Chapter 19 – Brotherly Talk

1612 Words
Vince’s Point of View -July 29, 2024- Tinipon ko sila ngayon, dahil may importante akong sasabihin sa kanila ang mga nakita ko sa tindahan na iyon. Ang daming nangyari kanina, marami silang kailangan malaman tungkol doon. Ang mas kagulat gulat ang mga infected na nagkaroon ng sariling isip. Maituturing ko na sila na isang special infected, dahil sobrang nagulat ako sa angking talino nila. Hindi man ito tulad nung sila ay nasa tamang katinuan pa. Ngunit naging kagulat gulat. Sino ba naman ang mag aakala ana ganun kabilis ang pag evolve ng virus? Ramdam ko ang kanilang pag tingin sa akin at ngayon. Si Elle naman ay nagpapahinga ngayon dahil alam kong pagod siya sa nangyari. Tinipon ko sila ngayon... “Maraming nangyari, may mga taong gustong pumatay sa amin,” panimula ko. Napansin ko naman na nanlaki ang mata ng doktor kagaya ng inaasahan kong reaksyon mula sa kaniya. Pareho kami nang iniisip ngayon. “Nasundan na kaagad tayo ni Makarov?” tanong niya sa akin. “Maaari, pero baka isa lamang sila sa mga tao na nauna sa tindahan,” wika ko sa kaniya sa mga posibilidad. Nadala pa rin namin ang mga resources na nakuha namin mula doon. “Posible, pero hindi natin pwede isugal, na magtagal pa rito,” wika niya at nang marinig ko naman iyon mula sa doktor, ay hindi ko naiwasan na mapatingin kay Ellis. Alam kong ayaw niya pang umalis sa lugar na ito. Dahil sa kaniyang yumaong kapatid. Alam kong sariwa pa rin ang sugat sa kaniyang puso pero hindi ko naman kaya na iwanan na lang siya rito mag isa. “Ellis,” tawag ng doktor sa kaniya at kaagad naman akong napatingin sa kaniya pabalik dahil hindi ko nagustuhan ang kaniyang ginawa. Pero hindi na ako umangal dahil naiintindihan ko naman na hindi na namin maiiwasan ang ganitong sitwasyon. Napatingin ako kay Dan pero may isang ngiti siya na hindi ko naman nagustuhan kaya tumingin ako kay Allen, na siya namang walang pake sa mga nangyayari. Lumapit naman si Ellis sa doktor at wala siyang kamalay malay sa aming usapan ngayon dahil abala siya paglilinis ng aming pinagkainan. Hinayaan ko ang doktor, dahil may tiwala naman ako na alam niya ang kaniyang ginagawa. “Alam ko ang nararamdaman mo ngayon, pero kailangan na nating umalis,” seryoso at malungkot nag pagkakasabi niya sa bata. Nagulat naman siya nang marinig iyon. “B- bakit po?” utal na tanong niya sa doktor. “May mga taong gusto pumatay sa amin,” pag aamin niya. “At kung tutuloy pa rin kami rito ay siguradong macocorner nila tayo at kukuyugin,” dagdag pa niya. “Kayo naman po ang gusto nila patayin diba,” kahit may galang ang tono ng kaniyang pananalita ay pakiramdam ko na nabastos doon ang doktor. “Iwan niyo na lang ako rito, kaya ko naman mabuhay mag isa,” galit na wika niya bago tumakbo palayo. Akma ko na sana siyang hahabulin kaso pinigilan ako ng doktor. “Hayaan mo muna siya,” seryosong pagkakasabi niya. “Mamayang gabi aalis na tayo,” dagdag pa niya at hinila ko naman ang aking kamay. “Paano kung hindi siya bumalik?” tanong ko naman sa kaniya. “Hindi naman natin pwede na ilagay natin ang ating mga sarili sa panganib, dahil ayaw ng batang iyon,” wika niya. Ha? Nabingi ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko nagustuhan ang mga salitang iyon na nagmumula sa kaniya. “Naririnig niyo po ba ang sarili niyo dok?” tanong ko sa kaniya. “Hindi niya ba nakikita na isang bata iyon?” dagdag na tanong ko pa sa kaniya. “Alam ko,” mahinahay na pagkakasabi niya. “Bakit nagawa niyong masabi na iwan natin ang bata?” tanong ko ulit sa kaniya. “Yun ang kaniyang desisyon,” tipid na ganti niya sa akin. “Ganun lang?” tanong ko. “Vince, walang patutunguhan ang pag uusap na ito, babalik ang batang iyon sigurado ako at hayaan natin na siya ang mag desisyon para sa kaniyang sarili,” seryosong pagkakasabi niya saka siya tumayo at naglakad palayo sa akin. Napansin ko naman na tumigil siya sa paglakad. “Posibleng nakamanman na sa atin ang mga taong sumubok na patayin kayo, at huli na  ang aking desisyon na aalis tayo mamayang gabi wala o nariyan ang bata, alam kong alam mo ang magagawa ng kaniyang grupo,” dagdag pa niya bago siya tuluyang umalis. Naiwan naman kami run at sa sulok ng aking mga mata ang dalawa ay nakatingin sa akin, siguro ay nagulat sa aming naging palitan. Basta ako hindi papayag na aalis kami rito na wala si Ellis. Hinarap ko ang kabilang direksyon dahil nais kong sundan ang bata na tinakbuhan kami. Gusto ko siyang makumbinsi, alam kong ako ang itinalaga niyang lider ng grupo... pero sa realidad siya pa rin ang kanilang susundin. Hindi ko na mababago ang kaniyang isip at hindi naman ako isip bata... Kaya kahit pagod pa ako sa mga nangyari ay tumakbo ako upang hanapin si Ellis. Gusto ko siya makausap. Kung bakit ayaw niya sumama sa amin. Alam kong hindi pa niya kaya ang mabuhay mag isa. Tinungo ko naman ang kaniyang tambayan. Malapit sa saradong pabrika dahil doon ko siya madalas na nakikita. Mabilis naman akong naglakad dahil kalaban ko ang oras ngayon. Hindi naman ako nagkamali nang makita ko siyang nakaupo doon, ramdam ko ang kalungkutan niya. Kaya dahan dahan naman akong lumapit sa kaniya at dahil nga ay nalamon na siya nang kalungkutan ay hindi niya napapansin ang aking presensya. Umupo ako sa kaniyang tabi, at mukhang naramdaman naman niya ang aking pagdating. Kaya saglit siyang napatigil at dahan dahan niya namang iniangat ang kaniyang ulo para tingnan ako. “Kuya Vince,” tawag niya sa akin at garalgal ang kaniynag boses. “Ganda ng paglubog ng araw ngayon no,” pansin ko sa kahel na kalangitan dahil sa palubog na ang araw. Tumingin siya doon. “Maganda nga po,” pagsang ayon niya sa akin. “Ako rin nawalan ng kapatid,” kaagad na pagkakasabi ko sa kaniya. Alam kong nagulat siya sa aking sinabi. “Alam mo ang mas masakit? Siya pa yung nagligtas sa akin,” wika ko. “Nakakabatang kapatid ko pa iyon babae din,” dagdag ko pa sa kaniya. “Talaga po?” tanong niya sa akin at ttumango naman ako. “Ang pangalan niya ay Grace, ako dapat ang magpoprotekta sa kaniya pero...” kumirot ang aking puso nang maalala ko ang mapapait na ala alang iyon. Hindi ko gusto na maalala ulit iyon. “Ako ang pumoprotekta sa kaniya, pero ang nangyari sa dulo... siya ang pumrotekta sa akin,” mapait na dagdag ko pa. “Pareho pala tayo kuya,” remarka niya. “Oo,” napapikit na lang ako ng aking mga mata. “Pero alam mo pa ang pagkakapareho natin?” tanong ko sa kaniya. “Hindi ko po alam,” matapat na sagot niya naman sa akin. “Ako alam ko,” wika ko sa kaniya at bahagya naman siyang natawa sa aking sinabi. “Alangan po kayo po ang magsasabi,” ganti niya sa akin biro at hindi ko rin maiwasan sa aking sarili na matawa rin sa aming naging palitan. “O siya o siya,” wika ko at tumawa pa ako ng bahagya. Tapos sumeryoso naman ako. “Dahil ginawa nila iyon dahil mahal nila tayo,” wika ko. “Ang gusto nila ay mabuhay tayo at ayaw nilang mapahamak tayo, kailangan natin mabuhay para sa kanila,” dagdag ko pa. Hindi siya gumanti sa aking nasabi. “Sigurado ako na ayaw kang nakikita ng kapatid mo ganiyan, hanggang sa dulo ay minahal ka niya,” matamis na pagkakasabi ko sa kaniya. “Sasama ka ba sa amin?” hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at tinanong ko na siya kaagad. “Kuya,” tawag niya sa akin at sa pagkakataon namang ito ay tumingin ako sa kaniya at nakita ko pa rin ang malungkot na mukha ni Ellis na siya namang masakit para sa akin. “Ang problema po ay hindi tayo magkapareho kagaya ng sinasabi niyo,” wika niya at binigyan ko naman siya ng isang nagugulumihanang tingin. “A- ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko sa kaniya. “Kuya, ayaw ko talagang umalis dito,” pag aamin niya sa akin. “Seryoso ka?” tanong ko sa kaniya, at hindi naman ako makapaniwala sa kaniyang sinasabi sa akin ngayon. “Bakit?” tanong ko pa sa kaniya. “Kuya, hindi ko kaya na malayo sa kaniya, at gusto ko pang mabuhay pero dito,” sagot niya sa aking tanong. “Marami naman akong natutunan sa inyo sa saglit nating pagsasama at kahit hindi ako katulad niyo ay pipilitin kong mabuhay,” dagdag pa niya. “Sigurado ka?” muli kong tanong sa kaniya at sa pait nga naman ng tadhana ay tumango siya. “Hindi ko talaga gusto ang mga nangyayaring ganito,” dagdag ko pa. “Walang may gusto na mangyari ito kuya, pero buo na po ang aking loob,” ganti niya at rinig ko naman sa kaniyang tinig na buo na nga ang kaniyang loob. “Sa isang kondisyon,” wika ko. “Ano po iyon?” tanong niya. “Doon ka sa lugar na ituturo ko maninirahan,” sagot ko. “Basta po hindi ako aalis dito,” pagpapaalala niya sa akin at tumango naman ako sa kaniya. “Dito lang din,” sagot ko at kampante naman ako na mas ligtas siya doon kesa sa pakalat kalat siya sa mga kalsada ng lugar na ito. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD