Special Chapter (Tribute to Gregorios) (Sleeper)

2663 Words
Unknown Person’s Point of View “Happy New Year,” sigaw ni Kuya Frank habang hinahanda ang boga na gagamitin namin ngayon na paputok dahil bawal na ang mga piccolo o kaya ibang paputok na maaring makasakit sa aming lahat. Ito ay gawa lamang sa plastic na pinagdugsong dugsong at gumagawa lamang ito ng malakas na ingay katulad ng mga paputok. Walang kung anumang pwede makaputol sa aming kamay. Kilala rin ang boga sa tawag na sound cannon. Inisprayan ni kuya Frank ang dulo ng boga kung saan niya ito pipindutin para pumutok. Ang dahilan nito ay para makagawa ng pressure na siyang gagawa ng malakas na tunog. “Handa na kayo?” tanong sa amin ni kuya at tumango naman kaming lahat sa kaniya. “Sabay sabay tayong mag-bilang,” sigaw niya at inihanda naman ng iba ko pang kapatid ang kanilang mga hawak na boga. “3” “2” “1” Boom “Happy New Year!” sigawan naming lahat. Sagrado ang lugar namin kaya kakaunti lang ang bahay at wala kaming naririnig na ibang mga ingay bukod sa amin. Ngunit mayroon naman kaming isang kapit bahay na hindi nag celebrate ng new year ngayon. Hindi naman namin intindihin kung mag celebrate sila o hindi. “Handa na pagkain!” sigaw ni nanay Sonya sa aming mga magkakapatid. Lahat naman kami napalingon doon. Tumakbo naman ang babaeng bunsong kapatid namin papasok at nagsisunuran naman ang iba. “Ang mahuli pangit!” sigaw naman ng isa kong lalaking kapatid na si Joshua. Siya ay sampung taong gulang pa lang kaya nakisakay na kami sa kaniyang trip. Binilisan ko naman ang aking kilos para hindi ako mahuli at nakita ko naman si Kuya Frank na hindi gumagalaw sa kaniyang pwesto at nakatingala upang matanaw ang madilim na kalangitan na puno ng bituin. Di bale, hindi naman ako ang mababansagan ng pangit. Kaya medyo binagalan ko na ang aking kilos dahil sigurado akong hindi ako ang mahuhuli sa aming magkakapatid. Narating ko ang mesa na punong puno ng iba’t ibang putahe na niluto ni nanay. May spaghetti, may fried chicken hindi rin mawawala ang burger tsaka fries. Ang nakakuha naman ng attention ko ay ang fruit salad ni nanay na paboritong paborito ko. Nasa tapat naman ng fruit salad si papa at tahimik na nakaupo. Nakangiti siya habang pinagmamasdan kami na masayang masaya na nagsasalo salo. Napangiti naman ako dahil dito. Kinuha ko naman ang isang maliit na bowl para paglagyan ng fruit salad. Sumandok ako gamit ang isang kutsara mula rito. Tama lang ang dami na kinuha ko para naman makatikim ang iba. “Anna,” tawag sa akin ni nanay Sonya. Agad ko siyang tiningnan at may hawak itong plato na may lamang pagkain. Inaabot niya sa akin ito at kaagad ko namang kinuha. “Abot mo iyan kay Kuya Frank mo,” utos niya sa akin at inilapag ko naman ang bowl ng fruit salad ko sa mesa. “Opo nay,” tugon ko naman sa kaniya. Naglakad ako palayo sa mesa upang puntahan si Kuya Frank na nakatingin pa rin sa kalangitan. “Kuya pangit,” tawag ko sa kaniya. Agad naman niyang ibinaba ang tingin at nilingon ako. “Bakit liit?” asar niya sa akin pabalik. Umakto naman akong nainis sa kaniyang sinabi pero sanay naman na ako sa ganung pang-aasar dahil maliit naman talaga ako. “Ito pinapaabot ni nanay,” inabot ko sa kaniya ang pagkain at kaniya naman itong kinuha. Sumubo siya ng isang kutsara ng kanin at kumagat siya sa fried chicken na kasama non. Umupo ako sa kaniyang tabi. “Bakit nakatingin ka sa kalangitan kuya?” takang tanong ko dahil kada tuwing bagong taon simula ng mamatay si lolo ay ginagawa niya na ito. “Alam mo ba kung bakit ako nagpapatuloy na magpaputok kada bagong taon?” tanong niya sa akin pabalik. “Dahil bagong taon?” hula ko at yun lang naman ang obvious na sagot. “Eeengk,” pabirong wika niya at natawa naman ako run. “Mali, kasi naniniwala ako na patuloy pa rin tayong gagabayan ni lolo sa itaas, ginigising ko lang siya dahil napakahilig matulog ng matandang yon,” natatawa tawa niyang paliwanag. Miski ako ay napatingin na rin sa kalangitan habang pinapaliwanag niya ang mga bagay na iyon. “Pinagmamasdan ko rin ang mga bituin dahil sabi sa akin ni lolo nung mga bata pa tayo, na ang mga bituin ang kaniyang magiging pahingahan pag pumanaw na siya,” dagdag niya pa. “Kamusta na kaya si lolo no,” wika pa niya at napalingon  naman ako sa kaniya at nakakita ako ng lungkot doon. Nung buhay pa si lolo ay sobrang close nila, at palagi silang magkasama. Lumaki siya sa piling ni lolo noong nag abroad sila mama at papa. “Sigurado akong masaya si lolo na pinagmamasdan tayo rito,” wika ko naman at naramdaman ko naman ang pag akbay niya sa akin. Dumantal naman ako sa kaniyang katawan at sabay naming pinagmasdan ang kalangitan. Matapos ang ilang minuto ay napagdesisyunan kong balikan ang aking naiwang pagkain sa mesa at bumalik sa tabi ni kuya para dito na lang kainin. “Kuya kunin ko lang pagkain ko,” paalam ko sa kaniya at tumango siya sa akin. Pareho kaming tumayo at inabot naman ni kuya ang kaniyang boga at ako naman ay dineretso ang pagpasok sa bahay. Nakasalubong ko naman si nanay palabas. Nakarinig ako ng mga pagputok at narating ko naman ang mesa. Naabutan kong masayang kumakain ang aking mga kapatid kasama si papa. Kinuha ko ang bowl ko na walang laman. “Sino kumain ng fruit salad ko?” tanong ko at pinaningkit ko naman ang aking mga mata habang inililibot ko ito sa aking mga kapatid. Tinuro naman ng aking bunsong kapatid si Joshua na nakangiti sa akin ngayon. “Ikaw ha,” nilapitan ko siya tsaka ko kiniliti. “HOY!” sigaw ng isang lalaki sa labas. Napatigil naman kaming lahat sa aming ginagawa at nagsilabasan kami kasama ang aking mga tita sa kusina. Naabutan namin si Jonel ang aming kapitbahay kasama ang kaniyang anak na si Elisha sa aming tapat. Si nanay at kuya Frank naman ay galit na nakaharap sa dalawang tao. “Ano problema mo?” galit na tanong ni nanay kay Jonel. Sila ang aming kapit bahay na hindi nag celebrate ng new year ngayong taon. “Gabing gabi na oh,” sagot naman ni Jonel sa kaniya. “Natutulog na kami tapos ang bubulabog niyo pa,” reklamo pa nito. “Problema ba namin iyan? Kita mo namang bagong taon ngayon,” sagot sa kaniya ni Kuya Frank. “Aba, ang tapang mo ha,” may pananakot sa boses ni Jonel. “Tingnan natin sa presinto yang tapang mo,” banta nito. Hinila niya si kuya Frank at kaagad naman niyakap ni nanay si kuya para mapigilan ito. “Huwag mong hilahin ang anak ko ng parang hayop,” sigaw ni nanay kay Jonel Kailangan ko to i-video. Kaagad kong kinuha ang aking cellphone sa aking bulsa at agad kong binuksan ang camera app at pinindot ang record button dito at itinago ko naman ito para hindi makita ni Jonel. Parang lubid ay pinag aagawan ni nanay at ni Jonel si kuya, napansin ko naman ang kaniyang anak na si Elisha ay mayroob ding cellphone na nakatutok sa pangyayari. Hindi ko naman na ito pinansin at itinutok ko na lamang ang aking phone sa kaguluhan ngayon. Nagsimula namang umiyak ang aming bunsong kapatid dahil sa nakikitang pangyayari. “Ipasok mo nga yan si Krish sa loob,” sigaw ko kay Joshua dahil hindi pwedeng umalis ako rito. “Hindi niyo ba alam na labag na sa batas ang pagpapaputok,” wika naman ni Jonel. “Bulag ka ba?” uyam ni kuya kay Jonel. Pinuntahan naman ni tatay sila nanay. “Frank! Kumalma ka! Pagusapan natin ito,” gatong naman ni tatay hinahawakan sa balikat si kuya. Patuloy pa ring hinihila ni Jonel si kuya at nagpupumiglas naman dito si nanay. “Matapang ka lang dahil sa baril mo,” pilit na ginagatungan ni kuya ang apoy. “Gusto mo magkabaril?!” balik naman ni Jonel sa kaniya. “Edi magpulis kang payatot ka!” uyam ng pulis sa kaniya. “Hindi na mamamatay tao lang naman kayong mga pulis!” ganti ni kuya. “Gusto mong makatikim?” banta sa kaniya ni Jonel. Nakaramdam naman kami ng takot sa mga sinabi ni kuya dahil baka mamaya ay totohanin ni Jonel ang kaniyang mga sinabi. Nagpumiglas naman si kuya sa pagkakakapit ni nanay at hinarap si Jonel. “Subukan mo,” hamon ni kuya sa kaniya. “KUYA! TAMA NA!” sigaw ko. Pinipilit kong pigilin ang luha sa aking mga mata dahil sa takot na aking nararamdaman. “Hindi, gawin mo! Puro salita ka lang naman,” dagdag pa ni kuya pero pilit na nagtitimpi si Jonel sa kaniya. “Dahil sa inyo namatay ang lolo ko,” sisi ni kuya sa kaniya. “Likas lang naman sa inyo ang pumatay diba na parang hayop lang kami sa paningin niyo,” dagdag pa nito. “Kuya,” napaiyak na ako. “Isipin mo naman kaming pamilya mo,” dagdag ko pa pero nagbingi bingihan naman si kuya sa aking mga salita. “FRANK!” sigaw ni papa. “Tama lang naman iyon sa lolo mo! Kinakamkam ang lupa namin!” uyam ni Jonel kay kuya. Tiningnan naman ito ni tatay na may galit sa kaniyang mga mata at si kuya naman ay gustong gusto na suntukin si Jonel sa mukha, pero napipigilan naman ito ni mama. “Let go of him!” sigaw ng anak ni Jonel na si Elisha. Lumapit ito kela nanay at pilit na tinatanggal ang mga braso niyang nakaakap dito. “NO! YOU LET GO OF HIM!” sigaw ni nanay pabalik. “HOY! HUWAG MONG SIGAWAN ANG ANAK KO KUNDI MASASAPAK KO BUNGANGA MO!” sigaw ni Jonel kay nanay. Lalong lumakas ang mga iyakan at pati ako ay humahagulgol na. Hindi ko alam kung maayos pa ba ang pagkuha ko ng video. Nagsisigawan naman ang aking mga tita at tito pilit na pinipigil ang tumataas na tensyon ngayon. “SUBUKAN MO LANG! HINDI KO ALAM KUNG SAAN SA BABOY MONG KATAWAN LILIPAD KAMAO KO!” balik naman ni kuya kay Jonel. “TAPANG MO RIN TALAGA NO?!” pilit niyang hinihila si kuya. Sumali naman ang kaniyang anak at pilit na tinatanggal ang kamay ni nanay sa kaniya. Nang matanggal niya ang isang kamay ni nanay ay dumeretso naman ang kaniyang kamay sa buhok ni Elisha. Sa pagkakataong ito sobrang gulo na talaga ng paligid. Umatras naman si nanay para masabunutan ang bata, natuon naman ang atensyon ni Jonel sa kamay ni nanay. “BITAWAN MO ANG ANAK KO!” hindi niya pa rin tinatanggal ang pagkakahila kay kuya. “BITAWAN MO RIN ANG ANAK KO!” sigaw ni nanay pabalik. “Hindi naman kami tatakbo, andito lang kami!” dagdag pa nito. Binitiwan naman ni mama si Elisha at bumitaw din si Jonel kay kuya. “Huwag mo kaming hilahin!” sigaw pa nito. Nag-init naman ang aking dugo nang makita ko si Elisha na lumapit kay nanay at hinampas ito ng malakas. Rinig ko ang lagapak ng kaniyang hampas dito. Gusto ko silang sugurin pero nanghihina ako. “LET GO!” sigaw ni Elisha kela nanay at kuya. “NO! SIYA ANG I-LET GO MO!” sigaw ni nanay pabalik. “MY FATHER IS A POLICE MAN!” sigaw ni Elisha at nilagyan ng diin ang mga salitang iyon. “I DON”T CARE EH EH EH!” uyam ni mama at nilagyan pa ito ng tono katulad sa kanta ng isang k-pop group. “P*TANG IN* MO! GUSTO MO TAPUSIN NA KITA NGAYON!” sigaw ni Jonel at may hinugot siya sa likod niya at naglabas ng baril. “HUWAG!!!” sigaw ko. BANG! BANG! “MA!!!!” sigaw ko at napaatras naman si tatay. Lahat kami ay nagulat habang pinapanood namin na bumulagta ang walang buhay na katawan nila nanay at kuya. “MA!!!!” sigaw ko pa ulit. BANG! BANG! “Hayop ka!” sigaw ko nang muli niyang pinaputukan ang ulo nila nanay at kuya. Si Elisha ay patuloy pa rin sa pag record sa kaniyang cellphone. Pero kitang kita ko sa kaniya ang gulat at siya mismo ay napaatras sa ginawa ng ama. Tumakbo naman si Jonel papasok sa kaniyang bahay at sumunod naman dito ang anak nang mahimasmasan ito. “PAPATAYIN KITANG HAYOP KA!” maluha luhang hinabol naman ni tatay si Jonel. Naibagsak ko naman ang hawak kong cellphone. “WALANG HAHAWAK SA BANGKAY!” sigaw ni tito. Halos lahat kami ay napaluhod sa aming nasaksihan. PINATAY NG WALANG AWA ANG AMING KAPAMILYA SA HARAP NAMIN! Napahagulgol ako, at pilit na inaabot ko ang katawan nila nanay at kuya pero pinipigilan ako ni tatay. Lungkot at galit ang aking nararamdaman ngayon. Mas nananaig ang galit kapag naalala ko ang walang kaekspre-ekspresyon na pagmumukha ni Jonel habang binaril ang aking kapamilya na walang kamalay malay sa kanilang kamatayan. MAPUPUNTA KA SA IMPYERNO! SATANAS! Tiningnan ko naman ang mukha ni nanay na nakaharap ngayon sa amin. Nakita ko ang kaniyang nakapikit na mga mata habang bumabaha ang kaniyang sariling dugo. “MA!! GISING!” sigaw ko umaasang nagpapatay p*****n lamang sila. “K-KUYA!! GUMISING KA RIYAN! KAKAIN PA TAYO!” sigaw ko pa ulit. “TITINGIN PA TAYO SA KALANGITAN!” dagdag ko. “MA!! GUMISING KA RIYAN! KUYA IMULAT MO YANG MATA MO!” sigaw ko habang humahagulgol. “Napakayabang mo!” rinig ko namang sigaw ng tito ko sa may kalayuan. “Anak,” pigil sa akin ni tatay na umiiyak na rin sa aking likuran ngayon. “Pagpahingahin mo na sila,” dagdag niya pa. “HINDI TAY! NATUTULOG LANG SILA!” hindi ko kayang tanggapin. “KUYA! NAY! SIGE NA OH! Gumising na kayo,” umaasa pa akong buhay pa sila. Hindi ko talagang kaya tanggapin. “Anak,” bulong ni tatay. Binuhat niya ako papasok sa bahay. -3 months later- Ilang buwan na rin ang nakakalipas simula nung mangyari ang aksidente na nagbago sa aking pananaw sa mundo. Hindi pa rin ako nakaka move on sa pagkamatay nila kuya. Labis ang aking galit sa mag ama, at nararapat lang ang ginawang pag trato sa kanila ng publiko. Lalong lalo na ang kaniyang anak na nabully sa social media pati na rin dito sa aming lugar. Hindi naman na nakakalabas ang mag asawa dahil sa kahihiyan at nasa kulungan ngayon ang demonyong si Jonel. Tiningnan ko naman ang larawan na hawak-hawak ko ngayon. Ang larawan ni kuya na gumraduate sa elementary katabi si nanay. Muli namang bumuhos ang aking luha at pumatak naman ito sa kanilang larawan. Tumingin ako sa kalangitan na puno ng bituin kagaya ng ginagwa ni kuya noon. “Kuya, nanay, bumalik na kayo rito,” bulong ko. “Hindi ko na kaya,” dagdag ko pa. “Anak,” bulong ng boses ni nanay. Agad naman akong napalingon. “Liit,” sa pagkakataong ito boses naman ni kuya ang narinig ko. Napatayo ako sa aking pagkakaupo at inilibot ang aking paningin pero hindi ko sila nakita. “Kuya! Nanay!” tawag ko. “Kaya ko silang ibalik sa’yo,” bulong isang boses sa aking isipan. Napaluhod naman ako run at muling bumuhos ang akig luha. “Nagmamakaawa ako sa’yo,” tangi ko lang nabanggit. “Tanggapin mo ako at muli kayong magkakasama,” bulong niya ulit. “Gawin mo na ang gusto mo,” wika ko. Nagdilim ang buong paligid at nang bumalik na ang aking paningin nakita ko si nanay at kuya pinapapunta ako kanilang piling. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tumakbo papalapit sa kanila. Niramdam ko ang init ng kanilang yakap at nagdilim naman ang buong paligid. Tsaka ako nawalan ng malay. -Raging Minds-  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD