Chapter 17 - Shootout

1654 Words
Elle’s Point of View -July 28, 2024- Bigla na lang nagputukan ang baril at nakapaibabaw naman sa akin si Vince ngayon dahil sa ginawa niya kaninang pag sugod sa akin at kami ay nagpagulong gulong naman sa lupa. Magkatinginan kami ngayon. Pero kaagad itong naputol nang magputukan nanaman ang mga baril. Napakalakas na ingay ang kanilang ginagawa... Maraming infected ang mapupunta rito. Nakita ko naman si Vince na aktong iinumin ang isang pill. Naalala ko nanaman ang mga pwedeng mangyari sa kaniya kaya mabilis akong nag react doon. Hindi pwede na makita ko ulit na nanghihina siya. Hinding hindi na ako papayag. Saka maraming infected kaming kakaharapin mamaya. May dala akong baril at agad ko itong hinila at ipinakita sa kaniya. “Huwag mo nang balakin pa,” bulong ko sa kaniya. “Bakit? Sinusubukan nilang patayin tayo,” wika niya sa akin. “Edi tumakas tayo,” suhestyon ko sa kaniya. “Ngunit alam na nila kung nasaan na tayo,” dagdag pa niya. “Kahit na ito may baril tayo oh,” binato ko naman sa kaniya ang isang pistol. “Ayan ang gamitin mo kesa sa saktan mong muli ang iyong sarili,” dagdag ko pa. Ayoko nang malaman pa ang mga susunod na mangyayari kapag pinanood ko lamang siya na inumin ang pill na iyon. Hinding hindi ko na talaga makakaya na may mawala pa sa aking mahal ko... Mahal ko siya, oo, bilang isang kaibigan. Kaagad namang tiningnan ni Vince ang bala sa magasin ng baril at kaagad niya naman itong binalik nang makita niyang may laman pa ito. Wala yatang tiwala sa akin ang mokong. Hindi naman ako nag abala na maghintay pa rito... kesa naman sa hintayin ko silang makalapit pa sa akin. Kailangan ko humanap ng paraan para makatulong sa kaniya. Hindi naman ako makakapayag na nakaupo na lang ako rito. Maigi na lang kung ang aking mutation ay mainam na pang laban. Ngunit hindi e, ano ang gagawin ko? Lapitan sila para mahawakan ang kanilang noo at basahin ang kanilang isip? Tapos papahangain ko sila? Napakagandang ideya naman yon. Gumapang naman ako sa mga shelves na ito na siya namang nagbibigay sa akin ng proteksyon. At hindi naman magtatagal ang shelves... para maprotektahan ako rito. I need to find some sort of blind spot. A blind spot that will catch them off surprise. Narinig ko naman na gumanti ng putok itong si Vince. Hindi ko alam kung sino sila at ano ang pakay nila. Posible... Na tao sila nila Makarov. Si Makarov... Hindi ko alam kung sino siya pero narinig ko siya sa mga kwento ng doktor pero hindi naman ako masyadong nakikinig sa kaniya. Ang bilis naman nila na masundan kami... Kaagad ko namang nakita ang isang counter at lumingon naman ako at nakita ko naman na nakapokus ang mga kalaban kay Vince. May mas rason ako na humanap ng kung ano mang pwede makatulong para sa aming pagtakas. Kaagad naman akong nakarinig ng mga ungol... isang ungol na hindi ko gusto marinig. Maraming mga infecteds ang nasa labas ngayon. Dahil sa ingay na ginagawa nila ngayon. Kaya mabilis naman akong gumapang at ginawa ko naman ang lahat kong makakaya para hindi nila ako mapansin dahil ayaw ko naman na magbigay ng ilang problema pa sa kaniya. Narating ko naman ang counter at may nakita akong isang red button sa counter. Ano kaya ang magagawa nito? Hindi na ako nag alinlangan pa at kaagad kong pinindot ang red button na iyon. Hindi ko alam kung gumagana pa rin ang kuryente sa lugar na ito, pero mas maigi iyon kesa sa wala akong ginagawa diba... Ang mga emergency lights ay kaagad namang bumukas ngunit hindi ito puting ilaw... mga pulang ilaw ang pinagliwanag nito. Ako naman ay nalilito sa mga nangyayari. Nagulat naman ako nang tumunog ang isang malakas na wang wang.  Geez... Mas lalo lang ako nag attract ng atensyon sa labas. Hindi ko naman inexpect na ganito ang mangyayari sa amin. Geez... I don’t want to hurt anyone anymore. Napaka advance naman ng tindahang ito para sa nagmumukhang bodega. Talagang totoo nga ang kasabihan na do not judge a book by its cover. Talagang magsisisi ako na inisip ko yun. Narinig ko naman ang pagkalampag ng mga metal at ang masakit na pakinggan na paggisgis nito sa pader. Halatang luma na nga ang makinarya nito pero gumagana parin. Natigilan ang putukan dahil mukhang pare pareho kaming naapektuhan ng masakit sa tenga na tunog na iyon. Ako ay nakatakip sa tenga ngayon gamit ang aking mga kamay para hindi ako masyadong maapektuhan sa tunog na iyon. Napatingala ako nang mapansin kong nagdidilim ang paligid. Jesus... totoo ba ito? Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ngayon. Alam ko ang security measure na ito. Kapag ninanakawan ang isang bangko... parang ganito ang nangyayari para kulungin ang mga magnanakaw sa loob... lahat ng bintana ay natakpan ng makakapal na metal sheet. At ang narinig ko naman na masakit sa tenga ay ang metal sheet na gumagapang sa mga pader. Matagal na itong hindi nagagamit kaya ganoon, masyado nang mahina ang paggana nito. Naging mabagal ang proseso, at unti unting nagdilim ang paligid dahil ang buong paligid ay matatakpan ng makakapal na bakal. Ngunit kami naman ay makukulong sa loob, pero mahuhuli namin ang mga gustong pumatay sa amin yun ang magandang mangyayari. Sigurado naman ako na isang pill lang ni Vince ay enough na para talunin sila. Oo, against ako sa aktong iyon kanina... pero ngayon ay aprubado na ako. Hindi ko naman inaasahan na mangyayari ito. Kaya kahit manghina si Vince ay hindi na namin aalalahanin pa ang mga infecteds sa labas, at may panahon kami para maundo ang mechanism na ito. Kaagad ko namang hinila palapit sa akin ang isang kawayan na nakakalat lamang sa paligid. Hindi ko na alam ang aking mga sunod na gagawin. Tumigil naman na ang putukan ng baril saka sigurado naman ako na hindi nila kami iiwan at alam naman ni Dan ang tungkol sa lugar na ito. Kung matagalan man kami rito sa loob ay may pagkain naman na sapat para masustentuhan ang aming pangangailangan sa loob ng mahabang panahon. Isang malakas na kalabog naman ang aking narinig nang biglang tumahimik ang lahat.  Hindi ko mapigilan ang sarili kong kuryosidad... Kaya napasilip naman ako.  Madilim ang paligid kaya hindi ko masiyadong makita ang mga nasa malayo. Kaya pinahaba ko ang aking pasensya at naghanap ako ng tamang pagkakataon para kumilos. May flashlight akong dala dahil isa itong necessity. Ngunit sa sitwasyon namin ngayon... Ibibigay ko lamang sa aking mga kalaban ang aking kinaroroonan ngayon. Ano pa nga ba ang dapat kong gawin... Ang tama ay ang mag stay put na lang ako sa isang gilid na ito... Hihintayin ko si Vince na tawagin ako. Ang naririnig ko lang ngayon ay ang mga ungol ng mga infecteds sa labas at ang t***k ng aking puso ang tangi ko lamang na naririnig ngayon. Isinandal ko ang aking likod sa medyo masanga na counter na ito dahil sa gumagapang na halaman na tumubo rito. Hindi na ulit sila nagpapaputok. Baka nagpapakiramdaman la- “Hoy” “AHHHHH!” sigaw ko at kaagad ko namang hinampas kung sino ang humawak sa aking braso. Paulit ulit ko siyang pinalo. “Aray aray aray...” Napatigil naman ako ng dahan dahan ng marealize ko sa aking sarili na pamilyar ang tunog ng kaniyang boses. Shemay. Kaagad ko namang nabunot ang aking flashlight at binuksan ito. Nang magliwanag ang flashlight ay nakita ko si Vince na hinaharang ang kaniyang mga kamay sa akin, siguro ay para protektahan ang kaniyang mga sarili mula sa aking malalakas na palo. Kaagad ko namang naitago ang kawayan sa aking likod gamit ang isa kong kamay at binigyan siya ng isang matamis na ngiti, umaasang kagatin niya ang paing. “A- asaan na sila?” nag aalangang tanong ko sa kaniya. “Tumakbo nang gawin mo...” tuminging tingin siya sa paligid. “Ito...” “Dahil yan dito oh,” at itinuro ko sa kaniya ang pulang button na pinindot ko kanina. Hindi ako sigurado kung paano ko ulit mapapagana iyan pero sigurado ako na iyan ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito. “Mukhang kailangan muna natin pahupain ang nangyayari sa labas,” wika niya. Sang ayon naman ako sa kaniyang sinabi... “K- kuya,” kaagad naman kaming napatigil nang may narinig kaming babae. Asaan iyong babae na iyon... Shemay... Sa mga naranasan ko hindi na katiwa tiwala ang ganitong uri ng sitwasyon... Delikado ito at kailangan naming mag doble ingat lalo na ngayon na hinahanap namin kung sino man iyon. “Variant naman na tayo pareho,” wika niya. “Masakit makagat,” ganti ko naman sa kaniya pilit ko namang ginagaya ang kaniyang boses na hindi ko naman magawa. Geez... “Ha, ha,” pilit na tawa niya pa. “Salamat na lang sa lahat,” asar na tugon ko sa kaniya. “K- kuya?” Muli naming narinig ang tining ng isang babae sa loob ng tindahang ito. Madilim ang paligid. Maaring tao, at maaring isang infected ito which is na highly possible, sino ba ang nasa tamang isip para mag stay dito? Wait... may punto... maraming pagkain dito... Aghh Elle... Pareho naman naming binuksan ang aming flashlight... At magkabilaan kaming naghahanap. Nag eecho ang kaniyang boses kaya hindi namin talaga matukoy kung saan nanggagaling ang tunog na iyon. “I- ikaw ba yan k- kuya?” Nang muli naming marinig ang kaniyang boses ay nanggagaling na ito sa aming harapan. Pareho naming naitapat ang flashlight namin sa kaniya. Nagulat ako nang makita ko na... Tao? Hinarap kami nito... Ngunit ang kaniyang kilos ay iba ang sinasabi sa amin. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at pulang pula ang gitna nito. “KUYA?!” sigaw niya at unti unti nagiging garalgal ang kaniyang boses. Kaagad naman siyang sumugod sa aming dalawa. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD