng parang isang tao at hindi ko naman mapigilan na maawa rito, ngunit kaagad naman akong nakarinig ng putok ng baril at sigurado naman ako na sa pagkakataong ito ay binaril niya na ito sa ulo. Natahimik naman kami pareho. .               .               .               .               .               .               .               .               .               . - July 29, 2024- Ilang oras na ang nakakalipas at naririto pa rin kaming dalawa naka kulong sa loob ng tindahang ito. Sinubokan naman namin na pindutin ulit ang pulang buton na pinindot ko kanina at wala nang nangyayari. There must be some counter mechanism for this one. Pero hindi namin macrack ang code kung paano. Siguro dahil madilim ang paligid at hindi ako makakita ng ayos. Nawala na rin ang mga infected na kanina ay narito sa labas. Kaya sinusubokan na namin kung paano makalabas. Nag suhestyon naman si Vince gamitin ang muscle amplification niyang pill, para siraan ang mga bakal na nakaharang ngayon sa buong pasilidad. Kaso hindi ako sumang ayon sa kaniya dahil gagawa lamang ito ng napakalakas na ingay na siya naman uling tatawag sa mga infected. Hindi ko rin alam kung gabi na o umaga pa. Hahanap kami ng mas ligtas na paraan para makalabas dito. Tumingin ako sa kaniya, na himbing na himbing pa rin sa kaniyang pagtulog. Dan’s Point of View Ako nga pala si Dan, ang iyong kalog na abogada na palaging on the go sa landian! Char. Speaking of that word, landian. Mukhang naenjoy naman ng dalawa ang kanilang supposedly “alone time”. YIEEEEE! Sobrang kinikilig ako ngayon. Matatanda naman na silang dalawa. Kaya ayos na sila gawin ang ganung bagay, If you know what I mean hehehe. “Hey Dan!” tawag sa akin ng doktor. Napalingon naman ako sa kaniya. Ako na lang ang dapat na gising sa aming magkakasama ngayon dahil alam naman naming lahat na ako dapat ang nagbabantay sa oras na ito at wala na silang gagawin kundi ang magpahinga. Nag volunteer naman ako dahil gusto ko malaman kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa habang solong solo nila ang lugar. Bawat detalye ang gusto kong malaman kapalit nang pagbigay ko sa kanila ng pagkakataon na masolo ang lugar. I want to know the story between them. Natatawa ako sa aking sarili nang maalala ko nang kumbinsihin ko siya na gawin ang planong ito. Pa ayaw  ayaw pa siya, nung una, gustong gusto naman. Hay nako, akala ko hanggang nobela na lang ako makakakita ng ganun. Mas masaya pala pagmasdan ang mga karakter pag nangyayari talaga ito sa totoong buhay. Sobrang nawiwili talaga ako na panoorin sila. “Number one fan talaga ako ng dalawang iyon,” bulong ko sa aking sarili. “Hoy!” bigla naman akong nabalik sa realidad nang sumigaw ang dokto. Ngingiti ngiti naman akong napatingin sa kaniya. “Sorry po,” paghihingi ko ng paumanhin sa kaniya. “Ano nga po ulit ang sinasabi niyo?” tanong ko sa kaniya ulit. “Sabi ko nasaan yung dalawa?” inis na pag uulit niya sa kaniyang sarili. “Ah eh,” napaiwas ako ng tingin sa kaniya. “H- hindi ko po alam,” pagsisinungaling ko sa kaniya. “Sasabihin mo o sasabihin?” tanong niya ulit sa akin at seryoso na ang tono ng kaniyang pananalita ngayon. Para sa aking mga kaibigan... Huminga ako ng malalim at ipinikit ko ang aking mata. “Hindi ko nga po alam,” wika ko sa kaniya nang imulat ko ulit ang aking mata. Ngayon ay ansabi ko na ito nang maayos. “Aalis ako, hahanapin ko sila kung hindi mo alam,” napatakip naman ako ng aking bibig baka mamaya maabutan niya ang aking mga friends na ginagawa yung thingy. No no no... Don’t ruin the romance between them. Napatayo agad ako at hinawakan ko ang kaniyang kamay para mapigilan siya paghanap sa dalawang love birds ko. “Uhmm, actually nagpaalam sila sa akin, hehe,” kunware na pag aamin ko sa kaniya. “Ano ang sabi nila sa’yo?” tanong niya sa akin at napangiti na lang ulit ako. “And that I can’t say,” wika ko. “Hmm, jusmiyo, ano ba talaga?” asar na tanong niya sa akin. “Kapag wala pa po sila bukas ng umaga ituturo ko na po sa inyo kung saan sila nagpunta,” wika ko at ang aking mga approach ay hindi gumagana sa kaniya. Wala pa namang isang araw na hindi sila nabalik saka kasama niya si Vince no. Isa siyang malakas na lalaki at kahit ako ay hindi niya kasama pakiramdam ko na safe na safe si Elle sa panganib. For now, I will give them the time that they will need in the world. “Sige...” May suspicions pa rin sa kaniyang boses at least nakumbinsi ko sila. Hehehe. I can’t wait to hear the story on what happened between them tomorrow. .               .               .               .               .               .               .               .               .               . Iminulat ko ang aking malalagkit na mata at naiinitan ako ngayon dahil sa sikat ng araw. Ramdam ko naman na naliligo ako sa pawis ngayon dahil wala naman akong electric fan na nakatutok sa akin ngayon. Bumangon ako napansin ko naman na gising na sila Naamoy ko naman ang noodles na kanilang niluluto para almusal. “Tinanghali ka na ng gising wala pa rin sila,” wika niya ng mapansin niyang gising na ako. Kaagad naman akong napabangon. “What?” “Wala pa rin sila, saan ba talaga nagpunta ang dalawa?” nag aalalang tanong ng doktor. “Hindi porket immune na kami sa virus ay ligtas na kami sa napakadelikadong mundong ito,” dagdag pa niya at tumingin siya sa akin deretso sa mga mata. “Kapag may nangyaring masama sa dalawang iyon, tandaan mo na ang kanilang mga dugo ay nasa iyong mga kamay.” Ay! Grabe naman mangonsensiya si dok... nawalan ako ng gana tuloy kumain. Hinugot ko ang face towel sa aking bulsa at pinunasan ko ang aking tuyong laway at mga muta. “Tara na nga,” aya ko sa kaniya. “Kumain ka muna,” aya niya pabalik. “Ayaw kong magkaroon ng dugo sa aking mga kamay,” ganti ko sa kaniya. Epektibo pangongonsensiya niya at hindi ako mapakale hanggang sa makita ko ulit ang dalawa na ligtas. Sigurado naman ako na tapos na sila by now. Akma akong umalis at kagaya ng aking inaasahan ay hindi niya natiis na umalis ako mag isa at sumunod siya sa akin. Dere deretso naman akong naglalakad at sinundan niya naman ako. “Asaan sila?” tanong niya sa akin. “Sundan mo lang ako dok,” sagot ko sa kaniya. Alam ko yung market na pinuntahan nila dahil ako ang nakakita nito at alam na alam ko rin kung saan ang daan. Masyado akong nagmamadali dahil sobrang kabado na talaga ako ngayong salamat sa ginawa ng doktor sa akin. Geez. Lumiko ako sa isang eskinita at napatigil ako dahil kumpolan ang mga infected sa lugar na ito, at lalo naman akong kinabahan. “Tabi,” wika ng doktor at pinahaba niya ang kaniyang mga kamay at mabilis niyang nilinis ang daan. Hindi nagtagal ay narating ko ang tindaha- It does not look like what it used to be. Oh geez. Balot na balot ito ng bakal. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD