Chapter 24 – Just A Feast

1747 Words
Vince’s Point of View -August 1, 2024- Nagtuloy tuloy ang aming usapan ni Dan habang kami ay kumakain at lubos naman ang aking pasasalamat nang tumigil na siya sa kakatanong tungkol sa aming dalawa ni Elle. Maayos naman talaga siyang kausap. Talagang hayok na hayok lang sa kwentong pag ibig, palibhasa ay hindi pa nakikita ang kaniyang man of her dreams. No offense pero ganun talaga ang kaniyang sitwasyon ngayon. Masarap ang pagkakaluto nung adobo at mas lalong nagpapasalamat ako sa aking sarili nang makita ko na nag hain sila ng menudo sa hapag kainan. Isa rin ito sa mga paborito kong pagkain. Ito pala yung niluluto nung lalaki kanina. Hindi na ako nag alinlangan pa at kumuha ako kahit mainit pa yung menudo. Kinuha ko yung karne na may taba at laman dahil yung lasa ng taba ay malinamnam tapos haluan mo pa ng kanin na may sarsa nito. Sarap talaga. Kumuha naman ako ng carrot at patatas na siya namang lahok sa pagkain at sinubo ito. Nagustuhan ko yung texture at lambot nito, para bang natutunaw ito sa loob ng iyong bunganga. Hindi man ganun katamis pero tama lang ang lasa nito. Hindi masyadong nakaka overwhelm ang lasa nito. Ang carrots naman ay hindi kasing lambot ng patatas pero pag kumagat ka rito, yung crunchy factor nito ay talagang nakaka satisfy, at ang isa pa ay simula pa lang sa pagkagat mo rito ay lalabas na ang matamis na katas nito na siya naman inabsorb nito habang niluluto. Lasang lasa ko yung tomato sauce na siyang main ingredient ng sarsa. Yung adobo naman ay sobrang lambot ng karne at yung marinade na toyo at suka tamang tama ang pagkakatimpla at may tamis ka pang malalasahan. Hindi nakakairitang nguyain dahil matigas yung laman. Talagang masasabi mo na lutong luto ang mga hinain nila. “Alam mo ba nung nag mock trial kami nakatapat ko yung malditang babae na sobrang yabang,” natatawang pagkakasabi niya. Nagkekwento siya sa akin ng mga karanasan niya nung siya isang kolehiyana sa isang law school. “Anong nangyari?” tanong ko sa kaniya para naman maipakita ko na may interes ako sa kaniyang mga sinasabi. “Nilampaso ko, ipinakita ko sa buong klase kung gaano siya kabobo puro patira lamang sa mga uhaw na uhaw na lalaking kaklase ko kaya mataas ang grado,” walang hinay hinay ang kaniyang mga salita pero natatawa siya. Nahihiya naman akong tumingin sa mga naging katabi namin habang nakain. Pero hinahayaan ko lang siya mag salita. “Tapos alam mo ano nangyari pagkatapos nun?” tanong niya ulit sa akin. “Ano?” tanong ko sa kaniya habang ako naman ay sumusubo ng pagkain sa aking bunganga at ninamnam ang sarap ng pagkakaluto nito. “Nagshift ng course kaya nagalit sa akin yung iba kong lalaki na kaklase,” sagot niya at tumawa naman siya. Pinagmasdan ko ang mga tao na kumakain at matagal tagal na rin ako hindi nakakaranas ng ganito sa aking buhay. Punong puno ng saya. Gusto ko man itigil ang oras at hayaan ko na lamang na habang buhay nangyayari ito ay hindi ko magawa. Uminom ulit ako ng tubig sa bagong kuha naman ni Dan na baso. Siya taga kuha ko ng tubig. Hindi niya naman ito pansin dahil sobrang abala siya sa pagkekwento sa akin. Hinahayaan ko lang siya... . . . . . . . . . . Natapos ang kainan at masasabi ko na isa ako sa mga taong huling natira sa hapag kainan... at talagang ramdam na ramdam ko ngayon ang pagkabusog ko. Pakiramdam ko ngayon ay botchog na ang aking tiyan dahil sa sobrang dami ng aking nakain ngayon. Nakahanap naman ako ng bakanteng upuan at ako ay naupo roon para maipahinga ko ang aking sarili. Ramdam ko na rin ang bigat ng aking tiyan at hindi ko na rin pinansin ang ibang tao na siyang abala abala sa kasiyahan ngayong gabi. Sobrang clear ng kalangitan ngayon at kitang kita ko ang mga bituin na siyang nagpaganda ng kalangitan ngayon. Kumikinang kinang pa ang mga bituin at sobrang ganda pagmasdan nito. Sariwa naman ang simoy ng hangin. Ang sarap amuyin kaya ang ginawa ko ay tumambay muna ako dito at hinayaan na lamang ang simoy ng hangin na dumaan sa aking tapat. Mamaya ko na lamang hahanapin yung dalawa dahil sobrang bigat pa talga ng aking tiyan at pakiramdam ko na para akong susuka pag gumalaw ako ng gumalaw. Hinayaan ko naman ang aking sarili na mamahinga. “Nabusog ka?” Mukhang hindi ko na kailangan hanapin ang dapat kong hanapin mamaya dahil siya na mismo ang humanap sa akin. Hindi ko na itatanggi, sobra sobra ang ang kilig na nararamdaman ko ngayon. “Ay nandyan ka pala,” hindi makapaniwalang pagkakasabi ko. “Talaga lang ha,” wika niya at ramdam ko ang pagkainis dun. “Pakunware ka pa na hindi mo ako napansin,” wika niya. “Oi, hindi talaga kita napansin,” depensa ko naman para sa aking sarili. “We...” wika niya. “Oo nga!” napasigaw ako. “Sige sabi mo e,” wika niya at umupo na lang siya sa tabi ko ng basta basta. E, ganun lang kadali? Well, that works for me, hindi naman ako nagrereklamo. “Kumain ka na ba?” tanong niya ulit sa akin at tumango naman ako sa kaniya habang ako ay nakatingin sa kalangitan. Tumabi siya sa akin at naramdaman ko naman ang pagdikit ng balat ng aming mga braso. Ako naman ay ginagawa ko ang buo kong makakaya na pigilin ang nararamdaman ko ngayon. ACK! Isinandal niya ang kaniyang ulo sa aking braso. “Inaantok na ako,” wika niya. Sige lang handa ako maging unan mo sa buong gabi. Masyadong nakaka over whelm ang nararamdaman ko ngayon, hindi ako makapaniwala na ganito ang aking nararanasan ngayon mula sa kaniya. She is so very sweet. Kaya talaga minsan hindi ko alam kung nag papafall na lang siya sa akin or, kung ganiyan talaga treatment niya sa ibang tao. Ako naman kasi masyadong nadadala sa paspecial treatment niya sa akin kaya masyado akong nadadala sa mga paganiyan ganiyan niya sa akin. Hindi ko alam kung may gusto rin ba siya sa akin or wala. Umaasa lang ako sa wala, sa isang void pero ako namang tanga ay mas pinili kong kumapit sa obvious na patibong na ito. Nung una pa lang ay obvious naman na ganito talaga siya. Pero ang puso ko naman ay nagpalinlang dito. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Kailangan ko talaga ng tulong. Kailangan ko na hilahin niya ulit ako pataas o tapakan niya ang aking paa para tuluyan na akong bumagsak sa mataas na banging nagbabadya sa aking kapalaran. Hayaan niya na lang na mabiyak ang aking puso. Tanggap ko naman na nung una pa lang kaya hinding hindi na ako magtataka kung talagang ayaw niya sa akin pero akin namang tanggap ko na ang consequence sa aking mga desisyon. Kahit alam kong masakit. Hinding hindi ako susuko sa aking mga gagawin. Nakaupo lang ako rito at nakatingin sa mga kaulapan. Binaling ko ang aking atensyon sa kaniya nang makalipas na ang ilang minuto talagang pinalipas ko lang umaasa na nakatulog na siya sa aking mga bisig. Nang makita ko siya nakapikit ang kaniyang mga mata ay tila bang isa siyang magnet at kahit gustuhin ko man na alisn ang aking paniningin sa kaniya. Napakaganda niya. Kahit ano pang sabihin ng ibang tao sa kaniya. Pawis man ang kaniyang mukha ngayon, sasabihin ng iba ay haggard na siya. Pero para sa akin, napaka perpekto niya parin. Ang t***k ng aking puso ay bumibilis sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Gusto ko pahirin ang kaniyang pawis, pero hindi ko magawa. Talagang pakiramdam ko na hindi ko na siya nirerespeto at tinetake advantage ko ang kaniyang pagiging tulog. Kaya hanggang tingin na lang ako. Gusto ko marinig mula sa kaniyang mga labi na ako ay gusto niya. Nakita ko naman si Dan sa may kalayuan nang mapag desisyunan kong alisin ang aking paningin sa kaniya baka mamaya ay mahuli niya ulit akong nakatingin sa kaniya. Suot suot nanaman ng babaeng to ang ngiting ayaw na ayaw ko makita sa kaniya. Ayan nanaman. Siya lang kasi ang nakakaalam na may gusto ako sa babaeng to. Iniwas ko na lang ang aking paningin sa kaniya. Kinakabahan ako sa mga tingin na iyon e. Ninanamnam ko ang tamis ng sandaling ito at ayaw ko naman masira ito dahil sa kaniyang tingin. Pinagmasdan ko na lang ang masasayang tao rito. Salamat, Grace, Mama, at Papa. Dahil sa inyo narito ako ngayon. Sobrang hinihiling ko naman sa aking sarili na kasama ko ngayon kayo dito sa aking tabi nakikita ang mga taong masasaya na nagkakainan. Pangako ko sa aking sarili, na hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ibinigay niyo sa akin. Hinding hindi ko itatapon ang buhay na ito. Pero isa pang pangako ko sa aking sarili ay ang maipaghigante kayo. Hinding hindi ako papayag na hindi magbabayad si Makarov at ang kaniyang grupo dahil sa mga kanilang ginawa. Ang ginawa nilang pagsira sa mundong ito. Ang pinaka dahilan kung bakit wala kayo ngayon sa aking tabi. Pangako ko sa aking sarili iyan ma, pa, grace. Ipinikit ko ang aking mga mata at inimagine ko sa aking sarili na ang mga dumadampi hangin sa aking balat ay ang kanilang pagyakap. Talagang namimiss ko na ang init na kanilang akap. Ang saya na ibinibigay nila sa aking puso. Hinding hindi ako papayag na wala sila sa aking ngayon. Sobrang namimiss ko ang kanilang maiinit na mga ngiti. Kada uuwi ako sa bahay. Yun ang aking masasalubong. Talagang nararamdaman ko ay nasa isa talaga akong bahay ng aking pamilya. Napakagandang pagmasdan ng mga ngiting iyon. Tapos yung makukulit pa na pagsalubong sa aking kapatid. Talagang hanggang pag ala ala na lang ako ngayon. It’s a bittersweet moment for me now. Talagang kahit masakit ay gusto ko pa rin balik balikan. Martyr na ba ang maitatawag sa akin? Dahil gustong gusto ko na saktan ang aking sarili. Hindi ko man nais na iyon ang mangyari sa akin pero wala akong magagawa. Hanggang doon na lang talaga. Kailangan ko na tanggapin na wala na sila rito sa aking tabi. Nasa kabilang mundo na sila sama sama at pinagmamasdan ako rito sa mundong ibabaw na punong puno ng pagdurusa. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba. Sana ay kayanin ko pa. Kaya ko pa! -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD