Chapter 25 - Training

1830 Words
Vince’s Point of View -August 3, 2024- Lumipas ang dalawang araw, ay wala kaming ginawa kundi ang magbawi ng aming lakas sa mahabang byahe na aming nilakbay noon. Matapos ang nangyari noong salo salo namin ay pasalamat ako na hindi ako ginulo ni Dan. Akala ko tatanungin nanaman niya ako. Sa ngayon, ay umaga na at kung susumahin ko ang oras ay siguro ala siyete ng umaga. Tumutulong ako ngayon sa mga gawain ng aking mga kasama dahil hindi naman ako yung tipo na kayang makita na lamang na nagtatrabaho ang iba habang ako ay isang bisita lamang sa isang lugar. Gusto ko ipakita sa kanila na hindi lang ako basta dagdag bagahe nila, nais kong maipakita na isa akong pares ng mga kamay na kayang tulungan sila sa kanilang gawain. Kahit sa maliit na paraan lamang ako makatulong sa kanila ay sobrang saya ko na. Basta malaman nila na may silbi ako sa lugar na ito at hindi lamang basta isang palamunin. “Magandang umaga,” bati ko sa mga taong dumadaan sa aking direksyon at kagulat gulat man ay napaka masayahin ng mga tao rito. Lahat ng mga nakakasalubong ko ay palaging may ngiti sa kanilang mga labi at masasabi ko na sobrang nakakagaan sa puso na makita ang kanilang mga ngiti sa kanilang mukha. Hindi ko inaasahan na ganito sila kabuti. Nakangiti akong nagwawalis ngayon sa pali paligid. Elle’s Point of View -August 3, 2024- Umagang umaga ay mayroon na kaagad na umiistorbo sa aking buhay. Madaling araw pa lang ay iniistorbo na ako ng doktor. Ang sabi niya ay magtatraining daw kami. Dito sa kabundukan? Hindi ko makita kung paano ko rito mahahasa ang abilidad ko para pasukin ang utak ng mga tao. “Ano ba naman yan!” reklamo ko ng sumayad sa akin ang matinik na sanga na hindi ko malaman. Nagtuloy tuloy lang kami sa paglalakad at wala namang pake ang doktor sa mga reklamo. Nagrereklamo lang talaga ako para paringgan siya pero waepek ito sa kaniya. Talk about manhid. Maya maya ay nakarinig ako ng pag agos ng tubig. Balak ba niya na mag picnic kami? Never. Maya maya ay nasagot na ang aking katanungan nang makita ko na kung ano yung umaagos ang tubig at yun ang isang water fall. Sa itsura nito ay mukhang gawa ito ng mga tao at hindi ito dumaan sa natural na proseso. Pero hindi pa rin nito nasasagot ang aking katanungan kung bakit kami nagpunta dito. Inamoy ko naman ang aking sarili at hindi pa naman masangsang ang aking amoy. Wait... nababahuan ba ang doktor sa aking amoy? Hindi ko alam kung bakit... “Bakit po tayo narito?” hindi ko na napigilan ang aking sarili na maitanong sa kaniya ang dahilan kung bakit niya ako dinala rito. Masakit man aminin ay parang itinitiwala ko na rin sa kaniya ang aking sarili, dahil siya lang naman sa grupo ang maraming kaalaman tungkol sa mga mutation ng virus. “Gusto ko hasaain mo ang pag iisip mo,” wika niya. Napataas naman ang isa kong kilay at napakunot naman ang aking noo dahil sa sinabi niya. “Erm, what do you mean by that?” tanong ko sa kaniya. “What I mean girl is that you will meditate here for hours,” sagot niya ulit sa aking tanong. Meditate? That boring stuff? No! “Why? Wala bang iba?” protesta ko sa kaniya. “You are easily distracted and you need to enhance your focus to strengthen your ability. What if the enemy has a stronger mental fortitude? I know kahit infected ay may ganun kang maeencounter,” seryosong pagkakasabi niya. Napaisip naman ako sa kaniyang nasabi at naalala ko naman ang nangyari sa amin ni Vince doon sa tindahan. Isang infected na gumulat sa amin. Hindi ko alam kung nasabi na ba ito ni Vince pero hindi ko pa rin naririnig na kanila itong pinaguusapan. Saka sa mga sinasabi ng doctor ngayon, mukhang hindi pa rin niya alam ang tungkol doon. “Nasabi na ba sa inyo ni Vince?” tanong ko sa kaniya. “Ang alin?” tanong niya sa akin pabalik. Hindi pa nga niya alam. “Tungkol sa isang infected na kayang mag isip?” pagtutukoy ko. “Ha?” hindi niya nga talaga alam. Akala ko naman sinabi na ni Vince nung nagmeeting sila. Mabuti na lang ay natanong ko sa kaniya ang tungkol sa bagay na ito. “Nung natrap kami sa tindahan nung isang araw ay mayroon kaming naencounter ni Vince,” panimula ko, dahil mukhang magiging mahaba ang aking mga sasabihin ngayon sa kaniya. “Isang infected na kayang mag isip, hindi ito katulad ng mutated infected, mukha lang siya na pangkaraniwan, pero nung lumaban ito kay Vince, nabasa niya ang galaw nito at nakaiwas. Sa katunayan isa lang talaga itong pangkaraniwang infected pero mas matalino at madali lang din ito mapatay, hindi pa man ito kasing talino natin pero nakakatakot na makita na kaya na nitong depensahan ang kanilang sarili,” buong paliwanag ko naman sa kaniya. “Alam ko na parang hayop mag isip ang mga infected kaya natural lang na pwede itong umiwas sa unang mga suntok, pero yung pahirapan si Vince, ibang bagay na yan, at kung totoo man nga itong matalinong infected na iyong sinasabi, edi totoo ngang napakadelikado na ng mga bagay bagay ngayon,” sagot niya pabalik. Mabuti naman ay nagkakaintindihan kami. “Totoo talaga dahil nakita ng mga dalawa kong mata,” wika ko sa kaniya. “Kaya mas kailangan mo ng mamaster ang abilidad mo dahil hindi tayo hinihintay ng virus, tuloy tuloy ang pag mutate nito sa kada araw na lumilipas, isang natural evolution at gagawin nito ang lahat para maka survive, kagaya ng ibang nilalang sa mundong ito,” sagot niya sa akin pabalik. “Pero ang boring ng meditation,” reklamo ko ulit sa kaniya, akala ko naman ay maliligtas na ako ng mga sinabi kong impormasyon sa kaniya. Hindi pa pala. Kainis naman. “Hindi ko sinabi na magiging madali ang iyong pagsasanay at napaka importante ng abilidad mo at sa iyo na mismo nanggaling ang mga salitang iyan, kaya narito ako para tulungan ka mahasa iyang sandata mo,” paliwanag niya naman at mukhang nagsisisi na nga ako na sinabi ko ang mga salitang iyon sa una pa lang. “Agh.” Alam ko na kung paano ito dadaloy. Uupo ako sa ilalim ng water fall na yon habang magkakrus ang aking mga binti. This is a training to train your mind to avoid distraction while you keep your focus. Hindi nga masakit sa katawan pero masakit sa utak. Madali ba talaga ako madistract? Hays. Kaya naman pala na pinadala niya ako ng extra na damit. “Simulan mo na,” wika ng doktor at nanatili lamang siyang nakatayo sa kaniyang kinatatayuan ngayon. Wala siyang balak na samahan ako at ineexpect niya na rin na alam ko ang aking gagawin. Alam ko nga at hindi naman ako bata para subu subuan niya ng mga dapat kong gawin kaya gagawin ko na. Idinutdot ko naman ang isa kong paa sa tubig at ang lamig ay kaagad namang gumapang sa buo kong katawang. Potcha! Ang lamig grabe! Walang mangyayari kung para akong bata rito na magrereklamo. Ipinikit ko ang aking mga mata at tuluyan kong nilusong ang tubig. Malamig sa una pero habang papalapit na ako sa talon ay mukhang nag acclimate naman ang aking katawan sa temperatura ng tubig. Nararamdaman ko na ang mabibigat na pagbagsak ng tubig sa aking ulo at sakto naman ay may malaking bato sa gitna para aking maupuan kaya dumeretso ako roon at umupo. Nahirapan naman ako ng ipwesto ang aking sarili dahil sa pagbagsak ng tubig pero mas malakas ako rito kaya hindi nagtagal ay nakaupo na rin ako ng maayos. Hindi ko talaga maiwasan na isipin ang mga tubig na bumabagsak ngayon sa aking ulo. Ano ba naman iyan... Hindi ako makapagfocus. “Madali kang madistract.” Nag echo naman sa aking tenga ang mga sinabi ng doctor kanina. Pinapatunayan ko lang na tama ang kaniyang sinasabi. Kaya inayos ko ulit ang aking pagkakaupo at ipinikit ko ang aking mga mata. Linisin mo ang iyong isipan, focus... kailangan ko mas maging malakas ngayon. Tubig lang iyan. Linisin mo ang iyong isipan. Linisin mo ang iyong isipan. Vince’s Point of View -August 3, 2024- Tanghaling tapat na ay hindi ko makita si Elle at ang doctor. Tinanong ko naman si Dan ngunit wala akong nakuhang sagot sa kaniya kundi mga panunuya lamang. Si Allen naman, as usual walang pakealam sa kaniyang paligid. Pero hindi naman ako masyadong nag alala kasi ang doktor ang kaniyang kasama at sa pagkakakilala ko naman sa doktor ay hindi siya ang tipo na basta basta na lamang ilalagay si Elle sa kapahamakan. Kaya ngayon ay nakaupo ako sa isang gilid kung saan may lilim ng puno dahil tirik ang araw ngayon. Hawak hawak ko ang plato na may lamang kanin na inabot sa akin ng mga taga rito. Para talaga silang iisang pamilya dito. Iisa ang nagluluto ng pagkain at lahat sila ay may kaniya kaniyang responsibilidad para lamang mapatakbo ang kanilang komunidad. Napakaganda talagang pagmasdan ng ganitong bagay. May mga gusto pa akong itanong sa mga taga rito. Napag desisyunan ko na ngayon simulan ang imbestigasyon na aking binabalak. Tungkol sa gatherers nilang nawawala. Yung mga hindi na bumalik dito. Lumipas ang ilang araw na hindi ako pumayag na wala akong impormasyon na makakalap at sa pagkakaalam ko ay mukhang imposible talaga sa kanila ang bagay na iwan ang komunidad na ito. Dahil napag alaman ko na halos sa kanila ay may mga pamilyang naiwan sa lugar na ito kaya talagang napaka imposible nga naman na magawa nila ang bagay iyon. Mga bata pa ang kanilang mga anak, at mukhang wala namang magulang ang gusto na mawalay sa kanilang mga anak, maliban kung sila ay mga walang kwentang tao na kayang maatim na lumaki ang kanilang mga anak na walang magulang. Kawalan nila. Dahil hindi lang proteksyon ang nawala sa kanila, kundi ang pagmamahal ng isang pamilya. Sa labas ng komunidad na ito ay talagang napakaimposible dahil laganap ang pangtatraydor sa bawat isa kaya maswerte ka na lamang kung talagang makakakilala ka sa labas ng mga tao na talagang mapagkakatiwalaan mo. Dito sa mundo ngayon ay talagang dapat mong magawa ang mga bagay, kahit labag pa ito sa iyong moralidad para lamang ika’y mabuhay. Naging selfish na ang mga tao ngayon at iyan ang isang katotohanan na kailangan namin harapin. Ganun talaga wala kaming magagawa. Hindi ko naman hawak ang isipan ng mga tao. Sumubo ako gamit ang aking kamay. Masarap talaga mag luto taga rito. At isang pang kawalan sa kanila? Itong masarap na pagkain na kanilang hinahain, talagang masasabi mo na punong puno ito ng pagmamahal. Nagpatuloy ako sa pagkain at pagkatapos nito ay sisimulan ko na ang pagtatanong tanong sa kanila tungkol sa mga gatherers na nawawala. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD