Chapter 32 – The Struggle

1833 Words
Unknown Character's Point of View *Somewhere in the forest while the fight is going on* "Mom, pwede niyo po ba ako kantahan bago ako matulog." nakangiting sabi ko kay Mom. "Sige, sweetie" nakangiting tugon niya. "Twinkle, Twinkle Little Star" pagkanta niya sa paborito kong lullaby habang hinihimas ang mga pisngi ko. "How I wonder what you are" her sweet voice claims my ear. "Up above the sky so high, like a diamond in the sky" and then I started to feel sleepy. "Twinkle, Twinkle" she continued with her sweet voice. "How... I... Wonder... What... You... Are?" pagtatapos niya ng kanta. Bago pa man ako tuluyang makatulog ay may tumasak na kutsilyo sa leeg ni Mom at sumirit ang dugo sa akin. Nanlaki bigla ang mga mata ko at nakita ang isang lalaking nakasuot ng maskarang kulay pula. "Hello there little girl..." he said with a creepy voice and hit me a baseball bat in the head. Everything went black and I completely faint out. • • • *A FEW MOMENTS LATER* Minulat ko ang aking mga mata at natagpuan ko ang aking sarili na nakatali sa isang puno. Inilibot ko ang aking mga mata at may nakita pang dalawang batang katulad ko na nakatali rin sa puno. Umiiyak at halatang hirap na hirap na sila. Ako man din ay umiiyak na ngayon habang naalala ko ang nangyari kay Mom. Di ako makapaniwala na nawalan ako ng ina. Patay na si Mom, Hindi totoo to! SABIHIN NYO SA AKIN NA PANAGINIP LANG ITO! Ilang saglit lamang ay lumabas ang lalaking nakapulang maskara. Ma kahalong takot at galit ang bumalot sa akin. "Perfect! Three Little children" bilib sa sariling pagkakasabi niya. "Hi children, I'm Dan the Psychopath... Sounds friendly right?" parang batang pagkakasabi niya. "Di naman ako kasing sama ng iniisip niyo. Hahayaan kong mabuhay ang isa sa inyo HAHAHA at ang dalawa naman ay mamatay." ani niya. "Pero... Kayo ang may hawak ng kapalaran niyo kung mabubuhay ba kayo... Or die in the most brutal way that a child can't imagine" pagtutuloy nito. Kinakabahan ako sa mga sinasabi niya parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba. Nilapitan kami ng lalaki isa-isa habang kami naman ay patuloy sa pag iyak. "In other words let's play a game! We will have fun before the two of you die" "You're a m-monster! A Luna-Lunatic! Idiot!" nauutal na sigaw ng isang bata na kasama naming nakatali. Kitang kita ko sa mga mata niya na walang bahid "Nani?! HAHAHAHA!! WATCH YOUR TONGUE KID! BAKA PUTULIN KO YAN!!" sigaw nito. "Mr! Please let us go! Huhuhuhu gusto ko po makasama si Daddy at si Mommy please.... Huhuhuhu..." habang patuloy pa rin ito sa paghikbi. Tiningnan niya lang ito at pumunta sa harapan ko. Hinawakan niya ang baba ko at iniharap sa kaniya. Itinaas niya ang maskara hanggang sa makita ko ang labi niya. He smiled and kissed my Forehead. I was shock but I feel safe for no reason and scared at the same time. "You're so adorable as ever Cassandra..." nagulat ako sa mga sinabi niya. How did he know me? Nabalot ng kuryosidad ang aking isip kung sino ang nasa likod ng maskarang iyan. "But that doesn't mean na ikaw ang hahayaan kong mabuhay sweetie... Paghihirapan mo kung gusto mo pa mabuhay..." bumalik ang matinding kaba sakin matapos niya ibulong sa akin ang mga salitang iyon. Lumayo siya sa akin at ibinaba ang kaniyang maskara. "Now I'm gonna say this one and only rule. Kung sino ang maabutan ko ay mamatay at ang matitirang isa ay mabubuhay. Ibig sabihin ay hahayaan ko kayo tumakbo sa kagubatan na ito. You three are the three little pigs and I'm the Big Bad Wolf." pagkakasabi nito. Lumapit siya sa amin isa-isa at kinalagan kami sa pagkakatali. Third Person’s Point of View Napalingon si Elle at nakita niya ang infecte na akma na siyang sasaksakin nito kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang iharang ang kaniyang mga kamay para maprotektahan ang kaniyang sarili, at naipikit niya ang kaniyang mga mata. Naghintay siya ng ilang sandali ngunit wala siyang naramdaman at nang maimulat niya ang kaniyang mga mata, at wala na ang infected sa kaniyang harapan na siya namang nawala na. Nagtaka siya at kaagad niya namang nilingon ang bawat gilid, ngunit wala siyang nakita. Pero ang isang malakas na tunog ang umagaw sa kaniyang atensyon, isang malakas na labog, at doon ay nakita niya naman si Vince, na gumugulong gulong kasama ang infected na siyang kalaban nila. Si Vince naman ay nagulat kung paano niya nakokontrol ang kapangyarihan ng buhangin. Some sort of telepathic command over his body. Pero ang neuro ng bawat grain ng kaniyang katawan dahil linked ito sa kaniyang utak. Sadyang nagulat lang siya talaga kanina dahil kahit siya ay hindi inaasahan na basta kumapit lang sa kaniyang dugo ay automatically icoconvert ng kaniyang cells ang structure nito. Pakiramdam niya ay isa siyang sand man ngayon, at hindi niya maitatanggi kahit napaka cool pa nito tingnan ay sobrang naiilang siya sa feeling na iyon. Habang si Elle naman ay dumistansya para hindi siya madamay sa laban ng dalawa. “Sand Whip,” ito ang ipinangalan niya sa kaniyang galaw ng pahabaain niya ang kaniyang kamay bawat grain sa kaniyang katawan, at ihampas ito gamit ang kaniyang blade na nag ngangalang Sol. At naabot naman nito ang infected at nahiwa nito ang kaniyang pisngi, at ang buhangin ay nagpahapdi ng kaniyang sugat. Nagpakawala ito ng isang nakakabinging sigaw. Ngunit hindi rito nagpatinag si Vince at hindi siya tumitigil sa kakaisip ng mga paraan kung paano niya matatake advantage ang kaniyang panibagong buhangin. Ngunit kaagad naman nakatayo ang infected. Sumugod ito kay Vince na galit na galit, ngunit may gustong subokan si Vince sa natagpuan niyang kakayanan. Kagaya ng isang buhangin na nadala ng hangin ay ikinalat niya ang kaniyang sarili habang papasugod sa kaniya ang halimaw at sa gulat niya ay naging epektebo ito. Tumagos na para bang isa siyang multo. Ngunit kaagad niyang binuo ang kaniyang katawa, at naistuck naman dun ang kamay ng infected. Hindi niya maitatanggi sa kaniyang sarili na sobrang uncomfortable sa pakiramdam nito, at sinubukan naman kaagad ng infected na atakihin siya gamit ang isa nitong kamay. Tapos bigla namang kumalat ang kaniyang mukha dahil buhangin ang kaniyang katawan. At tumagos lang ang kaniyang kamay, sa ulo niya habang naka stuck pa rin ang kaniyang mga kamay, there are so many particles, na nakakalat ngayon sa hangin. Ang infected naman ay walang kaide ideya na papunta na rin ang patalim ni Vince sa kaniya. Nahiwa naman ni Vince ang kalahati ng kaniyang bunganga, dahil sa sobrang sakit ay napasigaw ang infected. Ngunit hindi run tumigil si Vince, sa pag atake habang naka stuck pa ang kaniyang kamay sa katawan ni Vince dahil sa naging buhangin na ang kaniyang katawan. Nagpatuloy siya pag saksak, sa katawan nito. Hanggang sa mapaghiwalay niya na ang ulo ng infected. Ngunit bago ito mamatay ay sumabog ang buong katawan nito at naglabas ito ng makakapal ng usok ngunit handa na si Vince sa ganitong sitwasyon. Kaya ang ginawa niya ay tinakpan niya ang kaniyang ilong at hindi muna siya huminga habang lumalabas sa usok na pinalabas ng infected na iyon. Nakalabas siya ng matiwasay na hindi nalalanghap yung usok na kayang magpatulog ng ilang tao. Naging nakakapagod ang laban at nakatamo si Vince ng ilang sugat at ilang segundo lamang matapos siyang makalabas sa makapal na usok ay biglang nag wear off ang epekto ng buhangin sa kaniyang katawan. Bumagsak siya at kaagad siya nawalan ng malay. Tumakbo naman papalapit sa kaniya si Elle. “Ito na nga sinasabi ko,” tarantang pagkakasabi niya sa kaniyang sarili dahil hindi niya alam ang gagawin kay Vince. “I am so sorry,” naiiyak na pagkakasabi niya dahil hindi man lang siya nakatulong sa laban niya. Iniayos niya ang pagkakahiga kay Vince sa isang puno at lumapit naman siya sa patay na infected. “Here goes nothing,” wika niya at inilapat ang kaniyang palad sa noo nito. Elle’s Point of View *Present Time* Habang tayo ay lumalaki, mas lalong dumarami at lumalaki ang isang halaman sa ating buhay. Halamang tinatawag ng lahat na responsibilidad. Minsan ay mapapaisip ka na lang, na nakakamiss talaga ang maging bata at maiintindihan na lang natin ang sinasabi ng mga matatanda. "Minsan lang ang maging bata" Oo, minsan nga lang at hindi na natin maibabalik ang panahon na nagdaan. Marami ang nangyayari at habang tayo ay tumatanda, mas lalo tayong nakukulong at nalilimitahan sa tanikala ng buhay na ito. Sa iba ay hindi ito ramdam, dahil sobrang haba nito, pero sa iba ay ramdam na ramdam na nila ang ikli nito at wala silang magagawa kundi ang pagsilbihan ang kanilang responsibilidad. Ngunit mararamdaman lang talaga natin na para tayong ibon na nakakulong sa isang hawla kung talagang iisipin natin na wala ng isasaya ang buhay. Kaagad naman akong nakabangga... Ng isang bata? Umiiyak ito. Isang batang babae. Ngunit mas lalo akong nabahala nung nakita ko na may mga galos ito sa kaniyang katawan lalong lalo na ang mga pasa sa kaniyang braso. Hinawakan ko ito at nahila niya lang bigla ang pasa. Medyo hilo ako sa nangyari dahil medyo lumalaban pa ang kaniyang isipan sa pagkakaroon ko ng access sa kaniyang memorya. Certified sinner nga ang isang ito, at doon lang ako nakakita ng kalupitan ng ibang tao sa mga inosente. Isang mahalagang okasyon, para sa isang trahedya. Hindi lang basta basta trahedya dahil kahit sino ay mararamdaman ang sakit na kaniyang pinagdaanan. Nakikiramay ako sa kaniya. Sobra sobra akong nalulungkot. Si Vince ay wala pa ring malay hanggang ngayon. At itong batang ito ay natatakot sa akin pero hindi rin siya tumatakbo palayo sa akin. “Ano pangalan mo?” tanong ko sa kaniya at may pag aalala sa aking boses. Hindi ko alam pero sigurado ako na hindi biro ang pinagdaanan ng batang ito bago niya ako mahanap. “Asan mga magulang mo?” dagdag na tanong ko pa. Ipinahid niya naman ang kaniyang braso sa kaniyang mga mata para pawiin ang luha niya. Look at what the world had become. “Dead, killed,” she said. At such a young age she has seen such things. Gusto ko siyang yakapin pero pag humahakbang naman ako papalapit sa kaniya ay lumalayo siya sa akin. I don’t know why she is acting like that. “You can trust me,” wika ko at pinapanatag ko ang kaniyang isipan. “It’s C- Cassandra,” nag aalinlangan pa niyang pagkakasabi sa akin. “Okay then Cass,” wika ko at pinaikli ko ang kaniyang pangalan. “Why are you out here in the middle of the night?” tanong ko sa kaniya. “There is a monster chasing me,” natatakot niyang pagkakasabi at after nun ay nagbreak down na siya kaagad. I don’t know what is scaring you little girl, but I promise that I will protect you in any way I can. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD