Chapter 33 - Sleep

1799 Words
Elle’s Point of View -August 9, 2024- Nakatingin ako kay Cass ngayon mahimbing na natutulog at ang kaniyang braso ngayon ay balot na balot ng b*****e, dahil naging malala ang kaniyang mga natamong sugat. "Saan mo siya nakita?" tanong sa akin ng doktor. "Sinugod niya na lang ako umiiyak," sagot ko sa doktor. Tumingin siya sa akin, at kaagad namang tumingin ang doktor kay Vince na isang araw ng walang malay. Palala na ng palala ang kaniyang kalagayan. Sobrang nababahala ako dahil isang araw ay hindi ko na alam kung ano ang kaniyang magiging kalagayan. Tumingin din ako sa kaniya pero, nagising si Cass kaya pareho naman kami ng doktor, na tumingin sa kaniya. “Cass,” bulong ko naman as I hear her groan in pain. Bigla siyang umiyak ulit at hindi talaga ako sanay na na makakita ng batang umiiyak dahil for some reason ay nakakarinig ako ng kung ano ano sa aking isipan. Maybe this is some sort of side effect of my mutation. Alam kong nasabi ng doctor sa akin habang kami ay pabalik sa lugar na ito na huwag ako matatakot na iexplore ang aking kakayanan, dapat daw alamin ko ang kahinaan at ang lakas. He also said that I should not be afraid to cross the limits, because in that way ko lang daw malalaman kung hanggang saan ang extent ng aking mutation. Depende raw yun sa imagination ng mga tao. “Ate,” tawag niya sa akin. May accent ang kaniyang boses... masasabi ko na alaga talaga siya ng magulang. I would say that she is around 7 years old at talagang masasabi ko na inaalagaan siya ng kaniyang mga magulang. At mukhang recently pa lang nangyari yun... nakatulog siya ulit. Nung gabing iyon ay dinala ko siya pabalik sa komunidad habang iniwan ko naman si Vince doon, para humingi ng tulong. Mabuti na lang ay hindi pa ako nakakalayo ay nakita ko na ang doktor dahil sobrang anxiety talaga ang aking nararamdaman that time. Paano kaya kung may nangyari sa kaniya, things like that. There are more thing running inside my mind and I don’t want anxiety ratting out my mind. So, ayun after a day hindi pa rin nagigising si Vince at ayun hinayaan lang nila ako na bantayan ang dalawang ito. Honestly, I am thankful and pissed at the doctor that time, kasi kung wala na siyang pinuntahan nun. Hindi na sana nilampasan ni Vince ang kaniyang limits. Kahit ako rin ay hindi makapaniwala sa mga nakita ko. Akala ko hanggang pelikula ko lang makikita ang ganung klase ng bagay. Yung katawan niya nagiging buhangin at hindi ko rin maipaliwanag bakit. “Dok,” tawag ko sa kaniya at mag paggalang pa sa tono ko dahil may kailangan ako sa kaniya hehe. “Bakit ija,” tugon niya sa akin at humigop naman ako ng hangin at nilaliman ko na ito. “Gusto ko lang po sana itanong sa inyo,” wika ko. “Ano iyon?” “Si Vince naging buhangin,” wika ko at gusto ko mapatampal sa akin noo dahil narealize ko kaagad ang aking nasabi. Nakita ko naman na napataas ng kilay ang doktor sa akin nasabi. Bullshit talaga Elle, dami dami mong pwede masabi, ganun pa talaga. “Ha?” At ayun na nga. Mas lalong nagtrigger sa pagkaramdam ko ng cringe sa aking sarili. “I mean literal talaga na naging buhangin siya,” wika ko. “As in naging buhangin?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako na parang isang bata. Napakamot naman siya sa kaniyang baba. “Alam mo ija,” wika niya at ako naman ay nakikinig lang sa kaniyang mga sinasabi. “Hindi ko masasagot yang tanong mo,” dagdag pa niya na siya namang ikinakunot ng aking noo, at bumagsak ang aking mga balikat. “I don’t mean to let your hopes down, but every mutation, is just a simple mystery, if that didn’t happen,” ha? Anong nangyari? May hindi ba siya sa sinasabi sa akin? Hindi naman sa obligado siya na sabihin sa akin ito. Pero come on! Sobrang nacucurious na ako ngayon. “Without research, it’s just a simple fantasy speculation for me, because that one who possess that situation is the only one that can fully understand their power, for example, yung aking mutation, kaya kong banatin ang bawat limbs ko, tapos ako lang talaga ang nakakaalam kung ano ba ang limitation ko, at kung hanggang saan ang makakaya ko, gets?” paliwanag niya pero wala akong naintindihan sadly. What are you saying magic man? Pero I am certain na hindi niya ako matutulungan. “Ate,” naagaw naman ni Cass ang aking atensyon. Akala ko nakatulog ulit siya pero... “Cass,” tawag ko ulit sa kaniya. Gusto niyang tumayo, kaya tumayo ako sa aking pagkakaupo at lumapit ako sa kaniya. I don’t have a clear idea how to take care of a child but here goes nothing. Itinayo ko siya, sa pamamagitan ng paglapat ko ng aking palad sa kaniyang likod at marahan ko siyang itinayo. “How are you?” tanong ko naman at may pagka gentle sa aking boses. “Where’s my mom and dad ate?” tanong niya sa akin. Nanuyo naman ang aking lalamunan dahil sa kaniya na mismo nanggaling na ang kaniynag mga magulang ay pinatay. At the same time nakaramdam din ako ng awa towards this little girl. She is treating what happened to her last night, she is treating like everything what happened that night was nothing but a mere creation of her little mind. Naramdaman ko naman ang pag hawak ng doktor sa aking balikat at napalingon naman ako sa kaniya. Nang magkatinginan naman kami ay nakita ko na iniiling niya ang kaniyang ulo. Alam ko ang kaniyang gustong iparating sa akin na sabihin ko ang buong katotohanan sa batang ito. As much as I want to tell her that. There is this feeling inside me, that I wanted with all my strength and capabilities, na iligtas siya trauma. And I know its consequences, at baka ako pa ang maging dahilan kung bakit siya magiging delusional. I don’t want that to happen. “I’m sorry dear but your parents are...” napatigil ako nang makita ko na lumuluha luha na ang kaniyang mga mata. There is no other way. “Dead,” itinuloy ko ang aking sasabihin. Siguro namamanhid na siya kagabi kaya kaswal niya na lang nasabi sa akin na patay at pinatay ang kaniyang mga magulan. Sinugod ko siya ng aking mga bisig at niyakap ko ang batang ito. Naririnig ko ang mahihina niyang paghikbi at hinimas himas ko ang kaniyang ulo. Ang kaniyang buhok ay sinusuklay ko gamit ang aking mga daliri. “I’m sorry.” Vince’s Point of View -Time Unknown- Pelikula, minsan ay hinihiling ko na lang talaga na nasa iisa tayong pelikula kung saan ang bawat kilos natin ay tapos ng diktahan ng bawat salita, na isinulat ng isang pluma sa papel. Dahil magkalayo man tayo sa isa't isa, ay alam kong may pag asa ako sa iyo. Wala itong alinlangan na siyang gumugulo sa aking isipan kung minsan. Bundok, dagat, anuman ang naghihiwalay sa ating dalawa ay walang pipigil sa akin. Walang imposible sa isang pelikula, dahil sinta ako ang manunulat na siyang magdidikta nito. Ibibigay ko bawat talaga sa sansinukob na kung saan ay isa lamang tayo sa buhangin na bumubuo dito. Tanging hiling ko lamang ay mabigyan ako ng isang gabi, kapiling ka, sa gitna ng ulan, sa gitna ng kalsada. Tayong dalawa, magkahawak ang kamay, isinasayaw kita habang may mga ngiti sa mga labi natin. Ang ating mga mata ay hindi maalis ang tingin sa isa't isa. Sa pagkakataon na iyon ay sasabihin ko na sa iyo. Ano nga ba ang nararamdaman ko. Ngunit sinta, ang ating pagtatapos ay hindi ko kayang idikta gamit ang aking pluma't papel. Nakakatakot. Sa realidad, ay malayo ito. Hanggang pangarap na lang ba kita? Ang landas patungo sa kaniyang puso ay punong puno ng mga tanong, hindi ko alam kung ano ba talaga ang mangyayari sa akin kapag nasabi ko na sa kaniya ang aking nararamdaman. Madilim ang paligid ngunit, kitang kita ko ang aking sarili na nakatayo sa gitna ng dilim. Para bang may isang spotlight na nakatutok sa akin, at sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag pero kaming dalawa lang ang nasa lugar na ito. Nakasuot ako ng tuxedo at siya isang white gown. Na para bang ikakasal na kami. Naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso. Sobrang natutuwa ako... Ito naman talaga ang gusto ko. Sa ganitong pagtatapos. Elle natatakot ako... “Tara,” wika niya at biglang umulan at nagulat naman ako dahil nang tingnan ko siya ulit ay lumayo siya sa akin. Nakaramdam naman ako ng lungkot sa aking puso. Lalakbayin ko nanaman ba ang malalayong lugar. Marating ko lang ang puso mo? Kahit nag aalinlangan ako ay inihakbang ko ang aking mga paa. Buong tapang ngunit nakapikit ko itong tinahak hanggang sa hindi na lang ako nagmamalay ay tumatakbo na ako papunta sa kaniya. Isang minuto ko iyon ginawa at wala pa naman akong nababanggaan. Nagulat ako dahil, nang unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Nagkakulay ang mundo sa aking likuran. Turned out na nasa gitna ako ng kalsada ngayon. Ang mundo... Para bang walang infected. Ayos pa ang mga bahay. May mga ilaw sa bintana at ang pagbatok ng mga aso ay aking naririnig, For some reason napakaganda nito sa aking pandinig kumpara sa mga ungol ng mga gutom na infected. Pero ang tatahakin ko pa lang na landas, ay madilim. Pero hindi na ako nagpatinag dito at itinuloy ko na lang ang aking pagtakbo. Papunta sa kaniya. Siya lang ang natatanging babae na humugot sa puso kong nagtatago sa pinaka sulok sulokan ng aking dibdib. Hindi ko alam paano niya nagawa yun, basta nagmalay na lang ako na hindi ko na maialis ang aking paningin sa kaniya. Hindi ko alam bakit pero, ganun na lang talaga ang nangyari. Minahal ko na siya. Gusto ko man hawakan ang kaniyang kamay, pero bakit ganun, palagi na lang siya lumalayo. Hindi ko lang talaga maintindihan bakit kailangan ko pa dumaan sa ganito. Hindi ko lang talaga lubos maisip kung ano ang mangyayari kung hindi siya dumati- AHHHHHHHH! Bigla na lang ako nahulog. “TULONG!” sigaw ko. Hanggang sa... . . . Napamulat ako ng aking mga mata at kaagad akong napatayo sa aking pagkakahiga. Akala ko ay namatay na ako dahil sa nahulog ako, pero mukhang hindi naman pala ganun ang nangyari. Palinga linga ako at nakita ko naman si Elle, nakaupo habang may isang bata na hindi ko kilala na nakaupo sa kaniyang, mga binti. “Gising ka na!” narinig ko ang doktor. Ha? -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD